THE INGECTED ZOMBIE SURVIVOR ADVENTURE #2

2769 Words
At naiwan na nga si Andrea at T - Dog kasama ng walang malay na si Ed Peleteir. Dalangin nila ang tagumpay ng grupo. At sa pagpapatuloy sa pangunguna ni Glenn Rhee. "Sumunod lamang kayo sa akin.. Dito tayo!" Sabi ni Glenn Rhee na siyang nangunguna sa grupo. May dinaanan silang isang makipot na eskinita na kahit si Rick Grimes ay tila hindi batid ito kahit isa siyang pulis sa siyudad na iyon. At tunay ngang nakakaiwas nga sila sa mga nagkalat na walkers sa siyudad. -------- "Walang duda Jheet.. Talagang mas alam niya ang pasikot sikot dito sa siyudad." Sabi ni Rick GRimes. "Sang ayon ako diyan... Malaking tulong si Glenn upang makarating tayo ng ligtas sa Police station na hindi napapasabak ng laban sa mga walkers...'" Sabi ni Jheet Riggs. Dineretso nila ang makipot na daan na iyon, patuloy lamang silang nakasunod kay Glenn Rhee. At sinenyasan sila nila Glenn Rhee na, sa kaliwang eskinita sila liliko. At dahil nga sa nangunnguna si Glenn Rhee siya ang unang liliko sa eskinita na iyon. Ngunit may isang walker pala sa eskinita na iyon at agad nito sinunggaban si Glenn Rhee. "Aahhhh!" Natumba si Glenn Rhee sa biglaang pagsunggab sa kaniya ng walker na iyon na ngayon ay nakadagan na sa kanya. Mabuti na lamang at agad napana ni Daryl Dixon sa ulo ng Walker na iyon at hindi na nagawa pa ng Walker na iyon na kagatin si Glenn Rhee. "Salamat Daryl..." Pagpapasalamat ni Glenn Rhee. "Glenn... Maging maingat ka naman sa mga susunod pa. At lagi mo tatandaan ang mga walker nagkalat kung saan saan.." Paalala ni Daryl Dixon at muli niyang kinuha ang palaso na tumama sa ulo ng walker na iyon. "Tayo na mag patuloy na tayo.." Sabi muli ni Daryl Dixon. Panandalian ngang naantala ang pagtungo nila sa police station dahil sa walker na sumalakay kay Glenn Rhee. Gayunpaman matapos nun nag patuloy muli sila sa pangunnguna pa rin ni Glenn Rhee. At hindi nga nagtagal narating na nila ang police station sa pinaka sentro ng siyudad. At sa mga dinaanan nilang pasikot sikot sa tulong ni Glenn Rhee. Isang Walker lamang ang nakasagupa nila. "Ito na nga iyon... Dito ako nag tatrabaho bilang pulis bago ako ma Comatose ng dahil sa insidenteng iyon..'" Sabi ni Rick Grimes. "Bakit? Ano ba talagang nangyari at naComatose ka? Pati na rin itong si Jheet Riggs." Tanong ni Morales. "Sasabihin ko rin.. Pero hindi mo na sa ngayon kailangan mo na natin ituloy kung ano man ang pakay natin rito."Sabi ni Rick Grimes. "Ganoon din ako saka na lang pag usapan ang mga bagay na iyan." Sabi ni Jheet Riggs. Agad na nga silang lumapit sa police station. At agad bumungad kay Rick Grimes ang police Mobil na madalas nilang gamitin ng Bestfriend niyang si Shane. At partner pa niya bilang pulis. "Shane...... Sana ay nasa maayos ka lang rin na kalagayan.." Sabi ni Rick Grimes habang nakatanaw sa police Mobil nila. "Sa tingin mo kaya Rick gumagana pa ito? Mukha kasing nasa maayos pa itong kalagayan.'" Tanong ni Glenn Rhee na lumapit sa police mobil na iyon. Habang ang iba ay pumasok na sa police station. "Siguro.... Subukan na lang natin kung gumagana pa ito matapos natin kunin ang ibang mga armas sa loob ng police station namin." Tugon ni Rick Grimes. "Sige at sana nga ay gumagana pa ito.." Positibong sabi ni Glenn Rhee. Ng biglang... Isang Walker na nass ilalim ng police mobil ang humawak sa paanan ni Glenn Rhee at pilit siya nitong gustong kagatin. At sa pagkagulat ni Glenn Rhee sa paglitaw ng Walker na iyon sa ilalim ng police Mobil. Bigla niya itong agad inapakpakan ng paulit ulit sa ulo. Hanggang madurog ang ulo nito at mawalan na ng tuluyan ng buhay. Napalingon ang lahat sa kinaroronan nila Rick Grimes at Glenn Rhee. Ngunit wala naman dapat ikabahala winakasan na ni Glenn Rhee ang buhay ng walker na iyon bago pa siya nito makagat. "Ayos lang kami rito mga kasama.. Ayos lang talaga.." Sabi ni Glenn Rhee habang pinagpapawisan pa dahil sa kamuntikan na naman niyang kapahamakan. "Tayo na Glenn pumasok na tayo sa police station ng makakuha na tayo ng mga armas.. Nakakalungkot lang dahil mukhang wala na ang karamihan sa mga kasamahan ko... Ang Bestfriend ko na si Shane at ang pamilya ko..." Malungkot na sabi ni Rick Grimes. "Huwag ka ng malungkot pa, dahil narito kaming lahat para sayo.." Sabi ni Glenn Rhee. At pumasok na rin silang dalawa sa police station.. At sa pagpasok nilang lahat sa police station hindi naman sila nabigo meron sila roon naabutang mga armas. Isang Shotgun, Isang Rifle at dalawang 45 Caliber na baril, iyon na lamang ang naroon sa police station na iyon. Bukod pa sa mga bala at nag iisang granada. Agad naman kinuha ni Morales ang Rifle at kay Jim naman ay Shotgun. Nagpaubaya naman si Rick Grimes upang mag karoon sila ng sandata at ibinigay naman ni Rick Grimes ang dalawang 45 Caliber kay Glenn Rhee at Jheet Riggs. "Salamat Rick.." Pagpapasalamat ni Jheet Riggs. "Sayo naman itong isa Glenn.." Sabi ni Rick Grimes. "Pero Rick.... Hindi ako marunong gumamit ng baril... Mas nararapat ito kay Daryl.." Sabi ni Glenn Rhee. "Sapat na mo na sa akin ang Cross Bow na ito... Kaya matuto ka ng gumamit ng baril Pizza boy.." Sabi ni Daryl Dixon "Gamitin mo na iyan... Sayo na ang baril na iyan sa ayaw mo man o hindi.." Sabi ni Rick Grimes at kinuha na rin nito ang nag iisang granada. "Umalis na tayo rito.. Dalhin na lang rin natin ang ilang mga bala.." Sabi ni Daryl Dixon. At binitbit na nga ni Jim at Morales sa ang dalawang imbakan ng bala ng sa ganoon may supply silang bala sa mga baril nila. "Ayos na ito kahit paano... May mga baril na tayo ngunit hindi sapat para sa lahat." Sabi ni Morales '"Ayos lang yan.. Dahil ngayon may mga baril na tayo mas mapoproteksyonan natin ang ating mga sarili pati ang iba pa.."Sabi ni Jim. At sa paglabas nila sa Police Station may tatlong walker na ang patungo sa kanila. Babarilin sana nila ito. Ngunit pinigilan sila ni Daryl at pinana na lamang niya ang tatlong walker sa ulo. Ng sa ganoon hindi sila gaano makalikha ng ingay. "Hindi sa lahat ng pagkakataon gagamitin ninyo ang baril na yan.... Dahil maaring ikapahamak rin natin ito.." Paalala ni Daryl Dixon. Naunawaan naman nila ang ibig nais ipahiwatig ni Daryl Dixon sa sinabi niya. Lalo na at nasa siyudad sila isang malakas na ingay lamang ay matutunton na sila ng mga walkers. At matapos nun sinubukan na ni Rick Grimes paganahin ang Police mobil nila ni Shane. Binasag niya ang salamin sa Drive seat upang mabuksan ito. Dahil naroon naman sa loob ng police Mobil ang susi ng kotse. At hindi sila nabigo nasa maayos pang kondisyon ang Police Mobil at puno pa ito ng gasolina. Kaya naman agad silang nagsakayan sa loob at umupo sa tabi ng Drive seat kung nasaan si Rick Grimes si Jheet Riggs. "Sineswerte pa rin tayo Rick..." Sabi ni Jheet. "Oo nga.. Kahit papano.." Tugon ni Rick Grimes. At pinaandar na niya ang kotse pabalik sa bakanteng bahay kung nasaan naroon si Andrea at T - Dog na naghihintay sa pagbabalik nila kasama si Ed Peleteir.. Samantala habang nasa biyahe pa sila Rick Grimes at ang iba pa. Pabalik sa bakanteng bahay kung nasaan sila T - Dog Andrea at Ed Peleteir nag kamalay nang muli si Ed Peleteir matapos siya suntukin ni Daryl Dixon. "Ang Daryl na iyon... Namumuro na siya sa akin.." Inis na sabi ni Ed Peleteir habang dama pa niya ang pagkakasapak sa kaniya sa mukha ni Daryl Dixon. "Ed.. Tama na huminahon ka na at tama naman si Daryl at ikaw ang mali." Sabi ni Andrea. "Tama... Isipin mo ang pamiya mo wag lamang ang pansarili mo." Sabi rin T - Dog. Ngunit tumawa lamang si Ed Peleteir "Hahahaha!" "Nakakatawa naman.... Pabor at kampi kayo kay Daryl.. Kahit na halos ipamukha niya sa lahat kung gaano kayo ka duwag? Mga walang paninindigan.. Duwag nga talaga kayo.."Sabi ni Ed Peleteir. At sinimulan na niyang ilagay sa isang lalagyan lamang ang ilan sa mga pagkain na kinuha nila. Nilagay niya ang mga ito sa isang bagahe lamang na maaari pa niyang mabuhat. "Anong ginagawa mo? Anong binabalak mo!" Sabi ni Andrea. "Itigil mo yan Ed para sa grupo yan! At hindi para sayo lamang." Sabi ni T - Dog. "Bakit.... Pipigilan ninyo ba ako? Subukan ninyo lang! At papaslangin ko kayo.." Pananakot ni Ed Peleteir kasabay ng paglabas niya ng patalim. Sa pananakot ni Ed Peleteir sa kanila wala na silang nagawa pa pinanungunahan na naman sila ng takot. Hindi na nila napigilan ito at halos mapuno na ang dalahin niya. At kumaunti na lamang ang mga pagkain na nakalaan para sa grupo nila. "Kakalas na ako sa Grupong ito..." Sabi ni Ed Peleteir. "Teka.. Paano ang Asawa mong si Carol at ang anak ninyo na si Sophia.." Nag aalalang sabi ni Andrea. "Kalimutan na lamang nila ako.... Dahil kakalimutan ko na sila... Kakalimutan ko na kayong lahat.." Sabi ni Ed Peleteir. "Ang sama mo... Anong klase kang tao.." Nasabi na lamang ni T - Dog. "Kung gusto ng away sabihin mo lang T -Dog ng sa ganoon magilitan kita agad ng leeg..." Sabi ni Ed Peleteir. Hindi naman nakakibo pa si T - Dog maging si Andrea at tuluyang binuksan ni Ed Peleteir ang pinto upang tuluyan ng iwan ang Grupo... Ngunit sa pagbukas ng pinto siya namang pag dating nila Rick Grimes at naaktuhan nila si Ed Peleteir na pasan pasan sa kaniyang likuran ang supply ng pagkain para sa Grupo. "Daryl mga kasama nasa bagahe na iyan ang Supply ng Grup0!" Sumbong ni Andrea at T - Dog. "Hindi ka na talaga nadala Ed..." Sabi ni Daryl Dixon. At agad niyang sinuntok muli si Ed Peleteir at ng mapatumba niya ito. Agad niya ito dinaganan at muling pinagsusuntok sa mukha hanggang halos malamog ang mukha nito. At muli itong nawalan ng malay sa mga suntok ni Daryl Dixon sa kaniya. "Papatayin ko na ang isang ito.. Saka na lang ako ng hihingi ng tawad sa anak at asawa niya..." Sabi ni Daryl Dixon habang nakatutok na ang Cross bow sa ulo nito. Ngunit pinigilan siyang muli ni Rick Grimes. "Huwag Daryl... Ang kamatayang biglaan ay hindi nararapat sa taong iyan.." Sabi ni Rick Grimes. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Daryl Dixon "Bibigyan pa rin natin siya ng pagkakataon makapag isip isip at sana nga lang makapag isip siya ng maayos at maliwanagan siya ng husto." Sabi ni Rick Grimes. Matapos nun pinosasan niya si Ed Peleteir pinosas niya ito sa isang matibay na haligi ng bahay na iyon at iniwanan niya ito ng patalim katabi ng walang malay na si Ed Peleteir. "Para saan ang patalim na yan?" Tanong ni Glenn Rhee. "Para sa kaniyang pagpipilian buhay at kalayaan.. O kamatayan.." Tugon ni Rick Grimes. "Sang ayon ako sa balak mo.." Pag sang ayon ni Daryl Dixon. At kinuha na nila ang Supply na pagkain ng Grupo. at isinakay sa likuran ng Police Mobil at sumakay na silang lahat sa Police Mobil. Ang nagmamaneho na ng sandaling iyon ay si Morales. Pabalik sa Camp nila sa paanan ng bundok malayo sa siyudad.... At sa kanilang paglisan at sa muling pagbalik ng malay ni Ed Peleteir nabatid na lamang niya na siya ay nakaposas na, sa loob ng bakanteng bahay na iyon. Na iniwan bukas nila Rick Grimes ang pinto upang malayang makapasok ang mga walker na mapapadaan sa bakanteng bahay na iyon. "Bumalik kayo! Pakawalan ninyo ako! Pakawalan ninyo ako! Aaahhhh!" Sabi ni Ed Peleteir lalo pa at may isa ng walker ang patungo sa kaniya.. "Aaaaahhhhh!.. Samantala.... Sa isang lugar malayo sa siyudad na kinaroronan nila Rick Grimes ng magkamalay ito. May mga Survivor din roon na nagsamasama rin para sa kaligtasan ng lahat at kasama sa grupong iyon ang mag ina ni Rick Grimes. Ang asawa niyang si Lori Grimes at Anak niyang si Carl Grimes. Kasama rin nila roon ang BestFriend ni Rick Grimes na si Shane Walsh. "Iniisip mo na naman ba si Rick... Patay na siya huwag mo na siyang isipan pa... Isipin mo na lamang ang anak ninyo na si Carl.. At nandito naman ako para sa inyo at kaya kong ituring na sariling anak ko si Carl.. Tanggapin mo lamang ako sa buhay mo.." Sabi ni Shane Walsh. "Hindi ganoon iyon kadali Shane... Sobrang mahal ko ang Bestfriend mo.. Dahil siya ang unang lalaking minahal ko... Alam mo naman iyon di ba? Kaya hindi ganoon kadali palitan siya sa puso ko." Sabi ni Lori Grimes. "Ganoon ba... Nauunawaan ko Lori, basta nandito lang ako lagi para sa anak mo... At para sayo.." Sabi ni Shane Walsh at saglit mo na siya lumabas ng kuwarto na tinutulugan nila kasama ni Carl Grimes. "Rick... Bakit ganon? Kahit patay ka na... Kahit wala ka na sa buhay ni Lori... Kaagaw pa rin kita sa puso niya sobra na ito Rick.. Nagpaubaya na ako sayo nuon. Dahil BestFriend kita kahit ako itong unang nakakilala kay Lori, at una ko siyang minahal.. Bago mo siya minahal... Pasensiya na Rick pero ikakatutuwa ko kung patay ka ng talaga.. Sana natanggal ang harang sa pinto na inilagay ko sa Recovery Room na kinaroronan mo.. Ng sa ganoon kinain ka ng mga Walker...."Sabi ni Shane Walsh na puno ng galit ang puso dahil sa pagmamahal na hindi niya makamit kay Lori Grimes, ng dahil kay Rick Grimes kahit na sinabi na niyang patay na si Rick Grimes at nakita niya ito ng dalawa niyang mata sa Ospital. At sila Rick Grimes naman ay gabi na ng mapuntahan ang camp nila Glenn Rhee sa kabundukan. Ngunit agad silang nabigla sa dinantanan nila roon na hindi nila inaasahan. Dahil marami sa mga kasamahan nila na kapwa survivors ay pawang mga nasawi na. Dahil sa mga Walker na sumalakay sa mga ito habang mahimbing na natutulog ang lahat. "Hindi maari ito ang daming namatay sa mga kasamahan natin.. Paano umabot rito ang mga walker.." Hindi makapaniwalang sabi ni Glenn Rhee. Agad naman nag salita ang isang lalaki na nakakatandang kapatid ni Daryl Dixon na si Merle Dixon at sinabi niyang. "Huwag na ninyo ikinalungkot ang pagkamatay ng mga iyan.. Mas mabuti pa nga nangyari ito.. At dapat ikatuwa pa natin ito! dahil mababawasan na ang mga palalamunin sa grupo." Natutuwang sabi ng Kuya ni Daryl Dixon. "Hindi ko gusto ang isang ito..." Sabi ni Jheet Riggs dahil sa mga pinagsasabi ni Merle Dixon. At dahil kuya niya ito, at ginagalang hindi na lamang inimik pa ni Daryl ang kapatid niya, na tila natutuwa pa sa pagkamatay ng karamihan sa grupo nila. Tinungo na lamang ni Daryl Dixon ang anak at asawa ni Ed Pelleteir. Na si Carol at Sophia nakaligtas ang mag ina sa pagsalakay ng mga walkers habang sila ay mahimbing na natutulog. Kasama rin sa nakaligtas ang matandang si Dale at si Amy na nakababatang kapatid naman ni Andrea. Sila lamang ang nakaligtas sa trahedyang iyon. "Nasaan si Ed.... Nasaan ang asawa ko.." Agad na tanong ni Carol Pelleteir "Patay na siya... Patawad..." Sabi na lamang ni Daryl Dixon upang simulan na ni Carol alisin sa buhay niya si Ed Pelleteir. Maging si Morales ay sobrang tumangis dahil kasama sa mga nasawi ang dalawang anak niya at Asawa. "Patawad... Wala ako rito para ipagtanggol kayo patawad...."Lumuluhang sabi ni Morales habang yakap ang Kaniyang pamilyang wala ng buhay. Niyapos naman ni Andrea ng yakap ang kapatid niyang si Amy. "Mabuti at ligtas ka kapatid ko.." Sabi ni Andrea. "Nakaligtas ako ate dahil na rin kay Tatay Dale..." Sabi ni Amy. "Ginawa ko ang makakaya ko... Kahit matanda na ako.." Sabi ni Dale. "Salamat Tatay Dale utang na loob ko sayo ang buhay ng kapatid ko." Pasasalamat ni Andrea kay Dale. At sa gitna ng kalungkutan nagsalita si Rick Grimes.... "Hindi na ligtas ang lugar na ito.. Kung nakarating na rito ang mga Walkers.. Ibig sabihin lang niyan maaaring may mga susunod pang mag tututungo rito.. Kaya mas mainam siguro lisanin na agad natin ang lugar na ito matapos natin ilibing ang mga kasamahan ninyo... At tayong mga natitira ang bawat isa ang magiging lakas natin at sisikapin natin lahat na wala ng mamamatay pa...."Sabi ni RicK Grimes sa lahat. Sa grupong nahanap nila Rick Grimes at Jheet Riggs makakaya nga ba nilang panatiling ligtas ang lahat sa mga Walkers at sa mga tao...... END OF SEASON 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD