NAHIHILO ako sa ginawa namin ni Zid. Samahan pa ng mainit na buga ng usok na nanggagaling sa hot spring.
Nang lumusong kami sa hot spring, kumalma ng bahagya ang katawan ko. Masakit pa rin ang puwet ko. Nilapitan ako ni Zid at sinimulang halikan. Hinaplos ko ang matigas niyang braso papunta sa kanyang likuran. His body feels like a cactus that is pricking my skin. Namamanhid na yata ako at dama ko na ang panginginig sa aking katawan. Napasinghap ako dahil malapit na akong mawalan ng hininga dahil sa pagod siguro. "Hey! Don't pass out." Sabi niya. I just nodded.
Masarap sa pakiramdam ang paghaplos niya sa aking mukha. I stared nonchalant to those charcoal pale eyes. Honestly, bumibigat na ang mga mata ko.
Patawarin sana ako ng buong ka pack ko kapag nalaman nila ang tungkol sa amin ni Zid. Ang pagmamahal ko sa kanya ay walang kapantay. Bahala na pero ang puso ko ay mas matimbang ngayon kaysa sa pack.
NAGISING ako kinaumagahan sa huni ng mga ibon sa paligid. Mayroong mga kaluskos ng mga sanga galing sa mga hayop sa paligid. Nagising ako at may parang nagbabaging pa na mga unggoy sa itaas ng puno. Bakit nasa labas na ako at wala na sa pinasukan naming kuweba na may hot spring. Nagulat naman ako nang may tumanday sa aking katawan na hubo't hubad na lalaki. Ang kanyang braso ay nasa aking dibdib. I scowl. At bigla na lang muli lumikot ang kamay niya at naka-first gear sa aking p*********i.
Aba'y loko 'to! Sarap putulin ng kamay. "Good morning gorgeous." Bati niya sa akin at sabay halik sa aking pisngi.
Kumunot- noo ako at hindi ko siya sinagot. "Zid, paano tayo nakarating dito?"
"Nag-passed out ka. Kaya inilabas kita. At dito na kita ni-rape. Ang galing tumatayo pa rin." Sabay siyang humalakhak ng malakas at tiningnan ako ng nakaloloko.
"Adik ka!" Bahagya ko siyang siniko sa sikmura.
"Joke lang!" Tuloy pa rin siya mang-asar sa akin. "Grabe ang mga nagawa mo kagabi. Oh Zid! Oh gosh, Zid. Ah, ah I'm c*****g! I'm c*****g!" He's mocking me. Ang reaksyon ng mukha niya ay nakatatawa.
"Gago ka! Lumabas ba sa bibig ko ang pangalan mo?"
"Oo kaya." His eyes are glittering at ang mga kilay niya ay tumataas- baba.
"Baliw!" Sabay batok sa kanya. Tumawa siya ng napakalakas.
Kinuha niya ang aking mukha ko at muling nagdikit ang aming mga labi. Seryoso niya akong tiningnan. "Last night was the best day of my life. Thank you."
"Me too."
His beautiful smile shows again. Gusto ko talaga ang mga ngiti niya. Nakagagaan sa pakiramdam. "Yesterday, my father and I had a fight."
"Bakit?" Kunot-noong tanong niya.
"Dahil naamoy niya ang scent mo."
"Magbanlaw ka muna sa hot spring bago ka bumalik sa inyo." Sabi niya.
"Okay."
"Tapos, mag last round tayo?" Humalakhak muli siya. Hindi talaga ako makapaniwala na ang next Alpha ng rival pack namin ay nakabibiruan ko ngayon, nakauusap, nasasabihan ko ng problema ko ngayon, at higit sa lahat isa ko na siyang mate and partner.
Tumawa rin ako. "Ewan ko sa 'yo ang kulit mo talaga."
He sweetly grinned. "Wanna have some breakfast before our last round?" Ang tinutukoy niyang breakfast ay ang mag- hunt kami ng mga hayop sa gubat.
"Huwag na. Kailangan ko nang umalis. Grounded ako remember?"
"Oo nga pala." Sumimangot ang guwapo niyang mukha. Kahit saan mo yata siyang tingnan walang pangit sa kanya. Mas lalong gumandang lalaki siya nang sumimangot. Grabe attracted na ba ako sa kanya? Iba na talaga ‘tong pakiramdam ko, napakasaya sa feeling.
"Hey! We will see each other again. I will definitely find a way." Assurance ko sa kanya. Alam ko mutual ang nararamdaman namin at gusto talaga namin ang isa't isa.
His eyes glistening with joy. "Talaga sabi mo 'yan."
Nginitian ko siya. "Oo."
"Last round muna." Naningkit naman ang mga mata niya at nagpatuloy na biruin ako. Ngumiti ako at hindi ko na pinatulan ang pang-aasar niya sa akin, nagtungo na ako sa gawi kung nasaan ang hot spring.
Nagbanlaw na ako ng katawan ko. Naroon sa tabi ko si Zid at pinagmamasdan lang ako maligo. Nahihiya ako sa ginagawa niya. Nakaupo siya sa gilid ng batuhan kung saan mga isang metro ang layo namin. Hindi siya puwedeng dumikit sa akin dahil baka humalo nanaman ang amoy niya sa katawan ko.
"Gusto mo tulungan kitang kuskusin ang likuran mo?"
"Hindi na Zid. Kaya ko na ang sarili ko."
"I wanna do that with you everyday, Malc."
Tinaas ko ang isang kilay ko. "Bakit ako, Zid?"
"Sinagot ko na 'yang tanong na 'yan! Isang sagot lang tama na 'yon. Ayaw ko ng maraming tanong!" Ang baritonong boses niya ay nag echo sa loob ng kuweba. Bigla na lang siyang naging beast mode! Ano'ng nangyari sa kanya?
"Sorry na kung makulit ako."
"Pasensya ka na. One thing about me, I'm such a moody wolf. Sana hindi ka ma- turn off sa akin."
"Ayos lang Zid. Mahaba ang pisi ng pasensya ko."
Nagpalitan kami ng mga ngiti.
Natapos na akong magbanlaw. Gusto niya akong halikan muli sa huling pagkakataon, ngunit hindi na 'yon puwede dahil paalis na ako. Baka ay maamoy pa ako sa bahay ni Papa.
"See you at school?"
"I don't know Zid." I look at him worried.
"Please, kahit makita lang kita kahit sa malayo. Okay na ako roon." Nangangamba kaming pareho na ito na ang huli naming pagkikita.
Ang lungkot talaga ng ganito. Kaya ayaw kong mag-commit sa isang relasyon e... Una, baka malaman na hindi isang she- wolf ang kinikita ko. Pangalawa, malalaman ng buong pack na bading ako. Baka litsunin ako ng buong pack. Pangatlo, double dead meat ang lola niyo dahil pati ang tatay ko hindi lang litson baka ginawa pa akong sisig niyon. Pang-apat, ang golden tail cup. Kapag nalaman ng mga elders na may bakla sa pack namin. Baka patawan ako ng kamatayan. Wait, baka magkaroon pa ng ng Miss Gay Golden Tail Cup. Charot!
Hanggang apat lang wala nang panglima. Nag-anyong lobo na ako at napili namin mag-iba muna ng landas ni Zid. Oo baliw na ako sa kanya, pero marami kaming responsibilidad sa mga sarili namin at sa buong pack namin. Ang saklap!
Binilisan ko ang aking takbo. Dahil ano mang oras aakyatin na ako ni Mama para gumising. Tumalon ako sa mga nabagsak na punong kahoy at naglalakihang bato. Sa kalagitnaan, sabay may sumunggab bigla sa may tagiliran ko. Sabay akong umangil ng napakalakas at nahulog kaming dalawa sa bangin. Gumulong-gulong ang aming katawang lobo dito at halos anim na talampakan yata ang aming hinulugan Nanatili akong anyong lobo, hindi ko ininda ang sakit nang kami ay nahulog at tumayo ako kaagad. Marahas akong umangil pinakita ko ang nakatatakot kong mukha. Ngunit natigilan ako nang magpalit anyong tao siya sa harapan ko.
Ako'y nagulat sa kaharap ko ngayon. Mayabang pa niya akong tiningnan.
Nagpalit anyong tao na rin ako. I stare at the person and frowned at him as I clenches my fist.
He smiled at me. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Hindi mo na ba ako natatandaan?"
Kumunot naman ang noo ko at napaisip. Medyo pamilyar ang kanyang hitsura. "Pete?"
Tumango siya at binigyan niya ako ng isang pagbating ngiti.
Hindi ako makapaniwala! Ang kababata ko! I mean katuta ko. Ha, ha, ha! "Ano'ng ginagawa mo rito sa Iris City?"
"Na-miss ko ang beastie ko," he giggles.
What the pak! Baklang bakla si ateng! Hindi ko siya inimik. Hindi ko naman siya kasi kaibigan. Noong mga tuta pa kami madalas namin pag-awayan ang lahat.
"Kumustasa na kalabasa? May nagspluk na may jowa ka na ah!"
Lumukot ang mukha ko. Alam niya kaya na si Zid 'yon? Oh hinde!
"Oh? Bakit ganyan hitsura mo? Isang she-wolf pala." Tumawa siya nang nakaiinis. I smirked. "Ikaw bading ka pa rin." Pang-asar ko sa kanya.
"Syempre at ikaw pa rin ang ultimate crush ko." Hinaplos niya ang aking mukha at saka niya ako hinalikan. Itinulak ko siya at sabay akong humawak sa aking mga labi at pinunasan ito. Putcha! Kay Zid lang ito, Pete! Hayop ka talaga! Ay oo hayop nga pala siya.
"Ano ba, Pete!"
Humalakhak siya. "Malcolm, alam mo ba palagi kitang iniisip. Noong nasa U.K. ako, maraming canines na briton ang nangligaw sa akin samahan pa ng mga wizard na nag-aaral sa Hogwarts. Pero ikaw pa rin ang nasa puso't isipan ko." Biro niya lang ang Hogwarts. Nakarating lang ng ibang bansa, lakas na ng imagination.
"Ano ba Pete! Magtigil ka nga!" Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. Basta may kung ano'ng maling pakiramdam ako sa kanya na kahit kailan hindi kami magkakasundo. Guwapo naman si Peter Frische at galing siya sa Frische clan na kasama rin sa aming pack. He's tall, brown and handsome. Hindi siya dark ano 'yon uling? Makinis ang kanyang kayumangging balat. Kaya hinangaan ko itong si Pete dati dahil pak na pak ang katawan at ang ano... In fairness, lumaki na siya. Tama na nga! Ayan nanaman ako sa kaharutan ko.
Ang Bloodmoon pack ay binubuo ng 7 werewolf clans at kasama na ang mga Frische dito.
"Bakit ba hanggang ngayon binabaliwala mo ako?" Tanong niya.
Huminga ako ng malalim. "May nakatakda na sa akin Pete, at kailangan kong gampanan ang responsibities ko ngayon malapit na akong maging Alpha niyo."
“Ba’t pala ikaw lang ang nandito? Saan si Theo?” Hanap ko sa kapatid niya. Pinayagan ng Alpha namin na mag- ibang bansa ang pamilya niya at si Theodore talaga ang close ko. Siya talaga ang beastie ko hindi itong si Peter na kapatid niya. Sabit lang itong si Pete kasi half- brother lang naman sila. May naramdaman akong kakaiba dito kay Pete. Alam ko kasi naroon na sila sa U.K. nakatanggap pa ako ng sulat galing kay Theo three months ago. Nakapagtataka? Bakit sumulat si Theo puwede naman niya akong i-text. Sabi ni Theo sa sulat pa noon masaya na sila sa U.K. and he’s inviting me to go there in my summer vacation.
Hindi ako sinagot ni Pete at iniba ang topic. “Nagmamadali ka, saka na tayo mag-usap,” sabi niya. Oo nga pala.
Iniwan ko na siya at tumakbo ako ng katawang tao ko. Malapit na rin ako sa bahay, nagmadali ako pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pagdududa kay Pete. Bakit hindi niya kasama ang buong pamilya niya? O baka kasama niya at mamaya makikita ko na rin si Theo. Ayaw ko kay Pete. Kasi naman ang tanging tinitibok ng puso ko ngayon ay si Zid. Oh Zid! My ass murderer Alpha-mate hindi ka talaga maalis sa isipan ko.
Nakarating ako ng bahay hindi na ako dumaan sa front door, naisipan kong dumaan sa secret window ng bahay namin. Actually, nakalimutan na ito dahil sa lolo ko pa ito. Mahilig kasi ang lolo sa mga detective novels at nabasa niya ito doon at pinagawa niya ito. From that secret window and lusot nito at ang attic. Sa may attic meron ditong sikretong hagdanan pababa na ang tagos ay sa kwarto ko na. Hindi ko ito ginamit kagabi kasi alam ito nila Ate Chona na may ganito sa kuwarto ko madalas kasi kami noon maglaro dito noong mga bata pa kami.
Mabilis akong naglinis ng katawan ko. Nagsabon naman ako, nag- shampoo at nagkuskos nga lang pero mabilisan nga lang. Kahit na, nagbanlaw na ako sa hot spring baka maamoy pa rin nila ako na nanggaling ako sa labas. Dress down kami ngayon kaya naman nagsuot lang ako ng plain long sleeve shirt, sinuot ko na ang aking skinny jeans na may torn style sa may tuhod nito at black na Converse shoes at dinala ko naman ang aking beanie. Malamig kasi rito sa Iris City siguro nasa 10 degrees. Bumaba na ako at nadatnan ko naman si ate Bethel na kumakain na. Tinabihan ko siya at binati.
"Good morning, Ate."
"Good morning Malc. Hindi mo ba pupuntahan si Leila ngayon?"
Sumimangot ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Dahil kapag nababanggit ang pangalan niya, naalala ko bigla na wala kaming karapatan ni Zid magmahalan dahil kailangan kong gampanan ang pagiging Alpha ko.
"Hindi e, iba schedule ng klase niya."
Parehas naman kaming napatingin sa may pinto nang may nagdoorbell. Hirap tumayo, pinilit pa rin ni ate Bethel na tumayo para pagbuksan ang tao na nasa labas.
"Ate ako na!" Pigil ko sa kanya.
"Hindi na! Malapit na ako manganak, kaya dapat naglalakad- lakad na ako." Pagpupumilit niya.
Naglakad siya na ang isang kamay ay nasa likuran ng bewang na inaalalayan ang sariling likod.
Nang nabuksan na ang pinto. Bumungad si poison, ay este si Leila. "Ate!" Bati niya rito at nag beso pa kay ate Bethel.
"Pinag-uusapan pa lang natin. Narito na ang girlfriend mo, Malc." Announce ni ate Bethel.
"Baby!" Masayang bati niya sa akin at naka- spread pa ang arms niya, at nag- gesture na yakapin ko raw siya.
Mukha mo! Manigas ka riyan!
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko.
"Hindi mo ba ako na-miss?"
"Hindi." Boring na tono ng boses ko sabay smirked.
"Hmp!" Humalukipkip si Leila.
"Ano ka ba Malc. Leila is your mate, sana naman huwag ganyan kalamig ang pakikitungo mo sa kanya." Sabi ni ate at nagpunta sa may lababo at huhugasan na ang kanyang pinagkainan.
Sinungitan ko siya and look in disgust. Tumusok ako ng jumbo hotdog sa tinidor at kinagatan ko ito. Na- appreciate ko bigla ang lasa ng jumbo hotdog.
Nakita ko ang pagsimangot ni Leila. Mayamaya pa'y isang malakas na pagbasag ng plato ang aming narinig ni Leila at ikinahinto naman ng kanyang pangungulit sa akin. Nakita namain na nakayukod na si ate Bethel at nakahawak sa kanyang tiyan. Dumaing pa ito.
"Ate, ate, ate? Ano'ng nangyari sa 'yo?" Tarantang tawag ni Leila kay ate.
"Pu... Pumutok na ang panubigan ko!" Daing ni ate Bethel.
Dumadaing na siya sa sakit at humihinga-hinga na nang malalim. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Hindi ko alam ang gagawin. "Mama, mama!" Tawag ko. "Kuya Clyde!" Tinawag ko ang pinsan kong si Clyde na asawa ni Ate.
"Ah! Help!" Daing muli ni ate.
Natataranta naman si Leila. Walang hiya ba't ba walang tao ngayon dito sa bahay? Langya laban pala ni Paquiao! Ano ba naman ito! Lahat sila nasa labas nanonood.
"Ano ate, breathe in, breathe out!" Pilit na pinapakalma ni Leila si ate.
Binuhat ko si ate at inakyat sa itaas ng kuwarto nila at inihiga sa kama.
"Sige ako nang bahala! Kumuha ka ng malinis na tuwalya at mainit na tubig. Dali!" Utos ko kay Leila. Nagmadali naman sundin ni Leila ang aking utos.
"Ate, relax. Akong bahala sa 'yo. Basta umire ka lang."
She nodded. Pero dumadaing pa rin sa sakit at hindi maipinta ni ate ang kanyang magandang mukha.
Kasabay ng pag- ire ni ate bumuhos ang malakas na ulan.
Baby, be nice. Huwag mo nang pahirapan ang mommy mo.
Hindi talaga inaasahan ang panahon ngayon. Kanina lang ay napaka- araw bigla na lang umulan ng malakas.
"Sige ate push!"
Sige pa rin ang pag-ire ng ate Bethel, ilang oras na. Kawawa naman ang bata sa loob hindi pa rin niya mailabas. "Ate kailangan na kitang hiwain. Hindi puwede ang ganito."
"Ah! Gawin mo na!" sigaw niya sa sakit.
"Malc, kita na ang ulo. Tiyagain na lang natin," sambit ni Leila.
"Kawawa na ang pamangkin ko," sagot ko sa kanya.
"I will help you, dali!" Bulalas niya.
"Sige, ate, on three. Leila, tulungan mo si ate." Leila nodded. "Okay, one, two, three, PUSH!" Kasabay na pag-ire ni ate Bethel; inalalayan nang tulak ni Leila ang tiyan ni ate at saka lumabas na ang bata.
Malakas na pagngawa ng bata ang bumalot sa buong bahay. Nakahinga kami ng maluwag ni Leila. Paglabas nito napakainit ng katawan nito na hindi naman nakakapaso sa balat, parang may lagnat ka lang. Ate Bethel passed out. Masyado kasing malaki si baby boy kaya nahirapan kami siyang ilabas. Masaya ako habang pinapaliguan ang katawang tao niya na puno ng dugo. Pag-dilat pa ng kanyang mga mata, akala mo'y mga buwan na mata tuwing malamig ang gabi. Nagkukumahog na dumating si kuya Clyde sa bahay. Basang-basa pa ng ulan ang kanyang hubo't hubad na katawan. Kinuha ni kuya ang mga tuwalya na hindi nagamit at pinangtaklob sa kanyang ibaba.
"Nasaan na?" Bulalas niya.
Katatapos ko lang paliguan at dinamitan ko na ang baby.
"Oh! Ang cute niya!" Leila chirped. At ang kamay niya ay nasa kanyang dibdib.
"Puwede ko bang buhatin na?" tanong ni kuya Clyde.
"Oo, kuya." Pagkatapos kong balutan ng tela ang baby, inabot ko na kay kuya Clyde ang bata.
"Salamat, Malcolm. Buti na lang narito ka. Pati rin sa 'yo Leila. Salamat sa inyo." Sabi ni Kuya Clyde sa amin.
Nang sasagot na sana ako, nagdatingan na ang buong angkan namin. "Patingin ng bagong panggigilan natin!" Excited na sinabi ni Auntie Jade.
"May pangalan na ba kayo?" Tanong naman ni Mama.
"Opo, Rain."
"Wow ang cute naman!" Si Auntie Jade ang nagsalita.
Rain? Ang cute. How I wish na magka-anak din ako. I mean kami ni Zid. Kaso malabong mangyari 'yon. Saan ko naman ilalabas iyon? Sa Puwet? Kadiri lang.
Napili kong iwanan silang lahat sa loob at napag-isa. Tumingin ako sa kalangitan, katitigil lang ng ulan at medyo makulimlim pa rin. Ang pagbagsak ng ulan ay siyang paglamig ng paligid. Nasa may balkonahe ako ngayon. Kahit naman papaano masaya ako na may bagong dating na baby. Kailangan namin 'yon sa aming pack lalo na isang lalaki. Sana lang hindi siya maging bakla katulad ko. Kaya siguro malamig ang pakikitungo sa akin ng tatay ko kasi naamoy niya na ako na isa akong bading.
"Malcolm, I can't wait to bare a very cute child from you." Yumakap sa braso ko.
Yay! Ano bang pinagsasabi ng poison na 'to? Babarahin ko na sana siya kaso dumating si father. Kawawang baklang wolf ang peg. Ayan nanaman ang mga cold stares niya sa akin. Ewan ko ba bakit ganyan ang pakikitungo sa akin ni Papa. Nag-iisang anak na nga ako e ganito pa siya sa akin. Minsan tuloy naiisip ko na hindi ako tunay na janakis ng aking padir. "Hi, Tito." Bati ni Leila sa kanya, tumango naman siya kay Leila at nagsmile. "Papa, welcome home." Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy sa loob ng bahay. Hindi niya yata ako tunay na anak e.
Huminga ako ng malalim at kinalas ko ang braso ko sa pagkakakapit ni Leila sa akin. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Leila, huwag mo akong umpisahan nanaman. Please."
"Heto naman ang sungit mo. Ang sarap mo kasing asarin dahil ang cute mo." Sabay pisil sa ilong ko.
"Aray!" Hawak ko sa namumulang ilong ko. At humalakhak siya. Eiw poison!
Sabay na kaming pumasok ni Leila na labag talaga sa kalooban ko. Kaya sinundo ko sina Xenon at George para panakip- butas dahil baka may magselos. Mga ka- pack namin na nag-aaral din sa university. Si Xenon ay isang matalinong werewolf marami na siyang contribution para mapanatiling maganda ang aming mga pananim. Galing sila sa clan ng Arguelas kaya nakakapag- aral din sila sa university. Lahat ng mga Arguelas ay magaling sa mga scientist at chemist. Sila ang gumagawa rin ng gamot sa amin.
Nakarating kami sa university, sa parking lot nagkita kami ni Zid. Tinanggal ko ang shades ko at kinislapan ko siya ng matang lobo ko. Pag tanggal niya ng kanyang helmet kumislap siya pabalik sa akin. Saka ako umiwas ng tingin para hindi kami mahalata ng mga kasama namin. Naroon din kasi ang mga kasama niyang ka pack niyang bikers. Naalala ko muli ang matamis naming pinagsamahan. May kurot akong naramdaman sa puwet ko dahil sa naalala ko. My ass murderer - mate!