bc

Tale of Chioni (Tale Series #1)

book_age16+
159
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
princess
twisted
bxg
lighthearted
campus
another world
first love
special ability
lonely
like
intro-logo
Blurb

A Fantasy Collaboration with @TinyYuki, @FilipinangManunulat, @_chameeh_, @IAM_MARCELINE, @Lavenderpen, @Jeimsue15, and @Criptica_G.

Bata pa lamang si Chioni ay tampulan na siya ng tukso dahil naiiba siya kumpara sa ibang bata kung kaya ganoon na lamang ang galit niya sa kaniyang mga magulang at sa taglay niyang kapangyarihan na dinala niya hanggang sa kaniyang paglaki.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling magkukrus ang landas nil ani Ridere Fortaleza, ang lalakeng kaniyang tinalikuran dalawang taon na ang nakakaraan at ang kaisa-isang lalakeng nagmahal sa kaniya sa kabila ng pagiging kakaiba niya sa lahat. Dahil doon, ang kapangyarihang labis niyang kinamumuhian ang siyang nag-iisang sandata niya upang mailigtas ito.

Ano ang kaniyang pipiliin?

Ang buhay ba na pilit niyang tinatalikuran?

O ang buhay na pinapangarap niya kasama ang taong pinakamamahal nang lubos?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Chioni… my dear Chioni…” Mala demonyong ngiti ang sumalubong sa kaniya sa pagbabalik niya sa kanilang kaharian. Hindi siya makapaniwala habang pinagmamasdan ang nilalang na nasa kaniyang harapan. Ang mahaba nitong buhok, ang mapulang labi, ang bilugang mga mata, ang matangos na ilong maging ang hubog ng pangangatawan ay hindi maipagkakailang siyang-siya. Para siyang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod maging ang kaniyang mga kamay dahil sa labis na pagtataka na mas nadagdagan pa ng dobleng takot nang hilahin nito ang isang pigurang kilalang-kilala ng kaniyang puso.   “Chioni…”   “Ridere…” Hahakbang sana siya palapit dito nang muling magsalita ang babaeng nasa kaniyang harapan.   “Huwag kang nang magtangkang ihakbang pa ang iyong mga paa mula sa iyong kinatatayuan.”   “Anong kailangan mo?” tanong niya.   “Ang kahariang ito…” Inilahad nito ang kamay sa kawalan bago tuluyang dumapo sa pisngi ni Ridere, “kapalit ng buhay ng lalakeng pinakamamahal mo.”   “Hindi ko ipagkakaloob sa ‘yo ang nais mo,” matigas na sabi niya na kaagad din namang napalitan ng kaba nang mahigpit na hawakan ng babae ang panga ni Ridere.   “Huwag mo akong subukan, Chioni!”   “Huwag! Huwag mong sasaktan si Ridere. N-nakikiusap ako sa ‘yo.”   Ngumiti naman ito at dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya. Inilahad nito ang kamay bilang paanyaya sa nais nitong mangyari, ang ipagkaloob ang koronang nasa kaniyang pangangalaga.   +++   “Ridere!” Kaagad siyang tumakbo palapit sa binata na kaagad din namang inabot ang kaniyang mga kamay.   “Chioni! Ayos ka lang ba?” Bakas sa mga mata nito ang labis na pag-aalala.   Tumango siya habang pinagmamasdan ang mga mata nito. Halos maluha-luha pa siya nang ilapat niya ang kaniyang mga kamay sa pisngi ni Ridere. Hindi niya akalaing ang simpleng hula sa kaniya ay magkakatotoo sa muling pagtatagpo nilang muli ng lalakeng pinakamamahal nang lubos. Kay tagal niyang ninais na muling makita at mahawakan ang binata. Hindi niya akalaing ganoon siya nanabik nang labis sa muli nilang pagkikitang iyon.   “Hey! Chioni, I’m fine.” Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa mga pisngi nito bago nito pinahid ang mumunting luhang namumuo sa gilid ng kaniyang mga mata. “Don’t cry.”   Ngumiti siya dahil sa sinabi nito. Muli niyang narinig ang lambing sa boses nito maging ang klase ng pagsasalita nitong may kung ano at patuloy na nananahan sa kaniyang puso. Halos hindi niya maialis ang pagkakatitig niya rito dahil sa magkahalong saya, kaba, at lungkot dala ng tagal nilang hindi pagkikita.   “Are you okay?” Winagay pa nito ang kamay sa harapan ng kaniyang mukha dahil sa labis niyang pagkatulala rito.   “A-ayos lang.” Hindi niya naiwasang pamulahan ng kaniyang mukha dahil sa hiya.   “Alam mo, matatawa ka siguro kung sasabihin kong sinundan kita rito nang hindi sinasadyang makita kita malapit sa convenient store na pinuntahan ko. Sinubukan pa kitang tawagin pero hindi mo yata ako narinig kaya napadpad ako sa lugar na ‘to. Namangha ako sa kagandahan ng mundong kinabibilangan mo, Chioni. Parang nakita ko ang sagot sa matagal nang pangungulila sa puso ko.” Hindi niya alam ngunit pakiramdam ni Chioni ay nagkalapit ang puso nilang dalawa ni Ridere nang mga oras na ‘yon. Parehas sila ng pakiramdam nang una rin siyang mapadpad sa kanilang kaharian. “Ayon na nga, may nag-tour na sa akin dito kaya kahit paano ay kabisado ko na ang buong lugar.” Napahawak pa ito sa sariling batok habang nananatiling nakangiti sa kaniya.   “Bakit mo naman ako sinundan dito? Nang dahil sa akin ay muntik ka pa tuloy na mapahamak.” Batid ni Chioni na hindi niya kasalanan iyon subalit siya pa rin ang dahilan kung bakit napadpad ang binata sa kanilang mundo. Ang labis niya nga lang na ipinagtataka ay kung paano nalaman ng manikang iyon ang tungkol sa nararamdaman niya para sa binata? Sa huli ay ipinagsawalang bahala na lamang niya lalo pa at tapos na rin naman ang lahat ng problemang dumating sa kanila.   “Bago ko sagutin ‘yan, ikaw ba sigurado ka nang ibinibigay mo ang pamamahala ng inyong kaharian sa babaeng iyon?” seryosong tanong nito, “dahil hindi ako masayang ako ang magiging dahilan para lang talikuran mo ang mga tungkuling nakaatang para sa ‘yo.”   +++   “Chioni, if you’ll allow me, I want to stay here with you forever.”   Halos hindi naman makapaniwala si Chioni sa naririnig lalo pa at tiyak niyang hindi nito magagawang iwanan si Meriyah. Kung may nanaisin man itong makasama habang buhay ay hindi siya iyon bagkusa ang babaeng dahilan ng kaniyang paglayo rito.  Natutuwa man siyang muling makita ito, hindi niya pa rin naiwasang malungkot dahil sa mga nangyari noon sa pagitan nilang dalawa ni Ridere.   “P-pero, paano si Meriyah?” nauutal pang tanong niya.   “Ha?” Makailang ulit nitong ikinurap ang mga mata bago kumunot ang mga noo. “Anong meron kay Meriyah?” naguguluhang tanong nito sa kaniya.   “Hindi ba siya magagalit na mananatili ka rito?” tanong niya muli.   “Bakit naman siya magagalit?”   Para silang nasa isang debate dahil sa walang katapusang tanong sa isa’t isa kaya naman hindi na naiwasan ni Ridere ang matawa sa usapang iyon.   “’Yong totoo, Chioni, anong meron?” Hawak pa nito ng isang kamay ang magkabilang pisngi habang natatakpan ang bibig upang itago ang pagngiti-ngiti.   “Hindi ba, girlfriend mo si Meriyah?”   Tumango-tango ito bago ngumiti. Kitang-kita naman ni Chioni ang paglitaw ng dimples nito dahil sa ginawa nitong iyon kung kaya hindi niya naiwasang pamulahan ng mukha.   “Kaya pala iniwasan mo na lang akong bigla ay dahil buong akala mo ay may namamagitan sa amin ni Meriyah.” Hinawakan nito ang pisngi niya na naging dahilan para lalo siyang balutin ng hiya. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso na ano mang oras ay maaaring marinig nito. “Girlfriend siya ng bestfriend kong si Wade. She was just doing me a favor back then.”   Napatakip ng mukha si Chioni dahil sa sobrang hiya. Pakiramdam niya ay lalamunin siya ng lupa dahil sa pagiging overthinker niya. Hindi kasi sumagi sa isip niya na maaaring magkaibigan lang ang mga ito dahil naunahan siya ng selos at inggit sa pagiging malapit ng dalawa.   Dahan-dahang tinanggal ni Ridere ang kaniyang kamay mula sa kaniyang mukha at nginitian siya. “I’m all yours, Chioni, and I am not letting you go again.” Kasunod ng mga salitang iyon ay ang unti-unting pagliwanag ng buong paligid habang bumabagsak ang mga mumunting nyebeng animo’y kulay putting Christmas lights.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook