Ilang araw ng gumugulo sa isip ko ang naging panaginip ni Zandro. Nakabalik na sa trabaho ang Mayor ng Guadalupe habang ang anak ko ay hindi na rin nagpapigil na pumasok sa eskwelahan. Mag-ama nga, sabi ni Mama Cora na sumakit din ang ulo sa kakasaway sa dalawa na huwag na munang umalis ng bahay. Saan pa ba raw magmamana ng katigasan ng ulo at katapangan si Zandro kung hindi sa kanyang ama. Parang wala naman din kasing masamang nangyari. Si Zandro pa ang sumundo sa mga matalik niyang kaibigan para sabay-sabay na naman na pumasok sa kanilang paaralan. Naglagay na ng mga magbabantay na sundalo malapit sa daan patungong paaralan kung saan walang masyadong bahay. Ang mga bakanteng lote na may mga nagtataasang talahib ay kusa ng nilinisan ng taong bayan para wala ng pag kublihan pa ang m

