Chapter One
"The dead should stay dead."
Iyon ang sabi nila na kapag namatay ka, tapos na ang kuwento mo. Pero paano kung ang taong inilibing nila… hindi naman talaga ang taong dapat mamatay?
Five years later…
Mahinang humahampas ang malamig na hangin sa itim kong balabal habang naglalakad ako sa masukal na daan ng Silverpine Forest.
Tahimik ang paligid at tanging huni ng mga kuliglig at pagaspas ng mga dahon ang maririnig.
Huminto ako sa tuktok ng burol. Mula rito, kitang-kita ko ang buong Wolfram Pack. Mas malaki na ang Alpha Hall. Mas marami na ring bahay. Kahit ang mga daan, mas maayos na kaysa dati. Sa malayo, kita ko ang mga ilaw na unti-unting nagsisindihan habang papalubog ang araw.
Mukhang umunlad sila, mukhang masaya ang lahat na para bang walang nangyari. Parang walang babaeng brutal na pinatay rito limang taon na ang nakalipas. Parang nabura na lang ang lahat ng dugo, sigaw, at katotohanan na minsang bumalot sa lugar na ito. Napangiti ako... pero mapait.
“Home.." Ang salitang dati kong gustong-gustong sabihin. Ngayon, parang lason na lang ang lasa.
"Are you sure about this?" tanong ni Selene. Mahinahon ang boses ng lobo ko, pero ramdam ko ang pag-aalala niya.
"I've waited five years.” Napabuntong-hininga ako. "I'm not turning back now."
Tahimik siya sandali. Pagkatapos ay marahan siyang tumawa. "That's my girl."
Humakbang ulit ako pababa ng burol. Isa... dalawa... tatlo.
Sa bawat hakbang, mas lumalapit ako sa lugar na minsang sumira sa buhay ko. Sa bawat metro ng distansyang nababawasan, mas bumibigat ang hangin sa paligid, pero hindi na ako ang babaeng madaling matinag.
At sa pagkakataong ito...
Hindi na ako ang dating Ash Brodnen.
...
Pagdating ko sa malaking tarangkahan ng Wolfram Pack, agad akong hinarang ng dalawang guwardiya.
"Stop," mariing sabi ng isa habang inilalahad ang sibat sa harap ko.
Hindi ako sumagot. Tahimik ko lang silang tiningnan. Nagkatinginan silang dalawa bago muling nagsalita ang isa.
"Who are you?" tanong niya, halatang nag-iingat. "Wala kaming inaasahang bisita ngayong gabi."
Nanatili akong tahimik. Wala akong balak magpakilala. Hinayaan ko lang silang titigan ako habang tahimik ko rin silang sinusukat. Lumipas ang ilang segundo, pero walang ni isa sa amin ang nagsalita.
Pagkatapos ng ilang segundo, unti-unting nagbago ang ekspresyon nilang dalawa. Ang matitigas nilang mukha ay napalitan ng takot at pagkalito. Nanlaki ang mga mata nila habang tila may hindi nakikitang puwersang bumalot sa paligid. Napahawak ang isang guwardiya sa dibdib niya, napangiwi sa biglang bigat ng hangin.
"A-Ano'ng... nangyayari?" hirap niyang sabi habang habol ang hininga.
Huminga siya nang malalim, pero lalo lang siyang namutla. Kasunod niyang napaluhod ang kasama niya, napakapit sa lupa habang pilit lumalanghap ng hangin na parang biglang naging napakabigat.
Pareho silang nakatingin sa akin ngayon, na para bang may nakita silang hindi nila kayang ipaliwanag.
"My... my wolf..." nanginginig na bulong ng isa.
"B-Bakit siya..." hirap namang sabi ng kasama niya, pero hindi na niya naituloy ang sasabihin.
Napakurap lang ako. Hindi ko naman sila sinubukang takutin. Wala rin akong ginawa para pakawalan ang aura ko.
Pero mukhang naramdaman nila si Selene.
They're weak, malamig na komento ng lobo ko.
Or maybe... you're just too strong, sagot ko sa isip habang ipinagpatuloy ang paglalakad.
Wala nang nagsalita pagkatapos noon. Tahimik nilang ibinaba ang mga ulo nila, tila kusa na lang silang nagpadaig sa presensyang hindi nila maintindihan.
Dumiretso akong naglakad papasok ng pack. Hindi na nila ako muling hinarang. Ni wala silang lakas ng loob na pigilan ako.
…
Samantala...
Sa loob ng Alpha Hall, tahimik na nakatayo si Symon Wolfram sa harap ng malaking bintana. Nakatiklop ang manggas ng puti niyang polo habang nakatanaw sa mga ilaw ng pack na unti-unti nang nagsisindihan sa labas.
"Alpha," tawag ng Beta niya pagkapasok ng opisina. Hindi agad lumingon si Symon.
"Ready na ang lahat para sa engagement," dagdag nito.
Ilang sandali siyang nanatiling tahimik bago bahagyang tumango.
"Nasaan na ang mga bisita?" tanong niya sa mababang boses.
"Parating na po."
"Siguraduhin mong walang magiging problema."
"Yes, Alpha," magalang na sagot ng Beta bago tuluyang lumabas ng silid.
Nang magsara ang pinto, muling bumalik ang katahimikan. Pero ilang segundo lang ang lumipas bago biglang nanigas si Symon. Napahawak siya sa gilid ng mesa habang tila may matalim na bagay na dumaan sa dibdib niya.
"What the..." Mariin siyang napapikit. Matagal na niyang hindi nararamdaman ang presensyang iyon.
Hindi dapat. Hindi na kailanman.
"Mate." Malakas na umalingawngaw ang boses ng kanyang lobo sa isip niya.
Napailing siya. "No."
"She's here."
"Hindi."
"I can feel her."
Hindi niya namalayang mahigpit na pala ang pagkakakuyom ng kamao niya. Bahagyang nanginig ang mga daliri niya habang pilit niyang kinakalma ang sarili.
Impossible. Patay na ang mate niya at siya mismo ang nakakita. Siya mismo ang naniwalang wala na itong hininga.
Mariin siyang napapikit at pilit itinulak palayo ang alaala. Hindi… hindi puwedeng bumalik ang mga multo.
...
Habang naglalakad ako sa loob ng pack, marami akong nakitang pamilyar na mukha. May mga batang hindi ko na kilala, mga matatandang halatang tumanda na rin sa paglipas ng panahon, at mga taong minsang naging bahagi ng buhay ko.
Mga taong dati kong nakakasalubong araw-araw.
Pero wala ni isa sa kanila ang nakakakilala sa akin.
Hindi na. Hindi sa mukha kong ito. Hindi rin sa pangalang ginagamit ko ngayon. Pero mas mabuti na rin. Hindi pa oras para malaman nila kung sino talaga ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapahinto sa gitna ng plaza. Agad na bumungad sa akin ang isang malaking banner na nakasabit sa harap ng Alpha Hall.
Congratulations, Alpha Symon Wolfram and Future Luna.
Tahimik ko lang iyong tinitigan. Ilang segundo rin akong hindi kumilos. Pagkatapos… Napangiti ako.
"So..." mahina kong bulong. "Bilis mo naman." Limang taon lang ang lumipas. May bago ka nang Luna.
"Does it hurt?" tanong ni Selene sa isip ko.
Hindi ako agad sumagot. Hindi ko inalis ang tingin ko sa banner bago ako bahagyang umiling.
"Not anymore." At totoo iyon hindi na masakit.
Mas masakit pa rin ang mga alaalang iniwan niya.
…
"Miss?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Isang maliit na babae ang nakatingala sa akin. Mukha siyang nasa pito o walong taong gulang pa lang, may hawak na maliit na stuffed wolf at bakas ang inosenteng ngiti sa labi.
"Visitor ka ba?" usisa niya.
Hindi ko napigilang mapangiti. Ang dali niyang kausap, parang matagal na kaming magkakilala. Wala siyang pakialam kung sino ako o saan ako galing. Curious lang talaga siya, gaya ng karamihan sa mga batang kasing-edad niya.
"Oo," maikli kong sagot.
Kumurap siya bago muling nagtanong. "First time mo rito?"
Bahagya akong umiling habang nananatili ang munting ngiti sa labi ko. Sandali akong natigilan bago ako sumagot.
"Hindi," sabi ko. "Bumalik lang."
Lalong lumawak ang ngiti ng bata.
"Excited ka rin ba sa engagement ni Alpha?" tanong niya habang nakaturo sa Alpha Hall.
Napatingin ako sa direksyong itinuro niya. Ilang sandali kong pinagmasdan ang malaking banner bago ako muling ngumiti.
"Very," sagot ko nang kalmado.
"Yay! Magiging masaya 'yon!" masigla niyang sabi bago kumaway. "Bye, Miss!"
"Bye," mahinahon kong tugon.
Pagkatapos no'n, mabilis na siyang tumakbo pabalik sa mga kalaro niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa gitna ng plaza.
Hindi niya alam. Hindi niya alam na ang babaeng kinausap niya... ang babaeng akala ng lahat ay isang estranghero… Ay ang babaeng minsang hinatulan ng kamatayan ng sarili niyang pack.
...
Sa ikalawang palapag ng Alpha Hall, biglang napalingon si Symon Wolfram sa plaza.
Hindi niya alam kung bakit.
May kung anong humihila sa kanya palabas. Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa dibdib niya. Malakas. Sobrang lakas para balewalain.
Parang may boses na paulit-ulit na bumubulong sa isip niya.
Go.
Napakunot-noo siya. Hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang lumabas ng opisina at tinahak ang pasilyo pababa ng Alpha Hall.
Paglabas niya, isa-isang dumaan sa harap niya ang mga taong abala sa paghahanda para sa engagement. May mga bisitang dumarating, mga omega na nagdadala ng dekorasyon, at mga guardiyang nakapuwesto sa paligid.
Pero wala sa kanila ang hinahanap ng mga mata niya. Hanggang sa napadako ang tingin niya sa isang babaeng nakasuot ng itim na balabal.
Huminto siya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ng hood, pero hindi maalis ang tingin niya rito.
May kung anong pamilyar. Sobrang pamilyar.
May kung anong pakiramdam na matagal nang nawala... pero ngayon ay unti-unting bumabalik. Parang… Parang minsan na niya itong minahal.
....
Narinig ko ang mabibigat na yabag sa likod ko.
Hindi ko na kailangang lumingon. Alam kong siya iyon.
Dahan-dahan kong ibinaba ang hood ng balabal ko. Unti-unting nalantad ang mukha ko sa ilalim ng liwanag, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin.
Biglang tumahimik ang buong plaza. Ang mga usapan ay isa-isang naputol. May ilang napasinghap, habang ang iba nama'y napatitig lang sa akin na parang nakakita ng multo.
Huminto si Symon sa kinatatayuan niya.
Nanlaki ang mga mata niya. Para bang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Maging ang paghinga niya ay tila nakalimutan niya.
"A..." mahina niyang sambit, halos hindi lumabas ang boses. Bahagyang bumuka ang mga labi niya, pero walang kasunod na salita.
Hindi siya makapaniwala. Nakatitig lang siya sa akin, tila pilit inuunawa kung panaginip ba ito o realidad. Bahagya akong ngumiti. Hindi iyon ngiti ng galit o paghihiganti. Isang kalmado at halos walang emosyon na ngiti... pero sapat para maramdaman niyang hindi na ako ang babaeng iniwan nila limang taon na ang nakalipas.
"Long time no see..." mahinahon kong bati. Saglit akong tumigil bago deretsong sinalubong ang tingin niya.
"Alpha," dagdag ko, kalmado ang boses. Bago pa siya makapag-react, bumukas ang pintuan ng Alpha Hall.
"Symon!" Masiglang tawag ng isang babae habang mabilis na naglalakad papalapit sa kanya.
"Everyone's waiting," nakangiti niyang sabi, pero agad ding natigil ang mga hakbang niya nang mapansin ako.
Nagtagpo ang mga mata namin. Ilang segundo niya lang akong tinitigan, halatang sinusubukang alalahanin kung saan niya ako nakita. Napansin ko pa ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Bilang tugon, ngumiti lang ako. Isang magaan at kalmadong ngiti, na parang normal lang ang lahat.
At sa unang pagkakataon matapos ang limang taon, hindi galit ang naramdaman ko habang nakatingin sa kanila. Pananabik ang pumalit sa lahat ng sakit na matagal kong kinimkim, dahil alam kong ito pa lang ang simula.
Wala pa silang ideya kung sino talaga ang babaeng nasa harap nila. Para sa kanila, isa lang akong estrangherong dumating sa araw ng engagement ng Alpha. Pero hindi iyon magtatagal.
Sa tamang oras, malalaman din nilang ang babaeng inakala nilang namatay limang taon na ang nakalipas ay buhay pa.
At sa pagbabalik kong ito, hindi ako narito para magmakaawa o humingi ng awa. Bumalik ako para bawiin ang lahat ng ipinagkait nila sa akin.