Chapter Six

1520 Words
Ash's POV Tahimik ang kagubatan tanging ang tunog ng mga dahon na hinihipan ng hangin ang maririnig. Nakatayo ako sa gilid ng isang maliit na lawa, pinagmamasdan ang repleksyon ko sa tubig. Limang taon kong sinanay ang sarili kong huwag lumingon sa nakaraan. Akala ko handa na ako. Pero isang tingin lang kay Symon parang gusto na namang bumukas ng mga sugat na matagal ko nang pinilit isara. "Hindi ka pa rin magaling magsinungaling." "Selene." Napabuntong-hininga ako. "Sinabi mong wala ka nang pakialam." "Wala na." "Then why did your heart race?" Tahimik akong napayuko. Hindi ako sumagot. Dahil alam kong tama siya. Hindi na mahalaga kung mahal ko pa ba si Symon. Ang mahalaga… hindi na puwedeng maulit ang nangyari noon. "Dala mo na naman ang bigat ng mundo." Napalingon ako. Nakasandal si Darius Bornfang sa isang malaking puno, nakatiklop ang dalawang braso habang nakangiti. Mukhang komportable lang siya. Para bang hindi siya ang prinsipe ng buong werewolf kingdom. Mas mukha pa siyang isang ordinaryong lalaking naglalakad sa gitna ng kagubatan kaysa sa tagapagmana ng Alpha King. "Hindi ka ba napapagod sa kakasunod sa akin?" tanong ko nang hindi man lang lumilingon. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Hindi," maikli niyang sagot. Napabuntong-hininga ako. "Bakit?" Bahagya siyang natahimik bago ngumiti. "Dahil sa wakas..." mahina niyang sabi "nakita na rin kita." Napairap ako. "Ang corny mo," walang emosyon kong komento. Napatawa siya, tila mas lalo pa siyang naaliw sa reaksyon ko. "Masakit ka talagang magsalita," natatawa niyang sabi. Bahagya kong itinaas ang kilay. "Atleast honest," sagot ko. "Fair enough," tugon niya habang nakangiti pa rin. Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa tumabi sa akin. Pareho kaming nakatingin sa payapang lawa. Wala ni isa sa amin ang nagsalita sa loob ng ilang segundo. "Wala ka bang balak ipaliwanag ang lahat?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa tubig. "Hindi pa," kalmado niyang sagot. Napalingon ako sa kanya. "Bakit?" "Because you're not ready to hear the truth," mahinahon niyang paliwanag. Napailing ako at napabuntong-hininga. "Lagi na lang 'hindi pa,'" reklamo ko. "'Hindi pa oras.' 'Hindi ka pa handa.'" Bahagya kong itinaas ang kilay. "Tingin mo ba matutuwa ako sa ganyang sagot?" Tahimik lang siyang ngumiti. "Hindi," pag-amin niya. "Pero mas magagalit ka kapag sinabi ko ang buong katotohanan ngayon." Pinagmasdan ko siya nang ilang segundo. "Atleast let me decide that," malamig kong sagot. Hindi siya agad sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa lawa, na para bang alam niyang darating din ang araw na masasagot ang lahat ng tanong ko. Ilang segundo kaming natahimik. Tanging ang mahinang hampas ng hangin sa ibabaw ng lawa ang maririnig. Si Darius ang unang bumasag sa katahimikan. "May alam ka ba tungkol sa pamilya mo?" kalmado niyang tanong. Napakunot ang noo ko at napalingon sa kanya. "Patay na sila," diretso kong sagot. Hindi siya nagsalita agad. "Iyon lang?" tanong niya pagkaraan ng ilang sandali. "Iyon lang ang alam ko," sabi ko habang bahagyang nagkibit-balikat. Tumango siya na para bang iyon mismo ang inaasahan niyang marinig. "Exactly," mahinahon niyang sabi. Napatitig ako sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, ilang segundo muna niyang pinagmasdan ang lawa bago muling nagsalita. "Hindi ka ba nagtaka," mababa niyang sabi, "kung bakit isang ordinaryong pamilya... ang biglang napagbintangang nagkanulo sa pack?" Nanigas ako. Hindi ko kailanman naitanong iyon sa sarili ko. Noong panahong iyon, napakabilis ng lahat. May inilabas na ebidensya. May mga tumestigo. Nagkaroon ng paglilitis. At pagkatapos no'n... Isang hatol. Kamatayan. "Hindi lahat ng nakita mo noon ay totoo," mahinang sabi ni Darius. Kalmado ang boses niya, pero mabigat ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Napakunot ang noo ko. "Bakit?" tanong ko. "Bakit nila gagawin iyon?" Ilang segundo siyang nanahimik bago sumagot. "Dahil may kinatatakutan sila." Napatawa ako nang mapait at bahagyang umiling. "Ako?" tanong ko habang nakatitig sa kanya. "Ano'ng ikatatakot nila sa akin?" Hindi siya kumurap. Direkta lang niya akong sinalubong ng tingin. "Ang dugo mo," seryoso niyang sagot. Para bang may biglang humigpit sa dibdib ko. "Dugo?" naguguluhan kong ulit. Bahagya siyang tumango. "Hindi ka ordinaryong werewolf, Ash," mahinahon niyang sabi. "At hindi rin ordinaryo ang lobo mo." Hindi na ako nakapagsalita. Sa loob ng isip ko, agad kong naramdaman ang paggalaw ni Selene. Tahimik lang siya. Pero ramdam kong naging alerto siya. Para bang... kilala niya ang katotohanang unti-unti ko pa lang malalaman. "Huwag ka munang magsalita." Mahinang sabi ni Selene. "Hayaan mo siyang magsalita." "Selene..." mahina kong banggit. Napatingin sa akin si Darius. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi niya, na para bang may nakumpirma siya. "So..." kalmado niyang sabi. "Alam mo ang pangalan niya." Nanlaki ang mga mata ko. "Paano mo..." hindi ko naituloy ang tanong. "Hindi lang ikaw ang nakakakilala sa kanya," mahinahon niyang sagot. Huminga siya nang malalim bago sandaling tumingala sa kalangitan. "Maraming taon na ang nakalipas..." mababa niyang sabi. "kilala na ng pamilya Bornfang si Selene." Biglang lumamig ang paligid. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hangin o sa mga salitang narinig ko. Kusang tumigas ang katawan ko habang hindi ko maalis ang tingin kay Darius. Hindi ito maaaring nagkataon. Kung kilala nila si Selene... Ibig sabihin... Mas matagal nang may alam ang pamilya Bornfang tungkol sa akin kaysa sa inaakala ko. "Darius." Seryoso ang boses ko habang diretso ko siyang tinitigan. "Wala nang paligoy-ligoy. Ano ba talaga ang gusto mo?" Hindi siya agad sumagot. Sa halip, dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay sa loob ng maitim niyang amerikana at may inilabas na isang lumang pergamino. Maingat niya itong iniabot sa akin. "Take a look," kalmado niyang sabi. Saglit ko muna itong pinagmasdan bago ko tinanggap. Luma na ang papel. Kupas na ang mga gilid, at halatang ilang dekada, marahil ay mas matagal pa, ang itinanda nito. Unti-unti ko itong binuksan. Pagkakita ko sa nakaguhit sa gitna, agad akong natigilan. Isang kalahating buwan. Napapalibutan ito ng mga sinaunang simbolo. Parehong-pareho. Kapareho ng markang lumitaw sa leeg ko kagabi. Kusang nanlaki ang mga mata ko. "Impossible..." mahina kong bulong. "That's your family's crest," mahinahong sabi ni Darius. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. "Wala akong..." natigilan ako bago muling nagsalita. "ganitong apelyido.” Bahagya siyang tumango. "Hindi na," kalmado niyang sagot. "Dahil matagal na itong binura sa kasaysayan." Tahimik lang akong nakatitig sa pergamino. For the first time... Nagsimula akong magtanong kung ang pangalang Ash Brodnen ba talaga ang pangalang ipinanganak sa akin. "Alpha!" Biglang dumating ang isang guwardiyang Bornfang na halatang hinihingal. Mabilis siyang lumuhod sa harap ni Darius. "Your Highness!" Napalingon kami ni Darius nang marinig ang nagmamadaling boses ng isang Bornfang warrior. Halatang hinihingal ito habang mabilis na lumapit at lumuhod sa harap niya. "Ano?" kalmadong tanong ni Darius. "May problema po," sagot ng mandirigma habang pilit inaayos ang paghinga. Bahagyang tumaas ang kilay ni Darius. "Ano'ng nangyari?" Huminga muna nang malalim ang lalaki bago muling nagsalita. "Nakarating na po si Alpha Symon sa hangganan ng Silver Forest." Kusang nagsalubong ang mga kilay ko. Symon? Bakit siya narito? Agad akong napatingin kay Darius. Hindi man lang siya nagulat. Sa halip, bahagya siyang napangiti, na para bang iyon mismo ang inaasahan niya. "Sabi ko na nga ba..." mahina niyang sabi bago natawa. "Hindi siya titigil." Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang manggas ng maitim niyang amerikana. "Looks like..." kalmado niyang sabi habang ibinabalik ang tingin sa akin, "it's finally time for us to meet." Napakunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. Ngumiti siya. Hindi iyon ang mapaglaro niyang ngiti kanina. Masyado itong kalmado. At iyon ang mas hindi ko nagustuhan. "Mas mabilis matuto ang isang Alpha..." mahinahon niyang sabi. "kapag nasasaktan." Hindi ako nagsalita. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Para bang matagal na niyang pinaplano ang sandaling ito. At pakiramdam ko… Hindi magiging maayos ang unang pagkikita nina Darius at Symon. Third Person POV Sa kabilang panig ng Silver Forest biglang huminto si Symon. Kasabay no'n, tatlo niyang kasamang mandirigma ang sabay-sabay na napaluhod. Napakapit sila sa lupa habang pilit nilalabanan ang napakabigat na presyong biglang bumalot sa paligid. Hindi iyon aura ni Symon. Mas mabigat, mas sinauna, at mas awtoritatibo. Pakiramdam niya, mismong kagubatan ang yumuko sa presensyang iyon. Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin. Sa tuktok ng malaking batong nasa unahan nila, may isang lalaking tahimik na nakatayo. Nakasuot ito ng maitim na amerikana na bahagyang hinihipan ng hangin. Wala itong ginagawa. Hindi rin nito pinakawalan ang buong aura nito. Pero sapat na ang presensya niya upang patahimikin ang buong paligid. Dahan-dahan itong ngumiti. "Welcome..." mahinahon nitong bati. "to the territory of the Bornfangs." Tumigas ang panga ni Symon. Hindi pa siya nakakasagot nang may isa pa siyang naramdamang presensya. Masyadong pamilyar. Kusang humigpit ang hawak niya sa espada. Mula sa likod ng lalaking nakatayo sa bato, dahan-dahang may lumabas na isang babae. Hindi na niya kailangang makita nang buo ang mukha nito. Kilalang-kilala niya ang presensyang iyon. Si Ash. Tahimik itong huminto sa tabi ni Darius, at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. At sa unang pagkakataon matapos ang limang taon... Magkatabi silang dalawa. Habang siya... nasa kabilang panig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD