"Anong balita tungkol sa mga tulisan? May update na ba kung sino ang pinuno na sumusuporta sa kanila?" usisa ko kay Yael. Binigyan aksyon agad ng pamahalaan ng Guadalupe sa pangunguna ni Mayor Yael ang tungkol sa mga taong labas na pinili na ang bumaba ng bundok para makapag bagong buhay. Masaya sa pakiramdam na nahikayat namin sila na magbago at totoo naman na walang mapapala ang patuloy nilang pagtatago sa kagubatan at kabundukan. May mga pansamantalang bahay kubo ang itinayo sa isang malawak na lupain na pag-aari mismo ng mga Buenavista para sa mga taong nais ng pagbabago sa kanilang buhay. Naghahanap na rin ng solusyon ang ilan sa kanyang mga kaanib sa pulitika para naman sa pangkabuhayan ng mga nagbabalik-loob. May isang salita talaga si Yael at alam kong tinutukan niya ang mga d

