Isang linggo makalipas simula nang umalis si Selena, tuluyan na ngang napabayaan ni Xian ang kaniyang sarili. Naging mahaba na ang buhok niya at bigote. Nagkaroon na rin siya ng eyebag dahil hindi siya nakakatulog ng ayos "Xian...nagmukha ka na talagang matanda sa itsura mo ngayon. Wala ka bang balak na magpagupit? Ano 'to? Magpapahaba ka ba ng buhok mo? Pati bigote mo ang haba na..." sambit ni Nico nang dalawin niya si Xian. Bumuntong hininga si Xian. "Bakit ko pa kailangang mag- ayos eh wala naman dito ang babaeng mahal ko. Sa kaniya lang ako magpapaguwapo. Pero dahil wala siya dito, wala na akong pakialam pa sa sarili ko." "Xian...hindi naman porke wala ang asawa mo, pababayaan mo na ang sarili mo. Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nakita ka niyang ganiyan? Dapat nga ay guwapo ka

