Chapter 15

1456 Words
“Letizia, don’t sleep... You hear me!?” nanginginig ang tinig na utos ni Antonio sa asawang nasa passenger seat. Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok upang pigilan ang sariling mga luha. Hindi pa siya nakaramdam ng ganitong kaba at takot sa buong buhay niya. Pakiramdam niya siya ang mamamatay ng mga sandaling iyon. Hinawakan niya ang pawisang kamay ni Letizia at pinisil-pisil iyon. He wanted her to feel that he was just beside her at hinding-hindi niya ito iiwan. Manaka-naka’y sinusulyapan niya ito upang siguruhing hindi ito nakakatulog. Walang patid ang ginagawa niyang pagbusina sa mga sasakyang nasa unahan nila. Ang iba sa mga commuters ay sinisigawan at minumura siya, but he doesn’t care at all. Ni hindi niya nga alam kung ilang beses ba siyang nakagasgas ng ibang sasakyan dahil sa ginagawa niyang pagsingit-singit sa mga ito. Ang nasa isipan niya lang ay ang kaligtasan ni Letizia at kung paano sila makakarating ng mabilis sa ospital. “Help! Please! Somebody help us!” tila baliw na sigaw niya ng makapasok sa emergency room ng ospital while carrying Letizia. Agad naman siyang dinaluhan ng mga staff doon. Mabilis nilang inihiga si Letizia sa isang hospital bed. “What happened to the patient?” narinig niyang tanong ng isang babaeng nurse. “She was running when a car hit her.” Mabilis niyang tugon. Kaagad namang in-examine ng mga doctor at nurses doon si Letizia. Hindi naman niya malaman ang gagawin. Pauli-uli lang siya sa loob ng emergency room habang hawak-hawak ang sariling noo at pinapanood ang ginagawa ng mga ito sa asawa. Maya-maya ay nilapitan siya ng doctor. “What was your relationship to her?” mahinahong tanong nito. “She’s my wife. Why?” Lalong tumindi ang nararamdaman niyang kaba sa tanong na iyon ng doctor. “I think your wife had a miscarriage.” Wika nito na tila bombang sumabog sa kanyang pandinig. Tigalgal na tinitigan niya ang doktor. Totoo ba ang sinasabi nito? “C-can you repeat what you just have said?” ang naguguluhang tanong niya rito. His mind went blank. Tila wala iyong kakayahang mag-isip ng mga sandaling iyon. Huminga ng malalim ang doktor bago siya muling sinagot. “Buntis ang asawa mo at hindi pa siguro niya iyon nasasabi sa ‘yo. But unfortunately, nalaglag ang batang dinadala niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa kanya. She lost a lot of blood and we need to perform an emergency operation to stop the bleeding,” paliwanag nito. Pakiramdam ni Antonio ay yumanig ang kanyang buong paligid. Mabuway siyang humakbang palapit sa asawa na noon ay wala ng malay. “I’m sorry… I’m sorry… I’m so sorry, Letty, ” paulit-ulit na bulong niya kay Letizia habang hawak-hawak ang kamay nito. Noon pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng mga tao doon. Hindi niya alam kung paano pa ngayon haharapin ang asawa lalo na at buntis pala ito. Ngunit sa isang iglap ay nawala din iyon dahil sa kagagawan niya. “I’m sorry, Sir... But, we need to bring her to the operating room now.” Narinig niyang wika ng doctor sa kanyang tabi. Mabilis naman siyang tumango. Hindi niya binibitawan ang kamay ng asawa hanggang sa maipasok ito ng operating room. Sa labas ay walang patid ang pagdarasal niya, kahit hindi naman talaga siya paladasal. Ito yata ang pangatlong beses na ginawa niya iyon. Una ay noong kidnapin si Bella, at ang pangalawa ay noong atakihin sa puso ang kanilang ina. Pauli-uli siya sa harap ng operating room habang hinihintay na lumabas ang doctor doon. Hindi na niya mabilang sa isip kung ilang beses ba niyang tiningnan ang orasan na naroon bago tuluyang bumukas ang pintuan noon at iluwa ang doctor. “How is my wife?” agad niyang tanong ng lapitan ito. “She’s safe now.” Sagot nito na ikinahinga niya ng maluwag. “She will be transferred on the room that you requested any time now,” dagdag pa nito. “Thanks, Doc.” Aniya. Tumango naman ang doctor at nagpaalam na sa kanya. Siya naman ay nagtungo na sa silid na nakalaan para sa asawa. Ilang sandali lang ang ipinaghintay niya doon ng ipasok ang walang malay pa ring si Letizia. Mabilis niya itong dinaluhan ng sila na lang dalawa ang naiwan doon. “I’m really… really… sorry, Letty.” Kausap niya dito kahit alam niyang hindi siya nito naririnig. “I don’t know that you’re pregnant. I was a fool. I’m sorry… I’m so sorry…” paulit-ulit niyang wika habang masuyong hinahaplos ang ulo nito. Nasa ganoon siyang akto ng gumalaw ang mga kamay nito at unti-unting iminulat ang mga mata. “Letizia, sweetheart…” kaagad na tawag niya dito. Nang tuluyan na itong masanay sa paligid ay nilingon siya nito. “A-Antonio…” paanas na wika nito kasabay ng sunod-sunod na paglunok. “Yes, Sweetheart… I’m here…” mabilis niyang tugon. “How’s our baby?” hinang-hinang tanong nito sa kanya. Nasa tinig nito ang matinding pag-aalala sa inaakalang dinadala pa ring sanggol. Hindi siya agad nakaimik. Guilt run across his face. “Tell me his alright,” ang sabi pa ni Letizia habang nakatitig sa kanya. Nasa mga mata nito ang pagsusumamo. Umiling siya kasunod ng paghinga ng malalim. “I’m sorry, Letty. I’m so sorry…” ang tangi niya na lang nasambit dito. Hirap na hirap ang kalooban niya habang pinagmamasdan ang reaksyon ng asawa. “N-no…” Umiiling-iling na saad nito. “Tell me your joking…” dagdag pa nito. Nakaamba na sa mga mata nito ang napipintong pagluha. Para namang pinipiga ang puso ni Antonio. “I’m really sorry, Letty...” aniya sabay yakap dito. “No! That’s not true, Antonio! No!” nagpupumiglas na sigaw nito kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha. Naramdaman niya ang mahinang pagbayo nito sa kanyang dibdib. “Our baby is safe, Antonio! Tell me his safe!” pagwawala pa nito. Kahit kailan ay hindi matatanggap ni Letizia ang bagay na iyon. “Please, Letty… Stop doing this… Baka makasama sa ‘yo.” Nag-aalala ng sabi niya. “No! This is all your fault Antonio! This is all your fault!” sigaw nito. Wala siyang magawa kundi tanggapin lahat ng sinasabi nito. He’s a total jerk! Iyon ang totoo. Tuloy-tuloy pa rin si Letizia sa pagwawala at hindi na malaman ni Antonio kung paano ito papayapain. Tumawag siya ng doctor at binigyan naman ito kaagad ng pampakalma. Nang tumigil na ito sa pagpupumiglas ay dahan-dahan niyang binitawan ang mga kamay nito. Pinunasan niya ang mga luha, pati na ang mga pawis na gumiti sa noo nito. Masakit para sa kanya ang makitang nasaksaktan ang asawa, ngunit wala naman siyang ibang masisisi kundi ang sarili. Siya ang dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay na iyon ngayon. At gusto na niyang sapakin ang sarili ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung paano pa haharapin ang asawa kapag muli itong nagising, but he has to… He needs to… Mahal niya si Letizia at hindi niya hahayaang mawala ito sa kanya kahit na ipagtabuyan pa siya nito. Kamakailan lang niya iyon inamin sa sarili, kaya’t handa siyang harapin ang lahat ng galit na ibabato nito sa kanya. He will face all the consequences mapatunayan lang dito kung gaano niya ito kamahal. ** Letizia wasn't talking to Antonio ng muli itong magising. She just continuously crying na labis niya ng ikinababahala. Nasasaktan siya sa nakikitang anyo na iyon ng asawa kaya lumabas siya ng kwarto nito. And also, he wanted to give her space. Alam niyang sa tuwing makikita siya nito ay naaalala nito ang nangyari sa anak nila. He let out a deep sigh while starring blankly at her room. “Antonio!” tawag ng humahangos na si Augusto sa kanya. Katatawag lang niya dito kanina at expected na niya na susugod ito kaagad sa ospital. “Where is my daughter?” tanong nito ng makalapit sa kanya. Kasama nito ang panganay na anak na si Hanz. “She’s inside,” sagot niya sa matandang lalaki. Mabilis namang pumasok si Augusto sa loob kasunod siya at si Hanz. “Letty, hija… Dad is here,” anito ng lapitan ang anak at masuyong hinagod ito sa likod. Nakatalikod sa kanila si Letizia pero alam ni Antonio na patuloy pa rin ito sa tahimik na pag-iyak. Walang nakuhang tugon si Augusto mula sa anak. Ni hindi ito nililingon ni Letizia. “Please, Letizia… talked to me.” Ang nahihirapang wika ni Augusto. But Letizia remained silently crying. Walang nagawa si Augusto kundi ang magpakawala ng magkakasunod na buntong-hininga bago hinarap si Antonio. Mababakas sa mga mata nito ang matinding galit at pagsisisi habang nakatitig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD