Ilang sandali ring natigilan si Letizia dahil sa narinig. Wala pang bumabanggit sa pangalan ng kanyang asawa mula ng mag-usap sila ni Candice, si Bella pa lang.
At ilang araw na rin nga siya sa casa pero ni anino nito ay hindi pa nagpapakita doon. Kahit ang pagtawag sa kanya ay hindi rin nito ginagawa.
Mukhang nagkamali si Candice ng sapantaha nito. Hindi nga siguro siya mahal ng asawa niya.
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Nasasaktan siya sa isiping iyon. Kaya dapat lang siguro na huwag na siyang umasa pa.
Ipinilig niya ang sariling ulo.
She was here to heal at iyon lang dapat na pagtuunan niya ng pansin.
Nginitian niya si Bella.
“I’ll teach you one of these days,” aniya.
“Really?” excited na sabi nito kasabay ng panlalaki ng mga mata.
Tumango siya.
“Yeah… so be ready okay?”
“Okay, Auntie. Thanks…” nakangiting ng sagot nito sa kanya.
Hinalikan niya muna ito sa pisngi bago nagtungo sa kwadra.
Nagtanong siya sa tauhan doon kung aling kabayo ang pwedeng sakyan. Ibinigay naman sa kanya ng mga ito ang isang puting-puting kabayo na nagngangalang Snow. And she immediately fell in love with it!
Marahan niyang hinaplos ang ulo ng kabayo. Hindi maikakailang kaya snow ang pangalan nito dahil kasingputi ito ng nyebe.
“Please take me somewhere else,” bulong niya dito bago siya sumampa sa likuran nito and slowly maneuvers Snow.
Maya-maya pa ng masanay na ito sa kanya ay malaya na itong tumakbo kung saan man siya nito gustong dalhin.
Bigla siyang nakaramdam ng adrenaline rush habang nakasakay sa ibabaw ng kabayo. And she was like flying sa bilis ng takbo nito na lalong nagpa-excite sa kanya.
Tuloy-tuloy itong pumasok sa kasukalan hanggang sa marating nila ang isang napakagandang talon.
“Wow! This is amazing!” Palatak niya habang pinagmamasdan ang paligid.
The water was crystal clear at para iyong mga dyamanteng kumikinang sa tama ng sinag ng araw.
Bumaba siya kay Snow. Binitawan niya ang tali nito at hinayaang manginain ng damo sa paligid.
Marahan siyang lumapit sa talon. She slowly extended her hand to feel the water at nakapagtatakang hindi malamig ang tubig noon. It was like a hot spring water.
Naupo siya sa gilid ng rumaragasang tubig and put her feet on the water. Napapikit siya sa dalang init noon sa buo niyang katawan.
She was enjoying soaking her feet ng makarinig siya ng kalabsaw sa tubig. Pagmulat ng mga mata niya ay nakita niya ang dalawang pares ng ibon na masayang naghahabulan sa ibabaw ng tubig. Parang nagliligawan ang mga iyon.
Napangiti siya at iginalang muli ang paningin sa paligid. Napansin niya ang isang malapad na bato malapit mismo sa gilid ng bumabagsak na tubig ng talon.
Kunot-noong lumapit siya doon. Pinagmasdan niya iyong maigi, then she found something was written on it.
She reads it.
Mi Amore,
Ahora y siempre, hasta el fin de los tiempos. Te amo.
Juancho
Umihip ang malakas na hangin matapos niyang basahin iyon. Biglang nagtayuan ang mga balahibo niya katawan. Kaagad ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib.
Luminga siya sa paligid. Pakiramdam niya ay hindi siya nag-iisa nang mga sandaling iyon. At mas lalo pa siyang kinabahan dahil sa katahimikan ng lugar.
Mabilis na hinanap ng kanyang mga mata kung nasaan si Snow. Kaagad niyang nilapitan ito at lumulan doon. Pagkatapos ay walang lingong-likod na umalis sa lugar na iyon.
Hindi niya alam kung anong nangyari kanina, but she was sure na may kakaiba sa lugar na iyon, especially the stone.
**
“Letty, hija, Where have you been?” tanong ng nag-aalalang si Consuelo sa kanya.
Naabutan niya itong nakaupo sa sala while Candice was giving her her medicine.
Sa pagtira niya doon ay nalaman niyang isa palang nurse si Candice at ito ang malimit na tumitingin at nag-aasikaso sa matanda.
“I just roamed around Mama,” sagot niya at nilapitan ang dalawang babae.
Hinalikan niya sa pisngi si Consuelo at tumabi dito.
“I’m glad your enjoying staying here in the casa.” Nakangiting turan nito sa kanya.
Wala sa sariling tumango siya. Iniisip pa rin niya ang nangyari kanina sa talon. Parang nararamdaman pa rin niya ang kakaibang presensyang dulot noon.
Napansin naman ni Consuelo ang pananahimik niya. Kunot-noong pinagmasdan siya ng ginang.
“Is there something bothering you?” tanong nito habang nakatutok ang mga mata sa kanya. Maging si Candice ay ganoon din.
“May nangyari ba sa pag-iikot mo?” tanong pa ni Candice.
Huminga muna siya ng malalim bago tinitigan ang dalawang babae. Nasa mga mata niya ang pag-aalinlangan kung sasabihin ba sa mga ito ang nangyari kanina.
“Have you been to waterfalls?” ang tanong niya sa mga ito.
Nagkatinginan sina Candice at Donya Consuelo.
Napansin niyang parang natigilan ang matandang babae sa tanong niyang iyon.
“Why, hija? Bakit mo naitanong iyan?” agad na tanong ni Consuelo sa kanya ng makabawi ito sa pagkabigla.
“That’s where I came from.” Mabilis niyang sagot.
Muling nagkatinginan ang dalawa na lubos ng ikinapagtataka niya.
Ano bang mayroon sa falls na iyon?
“Are you sure doon ka galing? Paano ka nakarating doon?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ng byenan niya.
Tumango siya. “I was just brought there by Snow. Hinayaan ko lang siyang tumakbo ng tumakbo kanina sa gubat then napansin ko na lang na nandoon na kami,” paliwanag niya.
Narinig niya ang bahagyang pagsinghap ni Donya Consuelo.
“Ano po bang mayroon sa lugar na iyon?” tanong niya na hindi na mapigilan ang makaramdam ng kyuryusidad sa talon na pinanggalingan.
Huminga ng malalim si Consuelo.
“It’s a sacred place, hija. Walang ibang nakakaalam ng lugar na iyon kundi ang aming pamilya. Ibig sabihin, kung hindi ka dadalhin ng isa sa mga anak ko o ako mismo… hindi mo iyon basta-basta matatagpuan. Because that place was enchanted. Iyon ang paniniwala ng mga ninuno ni Federico na siyang unang nakatuklas ng lugar na iyon.” Paliwanag nito sa kanya at tinitigan siyang mabuti.
“Are you really sure na doon ka dinala ni Snow?” ulit nito sa tanong nito kanina.
Tumango siyang muli.
“Kung ganoon, you are bound to be part of this family. Lahat ng nakakakita ng lugar na iyon ay nagiging parte ng pamilyang ito habang-buhay.”
“What do you mean?” nalilito pa ring tanong niya.
“Just what I’ve told you. Hindi basta-basta nagpapakita ang talon sa kung kanino-kanino lang. Not unless you will become part of our family forever.” Sagot nito.
Napansin niyang mataman ding nakikinig si Candice. Siguro kahit ito ay hindi alam ang tungkol sa bagay na iyon.
“Forever?” ulit niya sa huling sinabi nito pagkatapos ay naalala ang nakasulat sa malapad na batong natagpuan niya doon. “Ahora y siempre… that’s now and forever.” Wika niya sa sarili.
Nagsalubong ang mga kilay ng matandang Donya sa narinig mula sa kanya.
“You also saw the tombstone?” tanong nito na ang mga gatla sa noo nito ay mas lalong lumalim. Tila maging ito ay hindi makapaniwala sa sinasabi niya.
Namilog ang mga matang tinitigan niya ang byenan. Muling nagtayuan ang mga balahibo sa kanyang buong katawan.
“To-tombstone?” she said while stammering.
Marahan niyang ipinulupot ang mga braso sa sarili dahil pakiramdam niya ay muling umihip ang malamig na hangin.
“Yeah… There was a tombstone there. I never got the chance to see it by my own eyes. Dahil noong mga panahong dinadala ako doon ni Federico ay hindi ko pa alam ang tungkol sa bagay na iyon. Nito ko lang nalaman ang tungkol doon through Antonio. But Federico told me the story behind. He said it was made by his great great grandfather named Juancho. Alay niya iyon sa kanyang pinakamamahal na si Anita.”
“So… ano ibig sabihin noon Mama?” tanong naman ni Candice na noon lang nakuhang magsalita.
Ngumiti sa kanila si Consuelo.
“That means your being blessed by a lifetime love,” sagot nito. “Ang talon na iyon ang nagsilbing saksi sa pag-iibigan nina Anita at Juancho. Doon sila nagkakilala ng minsang maligaw doon si Anita noon habang naroroon si Juancho. Simula noon iyon na ang kanilang naging tagpuan… hanggang sa doon na rin sila ikasal. Aside from being enchanted, that falls is a sign of love para sa mga Monte Bello.” Mahabang paliwanag nito sa kanilang dalawa.
Sabay pa silang napatango ni Candice. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang makahulugang tingin nito sa kanya sabay ngiti.
She knew what Candice was thinking at napangiti din siya sa bagay na iyon.
Kaya’t sa halip na makaramdam ng takot ay parang gusto pa niyang muling bumalik sa lugar na iyon.