Episode 46

1607 Words

"Ako nga ay tapatin niyong dalawa, Marga, Yael." Mahimbing pa rin si Zandro sa kanyang kama kahit kanina pa gising si Mama Cora at Yael. Ako naman kasi ay paidlip-idlip lang at hindi magawa na lalaliman ang aking tulog dahil nga may mga bagay na gumagambala sa aking isip at puso sa mga nangyari sa buhay ni Zandro at sa buhay naming mag-ina. Nagkatinginan kami ni Yael at pareho kaming walang ideya sa kung anong sasabihin ni Mama Cora. Walang emosyon ang mukha ng aking biyenan kaya lalo akong kinakabahan sa kung anong kanyang itatanong sa amin ng anak niya. "Ma, ano ho ba ang sasabihin niyo? Pinapakaba mo naman kami," saad ni Yael. Ako naman ay hindi na makaimik at naghihintay na lang kung ano ang aking maririnig mula kay Mama Cora. "Gusto kong magsabi kayo ng totoo dahil alam mo Yael

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD