Hindi malaman ni Letizia ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Mahigpit niyang pinisil ang magkasag-op na mga palad.
“Really?” nag-aalangang tanong niya sa gumagaralgal na tinig.
She was expecting this to happen, but she have not yet prepared herself for it.
“Yes, Mrs... Look at here,” anito sabay turo sa monitor, “did you this part? This is your baby. Same sized of a prune, but you can hear the strong heartbeat, right?” masusing paliwanag nito sa kanya.
“Oh my God…” naiiyak na wika niya habang nakatingin sa monitor at pinakikinggan ang heartbeat ng anak.
Mabilis naman siyang inabutan ng tissue ng doktor.
“Thanks…” aniya.
Parang may mainit na bagay na humaplos sa kanyang puso habang patuloy pa ring nakatingin sa monitor.
She was excited! But at the same time, scared.
She was about to become a mother in a span of eight months at hindi niya alam kung paano iyon iha-handle.
She never had a chance to have a mother. All her life, she was surrounded by men. May yaya nga siya ngunit, alam niyang iba pa rin ang kalinga ng isang ina. Hindi pa rin iyon matutumbasan nang kahit na ano o nang kahit na sino. At natatakot siyang baka hindi niya magampanan ng maayos ang kanyang tungkulin sa magiging anak nila ni Antonio.
“It’s alright to be afraid,” narinig niyang sabi ng doctor sa kanyang tabi habang pinagmamasdan siya. “You’re a first time mother at lahat naman ng firsts hindi madali sa umpisa. But later on, masasanay ka rin. Lahat naman ng ina dumadaan sa ganyang sitwasyon. Ako nga na kahit na isang doctor ay natakot din sa umpisa,” pagpapalubag-loob nito sa kanyang damdamin.
Napangiti naman siya dito. Bahagyang nabawasan ang alalahanin niya.
“Thanks, Doc. That really helps a lot,” aniya.
“Alright. We’re done here. Ibibigay ko na lang sa assistant ko ang mga vitamins na kakailanganin mo and then I’ll see you again next month,” ani Dra. Sanchez at iniwan na siya doon para makapagpalit.
Hindi naman siya naghintay ng matagal. Kaagad na iniabot ng assistant nurse sa kanya ang mga reseta at binilinan siya nito kung papaano iinumin iyon.
Pagkatapos ng check-up ay dumeretso siya sa isang bakeshop and bought a cake.
She was very excited to tell the good news to Antonio at hindi na siya makakapaghintay pa mamaya sa pag-uwi nito.
She wanted to surprise her husband kaya dumeretso siya kaagad sa MBGC building na nakangiti.
**
Tuloy-tuloy si Letizia sa Office of the Vice President kung saan naroon ang asawa. Nginitian niya ang sekretarya ni Antonio pagdating doon.
“Hi! Is Antonio there?” tanong niya dito.
Nagtataka namang tiningnan siya ng kaharap. Inaalala siguro nito sa isipan kung kailan siya nakita.
Wala pang formal announcement tungkol sa pagpapakasal nila ni Antonio at hindi niya alam kung nasabi na nito sa mga tauhan doon ang tungkol sa kanila. But, she doesn’t care at all. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay maayos ang pagsasama nilang dalawa.
“Ahmm… I’m sorry Ma’am… But, do you have an appointment with him?” magalang na tanong nito sabay lingon sa opisina ni Antonio bago muling ibinalik ang pansin sa kanya.
Alanganin itong ngumiti.
“No. But… tell him Letizia’s here… his wife.” Sagot niya na ikinagulat ng husto ng kaharap.
Nanlalaki ang mga matang tinitigan siya nito.
“P-pardon, Ma’am?” kkanda-utal na tanong nito.
“Oh… never mind,” aniya sabay wasiwas ng kamay. “I’m sure hindi pa nasasabi ng asawa ko sa inyo ang tungkol sa amin, but yes… You heard me right. I’m his wife.” Pakilala niyang muli.
“I am here to surprise my husband. His inside right?” nakangiting tanong niya dito.
“Y-yes… Ma’am,” anito at tensyonadong tumayo. “Ahmm… please wait here. I’ll informed him that you’re here.”
“Oh, no. Thanks.” Pigil niya dito. “Ako na lang. Ituloy mo na lang ang ginagawa mo,” aniya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng opisina ng asawa ng hindi kumakatok.
“Sur—”
Nabitin sa ere ang sasabihin niya kasabay ng pagbagsak ng dalang cake sa sahig. Tutop ang bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa naabutang tagpo.
Antonio and Sabrina was currently in the middle of a hot kissing scene. Nakalingkis ang mga braso ng babae sa batok ng kanyang asawa.
Parang sinaksak ng sampung beses ang puso niya and she cannot breathe! Nanginginig ang buong katawan niya sa samu’t saring emosyong lumukob sa kanya.
At iisa lang ang tumatakbo sa isipan niya ng mga sandaling iyon… Her husband was cheating on her!
“Letizia!” gulat na gulat na wika ni Antonio sabay tabig kay Sabrina na nasa kandungan nito. Muntikan pa itong mahulog sa sahig kung hindi nakakapit sa gilid ng lamesa ni Antonio.
Mabilis na inayos ni Sabrina ang sarili and looked at her. Defiance shows in her eyes. Hinahamon siya nito.
Nagngingitngit sa galit na binalingan niya si Antonio.
Sari-saring emosyon ang mababakas sa mga mata nito. There shows some regret, anger, and concern. At hindi alam ni Letizia kung para saan ang lahat ng iyon.
Gumalaw ito and heads towards her, but he was too late.
Mabilis niyang tinalikuran ang mga ito kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng kanyang mga luha. She runs to the elevator as fast as she can.
Mabuti na lang at kabubukas lang noon kaya dali-dali siyang sumakay and hit the close button very hard. Hindi niya iyon binitawan hangga't hindi tuluyang sumasara ang pintuan noon.
Hindi na siya naabutan pa ni Antonio.
All he could see in a very small gap of the closing elevator was his wife’s crying face.
Galit na galit na inihilamos ni Antonio ang mga kamay sa mukha at mabilis na nagtungo sa fire exit.
Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama kay Letizia!
**
Yuko ang ulong tumatakbong palabas ng building ng mga Monte Bello si Letizia.
Hindi niya malaman kung saan siya pupunta. Nanlalabo ang mga matang iginala niya ang paningin sa paligid pagkatapos ay walang direksyon naglakad-takbo.
“Letizia, wait!” tawag ni Antonio sa kanya na hindi niya namalayang nakasunod na pala kaagad sa kanya.
Mas lalo naman niyang binilisan. Ayaw niya itong makita o makausap ng mga sandaling iyon.
“Please… Letizia… Talked to me!” he pleaded while following her.
Para silang mga bida sa isang pelikula na naghahabulan sa gitna ng publiko at pinagtitinginan na sila ng mga tao.
“Go to hell!” sigaw niya.
Sarado na ang isipan niya. Hindi na siya makikinig pa sa anumang kasinungalingang sasabihin nito. Tama na ang nakita niya.
He already broke her heart into pieces at hindi na niya hahayaang mas durugin pa nito iyong lalo.
He’s a liar! A big-fat liar! Aniya sa sarili at mas binilisan pa ang pagtakbo papalayo dito.
“Letizia, stop!”
Pero huli na ang lahat.
Kasabay ng pagsigaw na iyon ni Antonio ay ang malakas na langitngit ng mga gulong ng sasakyan at ang pagtilapon niya sa kalsada.
Agad ang pagguhit ng matinding sakit sa may bandang puson niya. Para iyong humihiwa sa buo niyang pagkatao.
She felt the most unbearable pain she couldn’t even imagined. Namimilipit siya sa tindi ng sakit at hindi siya makahinga. Pawis na pawis ang kanyang buong katawan habang sapo-sapo niya ang tiyan.
She cannot speak nor utter any single word. All she could do at the moment was cry. She just cried like a river.
“Oh my God! Letizia!” halos mapatid na ang mga litid ni Antonio sa pagsigaw.
Hindi niya malaman ang gagawin ng mga sandaling iyon. He felt his heart jumped out of his chest ng makita ang nangyari sa asawa.
At nang lapitan niya ang nakahandusay nitong katawan and seeing the fresh blood runs down on her forehead and legs, nakaramdam siya ng matinding takot. Nadagdagan pa iyon ng makita itong namimilipit at umiiyak sa tindi ng sakit na nadarama.
Parang pinipiga ang puso niya.
Walang pag-aatubiling binuhat niya ito and run as fast as he can. Nang marating ang sariling sasakyan ay mabilis niyang isinakay doon si Letizia and drove like a madman.