Chapter 4

1842 Words
“What?!” ani Letizia na mas lalo pang nanlaki ang bilugang mga mata. Napalingon siya sa lalaking ngayon ay hindi na maipinta ang pagmumukha. Kaya ba ganoon na lang ito kung makatingin sa kanya? Napailing siya then laughed hysterically. “You’re kidding, right?” tanong ni Letizia sabay baling sa ama. “I am not kidding Letizia. Kaylanman ay hindi ko ipagbibiro ang mga bagay pagdating sa ‘yo,” mahinahon pa ring sagot nito. “Hindi mo ba siya natatandaan? He was your Ninong Federico’s second son,” dagdag pa nito na muli niyang ikinagulat. Bumilis ang t***k ng kanyang puso pagkarinig sa sinabi ng ama at muling nilingon ang lalaking tinutukoy nito. She remembered one time noong fifteen pa siya at umuwi sa kanila sa San Marcelino. Isinama siya ng kanyang ama sa Puerto del Cielo kung saan nakatira ang Ninong Federico niya. There she met a handsome man with beautiful brown eyes na kapag tinititigan siya ay parang pangangapusan siya ng hininga. Siya na iyon? Ang kunot-noong tanong niya sa sarili. Antonio still cannot cope up with what was happening around him. Isa lang ang nagtutumining sa isipan niya, if he won’t marry this woman in front of him, mawawalang lahat ng pinaghirapan niya and he cannot let that happen. Dugo’t pawis ang ipinuhunan niya upang mas lalong mapalago ang kompanya nila at isang malaking kalokohan kung wala siyang mapapala doon! Malamig ang mga matang isa-isa niyang tiningnan ang mga kaharap. Tumigil ang mga iyon sa babaeng hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. “Fine… I will marry you.” Walang kagatol-gatol na wika niya dito habang hindi ito hinihiwalayan ng tingin. Napaawang naman ang mga labi nito habang unti-unting nanlalaki ang bilugang mga mata. Hindi nito makuhang magsalita. Antonio felt the sudden urge of kissing those lips of her. Pero sa tuwing maalala niya kung sino ito sa buhay niya, natatabunan ng galit ang kung ano mang nararamdaman niya para dito. Bahagya pa siyang napapitlag ng marinig na pumalakpak si Augusto. “I knew it! I knew it! You did the right thing, hijo.” Malapad ang mga ngiting wika nito sabay lapit sa kanya. Mabilis siyang kinabig nito at niyakap ng mahigpit. “Thanks, hijo... Mapapalagay na ngayon ang loob ko, dahil alam kong nasa mabuting kamay ang anak ko,” bulong nito sa kanya. Antonio smirked at nakita iyon ni Letizia. At hindi niya alam kung bakit muli siyang kinilabutan. Kakaiba ang pakiramdam niya sa ipinapakitang anyo na iyon ng lalaki. Ganoon pa man, hindi man niya nauunawaan ang nangyayari, hindi naman niya maikakaila sa sarili ang sayang dulot ng sinabi nitong iyon. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroroon ang isang mumunting hiling na sana ay makita niya itong muli. Kanina sa bahay nito at habang pinagmamasdan niya itong natutulog, pakiramdam niya hindi na niya ito kayang iwan pa. Malakas ang pwersang humahatak sa kanya na manatili na lamang sa tabi nito habang-buhay. But, she didn’t even know him. Kaya isinantabi na lang niya ang nararamdaman at malungkot na nilisan ang bahay nito. Habang sakay siya ng taxi, ito pa rin ang laman ng isipan niya. At kasabay ng pag-alis niyang iyon ay ang pagkakaiwan naman ng puso niya dito. At naiintindihan na niya ngayon kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. She’s slowly falling in love with this stranger that soon-to-be her husband. But, no... He’s not that stranger at all, bulong ng kanyang isip. Dahil noong una pa lang niya itong nakita when she was still young, nagkaroon na ito ng puwang sa kanyang batang puso. At hindi niya alam na dala-dala pa rin niya iyon hanggang ngayon. “So when do you plan to get married?” tanong ni Augusto ng bitawan si Antonio at lingunin siya. “Right now,” walang kaabog-abog na sagot ng binata na ikinabigla nilang lahat na naroroon. Nagbibiro ba ito? Tanong niya sa isip. Ang kaba sa dibdib niya ay hindi mawala-wala habang hindi makapaniwalang nakatitig dito. “But, hijo—” “Tito… I mean Dad,” mabilis nitong pagtatama sa sarili, “naririto na rin lang naman si Attorney De Torres at mukha namang hindi tumututol si Letizia sa desisyon ninyo, why not marry us now? We will just signed the papers when it’s done. Madali namang gawan iyon ng paraan. And don’t worry about the rings, I could buy that later.” Mahabang paliwanag ni Antonio sa mga kaharap. Narinig ni Letizia na nagpakawala ng isang mahabang buntong-hininga ang kanyang ama bago siya nilingon. “Alright… If that’s what you want Antonio,” sagot nito at binigyan siya ng nagpapaunawang tingin. Tulalang napatingin na lang siya sa kanyang ama. Kanina lang ay ipinakilala siya nito sa mapapangasawa daw niya, tapos ngayon ikakasal na sila! She’s speechless! More than speechless! Hindi man siya tumututol sa desiyon ng ama, pero… Wala sa sariling napatingin siya kay Antonio na sa kanya din pala nakatingin. Hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isip nito, and his cold gazed makes her shivers. Napayuko na lang siya. Hindi niya makayang salubungin ang mga titig nitong iyon. “Are you sure with this, Kumpadre?” narinig ni Letizia na tanong ni Attorney De Torres sa kanyang ama. Tumango naman ito. “This is what we want… I mean kaming dalawa ni Federico. Matagal na naming pangarap na maging isang buong pamilya kami. And with the marriage of Antonio and Letizia, matutupad na rin iyon sa wakas kahit na wala na siya dito.” Nagniningning ang mga matang sagot ni Augusto. Napailing na lang sa isang tabi si Antonio. Hearing Augusto saying those words makes him wanted to punch him. Siya pa ba ang lolokohin nito? Both him and his father just wanted to make a big empire kaya nagkaroon sila ng ganoong agreement. Business is business. This is all about business! At once na naikasal na sila ni Letizia, lalakas ang pwersa ng magkabilang pamilya at sila na ang magiging pinakamakapangyarihang angkan sa buong Pilipinas. Because both families earned not just billions but trillions of money. Lalawak pati ang mga connections nila at mangingilag na sa kanila ang mga kakumpetensya sa negosyo. Iyon ang gustong mangyari ng mga ito. “Kung talagang desidido na kayo, then let’s start,” ani Attorney De Torres at sabay silang tiningnan ni Letizia. Napatingin si Letizia sa sarili. She was just wearing a simple house dress printed with flowers and a flat slippers. Hindi ba man lang siya pagbibihisin ng mga ito? “Okay, Attorney.” Wika ni Antonio at nilapitan siya nito at hinawakan sa kamay. Ang init na nagmumula sa palad nito ay naghatid sa kanya ng libo-libong sensasyon na lalong nagpabilis sa t***k ng kanyang puso. Iginiya siya ng binata sa harap ni Attorney De Torres na pumwesto sa lamesa ng kanyang ama at doon ay nagsimula na itong ikasal sila. Halos wala na siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito sa bilis ng mga nangyayari. Nakatulalang nakatitig lang siya dito. “Letizia?” narinig na lang niyang tawag ng abogado sa kanya. “Huh?” ilang beses siyang kumurap. Nagtatakang tiningnan niya ito, pagkatapos ay si Antonio na matamang nakatitig din sa kanya. “I’ll repeat the question...” anito at tumikhim muna bago nagsalita. “Do you, Maria Letizia Alvarez, take Antonio Monte Bello as you’re lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto him for as long as you both shall live?” tanong nito sa kanya. She looked at Antonio and starred at his twinkling brown eyes. Ang kakaibang kislap ng mga mata nitong iyon ang nag-alis ng mga alalahanin sa isip niya. Somehow, pansamantalang nawala doon ang malamig na titig na ibinibigay nito sa kanya kani-kanina lang. She sighed. And without taking her eyes off of him she answered, “I do.” Mahina iyon pero alam niyang dinig na dinig iyon ni Antonio. Tila naman nakahinga ng maluwag ang daddy niya na nasa likuran nila. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na paghininga. Ito na mismo ang nagpresinta na tumayong witnessed sa kasal nila. “By the authority vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kissed the bride,” anito. Antonio slowly bend his head and kissed her pagkarinig sa sinabing iyon ni Attorney. Ngunit, sandali lang iyon. Para ngang sumayad lang ang mga labi nito sa mga labi niya na tila may halong pandidiri. At hindi niya maintindihan kung bakit. “Congratulations to both of you!” tuwang-tuwang sabi ng daddy niya at pareho silang niyakap ni Antonio. “Please take care of my daughter,” anito kay Antonio ng bitawan sila pareho. “I will, Dad.” Sagot ng binata. Nakangiti ito pero parang hindi naman iyon umaabot sa mga mata nito. “Halina na kayo. Magpapahanda ako ng makakain sa mga katulong,” mabilis na sabi ni Augusto, pero walang balak na magtagal doon si Antonio. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon ora mismo at walang makapipigil sa kanya. “I’m sorry, Dad… Attorney,” aniya sa dalawang matandang lalaki pagkatapos ay binalingan si Letizia, “pero pwede bang sa ibang araw na lang tayo mag-celebrate? Marami pa akong aasikasuhin ngayon sa kompanya, baka mapagalitan ako ni Sebastian. Alam niyo na, kakakasal lang niya kahapon kaya ako muna ang namamahala sa hacienda at sa kompanya namin.” Paliwanag niya sa mga ito. Nakakaintindi namang tumango si Augusto. “Naiintindihan ko, hijo. Nawala nga pala sa isip ko na nasa honeymoon pa si Sebastian,” anito. “So, paano? Let’s just celebrate with the whole family next time.” Ngumiti naman si Antonio dito. “Yeah. I will also told them about what happened today,” makahulugang sabi niya at sinulyapan ang walang imik na si Letizia sa kanyang tabi. “Care to pack your things now, honey? Isasama na din kita ngayon.” Aniya rito sa malambing na tinig. Bahagya namang napapitlag si Letizia sa sinabi niyang iyon. Biglang namula ang mga pisngi nito. “Go, hija… Hindi mo dapat pinaghihintay ang asawa mo,” utos sa kanya ng ama. Mabilis naman siyang tumalima at umakyat sa kanyang kwarto. Biglang-bigla nagbago ang takbo ng buhay niya sa isang iglap lang. Hindi siya makapaniwalang kasal na siya sa mga sandaling iyon. Parang sasabog ang dibdib niya sa samu’t saring emosyong nakapaloob doon. Naririnig pa rin niya sa isip ang sinabi ng kanyang ama at ni Antonio. Asawa mo… Honey… Wala sa sariling napaupo na lang siya sa kanyang kama. Pinagmasdan ang mga gamit niya doon na basta na lang niya isinaksak sa isang travelling bag. Hindi niya alam kung kailan niya iyon inilagay doon, basta ang pakiramdam niya bigla na lang siyang napagod nang husto. She wasn’t in herself right now. Lahat ng nangyayaring ito ay hindi masundan ng isip niya, kaya pati ginagawa niya ay hindi na rin niya alam. Lutang na lutang ang isip niya and this is all because of Antonio, wala ng ibang rason.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD