Chapter 7: Nightshade Pack

2688 Words
Zidane Brooksmere POV "SIR, would you like a cup of coffee or tea?" Tanong sa akin ng Amerikana na flight stewardess. "Tea please," sabay salin sa akin ng tsaa sa tea cup ko. Pinabalik ako sa Pilipinas ng aking ama para sa pack. Kailangan ko na kasi makahanap ng mate ko at mapangasawa para ako na ang hahalili sa kanya. I'm already 18 years old isa na akong ganap na adult wolf. Ulila na ako sa aking ina. Tuta pa lang ako noong mamatay siya. Si Dad na ang tumaguyod sa akin ngunit pinatapon niya ako sa America para maging isang lone wolf, saya niya 'di ba? Nalaman niya kasi na kakaiba ako sa ibang batang werewolves, sampung taong gulang maari ka nang magpalit sa pagiging tao. Nalaman ng aking ama na isa akong bakla. Paano niya naamoy? Ikaw ba naman, nahuli kang sumusubo ng ari ng isa sa patrol namin na guwapo. Grabe ang galit ni Dad noon. Napatay niya actually ang werewolf na 'yon. Ganoon kalupit ang tatay ko. Pagtapos niyang patayin ang guwapong patrol namin ako naman ang halos mapatay niya. Dahil hindi niya matanggap na isa akong dalaginding na werewolf. Lumapag na ang eroplano sa runway ng airport. Kahit nasa loob ako amoy ko na ang simoy ng hangin ng Pilipinas. Mabaho, amoy pempem yuck! Biro lang. May mga naka-fling din naman ako sa she-wolf. Oo kung iniisip niyo na malandi ako, sige akin na ang korona. I'm a gay and a bisexual. Puwede ako sa boy at puwede rin ako sa girl. Pero mas bet ko ang boys lalo na kung baklang katulad ko. May kakaibang satisfaction akong natatanggap na nagpapagaan ng pakiramdam ko kapag nanliligaw ako ng kapwa ko lalaki. Ayaw ko ng tunay na lalaki dahil sasaktan ka lang, papaasahin at peperahan. Reality check tayo, totoong nangyayari ito pero hindi ko nilalahat opinyon ko lang ito. Kaya huwag nang umasa, pumatol ka na lang sa taong-lobo na kauri mo at parehas kayo ng pananaw. Sa labas ng airport naroon na ang kasama ko sa pack na si Harvic at Reeva Vergara. Kung inaakala niyo katulad kami ng ibang pack na magkakamag-anak, kaming mga Nightshade ay hindi. Mga lone wolf ang mga kasama ko na inampon lang ng tatay ko. Lumalaki na kami sa pack at kailangan namin mag- recruit para sa gaganaping Golden Tail Cup. "Hey welcome back!" Isang yakap ang ibinigay sa akin ni Reeva. Tinapik naman ni Harvic sa aking likuran. "I'm so happy to see you and you're grown gorgeous." Maligayang bati sa akin ni Reeva at ginulo-gulo pa ang buhok ko. Napangiwi naman ako. Na-miss ko rin naman silang dalawa. Dati kasi lagi ako ang kasa-kasama nila mag-hunt ng mga hayop sa gubat. Sila rin ang halos ng kinalakihan kong kasama bago ako mapunta sa America. "Thanks, Reeva. I'm happy to see both of you. Look at you two, you both look happy." Masayang bati ko sa kanila. "Yes! We will be having our bundle of joy soon." Nanglaki ang mga mata ko. "Congratulations!" I hug Reeva again. Sobra akong natuwa. Matagal na nilang gustong magkaanak. Sa tagal nilang naghihintay, sa wakas malapit nang dumating. They said, Reeva is an infertile she-wolf. Kaya wala siyang mate. Pero si Harvic ang dumating sa kanya. Si Harvic ang pinaka pasensyosong werewolf na nakilala ko kaya napakasuwerte ni Reeva kay Harvic. Sobra pang maalagain siya sa kanyang mate kaya walang masabi si Reeva sa kanya. Siya rin ang nagtrain sa akin siya ang aming Charlie ng pack. Ako naman ang Beta. Sunod sa tatay ko. Tinuring ko na rin siyang matanda kong kapatid. Kakaiba talaga ang bond naming tatlo, kasama si Reeva. Sabay naman akong nagulat nang biglang may sumunggab sa akin at kamuntikan na akong matumba dahil sa lakas ng impact. Mabuti'y na i- balance ko ang aking sarili. "Zid!" Malakas na sigaw niya. Halos masakal ako sa tindi ng kapit niya sa akin. "No... No... Noreen." Utal kong banggit. Kasama niya sina Han Tolledo at Abigail Lim. Binati ako nila. Mga ka-pack ko sila at ang abala sa I.T. system ang security ng pack. Kahit naman matatalas ang aming pakiramdam, pangdinig at mga mata kailangan pa rin namin ng security system para sa mga tinatagong yaman ng business man kong Ama at the same time, Alpha siya ng Nightshade.   "I'm so happy to see you Zid! Sana naman gawin mo n akong mate mo ngayon. Please." Bulalas niyang sinabi. Boses pa lang niya naiinis na ako kung paano siya magsalita parang isang anime. Si Noreen ay ang laging nangungulit sa akin. Kahit noon pa. Isa rin siyang lone wolf na inampon ng tatay ko. Hindi ko alam, feeling ko galing sila sa ibang mga pack na nakapalibot sa buong Iris City, dahil sa sobrang dami na siguro nila pinili ng kani-kanilang mga alpha na dalhin sila sa ibang lugar at iligaw. Pero ayaw kong mag- assume na ganoon nga sila. Kasi hindi na nila piniling hanapin ang mga pinagmulan nila, siguro'y masaya na sila sa amin pack. Ang pack ng Nightshade ay binubuo ng puros lone wolf. Hindi namin kailangan ng batalyon tulad ng ibang pack dahil ang lakas at kapangyarihan namin ay nanggaling sa mga diyos katulad sa mga elders namin. Ang isa ay katumbas ng isang unit ng mandirigma. Sabi nila mayroon kaming mga diyos mula sa ibang dimension na siyang nagbigay sa amin ng kapangyarihan. Si Noreen Smith ay isang she-wolf na maganda rin naman, pero alam mo naman ako, 80 percent ang gusto ko talaga ay katulad ko rin na bi. She has a crystal blue eyes samahan pa ng kanyang natural chesnut brown hair. Oo mukha siyang foriegner sa human form pero kaming mga lobo natural na sa amin na magaganda kaming nilalang kapag kami ay nasa human form namin. "Noreen, hindi kita gusto. Ilan beses ko ba ito sasabihin sa 'yo?" Dineretso ko siya. Alam kong mali. Pero ayun kasi ang nararamdaman ko sa kanya. "Hindi mo naman ako kailangan gustuhin. Just mate with me." Malungkot niyang sinabi sa akin. "Will you please stop?! Nasa public place tayo!" Pinagtaasan ko siya ng boses pero kami-kami lang ang nakaririnig. Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad na ako palayo. Sumunod naman sa akin sina Harvic at Reeva. Narinig ko naman si Abby na pinapagaan ang loob ni Noreen. “Pagod lang siya sa biyahe. Give him time.” Lulan ng isang pulang Ford Fiesta, na si Harvic ang nag- drive; nasa passenger's seat naman si Reeva at kami ni Noreen ay nasa back seat. Hiwalay na kotse naman sina Han at Abby sakay sila ng silver na Hyundai. Hindi kami nag-iimikan sa loob. Pagod ako. Tangi ang musika lang sa radio ang naririnig naming lahat. Nagtulog-tulugan ako para hindi na ako guluhin ni Noreen. Nakarating kami ng aming mansion. Tipikal na mansion ito na napapanuod niyo sa mga horror movies. May makikita ka na mga nakaukit na statuwa na mga babae at may mga gargoyle din na mga statue. Isa na 'tong old mansion at may mga tree vines na ito sa may rooftop nito. Akala mo talaga isa itong hunted house. Naaalala ko tuloy dito ang movie ng Dracula. Nakakatuwa ang tirahan namin pang mga vampires tipikal house pero mga taong-lobo ang nakatira. "Ako nang bahala sa mga gamit mo, pumasok ka na sa loob hinihintay ka na ni Alpha." Sabi ni Harvic sa akin, at ibinaba na ang mga maleta ko. Sinungitan at dinaan lang ako ni Noreen at saka nagpalit ng anyong lobo niya at sabay tumakbo papuntang gubat. Sinigawan naman siya ni Reeva. "Oi, Noreen! Stay close to our territory!" Paalala nito. I give Reeva a confusing look. Nahalata naman niya agad ito. "Si Noreen ilang beses na siyang napapa-away dahil lumalagpas siya sa teritories ng ibang pack. Pasaway talaga siya kahit kailan." "Siguro hinahanap na niya ang kanyang pinagmulan?" tanong ko. "Hindi ko alam, lately iba na ang kanyang kinikilos," si Abby ang nagsalita. “I checked every security camera natin na naka- installed sa gubat, nasa territory lang naman si Noreen,” sabi naman ni Han. “Nagtatanggal lang siya ng stress, we all know Noreen. Pasaway na bata.” saad ni Reeva. Sa gitna ng pag-uusap namin ni Reeva, Abby and Han, humangin ng malakas. Nagdulot ito ng mga tuyong dahon sa paligid na magkalat. Ipinikit ko ang aking mga mata at damang-dama ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking mukha. Amoy na amoy ko rin ang mabangong pine tree sa paligid. Hindi ko na nasagot si Reeva tungkol kay Noreen. "Na-miss mo ba ang lugar na ito?" Tanong ni Reeva sa akin. "Oo naman," ngumiti ako sa kanilang lahat. Inakbayan ako ni Reeva. "Pasok na tayo sa loob." Nakangiting pagyayaya niya sa akin. Pagpasok namin sa loob ng mansion, hindi pa rin ito nagbabago. Para sa akin napaka- cozy pa rin ng ambiance rito. Naroon ang mga Italian na mga nuebles at isang European interior ang aming living room area na nasa kanan. May mga gold curtains at isang magarang grand piano. Sa unahan naroon ang mahabang staircase na gawa sa narra ang hawakan nito. Sinalubong ako ng aming butler na si Hugo. Isa rin siyang werewolf. Naka- tuxedo siya at magalang siyang nag-bow sa akin. "Maligayang pagbabalik master Zidane." Bati niya sa akin. "Hugo, cut the formality. Come here!" Binigyan ko siya ng yakap. Walang karea-reaksyon man lang si Hugo. Wala pa rin siyang pagbabago. "Your dad is waiting for you." Hugo informed. At nagpatuloy na siyang naglakad palayo sa akin at tumungo sa aming kusina. Napangiti naman ako habang pinagmamasadan si Hugo. Na-miss ko rin naman siya. Sa totoo lang kinakabahan akong makita ang tatay ko. Pero wala akong laban, kailangan ko siyang harapin ngayon. Pinauwi ako ng tatay ko rito sa Pinas para makahanap na ako ng aking mate. Isa na akong adult wolf na hindi pa rin nakapaghahanap ng mate. Pumasok na ako sa kanyang kuwarto na ginawa niyang isang opisina. Sa toto lang, hindi naman siya natutulog at umiidlip lang kaya wala kang makikitang kama rito, isang mahabang couch lang. At lagi mo siyang makikita sa kanyang kumportableng swivel chair na puwede mong i- reclined. "Dad." Matipid na tawag ko. He's just standing there behind that dark-side of the room. Ang nagsisilbing ilaw lang ang bukas na bintana. Naamoy ko rin ang dalawa pang malalakas na werewolves ng pack namin na si Aries at Bryx na nasa paligid lang. Sila ang bodyguards ng Daddy ko. Ang lalakas ng aurang pinapalabas nila. Hindi naman ako sinagot ng tatay ko. I heard an intense growl from Aries. Naka werewolf form siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at patuloy pa rin ang pag-angil nito. Nang naaninag ko ang kanyang bulto, sabay nitong pinakita ang kanyang matatalim na mga ngipin. "Aries, itigil mo 'yan." Isang malaking boses ang bumalot sa buong silid na siyang ikinatayo ng balahibo kong tao. Umatras naman ang gray na wolf na may white spot sa magkabilang mata na si Aries. Nagpatuloy muli na nagsalita ang aking ama. "Nakahanap ka na ba ng mate mo?" Tanong niya. Nakatalikod at nakatayo pa rin ang kanyang bultong tao sa tapat ng bintana. "Hindi pa, Dad." Matipid na sagot ko. "Nariyan si Noreen." Bulalas niya. I smirked. Sa isang kisap-mata nasa harapan ko na siya. Nanlaki ang aking mga mata at hawak na ang aking leeg. Masakit, at halos mawalan na ako ng hininga. Nanlalaban ako sa kanyang pagkahawak. Nagbago na rin ang kulay ng aking mga mata senyales ng pagpapalit anyong lobo ko pwero hindi ko ito magawa. Inilabas ko na lamang ang matatalim kong kuko at kinalmot- kalmot ko siya. Ngunit kada kalmot ko sa kanyang braso, mabilis siyang nakakapag-heal. Katunayan lang na napakalakas na Alpha ng aking ama. Halos maluwa ang mga mata ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin leeg. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo she-wolf ang gawin mong mate at magkaroon ka ng anak doon!" Puno ng awtoridad na saad ng aking ama. Matapos ay binitiwan niya ako. Malakas akong umubo at sumalagpak ang katawan ko sa sahig. Sorry father-earth, kahit kuryentihin mo pa ako, lunurin sa drum na may tubig, sakalin, ibitin ng patiwarik o kaya ipakain sa mga bampira. Hindi mo na matutuwid ang katotohanan na isa akong Beki! Ang iyong anak ay isang baklang taong lobo. Malas na lang ng mga she-wolf na 'yan, dahil hindi ko bet ng beauty ko sila at isa pa, kapag ako naging she-wolf mas maganda pa ako sa kanila. "I will find my mate. And make sure that our pack will be the most powerful pack in the golden tail cup and not just that, in the entire werewolves pack in Iris City." I said with conviction. “We're the gods! We're Nightshade!" Lumabas ako ng kuwarto pagtapos ko harapin si Dad. Sa totoo lang hindi ako takot sa kanya at kahit sinabi niya na noon pa na hindi niya ipamamana sa akin ang mga businesses niya kapag hindi pa ako makahap ng mate, wala akong paki! Medyo nanghina pa lalo ang katawang tao ko dahil may jet log pa ako at sinakal pa ako ng tatay ko ang saya niya talaga kapag sinasaktan ako. Nakasalubong ko naman si Harvic. “Zid, kain na muna tayo.” “Hindi ako gutom. Gusto ko magpahinga,” sagot ko. “Kahit nagluto si Reeva ng adobong chicken gizzard?” Oh, sh*t my favorite. Special sa aming mga taong-lobo kapag kumakain kami ng laman loob ng mga hayop. Lalo na ang favorite kong chicken gizzard. Na- miss ko talaga ang lasa nito dahil wala naman ito sa America. Na- miss ko ang luto puro hilaw at nilaga ang nakakain ko doon dahil hindi ako marunong magluto. Minsan, nagpupunta ako sa kaibigan kong bampira sa farm niya at kanya ang dugo akin ang laman ng manok. Hindi rin marunong magluto si Ate mo girl vampy kaya talo talo na hilaw kung hilaw ang kakainin. Walang pagdadalawang- isip na napasunod ako ni Harvic na kumain muna. Masaya kaming umupo sa isang long grand table at hindi lang adobong chicken gizzard ang nandoon. Marami ring hinanda na iba’t- ibang pagkain. “Siya nga pala, Zid. Asikasuhin mo na bukas ang requirements mo para mapasa na sa university,” paalala sa akin ni Reeva. “Iniisip ko mag-stop muna,” saad ko habang sumasandok ng adobong chicken gizzard.” “Hindi ka makakahanap ng mate mo kung mag-stop ka,” ngumiti sa akin si Harvic at katapat ko lang siya sa hapag-kainan. Harvic has a point. Ang Iris City ay tahanan ng maraming werewolf pack at namumuhay ng kasama ng mga tao. Bigla naman kaming napatingin sa gawing main door dahil may malakas na kumlabog. Kaya pinuntahan namin it. We saw Noreen and she went for a hunt. Ibinaba niya sa sahig ang wala nang buhay na baboy ramo. At naabutan namin siyang nasusuot na ng trench coat. “Our dinner for tonight,” masayang anunsyo ni Noreen. Hinanap niya si Hugo. Hinakbangan niya pa ang wala nang buhay na baboy ramo. “Oh, Hugo. Lutuin niyo ito para sa aking Zid.” “Noreen, you don’t have to do this,” I said. “It’s okay. That’s my gift to you, my mate,” sabay hawak niya sa magkabilang pisngi ko. Nakatingkayad pa siya ng bahagya kasi hanggang dibdib ko lang siya. Kinuha ko ang kanyang kamay at ibinaba ko ito. “I will never be your mate Noreen, I am sorry.” “Fine! I will change your mind.” “It will never happen, Noreen.” “Why? Just mate with me that’s all, for sure you will accept me, kasi dadalhin ko ang susunod naman sa yapak mo. Isang gabi lang, Zid,” bulalas ni Noreen. “Sinabi ko hindi nga puwede! Dahil…” Hindi ko masabi ang aking dapat na sasabihin dahil biglang dumating ang aking ama. Nakatingin siya sa aming lahat. Tanaw niya kaming lahat dahil nasa itaas siya at mga nasa pang pintong baitang siya ng amin grand staircase nakatayo. “Dahil ano?!” galit na tanong ni Noreen. “Dahil bakla ako! Bading! Bayot! Ano pang gusto mong marinig? Ayaw ko sa babae, sa isang merlat! Ano pa, Noreen? Isa akong shuding, shokla! Malinaw na ba sa’yo ang lahat?!” gigil kong pag-amin. “You’re joking!” sabay nagpalit muli siya ng anyong wolf saka tumakbo muling palabas ng mansion. Susundan na sana nila Han at Abby si Noreen pero pinatigil ko sila. Mas okay na ‘yon para mag- sink in na sa kanya ang mga sinabi ko. Hinarap ko naman ang aking ama dahil sa mga narinig niya kumusyon. Alam ko paparusahan nanaman ako niya at nakahanda na ako rito. Ang mahalaga na amin ko kung ano ako talaga. At hindi na mababago ito. I am proud to be like this. Sa buong pack, alam na kung ano talaga ako at hindi nagbabago ang pagtingin nila sa akin. Tangi ang ama ko lang talaga ang hindi matanggap na isa akong bakla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD