“What!?” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Letizia. Hindi niya alam na may ganoong pinagdaanan si Candice sa kanyang buhay bago nito napangasawa si Sebastian.
“Yeah…” tumatango-tangong sabi nito. “Kaya nga sising-sisi ako noong mga panahon na hawak ako ng mga kidnapper ko. Dahil kong namatay ako sa mga kamay nila, alam kong habang-buhay na pagsisisihan iyon ni Sebastian. Isisisi niya ang lahat ng nangyari sa akin sa kanyang sarili. And worsts baka mawalan na rin siya ng ganang mabuhay. Kaya pinilit ko noong makatakas para kay Sebastian.” Pagtatapos nito sa kwento nito.
Napatitig siya sa kawalan kasabay ng isang buntong-hininga hininga.
Ano ba ang ibig sabihin ni Candice sa mga kwento nito? Na hindi kakayanin ni Antonio na mawala ako sa piling niya gaya ng kapatid nito kay Candice?
Pero imposibleng mangayari iyon. Hindi ako mahal ni Antonio, tanggi ng kabilang bahagi ng isip niya.
He was just guilty dahil sa nangyari sa anak namin at wala ng ibang dahilan pa.
Malungkot na hinarap niyang muli si Candice.
“Thanks for telling me your stories. Pero hindi naman siguro ganoon si Antonio sa akin,” pag-amin niya dito.
Nasasaktan siya sa isiping hindi naman talaga siya mahal ng asawa.
Tinitigan siya ni Candice. “Have you ever talked to him about what he really feels for you?” nanunukat ang mga tinging tanong nito.
Umiling siya. Hindi niya makuhang magsalita dahil baka maging dahilan lang iyon ng pag-iyak niya.
Candice sighs.
“Looked, kung hindi mo pa siya nakakausap tungkol sa damdamin niya sa iyo, paano mo naman malalaman ang totoo? Dahil ba sa nakita mo kaya you realized na hindi ka niya talaga mahal?” tanong nito.
Tumango siya bilang tugon.
Napangiti si Candice. “You know what, isa lang naman ang solusyon sa problema mo… kausapin mo siya.” Anito. “Huwag kang gumaya sa naging karanasan ko noon. Nang dahil sa judgement ko at hindi pagkausap kay Sebastian, I almost lost my life and him,” dagdag pa nito.
“But… I already lost our child,” naiiyak ng saad niya. “Paano kong nagkamali nga ako ng hinala sa nakita ko noon at dapat kinompronta ko siya kaagad? Di sana okay pa kami at buhay pa sana ang anak namin. At iisa lang ang ibig sabihin noon… Kasalanan ko kung bakit nawala ang anak namin, dahil nagpadala ako sa emosyon ko.”
Sunod-sunod ng pumatak ang mga luha niya.
“Sshhh… Don’t be too harsh on yourself,” anito sabay pisil sa kanyang kamay. She wiped her tears bago siya pinakatitigan nito.
“May mga masasakit na bagay na sadya nating pagdadaanan sa buhay natin, bago tayo maging maligaya. There were times na may mawawala sa atin at magdudulot ng matinding kalungkutan sa ating buhay. Ngunit hindi naman doon natatapos ang lahat. Later on you’ll realize na kaya pala nangyari iyon, because there will be a better plans for us na magdudulot ng walang hanggang kasiyahan…” tumigil ito sandali at nginitian siya.
“Who knows…” patuloy nito sabay kibit-balikat, “malay mo naman na kaya nangyari ito, dahil may mas malaki pa palang plano ang nasa itaas para sa inyong mag-asawa.”
“You think so?” sumisinghot na tanong niya.
Tumango naman si Candice.
“But, what if hindi pala ganoon? What if nagtaksil nga siya? What if hindi pala niya talaga ako mahal?” sunod-sunod na tanong niya dito.
Lumapad ang ngiti ni Candice.
“You know what? Sa nakikita kong pag-aalala ni Antonio at sa mga ikinikilos niya, I knew na mahal ka niya,” pagbibigay assurance nito sa kanya.
“And one more thing Letizia…” pahabol pa ni Candice. “Monte Bello’s didn’t really know how to speak what they really feel. They just show it. Kaya masanay ka na sa kanila, especially to Antonio.” Anito at tumayo na upang iwanan siya doon.
Hinayaan siya nitong pag-isipan ang mga bagay na sinabi nito sa kanya.
Kung totoo ang sinasabi nito, iisa lang ang ibig sabihin noon, Antonio must really love her. Hindi lang nito sinasabi sa kanya.
**
“Mama, why didn’t you tell me na isasama ninyo sa Puerto del Cielo si Letizia?” bungad ni Antonio ng sagutin ng ina ang telepono nito.
Nadatnan niyang wala ang asawa sa bahay pag-uwi niya galing trabaho. Nang tanungin niya si Lupe ay sinabi nitong umalis is Letizia kasama ng kanyang ina at si Candice kaya kaagad siyang tumawag sa casa.
“Antonio… just let her be, okay?” sagot ng kanyang ina. “Sa nakikita ko naman tama ang desisyon naming isama siya dito, dahil ibang iba na ang aura niya ngayon. She always smiles lalo na kapag kausap niya si Bella,” dagdag pa nito.
Then he heard someone’s laughing on the background at kilalang-kilala niya kung sino ang tumatawang iyon.
Parang lumukso ang puso niya sa naririnig. Halos isang linggo na niyang hindi nakikitang tumatawa si Letizia, because everything she just did was cry.
Huminga siya ng malalim.
“Alright.” Sang-ayon niya. “Maybe it’s better na mas marami siyang nakakasalamuha. Nang sa gayon, kahit papaano, makalimutan niya ang mga nangyari. Mas marami nga siyang makakausap kapag naririyan siya sa casa. I’ll just follow her there. Magpa-file muna ako ng leave sa opisina pa—”
“Antonio, hijo…” putol ng ina sa kanyang sinasabi. “Siguro mas mabuti rin na hindi ka muna niya makita. You know… baka sa halip na bumuti ang lagay niya ay mas lalo lang siyang ma-depress kapag nakita ka niya dito.”
“What do you mean?” salubong ang mga kilay na tanong niya sa kausap. Mabilis ang pagtanggi ng isip niya sa sinabi ng ina.
“Give her space hijo… Give her time to heal herself,” anito. “Kaya mo namang gawin iyon, ‘di ba? For Letty? And for your relationship?”
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. Napahawak siya sa noo at sandaling inisip ang sinasabi ng ina.
Siguro nga ay tama ito. Mas mapapadali ang paghilom ng mga sugat ni Letizia kung hindi muna siya nito makikita.
“Alright,” pagpapahinuhod niya. “But, if some things happen, tawagan ninyo ako kaagad.” Aniya at nagpaalam na sa ina.
Napatitig siya sa kawalan.
Kung ito ang mas makabubuti para kay Letizia, gagawin niya. Magtitiis siyang huwag munang makita ang asawa para sa kapakanan nito.
Ganoon niya ito kamahal.
**
Ilang araw na ang nakalilipas at nag-eenjoy ng husto si Letizia sa pagtira niya sa casa.
Madalas ay kasama siya nina Candice at Sebastian sa paglilibot sa buong hasyenda. At talaga namang nakaka-amaze na makita ang kahariang iyon ng mga Monte Bello.
Napakapaya ng bulubunduking lupain na iyon na pag-aari ng mga ito. At kahit pa siguro doon na siya tumira habang-buhay ay hindi niya pagsasawaan.
She loves being with nature. It was also the reason why she was a very adventurous person.
Ilang kabundukan na nga ba ang naakyat nila noon ng kaibigan niyang si Victoria? Hindi niya na rin mabilang.
At bukod sa kabundukang iyon na pag-aari ng pamilya Monte Bello, ipinasyal din siya ng mag-asawa sa lupaing nabili ni Sebastian kung saan itinatayo ang isang napakagandang log house ng mga ito.
The house was being built on top of the valley overlooking with a beautiful sea.
Hindi niya alam na sa likod ng mga bundok doon ay may natatago din palang isang napakalawak at napakagandang karagatan.
Narinig niya sa mag-asawa na balak ng mga itong magtayo ng resort sa isa sa pinakamalaking isla doon. And the resort was intended to be very private, very different from the resorts in the city.
They were planning to build log cabins na siyang magiging pahingahan ng mga guests. At habang pinakikinggan niya ang kwento ng mag-asawa, lalo siyang nae-excite na parang ayaw na niyang umalis sa lugar na iyon.
“Aunt Letty where are you going?” tanong ng matabil na si Bella sa kanya.
Nadaanan niya ito sa may garden na naglalaro kasama ang yaya nito. Kasalukuyan siya noong papunta sa kwadra.
“I’ll go horseback riding. You wanna come?” pagyayaya niya dito.
Napansin niyang sumimangot ito.
“I want to… but I don’t know how to ride a horse,” anito. “Uncle Antonio said he’ll teach me, pero hindi naman siya pumupunta dito. He’s very busy,” dagdag pa nito na ikinatahimik niya.
Tulalang napatitig siya dito.