bc

THE INGECTED ZOMBIE SURVIVOR Adventure

book_age16+
485
FOLLOW
2.5K
READ
scary
evil
monster
others
horror
spiritual
victim
like
intro-logo
Blurb

Ang Mundo ng kababalaghan ay Isang Lugar na iba sa mga tao mga nilalang na likha ng Diablo na na Kasama sa Mundo ng mga tao Hindi man natin sila nakikita pero na kikita nila tayo at nag Hihintay ng pg kakataon na para tayo sugurin at pag harian Ang Mundo ng mga tao

chap-preview
Free preview
THE INFCTED ZOMBIE SURVIVOR ADVENTURE #1
Isang umaga nagising sa isang kuwarto ng Ospital si Jheet. May mga Dextrose siyang nakatusok sa kaniyang katawan upang masuplayan ng tubig ang kaniyang katawan dahil siya ay nasa Coma Status. Nakita pa niya ang Life support niya sa tabi ng kaniyang hinihigahan. "Anong nangyari? Pakiramdam ko ako ay nakatulog ng napakahaba..." Tanong sa sarili ni Jheet at doon bumalik na sa kaniyang alaala. Ang aksidenteng kaniyang kinasanggkutan na naging dahilan ng pag ka comatose niya. "Naalala ko na... Na aksidente ako sa daan.. ang magulang at kapatid ko kamusta na kaya sila." Sabi muli ni Jheet at agad sinikap niyang tumayo. Pinakiramdaman naman niya ang kaniyang mga paa, dahil tila sobrang manhid na nito dahil sa pag ka comatose niya. At ilang beses pa siyang natumba ngunit muli siyang tumayo hanggang nagawa na niyang makapaglakad. At lumabas na nga siya ng kuwarto at sa paglabas niya katahimikan ang bumungad sa kaniya. Walang mga Nurse, Doctor o mga pasyente sa labas at sadyang magulo na ang paligid na animoy may nangyari talagang kaguluhan habang siya ay mahimbing sa pagkakatulog. "May tao pa ba rito! Kahit sino sumagot kayo!" Tawag ni Jheet. Ngunit walang tumutugon sa kaniya, nagpatuloy lamang siya sa paglalakad sa loob ng Ospital. Hanggang sa may nakita siyang putol na kamay sa dinaraanan niya. "Bakit may putol na kamay rito.." Pagtataka ni Jheet at muli lamang siyang nagpatuloy. Hanggang sa marating niya ang isang Operating Room na nakasara at nakakakadena pa at may pangharang pang malapad na kahoy. Upang hindi ito basta basta mabuksan.. "Don't Open Dead Inside.." Sabi ni Jheet ng basahin niya ang nakasulat roon. Matapos nun biglang kumalabog ang pinto na iyon at may mga kamay siyang nakita na nagpupumilit lumabas. Kaya naman agad napatakbo si Jheet. At sa pagtakbo niya at pagliko sa kabilang pasilyo hindi niya inaasahan may mababanga siyang tao na walang iba kundi si Rick Grimes. Na kakagising lang rin makalipas ng ilang buwan. Dahil sa pag ka comatose rin nito. Ng tamaan ito ng bala ng baril malapit sa kaniyang puso. "Pasensiya na At hindi kita napansin.. Paano kasi may kakaiba sa Emergency Room na iyon.." Sabi ni Jheet. "Ayos lang, at masaya ako may nakita akong tao buong akala ko kasi.. Ako na lamang ang naririto.." Sabi ni Rick Gimes. "Ako rin... Ganoon din ang akala ko pero mukhang may mga tao nga sa loob ng Emergency Room na iyon.. Pero parang kakaiba sila.. Kasi yung mga kamay nila para naagnas na...." Sabi muli ni Jheet. "Talaga... Ano nga kaya ang nangyari? Bakit nagkaganito? Ang asawa at anak kong si Carl nag aalala ako sa kanila kailangan ko silang makita.. Kailangan kong bumalik sa pamamahay namin.." Sabi ni Rick Grimes. "Ako nga pala si Jheet Riggs..."pagpapakilala ni Jheet. "Ako naman si Rick Grimes..." Pagpapakilala rin nito. "Mas mabuti pa lumabas na tayo ng Ospital na ito.. At baka sa labas makahanap tayo ng sagot sa mga tanong natin kung bakit nagkaganito?" Suhestiyon ni Jheet. "Tama ka, Tara na.." Pag sang ayon ni Rick Grimes. At sa paglabas nga nila sa ospital tumambad na sa kanila, ang kaguluhang nangyari habang sila ay nasa mahimbing na tulog... Naguguluhan man nagpatuloy pa rin si Rick Grimes at Jhett Riggs sa paglabas sa Ospital. Nakakita sila ng mga katawan ng tao na nakabalot at nakahelera sa labas ng ospital. May mga kotse din na pawang mga sira na may ilang tangke ng militar at may helicopter rin na pawang mga sira na rin at hindi pepwedeng pakinabangan pa. "Rick.... Mukhang may malaking kaguluhan talagang nangyari na hindi natin alam." Sabi ni Jheet Riggs. "Ganoon na nga.. Kaya mas lalo akong nag alala sa kalagayan ng mag ina ko.." Nag aalalang sabi ni Rick Grimes. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad, sadyang tahimik ang paligid walang ano mang ingay silang naririnig. Hanggang sa makakita ng Bisekleta si Rick Grimes agad niya itong tinungo gagamitin niya kasi ito patungo sa tahanan nila. Kung saan maaring naroon pa ang asawa niyang si Lorie at anak nilang si Carl na nasa sampong taon gulang pa lamang. "Maiwan na mo na kita, kailangan kong alamin ang kalagayan ng mag ina ko.." Sabi ni Rick Grimes kay Jheet Riggs. "Sasama na lamang ako.. Ng sa ganoon hindi tayo nag iisa.." Sabi ni Jheet Riggs. At mabuti na lamang may isa pang bisekleta katabi ng isang katawang kalahati na lamang. Halos tila masuka si Jheet Riggs ng makita ang katawan na iyon na kalahati na lamang at ang bituka ay nakalabas na. Nakapandidiri ito dahil naagnas na ito. "Kaawa awa naman ang taong ito.. Sino naman kaya ang gumawa sa kaniya iyan." Nasabi na lamang ni Jheet Riggs. At ng itatayo na niya ang bisekleta malapit sa katawang iyon, biglang kumilos ang Kalahating katawan nito dumilat ang mga mata at pilit gumagapang patungo sa kaniya. Kaya agad lumayo si Jheet Riggs sakay ng Bisekleta. "Nakita mo iyon! Kumilos yong patay!" Tignan mo gumagapang pa rin siya patungo sa atin." Takot na sabi ni Jheet Riggs. "Nakita ko nga.... At nakapagtataka paanong gagalaw ang patay? Ano na ba talagang nangyayari sa mundo.." Naguguluhang sabi ni Rick Grimes. "Umalis na lamang tayo kinakilabutan na ako." Agad na sabi ni Jheet Riggs. At umalis na nga sila lulan ng bisekletang gamit nila. At patungo na sila ngayon sa mag ina ni Rick Grimes... Sa pagpapatuloy ni Rick Grimes at Jheet Riggs lulan ng bisekleta wala silang makitang ibang tao kundi sila lamang. Maluwag ang mga kalsada at ang mga kabahayan ay tila walang mga nakatirang tao sadyang napakatahimik. Sobrang tahimik na animoy nakakabingi na sa sobrang katahimikan. "Malapit na ba tayo sa tahanan ninyo?" Tanong ni Jheet kay Rick Grimes. "Malapit lapit na bilisan na lamang natin ang pagbibisekleta." Sabi ni Rick Grimes. Kaya sabay nilang binilisan ang pagpipidal at makalipas ng ilang minuto. Narating na nila ang Tahanan nila Rick Grimes dali daling bumaba ng bisekleta si Rick Grimes at ganoon din naman si Jheet Riggs. Agad kinatok ni Rick Grimes ang kanilang pintuan ngunit walang tumutugon sa tawag niya. "Lorie! Carl anak! Nandito na ako!" Sabi ni Rick Grimes habang patuloy sa pagkatok ngunit wala pa rin tumutugon. "Rick... Ayaw ko man isipin pero baka wala na sila sa bahay na iyan.. At baka patay na sila? At maaaring ganoon rin ang sinapit ng magulang at kapatid ko." Malungkot na sabi ni Jheet Riggs. "Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi pa patay ang asawa at anak ko!" Galit na sabi ni Rick Grimes matapos niya suntukin si Jheet Riggs. Matapos nun pinagsisipa ni Rick Grimes ang pinto upang pwersahan itong mabukasan. At sa pailang ulit niyang pagsipa ng malakas sa pintuan nila bumukas na ito kasabay ng pagkasira ng pintuan nila. "Lorie! Carl anak! Nasaan kayo!" Umaasang pa rin si Rick Grimes na naroon lamang ang pamilya niya. Kahit wala namang sumalubong sa kaniya o tumutugon man lang sa kaniyang tawag. Pumasok na rin si Jheet Riggs sa tahanan nila at inintindi na lamang si Rick Grimes sa pagkakasapak nito sa kaniya. "Wala talagang tao rito.. Pero patuloy pa rin siyang umaasa." Sabi na lamang ni Jheet Riggs. Nang biglang isang lalaki ang humampas sa ulo ni Jheet Riggs. Na agad niyang ikinawalan ng malay. Narinig naman ni Rick Grimes ang pagbagsak ni Jheet Riggs at tinungo niya ito at nakita na lamang niya nakahandusay at wala ng malay si Jheet Riggs. "Jheet.. Anong nangyari? Sinong may gawa nito sayo?" Tanong ni Rick Grimes. Ngunit muling lumitaw ang lalaking iyon sa kaniyang likuran. Ito ay pansamantalang nagtago lamang matapos niya hampasin ng hawak niyang baril si Jheet Riggs. At agAd na nga rin niyang isinunod si Rick Grimes hinampas din niya ito at agad nawalan ng malay. Isang lalaki nga ang pumalo kay Jheet Riggs at Rick Grimes at kapwa sila nawaalan ng malay. Wala silang nagawa laban rito sa biglaan nitong pagsalakay sa kanila. At nagkamalay na lamang sila na kapwa nakagapos sa upuan. Mahigpit ang pag kakagapos sa kanila ng lalaking iyon na may anak na lalaki na sampong taon gulang rin. Tulad ng anak ni Rick Grimes na si Carl Grimes. "Sino ka? Bakit ka na sa pamamahay ko? Nasaan ang pamilya ko!" Agad na tanong ni Rick Grimes "Pakawalan mo na kami at totoo ang sinasabi niya pamamahay niya ito." Sabat ni Jheet Riggs. Kinausap naman sila ng lalaking iyon, ngunit hawak pa rin nito ang baril, na baril pa mismo ni Rick Grimes. Dahil si Rick Grimes ay isang pulis. ' "Mukhang totoo nga sinasabi mo na pamamahay mo ito. Walang duda dahil kamukha mo ang nasa larawan na iyon kasama ng asawa at anak mo. Pero ikinalulungkot ko ng mapadpad kami ng anak ko rito abandonado na itong bahay. At pinili na lang namin ng anak ko na gawin itong tirahan upang mag karoon makukublihan mahirap na at delikado sa labas at baka mapaslang kami ng mga patay na mistulang buhay na pagala gala lamang saan mang lugar." Sabi nito sa kanila. "Hindi masamang tao ang papa ko.. Nag iingat lang kami." Sabi ng anak nito na si Duane Jones. "Kundi masama ang ama mo! Bakit niya kami ginapos at hinampas!" Sabi ni Jheet Riggs. "Naniniwala akong mabuti siyang tao. Dahil buhay pa rin tayo." Sabi ni Rick Grimes. "Pasensiya na sa ginawa ko, tulad ng sabi ng anak ko nag iingat lang kami. Ako nga pala si Morgan Jones. At ang anak ko naman ay si Duane Jones." Sabi ni Morgan Jones. At sinisimulan na silang kalagan ni Morgan Jones. At matapos nun isinauli ni Morgan Jones ang hawak niyang baril na pag mamay ari ni Rick Grimes na nakuha niya sa loob ng bahay nila Rick Grimes. "Sayo ang baril na iyan isanasauli ko na sayo aalis na kami ng anak ko... Pasensya na ulit sa nagawa ko." Pagpapaalam ni Morgan Jones. Ngunit agad siyang pinigilan ni Rick Grimes. "Sandali.. Huwag ka ng umalis maaari kang manatili rito, at saka isa pa sa totoo lang parehas kami ng kasama ko na walang kaalam alam sa mga nanyari? Kung bakit may mga patay na gumagalaw? Ano ba ang mga iyon? Bakit nag karoon ng ganoon?" Mga tanong ni Rick Grimes. "Hindi ninyo alam ang nangyari? Bakit wala kayong kaalam alam?" Tanong ni Morgan Jones. "Ang totoo niyan.. Parehas kami nasa Coma ng maganap ang mga ito kaya wala kaming kaalam alam. Kaya sana ipaliwanag mo sa amin kung ano nga ba ang nangyari?" Tanong ni Jheet Riggs. "Ganoon naman pala ang nangyari, sige ipapaliwanag ko sa inyo ang nalalaman ko." Tugon ni Morgan Jones. At dahil nga roon hindi na mo na umalis pa si Morgan Jones at anak nitong si Duane Jones at agad isinalaysay ni Morgan Jones ang mga nangyari sa mundo na kapwa hindi alam ni Jheet Riggs at Rick Grimes. -------- "Sa totoo niya hangggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naganap. Payapa naman ng umagang iyon. Ngunit itong mga nakaraang buwan bago nangyari ang kaguluhang ito may mga taong sinusugod sa Ospital dahil sa malubhang lagnat. Nilalagnat sila ng napakatindi hanggang hindi na kayanin pa ng kanilang katawan. At ito ang naging dahilan ng kamatayan ng karamihan. At dahil sa dami ng mga namatay hindi na kinaya pa ng sementeryo ang pagdasa mga ililibing. Kaya nga halos magtambakan lahat ng bangkay sa labas ng mga ospital o kahit sa labas ng bahay ng mga residente sa ibat ibang panig ng mundo. At isang hindi inaasahan nga nangyari! Ang mga patay na ito Ay muling nabuhay namuti ang mga mata at naging mga Agresibo! At ang matindi pa kumakain na sila ng kapwa tao! Pati buhay na hayop ay wala rin ligtas! At sa kinasamaang palad kasama ang asawa ko ang nanay ng anak ko sa naapektuhan ng sakit na iyon na hindi pa alam kung saan nag mula. At ang kaguluhan na ito ay limang buwan na ang nakakalipas. Marami ng nagbago sa mundo habang wala kayong malay. Pantay pantay na lahat ng tao wala ng Gobyerno. Dahil ang mundo natin ngayon ay kung paano manatiling buhay sa mundo natin tila pinamamahayan na ng mga patay.'" Sabi ni Morgan Jones. At matapos nun hindi na nga ito nagpapigil pa. Lumisan na ito sa pamamahay nila Rick Grimes kasama ng kaniyang anak. "Umaasa akong buhay pa ang anak at asawa mo... Patuloy mo lamang silang hanapin.." Sabi pa ni Morgan Jones bago ito tuluyang lumisan kasama ng kaniyang anak. At naiwan muli si Rick Grimes at Jheet Riggs sa Bahay. Malalim ang iniisip ni Rick Grimes at hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung sakaling napahamak na ang asawa at anak niya na wala man lang siya nagagawa para ipagtanggol ang mga ito. "Huminahon ka Rick.. Kailangan mo magpakatatag parehas lang tayo.. At nararamdaman ko ang nararamdam mo." Sabi ni Jheet Riggs. "Hahanapin ko ang pamilya ko... Kailangan ko manatiling buhay... Samahan mo ako Jheet Riggs pupunta tayo sa Police station namin malay mo naroon pa ang mga kasamahan ko. At makakuha pa tayo ng baril roon na maari natin gamitin pang proteksyon sa sarili." Sabi ni Rick Grimes habang hawak hawak ang kauna unahan niyang baril pulis. "Kamusta na rin kaya sa Shane... Ang matalik kong kaibigan sana lamang buhay pa siya.'" Sabi muli ni Rick Grimes At bago lisanin ni Rick Grimes at Jheet Riggs ang tahanan ng pamilya nila Rick. Nagpalit mo na sila ng kasuotan dahil suot suot pa rin nila ang damit pang pasyente ng Ospital na pinanggalingan nila. Isinuot ni Rick Grimes ang kaniyang uniform bilang police. At pinahiram naman ni Rick Grimes ng iba pa niyang damit si Jheet Riggs at agad na silang lunabas ng bahay. May sariling kotse sila Rick Grimes. Ngunit wala na ito sa garahe nila. At sa puntong iyon nabuhayan ng loob si Rick Grimes na baka buhay pa ang kaniyang mag ina. Dahil wala roon ang kotse nila. "Jheet tignan mo wala rito ang kotse sa garahe namin.. Baka ginamit nila ito para matakasan ang kaguluhan maaring buhay pa ang mag ina ko." Masayang sabi ni Rick Grimes. "Maaari ngang ganoon kaya umasa lamang tayo na buhay sila at ganoon din ang pamilya ko sana ay nasa maayos lamang silang kalagayan." Sabi ni Jheet Riggs. At nagpatuloy na sila sa paglalakad nilisan ng muli ni Rick Grimes. Ang bahay nila ang tanging dinala na lamang niya ay ilang pagkain na de lata. Mga damit at photo album nilang pamilya. At sa kanilang paglalakad may nakita silang kotse sa daan na kung titignan ay mukhang maayos pa naman. Kaya agad nila itong tinungo ngunit meron roon katawang wala ng buhay na nasa Drive seat. "Mukhang hindi naman gumagalaw ang isang ito." Sabi ni Jheer Riggs at agad niyang binuksan ang pinto ng Drive Seat. Agad nangalisaw ang mabahong amoy nito dahil sa nabubulok na nitong laman loob at naaagnas na katawan. "Hindi ko makayanan ang amoy niya.. Nakapandidiri." Sabi ni Jheet Riggs. "Kailangan natin siyang alisin ng sa ganoon ma testing natin kung maayos pa ba ang kotse na ito." Sabi ni Rick Grimes. Ngunit bigla itong kumilos at dumilat ang mata kasabay ng pag angat ng kamay nito. At sa gulat ni Rick Grimes at Jheet Riggs napaatras sila habang si Rick Grimes ay agad itong pinagbabaril sa katawan. Ngunit nanatili pa rin itong buhay kaya pinasya ni Rick Grimes na barilin ito sa ulo. At pagbaril niya sa ulo nito tuluyan na itong namatay at napasandal pa ang ulo nito sa manibela kung nasaan ang busina ng kotse na iyon. Nagsalo ang ingay ng putok ng baril at busina ng kotse na iyon. At iyon ang naging dahilan kung bakit naagaw nila ang pansin ng mga patay na animoy buhay. Nakikita nilang naglalabasan na ang mga ito sa ibat ibang bahagi ng eskinita. May tumakbo at meron ding marahan na nag lalakad lamang. "Ito na nga iyon tinutukoy ni Morgan na ang mga patay na mistulang buhay! Katulad na lamang ng nakita natin kanina yung kalahati na lamang ang katawan." Sabi ni Jheet Riggs na ang tanging sandata lamang ay Martilyo. "Wala ng panahon pa.. kailangan na natin gamitn ang kotse na ito!" Sabi ni Rick Grimes. At agad nilang pinagtulungang ialis ang katawan na iyon at agad na silang sumakay napaandar naman nila ito bago pa sila maabutan ng mga ito. Ngunit ilang sandali lamang hindi pa man sila nakakakalayo. Agad tumirik ang sasakyan dahil halos wala na pala itong gasolina. At ang mga ito ay patungo muli sa kanila. "Asar..."Inis na sabi ni Rick Grimes at lumabas na lamang sila ng kotse. "Saan na tayo pupunta? Halos harangan nila ang bawat dadaanan natin.." Sabi ni Jheet Riggs. "Mag focus tayo sa isang direksyon at paslangin natin kung sino man ang haharang sa atin." Sabi ni Rick Grimes sa naisip niyang plano. Ngunit may mga tumatakbo na patungo sa kanila at sabay sabay pa itong nag tungo sa kanila. Kaya naman naman naisip nilang lumaban na lamang. Ngunit may isang lalaki ang tumawag sa kanila na naka uniform pa na pang Pizza Boy. "Huwag ninyo mo na silang labanan! Lubhang delikado kapag nakagat nila kayo! Sundan ninyo ako may alam akong daan para matakasan natin sila!" Sabi ng isang lalaking nasa isang sulok ng eskinita may dala itong bag na may pagkain mula sa Grocery na pinuntahan niya para sa supply ng Grupo na kinabibilangan niya. Agad naman silang Sumunod rito at nagpasikot sikot sila upang matakasan ang mga ito na tinatawag niyang Walkers. "Ligtas na tayo rito, hindi na tayo masusundan pa ng mga Walkers na iyon.. Nga pala ako si Glenn.. Glenn Rhee.." Pagpapakilala nito sa kanila. Isang bagong kasamahan na naman ang nagpakilala sa kanila. Si Glenn Rhee isang Pizza Delivery Boy at dahil delivery boy siya alam niya ang pasikot sikot sa lugar na pinagdedelibiran niya. Kaya naman madali lang natakasan ang mga patay na mistulang buhay na tinatawag niyang walkers. , "Glenn.. Maraming salamat sayo ako naman si Rick Grimes at ang kasama ko siya naman si Jheet Riggs." Pagpapakilala ni Rick Grimes kasabay ng pagpapakilala rin niya kay Jheet Riggs. "Ahh... Glenn walkers ba talaga ang tawag sa mga iyon?' Tanong ni Jheet Riggs. "Kung ako ang tatanungin... Oo walker ang tawag ko sa kanila pero iba iba ang tawag ng mga ibang tao sa kanila.. Pero ano pa man ang tawag sa kanila.. Delikado pa rin sila at sa oras na makagat ka nila.. Magiging tulad ka rin nila." Sabi ni Glenn Rhee. "Maraming salamat ulit sa tulong pero kailangan namin pumunta sa police station. Naroon kasi ang iba kong kagamitan bilang isang pulis." Sabi ni Rick Grimes. "Sa police station? Nasa pinaka sentro ng siyudad iyon... Delikado doon." Babala ni Glenn Rhee. "Pero naroon ang ilan ko pang baril.. At baka sakali may mga kasamahan pa ako roon." Sabi ni Rick Grimes. "Ganito na lang... Pagplanuhan natin maigi ang pag tungo roon sasamahan ko kayo at ng ilan pa sa mga kasamahan ko. Malaking tulong ang mga baril na iyon kapag nakuha natin ito." Sabi ni Glenn Rhee. "Tutulungan mo kami? Pero hindi mo pa kami lubusang kilala.." Sabi nj Jheet Riggs. "Hindi na iyon mahalaga... Dahil tayong mga natitirang buhay pa sa mundo ang dapat nag tutulungan lalo na sa ganitong sitwasyon. Tara sundan ninyo ako naroon sa isang department store ang ilan sa mga kasamahan ko. Naghahanap kasi ako ng mapagkukuhanan ng Gasolina.. Pero iba ang nakita ko... Dahil kayo ang nakita ko sa at nagkataon pa oras ng panganib." Sabi ni Glenn Rhee. "May Kotse pala kayo mas mainam yan.." Sabi ni Rick Grimes. "Iyon nga lang naubusan na ito ng Gasolina at mukhang wala rin kaming pagpipilian kundi mag tungo pa sa pinakasentro ng siyudad para makahanap na ng gasolina. Ng sa ganoon makabalik na kami sa camp na malayo rito sa siyudad. At kung gusto ninyo sumama kayo sa grupo namin." Sabi ni Glenn Rhee "Maraming salamat sa paanyaya Glenn.." Pagpapasalamat ni Rick Grimes. , Samantala sa Department store kung nasaan ang ibang kasamahan ni Glenn Rhee. Aksidenteng tumunog ang alarm ng Department store na iyon. Buong akala kasi nila ay hindi na gumagana iyon ngunit muli itong gumana. At ang mga Walkers ay nasa paligid na ng Department Store at nagpupumilt pumasok ang mga ito. , "Sa sandaling masira nila ang Pinto ng Department Store na ito.. Wala ng panahon pa para tumakbo.. Lalabanan natin sila kung gusto ninyong ipaglaban ang mga buhay ninyo..." Sabi ni Daryl Dixon habang hawak hawak ang kaniyang Cross Bow isang mechanical na Pana. , Kasama rin ni Daryl Dixon ang iba nilang kasamahan na sila Andrea, Morales, Jim T - Dog at Ed Peletier. Patuloy nga ang pagsira ng mga Zombie sa Glass Door ng Department Store may kaunting kakapalan lamag ang glass door na iyon at sa tumpukan ng mga Walkers posible nilang masira ito kapag nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa. Walang sino man sa kanila ang may baril ang meron lamang sila ay base ball bat tulad ng hawak ni Adrea at Jim. Samantalang si T - Dog, Morales at Ed Pelitier ay patalim lamang na kasing sukat ng pangkaraniwang kitchen knife. Si Daryl Dixon naman ay Cross Bow at may patalim rin siya. At ilang sandali pa unti unti ng nagkakalamat ang Glass Door. Kaya naman halos lahat ay kinakababan na sa maaaring mangyari sa sandaling makapasok na ang mga Walkers sa Department Store. "Makakapasok na sila..." Nangangambang sabi ni Andrea at napahigpit pa ang pagkahawak niya sa pamalo niyang baseball bat. "Laban kung laban na lamang ito." Sabi ni Morales. "Hindi ko hahayahang mapaslang nila ako ng ganun ganun lang..." Paniniyak ni Ed Pelitier. "Kinakabahan ako.. Baka dito na tayo mamatay lahat.." Nanganngambang sabi ni T - Dog. "Walang lugar sa mga tulad mo T - Dog.. Magsama kayo ni Andrea mga mahihina ang loob! Ano bang ikinakatakot ninyo lahat tayo sasapitin ang kamatayan. Nasayo na kung ilalaban mo ang buhay mo o tatayo ka na lamang diyan. At hintayin pAslangin ng mga iyan." Sabi ni Daryl Dixon. At ilang sandali pa... Tuluyan na ngang nawasak ang Glass Door ng Department Store at nagsipasukan na ang mga Zombie. Agad namang tinarget ni Daryl Dixon ang mga ulo ng mga medyo agresibong mga Walkers. Dahil mas higit itong mapaminsala at habang sila Morales, Jim, at Ed Peleteir ay sinasaksak sa ulo ang mga pangkaraniwang Walkers na marahan lamang na nag lalakad. Ngunit si T - Dog at Andrea ay pinangunahan ng takot kaya hindi sila makakilos sa kanilang kinatatayuan. Habang sila Daryl Dixon ay abalang paslangin ang mga Walkers. "Mga duwag talaga ang mga ito.." Inis na sabi ni Daryl Dixon habang kasalukuyan niyang pinagpapana ang mga Walkers. Ilang sandali pa dumating na nga si Glenn Rhee kasama si Jheet Riggs at Rick Grimes at nakita nila roon ang ilan pang mga Walkers na kasalukuyang nilalaban ng mga kasamahan ni Glenn. Agad naman umaksyon si Rick Grimes at gamit ng kaniyang Baril pinaputukan niya sa ulo ang mga Natitira pang walkers hanggang maubos ito. "Salamat naman at ligtas na tayo.." Sabay pang sabi ni T - Dog at Andrea. "Mga walang kwenta...." Nasabi na lamang ni Daryl Dixon sa kanila. END OF CHAPTER 1 SEASON 1 Sa pagdating nila Rick Grimes at Jheet Riggs tuluyan ng nagapi ang ilan pang natitirang walkers na sumalakay kanila Daryl Dixon at laking pasalamat ni Glenn Rhee na walang napahamak sa mga kasamahan niya. "Mabuti naman at ayos lang kayo, siguro umalis na lamang agad tayo rito dahil baka may mag datingan pang mga Walkers." Mungkahi ni Glenn sa kanila. "Mas mabuti pa nga kung ganoon, nga pala sino yang mga kasama mo?" Tanong ni Morales kay Glenn Rhee. "Sila ba? Nakita ko sila kanina... Balak nilang harapin ang mga Walkers na sila lamang dalawa. Mabuti na lamang at napigilan ko sila at tinunulangan ko sila makatakas. Sila nga pala si Rick Grimes at Jheet Riggs.." Sabi ni Glenn Rhee. "Welcome sa Grupo..." Agad na sabi ni Morales sa kanilang dalawa. "Salamat sa pagtanggap.."Tugon ni Rick Grimes. "Nga pala Glenn... Narito ka na sa grupo mo.. Maiintindihan namin ni Rick kung hindi mo na kami masasamahan pa." Sabi ni Jheet Riggs. "Tuloy pa rin ang plano sasamahan ko kayo." Sabi ni Glenn Rhee. "Anong planong pinagsasabi ninyo?" Tanong ni Daryl Dixon. Agad naman isinalaysay ni Glenn Rhee ang balak nilang pag tungo sa pinaka sentro ng Siyudad. Kung nasaan ang Police station nila Rick Grimes. "Medyo kabisado ko ang lugar na ito dahil dito ako madalas mag deliver ng mga pizza... Kaya dadanan natin yung pasikot sikot na alam ko para makaiwas sa mga walkers. Ng sa ganoon walang napapahamak sa kahit sino sa atin." Mungkahi ni Glenn Rhee. Nang biglang may isa pa palang Walker ang hindi pa napuruhan sa ulo. At agad niyang kinagat ang paanan ni Glenn Rhee. Nagulat ang lahat dahil sa isang walker na iyon na agad kinagat si Glenn Rhee. "Aaaahhhhh!". Agad naman pinana ni Daryl Dixon gamit ng kaniyang Cross Bow ang ulo ng Walker na iyon na kumagat sa paanan ni Glenn Rhee. "Wala ka dapat ipag alala Glenn.. Sapatos mo lang ang nakagat ng walker na iyan.." Sabi ni Daryl Dixon matapos niya paslangin ang Walker na iyon. "Aahh.. Oo nga sapatos ko lang ang nakagat niya.... Akala ko talaga nakagat na ako ng Walker na iyan." Sabi ni Glenn Rhee. "Ibig sabihin lang niyan nasayo ang swerte Glenn..'" Sabi ni Jim kay Glenn. "Oo sinewerte nga ako.." Nasabi na lamang ni Glenn Rhee. "Sayang naman ang sapatos ko branded pa naman ito." Panghihinayang ni Glenn Rhee. "Huwag mo na iyan panghinayangan makakuha ka pa ng ganiyan libre na naman lahat ngayon. Ito lang maganda sa nangyayari ngayon sa mundo natin." Sabi ni Jim. "Kunsa bagay sapatos lang ito, pero dahil rito nakaligtas ako." Sabi muli ni Glenn Rhee. "Ano ba? Mag kwekwentuhan na lang ba? O isasagawa na natin ang pakay natin." Sabi ni Daryl Dixon. "Pero teka lang... Mas delikado roon di ba." Sabi ni T - Dog. "Bumalik na lamang tayo sa Camp natin malayo sa siyudad na ito. Nakuha na naman natin ang mga Supply na kailangan natin." Giit ni Andrea. "May mga baril roon.. At malaki ang tulong ng mga baril sa atin... At kung bawat isa sa atin may baril pati ang mga duwag na tulad ninyo matutong lumaban." Sabi ni Daryl Dixon kanila T - Dog at Andrea at hindi na sila nakaimik pa. At muling nag mungkahi si Glenn Rhee.. "Ganito na lang T - Dog at Andrea mag tungo kayo roon sa isang bakanteng Bahay. Tinignan ko na iyon kanina at walang Mga Walkers roon. Hintayin ninyo roon ang pagbabalik namin. Hahanap na rin kami ng Gasolina.. At kung may makita kaming ibang kotse na maaaring magamit mas mainam.' Sabi ni Glenn Rhee dahil mahirap humanap ng mga kotseng mapapakinabangan pa. "Bantayan ninyo na lamang ang mga supply na naipon natin, habang hinihintay ninyo ang pagbabalik namin." Sabi ni Morales sa kanila. At kinolekta nga na nila T - Dog at Andrea ang mga nakuha nilang Supply na pagkain. Maliban lamang kay Ed Peleteir na ayaw ibigay ang bag niya. "Anong problema Ed? Bakit ayaw mo iwan rito ang bag na iyan?" Tanong ni Glenn Rhee. Ng sandaling iyon naroon na sila sa bakanteng bahay na tinutukoy ni Glenn Rhee. Kung saan maghihintay roon si Andrea at T - Dog sa pagbabalik nila. "Kaya ko na ito, huwag ninyo na ako intindihin pa.'" Sabi ni Ed Peletier. Ngunit biglang hiniwa ni Daryl Dixon gamit ng kaniyang patalim ang Bag ni Ed Peleteir. At nagkabutas ito at naglaglagan ang ilang bote ng alak na nasa Bag niya ni wala man lang kinuhang pagkain ito para sa grupo nila. Kundi alak lamang at may mga sigarilyo pa. Kaya naman agad siyang sinapak ni Daryl Dixon sa galit nito. "Kaya naman pala.... Mga alak at sigarilyo pala ang laman ng dalahin mo! Anong pag iisip ang meron ka!" Sabi pa ni Daryl Dixon at akmang tatadyakan pa niya ito. Agad naman inawat ni Rick Grimes si Daryl Dixon. "Tama na... Kasamahan mo siya at hindi mo siya kaaway..." Sabi ni Rick Grimes. "Wala kang kwenta Ed! Mas may kwenta pa sayo ang mga duwag na iyon dahil sila kapakanan ng Grupo ang iniisip nila.. Pero ikaw! Ang iniisip mo ay pansirili mo lamang.. Nakapagtataka kung bakit ganyan ka mag isip may asawa at anak ka sa camp natin hindi mo man lang sila inalala... At pinili mo kumuha ng alak at sigarilyo imbis na pagkain!" Inis na sabi ni Daryl Dixon. "Daryl... Huwag kang mag aastang pinuno sa grupong ito... Dahil una sa lahat walang pinuno sa grupong ito kaya gagawin ko ang gusto ko." Sabi ni Ed Peleteir at akmang susuntukin niya si Daryl Dixon ngunit mabilis na nakaiwas si Daryl. At sinuntok niya ito sa mukha at sa pag kasuntok muli ni Daryl kay Ed Peleteir bumagsak ito at nawalan ng malay. "Daryl tama na..." Sabi ni Glenn Rhee. "Hindi ako umaastang pinuno ginagawa ko lang kung ano ang tama.." Sabi ni Daryl Dixon. At sa pagkawala nga ng malay ni Ed Peleteir humupa na rin ang gulo sa pagitan ni Daryl at Ed. "Daryl sapat na yang ginawa mo kay Ed.. Siguro naman magtatanda na siya.." Sabi ni Morales. "Ganoon din ako hindi tama ang ginawa niya hindi ako sang ayon sa ginawa ni Ed." Sabi rin ni Jim. "Kung ganoon tayo na samahan na natin sila Rick Grimes at Jheet Riggs sa pagtungo nila sa police station.. Sundan ninyo lamang ako marami akong alam na pasikot sikot sa siyudad na ito upang makaiwas tayo sa mga walkers.." Sabi ni Glenn Rhee. "Mag iingat kayo.. Mag hihintay kami ni T - Dog sa pagbabalik ninyo.." Sabi ni Andrea. "Sige aalis na kami maiiwan na rin rito si Ed... At kapag nagkamalay na siya sana naman maisip na niya ang pagkakamali niyang nagawa." Sabi pa ni Glenn Rhee at umalis na nga sila. ITUTULOY""

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
39.9K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.2K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
43.2K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
549.2K
bc

OSCAR

read
249.2K
bc

Sexytary |SPG|

read
564.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook