“Lupe nasaan ang Ma’am mo?” tanong ni Antonio sa kasama nila sa bahay pagdating niya galing sa trabaho.
Wala si Letizia sa itaas ng umakyat siya doon kaya mabilis din siyang bumaba at hinanap ito.
“Eh Sir… nagsabi ho kanina na sasaglit lang daw ho sa kaibigan niya,” sagot nito sa mahinang tinig. Hindi na rin ito mapakali.
Napakunot-noo si Antonio.
“Hindi ba binilinan na kita na itatawag mo sa akin kaagad kapag umalis ang Ma’am mo?” ma-awtoridad na tanong niya rito.
Lumikot ang mga mata ng tinatanong niya. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya.
“S-Sabi niya ho kasi, Sir, madali lang daw ho siya.” Nanginginig ang tinig na wika nito.
Napakamot na lang sa kanyang noo si Antonio.
“Pwede ba next time, itatawag mo agad sa akin kapag aalis ang Ma’am mo?” aniya.
Tumango lang ito.
Tinalikuran na niya ito at muling lumabas ng bahay at nagtungo sa garahe.
Pagsakay na pagsakay niya sa kotse ay siya namang pagtunog ng telepono niya. Nabitin sa ere ang akmang paglalagay niya ng susi at mabilis na hinugot ang telepono sa bulsa.
Pamilyar ang numerong nakarehistro doon kaya kaagad niya iyong sinagot.
“Hello?”
“Antonio,” anang tinig sa kabilang linya.
“Tito Augusto? I mean… Dad?” paninigurado niya sa tinig mula sa kabilang linya.
“Yes hijo... It’s me.” Masiglang sagot nito. “Thanks for sending Letizia here. Alam mo bang dadalawin ko sana kayo this weekend, pero naunahan mo ako.” Natatawa pang dagdag nito.
Nakahinga naman ng maluwag si Antonio. Akala niya kung saan na naman naroroon ang asawa.
“I already told her to visit you last time, pero mas gusto niya muna daw akong makasama.” Pagsisinungaling niya dito.
Ayaw niyang pag-alalahanin pa ang byenan. Baka naman ito lang talaga ang kailangan ni Letizia para bumalik ang dati nitong sigla, dahil habang tumatagal ay kumibo-dili na ito kapag kaharap siya.
“Oh, I knew that. Babago pa lang kayong kasal kaya nauunawaan ko kayo. But, I really missed her terribly. Alam mo na naman na kaisa-isahan kong anak na babae si Letizia at alam kong maiintindihan mo rin ang sinasabi ko balang-araw kapag nagka-anak na kayo.” Tuloy-tuloy na sabi pa nito.
Saglit siyang natigilan dahil sa sinabing iyon ni Augusto. Nawala sa isip niya na hindi maglalaon ay magkaka-anak sila.
“I totally understand where you’re coming from. Hindi naman talaga iyon maiiwasan.”
“Thank you for that, Antonio. At siguro, it will be much more better kung pati ikaw ay naririto. However, I know how hardworking you are kaya hindi na kita pipilitin. But, for the meantime, let Letizia stayed here for a day or two.” Anito.
Napatango naman siya sa kawalan.
“Yeah. I agree.” Sang-ayon agad niya. “Tell my wife it’s fine with me if she stays there for two days. I’ll just call her from time to time,” dagdag pa niya.
“Okay. I’ll tell that to her. Bye,” anito sabay patay ng telepono.
Siya naman ay muling pumasok na sa loob ng bahay pagkatapos kausapin ang byenan. Mas panatag na ngayon ang loob niya na naroroon sa mga ito ang asawa.
Aminin man niya o hindi, pero talagang nag-aalala na siya sa kalagayan ni Letizia. She changed after that drinking night. At may palagay siyang isa siya sa mga dahilan ng ipinagkakaganoon nito. Hindi niya lang ito matanong kaya para siyang sira-ulong nanghuhula kung ano ba talaga ang dahilan ng pagbabago ng kanyang asawa.
**
“I called your husband last night, sinabi kong nandito ka. Hindi na kita pinuntahan sa kwarto mo dahil alam kong natutulog ka na and he said he will call you.” Bungad ni Augusto kay Letizia ng maupo siya sa hapag-kainan.
Tinanguan niya ang ama at tahimik na sumandok ng pagkain. Sa sulok ng kanyang mga mata ay napansin niya ang pagkunot ng noo nito habang mataman siyang tinititigan.
“May problema ba kayo ni Antonio?” nang-aarok ang mga tinging tanong nito sa kanya.
Sinalubong naman niya ang mga mata nito at bahaw na tumawa.
“No, Dad… Hindi lang siguro ako sanay sa buhay may-asawa. Wedding blues perhaps.” Aniya at sinabayan ng pagkibit-balikat.
Tumango ang kanyang ama, ngunit hindi pa rin nawawala sa mga mata nito ang pagdududa.
“Don’t hesitate to call me if anything happens, hija. Alam mong hindi basta-basta napapanatag ang loob ko when it comes to you,” nag-aalala pa ring wika ni Augusto kasunod ng paghinga ng malalim.
“Just a piece of advice hija… As much as possible, try to understand your husband kapag may hindi kayo pinagkakasunduan. He’s a busy man. Alam mo naman kung gaano kalaki ang kompanyang pinamamahalaan niya. Kaya minsan... may mga bagay siyang mas napa-priority. But nevertheless, he cares for you. Nararamdaman ko iyon.” Mahabang turan nito.
Ngumiti siya dito.
“Don’t worry Dad, I’m really fine… We are fine… And just like what you’ve said, Antonio has been taking care of me.” Pagbibigay konsolasyon niya dito kahit na nga it was half a lie, half-true.
Hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoo, because partly, he’s also at fault. She knew ng basahin ang agreement nila ng Ninong Federico niya, at para na rin siyang ipinamigay nito.
Akala niya, he really chooses a better man for her because it’s for her own good. But... she was wrong. Ginawa lang siyang kasangkapat ng mga ito to control Antonio.
It’s all because of money!
Well… hindi naman na bago iyon sa mga kagaya nilang myembro ng alta-sosyedad. For them, marriage is a part of business. There were always a deal behind it. Swerte na nga lang noong iba that they really found love out of their situations.
But marriage is a lifetime commitment. At kung walang pagmamahal na namamagitan sa isang mag-asawa, they will just suffer for the rest of their lives.
At hindi alam ni Letizia kung alin sila ni Antonio sa dalawa. A marriage that love will eventually bloom or just a plain marriage for a contract.
Ngayong alam na niya ang totoong damdamin para sa asawa, natatakot siya sa maaaring idulot noon sa kanyang pagkatao.
Habang tumatagal ay mas lalo siyang nahuhulog dito at nararamdaman niya ang unti-unting pagbabago ng sarili. At hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang tikisin si Antonio.
Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning itago ang tunay nararamdaman para dito.
**
Hindi pa man lumilipas ang maghapon ay naiinip na si Letizia sa kanila. Hindi rin siya mapakali kakaisip kay Antonio. She just stayed on her room starring blankly on the wall.
Maya-maya’y wala sa loob na hinagip niya ang telepono. She dialed a certain number na saulado ng isip at puso niya and pressed the call button.
Wala pang ilang sandali ang ipinaghintay niya ng may sumagot doon.
“Hello?” anang isang malamyos na tinig na ikinagulat niya.
Agad niyang nabitawan ang telepono at tulalang napatitig doon. Bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib.
Sino ang babaeng iyon na sumagot ng telepono ng asawa niya?
It was Saturday at alam niyang nasa bahay lang si Antonio at nagtatrabaho sa opisina nito.
Unti-unting bumangon ang galit sa dibdib niya.
So, ito pala ang dahilan kung bakit gusto niya akong pagbakasyunin dito sa amin, huh! Palatak niya sa isipan.
Padarag niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang kaibigang si Victoria. Niyaya niya itong mag-swimming sa kanila. Mabilis naman itong pumayag.
Ito lang ang naisip niyang paraan para maaliw ang sarili, dahil pakiramdam niya ay mababaliw na siyang tuluyan kapag hindi niya iyon ginawa.
Di rin naman naglipas ang ilang sandali ay dumating na ang kaibigan niya at hindi nagtagal ay pareho na silang nag-eenjoy sa pagligo.
Nang makaramdam ng pagod si Victoria ay nauna na itong umahon at pinanood na lang siya.
“Letty! Letty!” ang hindi na nakatiis na tawag ni Victoria sa kanya habang pinapanood siya sa pabalik-balik na paglangoy.
Tila wala siyang kapaguran habang ginawa iyon. She’s a pro swimmer and she can do many laps as long as she wants, pero iba ng mga sandaling iyon.
She’s angry and jealous! And her husband was driving her to insanity!
She wanted to exhaust herself, because she didn’t want to think anymore.
Whoever that woman is, she’ll regret that she answered Antonio’s phone. Maging ang asawa niya ay magbabayad din sa sakit na idinudulot nito sa kanya.
“Oh, Letty stop it!” malakas na sabi ni Victoria na nagpatigil sa kanya. Mabilis siya nitong nilapitan at hinila sa gilid ng swimming pool.
“What’s wrong with you?” anito sa nag-aalalang tinig. “Are you sure you’re okay? I though last night you directly went home para ayusin ang gusot sa pagitan ninyo ng asawa mo.”
Nakipagkita siya dito kahapon at hindi na siya nakatiis na ikwento ang lahat-lahat dito. Wala siyang ibang pwedeng pagsabihan ng kanyang mga problema kundi ito lang.
And she was very thankful na lagi lang itong nasa tabi niya para alalayan at suportahan siya. Maaasahan niya talaga ito sa lahat ng sandali.
Victoria is with her through thick and thin. Daig pa nila ang tunay na magkapatid at alam niyang alalang-alala na talaga ito ng mga sandaling iyon sa kanya.
Pagak siyang tumawa dito. “I am home, Vicky.” Mahinang tugon niya dito pamaya-maya.
Tinitigan siyang maigi ng kaibigan. “You’re not,” anito.
Bumuntong-hininga siya.
“What will I do now?” naguguluhang tanong niya sabay ahon sa tubig.
Sinundan naman siya ng kaibigan. Pareho silang naupo sa pool chair doon, at tulalang napatingin sa tubig ng swimming pool na parang naroon ang kasagutan sa tanong niya.