Chapter 3

1447 Words
Tirik na ang araw ng magising si Antonio kinabukasan. Paglingon niya sa kanyang tabi ay wala na doon ang babae. Kunot-noong iginala niya ang mga mata sa loob ng kanyang silid. Wala na din doon ang nakakalat na damit nito. Hawak ang sariling ulo na bumangon si Antonio. Kahit saan niya ibaling ang paningin sa paligid, wala na ni isang bakas na naiwan ang babaeng kaniig niya kagabi. Napasulyap siya sa ibabaw ng kanyang kama. May bahid doon ng dugo. Iyon lang ang tanging naiwan nito. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng kahungkugan sa isiping wala na doon ang estranghera. Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha. He never thought that this would happen to him. He was just mending his broken heart yesterday and now, this! Mabilis na nawala sa kanyang isip si Candice at ang pumalit doon ay ang mukhang ng misteryosong babae kagabi. Matagal siyang napatitig sa kawalan. Well… maybe he was not really in love to Candice. Maybe it was just a pure admiration at napukaw lang niyon ang kagustuhang makipagkumpetensya sa nakatatandang kapatid. Maybe it was all hidden deep inside of him at nabuksan lang iyon ng makita niya kung paano umakto si Sebastian sa harap ng dalaga. Napapikit siya sa reyalisasyong iyon kasabay nang isang malalim na buntong-hininga. “I think this is much better,” aniya sa sarili at pagkuwa’y nagtungo sa banyo. Isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan. Hahanapin niya ang babae. Kung kinakailangang galugarin niya ang buong Pilipinas para lamang makita ito ay gagawin niya, dahil alam niyang hindi na siya makakatulog pa kung hindi niya ito makikita at makakasama. Pagkatapos maligo ay kaagad siyang nagbihis. Kinuha niya ang susi ng kanyang kotse at mabilis iyong pinaandar pabalik sa bar kung saan niya nakita ang babae. Nasa kalagitnaan siya ng byahe ng tumunog ang kanyang telepono. Wala sa loob na sinagot niya iyon. “Hello?” aniya “Hello? Antonio? Hi! Hi!” sabi ng isang masiglang tinig sa kabilang linya. Boses iyon ng isang may-edad na lalaki. Napakunot-noo si Antonio at napatingin sa hawak na telepono. Unregistered number iyon. “Who’s this?” tanong niya at muling ibinalik sa daan ang tingin. “Oh! Sorry… This is Tito Augusto. I got your number from your mother if you don’t mind,” magiliw na wika nito. Napatango naman siya sa sarili. Matalik na kaibigan ito ng kanyang ama. Ang pamilya nito ay taga San Marcelino na kalapit bayan ng Puerto del Cielo. Naalala niyang matagal na itong pinatatawagan sa kanya ng kanyang ina. “Oh, Hi Tito Augusto! Naunahan niyo lang ako. I was about to call dahil kinukulit ako ni Mama,” aniya habang nakangiti. “Yeah. Can we meet today?” tanong nito na ikinapagtaka niya. There was a sign of impatience on his voice. Bahagya niyang ikiniling ang ulo. “Today?” “Yes. There was something I need to talk to you.” Sagot nito. Lalo namang nagtaka si Antonio. “Ahmm… Okay. I’ll dropped by now. Naririto na rin lang naman ako sa may EDSA,” aniya. “That’s good to hear! I’ll wait you here,” masiglang wika nito bago nagpaalam sa kanya. Napailing na lang siya. Hindi niya pwedeng ipagsawalang-bahala ang matandang Alvarez dahil isa rin ito sa shareholder ng kanilang kompanya, ang Monte Bello Group of Companies. At kung may shares ito sa kanila, sila naman ay ganoon din sa kompanya nito. They both benefit with each other. Their company ventured on import-export of different goods as well as real estate. They also owned a cargo company and banks. Mahirap humawak ng ganito kalaking kompanya. As a vice president, as well as the acting president of their multi-billion company, kailangang maging doble ingat siya sa lahat ng transaction at desisyong kanyang gagawin. And with Sebastian’s help, na siyang pinaka-presidente ng kanilang kompanya, ay mas lalo pa nilang napalago ito. Their papa must be very proud to both of them. Pero ano nga kayang ipakikipag-usap sa kanyang ng Tito Augusto niya? It seemed to be so urgent. Pero wala namang nabanggit noon ang kanyang ina tungkol sa bagay na iyon. Pagdating sa mansyon ng mga Alvarez, masaya siyang sinalubong ni Augusto. “Hijo! Finally! Ilang buwan na ba tayong hindi nagkikita at nagkakausap?” tanong nito habang iginigiya siya papasok sa loob ng bahay nito. “I don’t really remember, Tito.” Nakangiting sagot niya rito. Dumeretso sila sa library at doon naabutan niya ang abogado ng pamilya nila na siya ring abogado ng pamilya Alvarez. Ang pagtataka niya ay napalitan ng pagkabahala. “Attorney De Torres, kamusta?” tanong niya sa matandang lalaki. “Very much fine, Antonio.” Kiming tugon nito. “What’s the matter Tito?” hindi na nakatiis na tanong niya kay Augusto. Tumikhim muna ito bago nilingon si Attorney De Torres. “Atty. De Torres wanted to give you something,” anito. Agad namang binuksan ng abogado ang dala-dala nitong attache case at hinugot doon ang isang may kalumaan ng papel at iniabot sa kanya. Binasa niya iyon na lalong nagpalalim ng gatla sa noo niya. “What does this means?” tanong niya sa dalawang lalaki habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa mga ito. “You’re father and I signed a deal, as you can see there,” anito na ang tinutukoy ay ang hawak niyang papel. “We have a deal that once my daughter turned on the right age, pakakasal siya sa ‘yo.” Dagdag pa nito. Para naman siyang nasabugan ng bomba sa narinig mula dito. Bigla siyang nabingi. “What did you say?” tiim-bagang na tanong niya dito. No… Papa won’t do this to me. Not me… He’s not even here for God’s sake! Mariing tanggi ng isip niya. Huminga ng malalim si Augusto. “Narinig mo ang sinabi ko Antonio. At nakalagay d’yan na kung hindi mo siya pakakasalan, you won’t get any cent from him.” Pagak siyang napatawa habang nakalolokong tingnan ang dalawang lalaking kaharap. Pagkatapos ay wala sa sariling binasang muli ang kasulatan na iyon na hindi naman pumapasok sa isip niya ang nilalaman. “Matagal na dapat iyang sinabi sa ‘yo ni Consuelo, but she said it’s better to tell you later on,” kwento pa ni Augusto. Marahas siyang napabaling dito. “What do you mean? Alam ito ni Mama?” Nagkatinginan naman ang dalawang matandang lalaki at sabay pang tumango. Nang mga oras na iyon, gusto ng magwala ni Antonio. Pati ba naman siya gusto ring imanipula ng ama? Hindi pa ba ito nakontento sa ginawa sa mga kapatid niya at kahit ngayong patay na ito, desisyon pa rin nito ang gustong masunod? He’s unbelievable! Sigaw ng kanyang isip at blangko ang mukhang napatingin na lang siya sa kawalan. Matagal siya sa ganoong anyo ng may sumilip sa pintuan. “Dad you’re loo—” Hindi na niya natapos ang sasabihin ng makita kung sino ang kasama nito sa library. Naroroon ang abogado nito at ang lalaking kanina lang ay iniwan niyang himbing na himbing sa pagtulog! Nanlalaki ang mga matang napatitig siya dito. Blangko naman ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatitig sa kanya. Wala na doon ang kagabi’y kakaibang kinang ng mga mata nito. At kung hindi siya nagkakamali, she saw hatred on his cold-brown eyes. Bigla siyang kinilabutan. Ngunit, hindi niya makuhang ibaling sa iba ang mga mata. Nananatiling nakatutok lang ang mga iyon dito. Antonio got flustered ng mapagsino ang sumilip na babae mula sa likuran ng pintuan ng library. Biglang sumikdo ang puso niya ng makita ito. It was none other than the mysterious woman last night! Ngunit, sandali lang ang pagkabigla niyang iyon. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig ng marinig ang sinabi nito. Marahas siyang napabaling kay Augusto na prenteng nakaupo. “Come here, hija.” Nakangiting wika pa nito sa babaeng bagong dating. Lumapit naman dito ang nagtatakang babae. “Antonio, this is Letizia, my only daughter.” Pakilala nito sa kanila. Tumalim bigla ang mga mata niya habang nakatitig sa babae. Samu’t saring isipin ang nagsalimbayan sa kanyang isip. Does she purposely went with me because of this? May alam ba ito sa kasunduang iyon? Tanong niya sa sarili. “Dad ano bang ibig sabihin nito?” naguguluhang tanong ni Letizia sabay baling sa ama. Kinakabahan na siya sa mga tinging ibinibigay sa kanya ni Antonio. Hindi niya alam kung para saan iyon, but she felt a bit scared. At gusto na niyang magtatakbo palabas ng silid na iyon. “He’s going to be your husband, hija.” Mahinahong wika ng kanyang ama na para bang isa lang siyang laruan na ipinamimigay nito sa kung sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD