bc

Destined To Be Yours 1

book_age0+
3.2K
FOLLOW
20.2K
READ
possessive
second chance
goodgirl
drama
sweet
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

 

Swan fell in love with Chantelle Eunice Tanangco pero sa tagal niyang nanligaw rito ay nabasted siya. Nangako siyang hindi na siya magmamahal pa kundi si Chantelle lang. She graduated and tried to move on pero wala talaga. Hanggang sa dumating ang time na may mission siya sa mga Tanangco at si Chantelle ang poprotektahan niya. Magawa din kaya niyang protektahan ang puso niya pagkatapos ng lahat ng nangyari noon? What if this time, may katugon na ang pag-ibig niya rito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Swan I'm sorry Swan. Maganda ka at mabait pero kasi hindi ako gay. Besides, sinagot ko na si Geralt. Kami na. I love him. I'm sorry. Napapikit siya ng maalala ang nangyari noong college pa sila. Chantelle Eunice Tanangco Ito ang cheerleader noon na niligawan niya. She's sweet, smart, friendly, maganda at charming. Wala siyang minahal na iba kundi si Chantelle lang. Nanligaw siya rito ng matagal pero nabasted siya. Ganun talaga ang buhay. Jen, Xen, and Amber knew about it. Kahit hindi siya sabihan ng mga ito noon. Sinubukan niya talagang magmove on. Mahirap oo at hanggang ngayon hindi parin niya magawang kalimutan ito. She couldnt find herself falling inlove with someone else other than Chantelle. She stared at the folder in her table. Andon ang picture ni Chantelle. Nakangiti ito. All the years passed, mas lalo pa itong gumanda. Engaged na ito sa lalaking pinili nito noon, si Geralt. She's very much inlove with that guy. Matagal na niya itong pinakawalan total ay masayang masaya naman ito sa lalaking pinili nito at nakikita niyang mahal na mahal din ito ni Geralt. Ngunit masakit parin na makita niya itong masaya sa piling ng iba. She sighed. Siya ang tatayong bodyguard nito dahil may threat sa buhay nito na dapat ay kay Geralt. Businessman kasi si Geralt at imbes na ito ang pag-initan ng mga kalaban nito sa business industry ay si Chantelle ang napagbalingan. Chantelle's parents came and asked for a bodyguard dahil ang agent nila ang pinakamabilis magresolve ng mga kaso. It was the most trusted agency kaya sila ang pinuntahan nila. Busy si Amber, ganun din si Xen na nasa malayo para sa misyon nito ganun din si Jen. Siya lang ang bakante kaya siya ang tumanggap non. Besides, it was Chantelle. Gusto niyang protektahan ito hindi sa mahal niya kundi bilang trabaho niya. Matagal na niyang tanggap na hindi sila ang magkakatuluyan ng dalaga. She packed some of her things in a backpack. Ang mahalaga ay madala niya ang mga importanteng devices and weapons niya. She changed her outfit into leather jeans and black boots. Puting sando at pinatungan niya iyon ng leather jacket. Nakalugay lang ang mahaba at curly niyang buhok. She took her bag and swung it on her back bago niya kinuha ang susi ng big bike niya. She drove until she reached Chantelle's parents house. Pinagbuksan siya ng gate ng gwardya. She parked her big bike saka siya bumaba doon. She knocked on the mansions door at bumukas iyon. She got inside and as usual. Hinihintay siya ng mga ito dahil alam nilang ngayon ang dating niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa mga ito. She saw Mr. and Mrs. Tanangco with Geralt and beside him is Chantelle. Mas maganda pala ito sa personal. Ibang iba noong college pa sila. Siguro hindi na siya nito namumukhaan kasi mas lalo pa siyang tumangkad at naging slim ang katawan niya dahil sa mga trainings. She stood infront of them. Tumayo si Mr. Tanangco. "It was nice for you to come Miss?" "Swan Lacos." Kita niyang medyo nagulat si Chantelle dahil kitang kita niya ito sa gilid ng mga mata niya. Inabot niya ang kamay ni Mr. Tanangco at nakipag-handshake rito. Niyaya siya nitong umupo kaya umupo siya sa pang-isahang couch paharap sa mga ito. She put down her bag beside her. "I've done all the papers para sa kontrata mo Miss Lacos. Please read it." Inabot niya ang papel at pinasadahan iyon ng tingin. Nanatili parin siyang seryoso. She could feel four pair of eyes on her. Ng matapos niya iyong basahin ay walang sabi sabi siyang pumirma doon. Pero agad siyang napatayo at sinalubong ang suntok ng nasa likuran niya. She already sense it coming. She doesn't know the guy pero sunod sunod ang ginawa nitong pag-atake sa kanya at lahat iyon ay nailagan niya. Sinuntok niya ang mukha nito at kita niyang nahilo. Napahiga ito. Nilapitan niya ito't tinadyakan ang dibdib nito. He groaned in pain ng idiin niya ang heels ng boots niya doon. "That's enough Miss Lacos." Tinig ni Mr. Tanangco kaya natigil siya. Hindi siya makapaniwalang tumingin dito. Walang emosyon ang kanyang mukha. "What do you mean thats enough Mr. Tanangco?" "We just test you kung kaya mong protektahan ang fiancee ko." Si Geralt ang sumagot. Her blood boiled and she looked at him dead in the eyes. "Huwag kayong magbibiro ng ganun Mr. Imerial and Mr. Tanangco. I do my job seriously. Pasalamat siya't hindi ako bumunot ng baril. Hindi ako nagbibiro sa mga taong pinapatay ko." That's right. She had killed a lot pero lahat iyon ay masasamang tao. "I do my job professionally. Hindi ako pumapalpak sa trabaho kahit buhay ko ang kapalit magampanan ko lang ang misyon ko. If you're not satisfied with what our agency can offer. Maraming iba diyan na pwede niyong ihire." "Oh.. no.no.no. We actually like you. Mabuti nga't ikaw ang naabutan namin kahapon. I heard about you agent F." She nodded her head. "Don't worry. Nothing will happen to your daughter Mr. Tanangco. I make sure of it." Ngumiti ang matanda at kinamayan ulit siya nito. "Ang tangkad mo hija." Wala sa loob na wika nito. "Swan Lacos?" Nakakunot noo na wika ni Geralt at tinitigan siya nito. "Arent you the famous Swan Lacos na kaibigan ni Snow Giudevaun?" "The one and only." Kita niyang nanlaki ang mga mata nito. "Hindi kita nakilala!" Agad itong napatayo at kinamayan din siya. "It was nice to meet you again." "You too Mr. Imerial." "Geralt nalang." Binitawan nito ang kamay niya. "Masyadong pormal ang Mr. Imerial. Hindi naman nalalayo ang age gap natin." She nodded again. Her phone rung. "Excuse me." Aniya saka siya tumalikod at sinagot ang tawag. It was Risen. "Risen." Hey! Wala sa loob na nailayo niya ang cellphone sa tenga niya dahil sa pagsigaw nito. Allison gave birth to our second baby! Dalaw ka ha! Papadinner ako mamaya! She sighed. "I cant Risen. Dadalaw nalang ako next time. I'm on a mission. Congrats sa inyo ni Miss Reyes." I hate you! Sigaw nito. She ended the call bago siya humarap sa mga ito. "Si Risen Giudevaun? So nagkatuluyan talaga sila ni Miss Reyes?" Manghang tanong ni Geralt sa kanya. "Yeah. Snow and Miss Hollier. Risen and Miss Reyes. Scarlet and Frances." Alam niyang kilala nito lahat ang tinutukoy niya. Geralt's eyes widened. Tumalikod na siya rito pagkatapos makuha ang bag niya without glancing at Chantelle saka siya sumama sa isang maid para tignan ang magiging silid niya. Mabuti na iyon para maiset na niya ang mga devices sa loob at labas ng bahay. Sana lang hindi nga siya magsisi sa huli sa pagtanggap niya sa trabahong ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.8K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook