Isang kalunos lunos nga ang sinapit ng
mga kasamahan nila Daryl at Glenn sa
Camp sa kabundukan. At ilan lamang
ang nakaligtas sa mga ito, at sa gitna
nga ng paghihinagpis ng lahat tila
nagdesisyon si Rick Grimes sa grupo tila
umiral ang kaniyang pagiging pulis na
pagmamando sa mga kasamahan niya
nuon kung ano ang kailangan nilang
gawin.
"Sino naman ang bagong salta na ito?
At tila nagdedesisyon sa grupong ito
masyado ka atang pasikat? Ano sa
tingin mo? Pero tama ka sa isang bagay
kailangan ng lisanin ang lugar na ito.
Pero huwag na natin pag aksayahin pa
ilibing ang mga iyan." Sabi ni Merle sa
kanila.
"Mga kasamahan ninyo ang namatay
marapat lamang silang ilibing." Giit ni
Jheet Riggs.
"Ililibing namin sila. Kung wala
kang pakialam sa mga katawan nila
manahimik ka na lang." Sabi ni Rick
Grimes.
"Kuya... Huwag ka ng makigulo pa."
Sabi ni Daryl Dixon bago pa mag
kainitan si Rick at Jheet kay Merle
Dixon.
"Ok... Wala na akong sinabi gawin
ninyo ang gusto ninyo." Sabi na lamang
ni Merle Dixon.
At kahit gabi na iyon nagsimula pa
rin silang bumungkal ng lupa, para
sa mga magsisilbing libingan ng mga
kasamahan nilang pinaslang ng mga
walkers. Pinana na ni Daryl Dixon ang
mga ulo nito upang mawasak ang mga
utak nila at hindi na muling mabuhay
pa.
Ang mga walkers naman na wala
ng buhay na nakakalat sa Camp, ay
pinasya nilang pagsamasamahin
medyo malayo sa kinaroronan nila
at doon sinimulan nila itong sunugin.
Halos magdamag silang bumungkal
ng lupa para sa libingan ng mga ito, at
bago pa sumapit ang umaga nagawa na
nila ang libingan ng mga ito. At isa isa
na nga nilang inilibing ang mga ito sa
hukay.
"Parang ayaw ko na mabuhay pa.. Dahil
ang mga dahilan ko para mabuhay ay
wala na.." Umiiyak na sabi ni Morales.
"Morales..
Tanggapin mo nalang ang
nangyaring ito alam kong masakit pero
kailangan mo parin tanggapin. At wag
mong kakalimutan narito lang kami
para sayo." Sabi ni Jim kay Morales.
Samantala...
Patuloy pa rin ang pagluha ni Carol
Pelleteir at Sophia Pelleteir sa nabatid
nilang patay na si Ed Pelleteir..
"Mama.. Wala na si Papa... Paano na po
tayo.." Lumuluhang sabi ni Sophia.
Hindi ko alam anak... Pero hindi kita
pababayaan mamamatay mo na ako
bago ka pa mapahamak."Sabi ni Carol
Pelleteir sa kaniyang anak.
Nakatanaw naman sa kanila si Daryl
Dixon at siya ay napaisip.
"Maswerte si Ed.. Mahal siya ng
pamilya niya kahit hindi siya naging
mabuti sa mga ito. Hindi katulad
ng pamilya namin ni Kuya... Puro
karahasan at pagmamalupit na
lamang.." Sabi ni Daryl Dixon.
"Ano Dary.... Saan lupalop ninyo ba
nakita ang dalawang yan? Nakakaasar
sila... Lalo na yung pulis na iyon nag
aastang pinuno..." Sabi ni Merle Dixon.
"Tama naman siya walang mali sa
sinabi niya.." "Tugon ni Daryl Dixon at
lumayo mo na siya sa kaniyang kapatid
"Daryl... Daryl.. Mukhang lumambot
na ang kapatid ko." Sabi pa ni Merly
Dixon.
"Ahhh.. Rick sa balak natin pag lisan
hindi sapat ang Police Mobil na ito para
sa lahat.. Hindi tayo kakasya lahat rito."
Sabi ni Glenn Rhee.
"Naisip ko na rin iyan.. Kaya babalik
tayo sa siyudad upang maghanap
ulit ng masasakyan.. Mas malaki mas
mainam." Sabi ni Rick Grimes.
"Babalik muli tayo siyudad? Kunsa
bagay iyon lamang ang paraan sayang
nga lang hindi natin naisip agad na
maghanap ng karagdagang sasakyan ng
naroon tayo. " Sabi ni Glenn Rhee.
"Apat ang sasama sa akin... Sapat na
iyon kung gusto mo sumama ayos lang
rin." Sabi ni Rick Grimes.
"Sasama ako sa inyo.. Tatanungin ko
pa ang iba kung sirno ang tatlo pang
sasama.." Sabi ni Glenn Rhee.
Agad nag presinta si Jim T - Dog at Daryl
sa mga sasamang babalik sa siyudad
upang maghabap ng karagdang
sasakyan para sa pag likas nila sa
Lugar na iyon. Hindi nila isinama pa
si Morales dahil emotional pa ito sa
pagkamatay ng asawa at dalawa niyang
anak. Si Jheet Riggs naman ay sadyang
pinaiwan ni Rick Grimes upang
bantayan ang Grupo.
"Ako ng bahala rito.. Mag iingat na
lamang kayo at aasahan namin ang
inyong pagbabalik."Sabi ni Jheet Riggs.
"Kayo rin mag iingat kayo rito sisikapin
namin makabalik agad ng sa ganoon
makaalis agad tayo sa lugar na ito.
"Sabi ni Rick Grimes.
"Rick tayo na! Aalis na tayo ng
makabalik rin agad tayo.
" Sabi ni Glenn Rhee.
"T- Dog sigurado ka ba na sasama ka..
Baka maging pabigat ka lamang."Sabi
ni Daryl Dixon.
"Pangako, gagawin ko lahat ng
makakaya ko hindi ako magiging
pabigat" Sabi ni T - Dog.
"Ganiyan nga T - Dog ipagpatuloy mo
lang yan maging matapang ka." Sabi ni
Jim.
At nagsisakayan na nga sila sa police
Mobil at si Rick Grimes na muli ang
nagmamaneho.
Dumaan pa sila sa isang
Gasoline station para sa karagdagang
gasolina. Saglit silang huminto roon
upang i full tank ang gasolina ng police
mobil at may dala na rin silang ilang
container para sa imbakan ng Gasolina.
Nadaanan na rin nila ang Gasoline
Station na iyon nung sila ay pabalik
sa Camp, at muli lang silang burmalik
para sa karagdagan pang Gasolina
para hindi na sila agad kinakapos ss
gasolina.
"Mabuti na lamang at may Silbi pa ang
gasoline station na ito." Sabi ni Jim.
"Pero may hangganan din ito. Mauubos
at mauubos din ang Gasoline ng
gasolinang ito kaya samantalahin na
lang natin habang meron pa." Sabi ni
Daryl Dixon.
"Teka... Hintayin ninyo lamang ako rito
sandali lamang ako. Puntahan ko lang
itong Convenient Store ng Gasolinahang
ito." Sabini Glenn Rhee.
"Para saan pa Glenn?" Tanong ni Jim.
"Kasi.. Baka meron pa diyan yung
chocolate na gustong gusto ko.. Basta
sandali lang ito." Sabi ni Glenn Rhee at
agad siya pumasok sa Convineint store
na iyon.
"Minsan talaga umiiral ang pag ka
isip bata ni Glenn.. Pero maaasahan
naman.." Sabi na lamang ni Jim.
Hindi tulad ng nakaraan. Buong ingat
na si Glenn Rhee sa mga pag kilos niya
mata niya ay nagmamasid at baka may
Walker sa loob ng Convenient Store na
iyon. At ng wala naman siyang makita
na Walker Agad na pumasok si Glenn Rhee at naghanap ng isang Brand ng Chocolate na paborito niya.
"Sana naman meron pa ng hinahanap
ko." Sabi pa ni Glenn Rhee habang
patuloy sa paghahanap.
At hindi naman siya nabigo nahanap
niya ang Chocolate na hinahanap
niya at tuwang tuwa si Glenn Rhee. Sa
tuwing makakahanap siya ng Chocolate
na Gusto niya kasi wala ng gagawa ng
mga produkto na iyon dahil na rin sa
nangyaring kaguluhan sa ibat ibang
panig ng mundo.
"Sabi na nga ba meron nito dito... Hindi
ako nagkamali." Sabi ni Glenn Rhee.
Nang biglang may narinig siyang
yabag ng paa sa nakabukas na pinto ng
Store na iyon na nag sisilbing tulugan
ng mga empleyado. At bago pa siya
makakilos upang silipin kung ano man
iyon bigla agad nag labasan ang tatlong
Walkers na may pag ka Agresibo.
Ang tatlong Walkers na ito ay pawang
mga Empleyado ng Store na iyon at
pasalakay na nga sila kay Glenn Rhee.
At dahil hindi bihasa sa paggamit ng
baril si Glenn Rhee umakyat na lamang
siya sa Estante upang hindi maabot ng
mga Tatlong Walkers. Hindi rin siya
agad nakalabas dahil naharangan agad
si Glenn ng isa mga Walker.
"Kainis nanginginig ang mga daliri
ko" Sabi ni Glenn Rhee, habang
sinusubukan niya barilin ang mga
ito ngunit nanginginig ang kaniyang
kamay, at hindi niya makalabit ang
gatilyo ng baril. Dahil nga hindi siya
sanay sa pag gamit ng Baril.
"Masyado akong mabait para mag
karoon ng baril." Sabi na lamang ni
Glenn Rhee.
At bago pa sumaklolo sila T - Dog,
Jim, Daryl at Rick bumagsak na ang
Estanteng kinatatutuntungan ni Glenn
Rhee. Dahil na rin sa mga Walker na
nag pupumilt siya kainin.
"Aaaahhhhhhh!"
Sa pagkabagsak ng estanteng
kinatatayuan ni Glenn Rhee, bumagsak
siya sa sahig at bahagyang nasaktan
kasabay nun patuloy pa rin siyang
gustong lapain ng mga walker natumba
rin ang mga ito kaya naman hila siya
ng dalawang walker na gumagapang,
at ang isa naman ay tumayo upang
sunggaban siya.
"Hindi..." Nasabi na lamang ni Glenn
Rhee habang pilit na nag pupumiglas
ito sa pagkakahawak sa kaniya ng
dalawang walker.
Nabitawan pa ni Glenn Rhee ang
kaniyang Baril at wala siyang dalang
patalim kaya wala siyang anu mang
panlaban.
Mabuti dumating na sila Rick
Grimes agad pinana ni Daryl Dixon ang
dalawang humihila sa Paa ni Glenn
Rhee. Tumagos ang palaso ng panang
iyon sa isa pang ulo ng Walkers.
Kaya naman dalawa agad ang napatay ni Daryl Dixon sa isang Tirahan lamang.
Habang si Rick Grimes binaril agad sa
ulo ang isa pang walker na nakatayo.
At tumumba ito sa katawan ni Glenn Rhee kaya halos mamanchan ng Dugo ang kasuotan ni Glenn Rhee.
"Salamat at nailigtas ninyo ako... " Sabi
ni Glenn Rhee.
"Ano pa ba ang bago? Lagi ka naman
padalos dalos kaya ka napapahamak.
Huwag mo ubusin ang swerte mo
Glenn.. Dahil nauubos din ang Swerte
at sa oras na maubos ang swerte mo
kamatayan mo na ang sasapitin mo."
Sabi ni Daryl Dixon bilang paalala kay
Glenn Rhee, at muli niyang kinuha ang
palasong tumama sa ulo ng dalawang
walkers.
Agad namang inalalayan ni T- Dog si
Glenn Rhee sa pagtayo dahil medyo
masakit pa ang katawan ni Glenn Rhee
ng bumagsak siya mula sa estanteng
kinatutuntungan kanina.
"Salamat T - Dog sayo na lang itong isa
pang Chocolate ko." Sabi ni Glenn Rhee.
"Ikaw talaga nakuha mo pang
mamigay ng Chocolate? Pero hindi
ko iyan tatanggihan gusto ko rin ng
Chocolates." Sabi ni T- Dog.
"Glenn.. Muntik ka naman mapahamak
dahil sa chocolate na iyan.. Pero ito
buhay at ligtas ka pa rin."Sabi ni Jim.
"Mukhang nasa panig ko pa nga ang
swerte.." Sabi ni Glenn Rhee.
"Tayo na mga kasama.. Mag patuloy na
tayo.." Sabi ni Rick Grimes at pumasok
na ito sa Police Mobil.
At sa kanilang pagpapatuloy naisipan
ni Rick Grimes na muling balikan si Ed
Pelleteir upang alamin ang sinapit nito.
At pag dating nila sa bakanteng bahay
na iyon nakakita sila ng putol na kamay
at isang walker na pugot na ang ulo.
"Isa lang ang ibig sabihin nito buhay si
Ed... At sana naman may natutunan na
siya." Sabi ni Rick Grimes.
"Hindi na ako aasa pa.. Na mag titino
ang taong iyon matapos ng ginawa
natin sa kaniya? At sa palagay ko
gaganti iyon sa atin.. At kung ganoon
nga talagang papaslangin ko na siya
at hindi na ako magpapapigil pa kahit
sayo pa Rick.." Sabi ni Daryl Dixon.
"Bahala ka na sa desisyon mo." "Tugon
ni Rick Grimes.
At pinarada na nila mo na ang
sasakyan roon upang maghagilap ng
karagdagang sasakyan para sa plano
nilang palikas.
Samantala.
Sa kabundukan sa Camp nila Glenn
Rhee kung nasaan naiwan si Jheet Riggs
at ang iba pa, tila nagkakaroon na ng
kaguluhan dahil sa nakatatandang
kapatid ni Daryl Dixon na si Merly
Dixon. Ng sapilitan niyang kunin ang
Shotgun ni Morales na ayaw ibigay
ni Morales. Dahil batid nilang may
kagaspangan ng ugali si Merle Dixon.
"Ibigay mo na sa akin ang baril na ito!
Wala ka sa tamang kondisyon at pag
iisip para gumamit ng baril na ito!" Sabi
ni Merle Dixon.
"Namatayan ako ng pamilya! Hindi
mo ba ako naiintindihan! Kung bakit
ako nag kakaganito!" Galit na sabi
ni Morales at tinutukan na niya ng
Shotgun si Merly Dixon.
Teka.. Easy lang baka maiputok mo
iyan kaibigan.." Pangiti ngiting pang
sabi ni Merle Dixon na animoy nang
aasar pa.
"Merle.. Tama na yang ginagawa mo..
Nag luluksa si Morales.. Pero hindi iyon
dahilan para kunin mo ang pag mamay
ari niya." Sabi ni Tandang Dale.
"Ikaw na matanda ka.. Hindi mo ako
anak o apo! para pangaralan mo.."
Sumbat ni Merle.
"Merle galangin mo naman si Tatay
Dale!" Sabi ni Amy.
"Wala kang galang!" Sabi pa ni Andrea.
"Hahah! Mahalaga pa ba kung
gumalang ako o hindi? Sa mundo natin
ngayon... Hindi na iyon mahalaga...
Ang mahalaga ang maging matapang at
manatiling buhay." Sabi ni Merle Dixon.
Agad naman inilayo ni Carol Pelleteir
ang anak niya sa kaguluhang iyon. At
si Morales ay nanatili pa rin nakatutok
ang baril nito kay Merle Dixon.
Kaya naman umeksena na si
Jheet Riggs.
"Morales ibaba mo na ang baril mo...
Hindi dapat tayo magpatayan rito..
"Sabi ni Jheet Riggs.
"Nakakainis na kasi ng isang iyan...
Kundi lamang siya kapatid ni Daryl
hindi ko na alam kung ano na ang
nagawa ko sa kaniya..
"Sabi ni Morales at inalis na niya ang pag tutok ng baril kay Merle.
At sa pagbaba niya ng kaniyang baril,
bigla namang agad siyang sinunggaban
ni Merle.
At inagaw na nga nito ang
kaniyang Shotgun at agad nanutok
ng baril.
Itinutok niya ito kay Morales
sabay sabing...
"Hoy ikaw! Na bagong salta! Itapon
mo rito ang baril mo! At patalim at
kundi mo gagawin papasabugin ko ang
mukha ng Morales na ito!"
Pagbabanta ni Merle Dixon na ang tinutukoy niya ay si Jheet Riggs.
Agad naman isinuko ni Jheet Riggs ang
baril at patalim niya kay Merle Dixon.
"Magaling masunurin ka naman pala."
Sabi ni Merle Dixon habang sinusukbit
na niya ang baril ni Jheet Riggs at
patalim habang nakatutok pa rin ang
Shotgun kay Morales.
"Merle...Huwag ka naman ganito
sa grupo pamilya tayo rito." Sabi ni
Tandang Dale.
"Isa lamang ang pamilya ko at si Daryl
lang iyon... At kayong lahat! Wala lang
kayo sa akin naiintindihan ninyo.. At
isa pa ang gusto ko lamang mapasa
akin ang Baril ni Morales at ng bagong
saltang ito.
Iyon lang at wala ng iba
pa.." Sabi ni Merle Dixon.
Sa puntong iyon hindi na nakapag pigil
pa si Jheet Riggs bigla siyang kumilos
ng mapansin niyang kampante na si
Merle Dixon. At hindi nga inaasahan
ni Merle ang pagsugod na iyon ni
Jheet Riggs agad nabitawan ni Merle
Dixon ang hawak niyang Shotgun. At
nagkasuntukan na nga sila ni Jheet
Riggs na halos magpatayan na silang
dalawa.
Ngunit gamit ng sariling patalim ni
Jheet Riggs na naisukbit ni Merle sa
kaniyang tagaliran sinaksak niya si
Jheet Riggs ng tatlong beses ng sunod
sunod.
"Aaahhhhhhh!"
"Ibang klase ka rin.. Matapang ka.."
Sabi ni Merle Dixon sa nakahandusay
ng si Jheet Riggs na nagtamo ng tatlong
saksak at nang kukunin na ni Merle
Dixon ang nabitawan niyang Shotgun...
Isang tipak ng bato ang humampas sa
ulo niya mula sa likuran niya, na agad
ikinawalan ng malay ni Merly Dixon...
Ang taong pumukpok ng Tipak ng bato
sa likuran ni Merle Dixon na kaniyang
ikinawalan agad ng malay ay walang
iba kundi si Carol Pelleteir.
Agad na siyang gumawa ng aksyon dahil
mukhang papaslangin na ni Merle
Dixon si Jheet Riggs matapos niya ito
saksakin. At dahil hindi napansin ni
Merle ang pag dating niya sa likuran.
Nagawa nga ni Carol Pelleteir na
pukpukin si Merle at ganap na itong
nawalan ng malay.
"Carol hindi namin inaasahan lahat
ang ginawa mo.." Nasabi na lamang ni
Andrea.
"Napatay ko ba siya.. Sana hindi dahil
hindi ko talaga iyon intensiyon gusto ko
lang naman pigilan ay pigilan siya ng
hindi na siya makapakit ng iba pa."Nag
aalalang sabi ni Carol Pelleteir.
Agad naman pinakiramdaman ni
Tandang Dale kung humihinga pa si
Merle. At humihinga pa naman ito at
mas maayos ang kalagayan nito kung
ikukumpara kay Jheet Riggs.
"Normal lamang ang paghinga niya
nawalan lamang talaga siya ng malay
sa pag pukpok mo ng bato sa kaniya.. At
ang higit na nangangailangan ng tulong
ay si Jheet Riggs..
Labis ang pagdurugo
ng tagiliran niya dahil sa pananaksak
sa kaniya ni Merle.." Sabi ni Tandang
Dale.
Agad namang kumilos si Amy isa kasing
Nurse ang kapatid ni Andrea na si
Amy. At sinabi niyang walang dapat
ipag alala dahil hindi naman inabot
ang bituka o atay ni Jheet Riggs.
Ngunit kailangan pa rin itong agapan dahil maaring mamatay si Jheet Riggs sa labis na kawalan ng Dugo.
"IkAw na ang bahala sa kaniya.." Sabi
ni Tandang Dale kay Amy,
dahil tanging si Amy lamang sa kanilang lahat makapagsasalba ng buhay ni Jheet
Riggs.
Si Merle Dixon naman ay hinila ni
Morales patungo sa isang puno at doon
iginapos tinali niya ito habang wala pa
itong malay.
"Dapat pa ba natin siya igapos? Hindi
bat kalabisan na ito." Sabi ni Carol.
"Delikadong kasamahan ang taong
ito para sa atin..
Hayahan mo na
natin siyang ganiyan, saka na
tayo magpapaliwanag kay Daryl..
At nakakatiyak naman ako na
maiintidihan niya tayo kung bakit
natin ito ginawa sa kuya niya." Sabi ni
Morales.
Samantala sa Camp na kinaroronan
nila Shane Walsh kasama si Lori Grimes
na asawa ni Rick at Carl Grimes na
anak naman ni Rick.
Naroon sila sa
Camp na tinatawag na Woodbury. Isa
itong tila maliit na siyudad sa gitna
ng kagubatan dahil may bahay itong
mga sementado tulad ng kabahayan
sa siyudad. At may mga palaruan rin.
may mga pasugalan,
Restaurant at kung ano ano pa.
Napaka komportable
ng pamumuhay ng mga tao sa loob ng
WoodBury Camp.
Na pinamumunuan ng tinatawag nilang GOVERNOR. At meron mga private Army
ang Governor na ito na siyang
pumuproteksyon sa Woood Bury Camp
sa mga walkers na magtatangkang
sila ay salakayin.
Mahal na mahal ng
mga tao ang Governor na ito dahil tila
nakapag tayo siya ng tila Paraiso sa
kabila ng kaguluhang nangyayari sa
mundo.
"Sa lahat ng aking mamamayan,
maging payapa lamang tayo rito at
laging magmamahalan ng sa ganoon
walang away at walang gulo." Sabi ni
Governor sa kanila.
Ngunit isang katakang takang
kaganapan ang patuloy na nangyayari
sa Wood Bury Camp.
Dahil sa hindi
maipaliwanag na dahilan may ilang
mga taong residente ng Wood Bury
ang nawawala na lamang na parang
bula? Kaya naman halos hindi iwan ni
Lori ang anak nila na si Carl dahil baka
bigla na lamang itong mawala? Katulad
ng ibang tao sa Woodbbury.
Sa Wood Bury Camp na kinabibilangan
nila Shane Walsh, Lori at Carl si Shane
ay isa sa mga nagpupumilit matanggap
bilang Private army ng Governor.
Sa kadahilanang upang sa ganoon
magkaroon siya ng mga matataas na
kalibre ng baril para ipagtanggol na rin
si Lori at Carl dahil sadyang mahalaga
naman sa kaniya ang mag ina ng Best
Friend niyang si Rick Grimes. At sa
puntong iyon muling sinubukan ni
Shane Walsh makiusap sa Governor na
maging isa sa mga private army niya.
Ngunit ayaw na siyang kausapin ng
Governor dahil nakululitan na rin ito
kay Shane Walsh.
"Ano bang problema? Isa akong pulis...
Kaya ko gampanan ang pagiging
Private army ng governor! At baka
nga mas higit pa akong magalingat
maasahan kung kumpara sa inyong
kayong mga Private Army niya!"
Pagmamayabang ni Shane Walsh.
"Hindi basta basta tumatanggap
ng miyembro ng Private armny
si Governor..
Dahil ang Bawat
Private Army niya ay lubos niyang
pinagkakatiwalaan... Lahat kaming
Private Army ay kasama sa pagbuo
ng pasilidad na ito mula pa nung
umpisan. Kaya wala kang karapatan
maging Private Army ng Governor!
Makunteto ka na amang na maging
isang Residente.. Huwag ka ng mag
hangad pa ng iba pa." Sabi ni Martinez
na siyang kanang kamay ng Governor.
"Hindi ikaw ang gusto ko makausap!
Umalis ka sa harapan ko! Wals akong
oras para sayo"Sabi ni SHane Walsh.
Tila ikinainis naman ito ni Martinez
kaya tinutukan niya ng baril si Shane
Walsh. Ngunit hindi nagpatinag si
Shane Walsh, at lumapit pa siya ng
Husto at hinamon pa si Martinez na
iputok nito ang baril na nakatutuk sa
kaniya.
"Sige lang iputok mo.. Ng sa
ganoon masira ang repotasyon ng
Pinagmamalaking private Army ng
Governor! Patayin mo ako sa harap ng
mga taong naririto sa Wood Bury gawin
mo na! Iputok mo" Sabi ni Shane
Walsh.
Kaya naman ibinaba na ni Martinez
ang baril at inis na inis na siya kay
Shane, dahil tila naipahiya siya ni
Shane Walsh sa mga residente ng Wood
Bury.
"Ito ang tandaan mo.. Magigiging isa
rin ako sa Private Army ng Governor!
At sa araw na iyon mas hihigitan kita."
Sabi ni Shane Walsh at umalis na ito at
nagbalik kanila Lori at Carl.
"Nakakainis na talaga ang isang iyon.
Gusto gusto na ko siyang patayin." Inis
na sabi ni Martinez.
"Hayahan mo na lamang, masyado
lang mahangin ang isang iyon ngunit
wala namang ibubuga.' Sabi naman ni
Shumpert isa sa apat na Private Army
ng Governor.
Bukod sa Private Army may ilang Army
pa si Governor. Na nagbabantay sa
paligid ng Woob Bury Camp. At ayaw
ni Shane Walsh na maging isang army
lamang. Gusto niya maging isa Private
Army ng Governor ng sa ganoon
mabigyan ng Priority si Carl at Lori sa
Wood Bury.
Samantala...
Nasa maaayos ng kalagayan si Jheet
Riggs mabuti na lamang at mag match
ng Dugo si Tandang Dale at Jheet Riggs
at agad nasalinan ng kakulangang Dugo
si Jheet Riggs mula kay Tandang Dale sa
tulong ni Amy.
tubecontine