Symon's POV
Hindi ako nakatulog.
Halos magdamag akong nakatayo sa balkonahe ng Alpha Hall. Tahimik na ang buong Wolfram Pack. Matagal nang natapos ang engagement ceremony. Wala na ang musika, wala na ang tawanan, at isa-isa nang namatay ang mga ilaw sa plaza.
Pero hindi pa rin ako umaalis. Nanatili lang akong nakatingin sa madilim na kagubatan.
Sa lugar kung saan siya huling nawala.
"You're waiting," tahimik na sabi ni Fenrir.
Napabuntong-hininga ako.
"Hindi," mahina kong sagot habang hindi inaalis ang tingin sa kagubatan. "May gusto lang akong maintindihan."
"Keep telling yourself that," tugon niya.
Bahagya akong napailing at hindi ko na siya pinatulan.
Kung may isang bagay na ayokong gawin ngayong gabi, iyon ay ang makipagtalo sa sarili kong lobo.
Hindi rin naman siya titigil. At wala rin akong maipapakitang ebidensiyang mali siya.
Kaya nanatili na lang akong tahimik.
Patuloy na nakatanaw sa dilim, umaasang may makikita akong kahit anong bakas ng babaeng gumulo sa lahat ng pinaniwalaan ko sa loob ng limang taon.
Kinabukasan...
"Good morning, Alpha," magalang na bati ng mga kasambahay habang isa-isang yumuyuko sa pagdaan ko sa mahabang pasilyo ng Alpha Hall.
Bahagya lang akong tumango bilang tugon at ipinagpatuloy ang paglalakad. Tahimik ang buong Hall, gaya ng nakasanayan. Maayos ang lahat. Walang problema. Walang dapat ikabahala.
At least… that's what it looked like. Ako lang yata ang hindi maayos. Hindi dahil sa engagement. Hindi dahil sa Moon mark. Kundi dahil sa isang babaeng hindi dapat buhay.
Busy ang isip ko.
No matter how hard I tried to focus on today's work, kagabi pa rin ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Ang mukha niya. Ang boses niya. At ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
She looked calm, cold, and she looked at me like I was nobody. I searched her eyes for something, anything but there was nothing there. Walang galit, walang sakit, wala ring pagmamahal. Nothing. Parang hindi kami kailanman nagkakilala, na para bang isa lang akong Alpha na unang beses niyang nakita.
Huminto ako sandali sa harap ng malaking bintana ng pasilyo. Mula roon, tanaw ang plaza kung saan muli kaming nagkita matapos ang limang taon.
I replayed that moment over and over. Bawat salita, tingin, at ekspresyon.
May mali.
Hindi ko lang alam kung alin.
Mas gugustuhin ko pang galit siya sa akin. Mas madali iyong intindihin. Ang galit, may pinanggagalingan. Pero ang kawalan ng kahit anong emosyon...
That was something else. Para akong binura sa buhay niya. At iyon ang isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag.
"Alpha," magalang na tawag ng Beta ko habang papalapit. May hawak siyang makapal na folder, at halata sa seryoso niyang mukha na may dala siyang ulat.
Napatingin ako sa kanya. "May nalaman ka?"
Bahagya siyang tumango. "Kaunti lang po."
"Let's hear it," sabi ko bago ako tumalikod at naglakad papunta sa opisina. Tahimik lang siyang sumunod sa likod ko.
Pagkapasok namin, isinara niya ang pinto at maingat na inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa. Binuksan niya ito at itinulak palapit sa akin.
"Sinuri namin ang lahat ng rehistro ng mga bisita kagabi," ulat niya. "Pero wala pong record ng babaeng iyon."
Napataas ang tingin ko mula sa mga dokumento. "Anong ibig mong sabihin?”
"Wala pong nakarehistrong pangalan. Wala ring pirma sa logbook." Huminto siya sandali bago nagpatuloy. "At ayon sa mga guwardiya, wala ring nakakitang pumasok siya sa main gate."
Napakunot ang noo ko.
"Impossible," mababa kong sabi.
"Iyon din po ang naging konklusyon namin, Alpha," sagot ng Beta ko.
Tahimik kong ibinaba ang tingin sa folder. Halos walang laman ang mga pahina. Walang pangalan. Walang pagkakakilanlan. Walang kahit anong bakas na nagpapatunay na naroon siya kagabi.
Para bang basta na lang siyang lumitaw sa gitna ng plaza. At nang matapos ang lahat… para rin siyang naglaho na parang hindi kailanman naroon.
"May isa pa po," dagdag ng Beta ko.
Inangat ko ang tingin ko mula sa folder. "Ano iyon?"
"May dalawang guwardiya pong naka-duty sa main gate kagabi."
"Anong sinabi nila?" kalmado kong tanong.
Nag-alinlangan siya sandali bago nagsalita.
"Pareho raw po silang... napaluhod."
Napatigil ako.
"Dahil?"
"Hindi rin po nila maipaliwanag." Napabuntong-hininga siya. "Ang sabi nila, parang may napakabigat na presensya na lang daw ang biglang bumalot sa buong katawan nila. Hindi sila makagalaw. Hindi rin sila makahinga nang maayos."
Tahimik akong napakuyom ng kamao.
Hindi iyon ang epekto ng isang ordinaryong aura.
To bring two trained warriors to their knees... without lifting a finger?
Hindi iyon normal. At higit sa lahat... hindi iyon ang Ash na kilala ko limang taon na ang nakalipas.
Sandali akong natahimik habang nakatanaw sa bintana ng opisina.
So...
What exactly happened to you in those five years, Ash?
"Leave me," maikli kong utos.
Tumango ang Beta ko. "Yes, Alpha," magalang niyang tugon bago tahimik na lumabas ng opisina.
Pagkasara ng pinto, saka lang ako napasandal sa upuan. Mabigat akong napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang katahimikan ng silid.
Doon ko lang namalayang mahigpit ko na palang hawak ang pendant na nakatago sa ilalim ng polo ko.
Dahan-dahan ko itong inilabas.bIsang simpleng pilak na kuwintas. May nakakabit na maliit na kalahating buwan.
Regalo iyon ni Ash. Labingpitong taong gulang pa lang kami noon.
Tahimik akong napangiti, pero hindi umabot sa mga mata ko.
"Akala ko..." mahina kong bulong habang pinagmamasdan ang pendant "matagal ko na itong nakalimutan."
"Liar," walang pag-aalinlangang sabi ni Fenrir. "You've been wearing it every single day."
Napapikit ako.
Hindi ko na maalala kung kailan ko huling tinanggal ang kuwintas na iyon.
Maybe...
Hindi ko talaga sinubukang bitawan.
O baka, sa kabila ng lahat ng pinilit kong ibaon sa nakaraan...
May isang bahagi ko na tahimik na umasa na balang araw, babalik siya.
Knock. Knock.
"Come in," kalmado kong sabi nang hindi inaalis ang tingin sa mga dokumentong nasa mesa.
Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Cassandra. Nakasuot na siya ng simpleng puting damit. Wala na ang pilak na koronang suot niya kagabi, at nawala na rin ang magaan niyang ngiti.
"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinahon niyang tanong.
Tumango lang ako. "Sit."
Tahimik siyang umupo sa tapat ko. Ilang segundo kaming walang nagsalita. Pinagmamasdan ko lang siya habang tila pinag-iisipan niya kung paano sisimulan ang usapan. Sa huli, siya rin ang bumasag sa katahimikan.
"Siya ba?" diretso niyang tanong.
Hindi ako agad sumagot.
"Siya ba ang mate mo?" dagdag niya. Mahinahon ang boses niya, pero alam kong hindi iyon simpleng tanong.
Huminga ako nang malalim bago sumandal sa upuan.
"I don't know," maikli kong sagot.
Napangiti siya, saka marahang natawa.
"Funny," mahina niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"
Bahagya siyang umiling.
"Alam mo ang sagot," kalmado niyang sabi habang direkta akong tinitingnan. "Ayaw mo lang tanggapin."
Wala akong naisagot. Hindi ko siya kayang kontrahin. Pero hindi ko rin kayang sang-ayunan.
The bond was real. I felt it.
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ang babaeng nakita ko kagabi ay si Ash nga...
O isa lang siyang napakagandang ilusyon na pinaglalaruan ang isip ko.
Dahan-dahang tumayo si Cassandra.
Tahimik lang siya. Walang galit sa mga mata niya. Wala ring luha.
Somehow...
Mas mabigat pa iyon kaysa sa kahit anong sigaw.
"Symon," mahinahon niyang tawag.
Napatingin ako sa kanya.
"Kung mahal mo pa siya..." saglit siyang huminto bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "huwag mo akong gawing pamalit."
Natahimik ako.
Wala akong naisagot.
Hindi dahil wala akong gustong sabihin.
Kundi dahil wala akong masabing magsisinungaling sa kanya.
Bahagya siyang ngumiti. Isang ngiting pilit. Isang ngiting alam kong masakit.
"I understand," mahina niyang sabi bago siya tumalikod.
Tahimik siyang naglakad palabas ng opisina at marahang isinara ang pinto.
Naiwan akong mag-isa. Hindi ko siya pinigilan at hindi ko rin siya tinawag.
I just sat there staring at the closed door, wondering when everything started falling apart.
"You hurt her," mahinang sabi ni Fenrir.
Napapikit ako sandali bago ako huminga nang malalim.
"I know," mababa kong tugon.
Saglit siyang natahimik.
"Again," dagdag niya.
Napabuntong-hininga ako.
"I know," ulit ko.
Hindi na siya nagsalita. Hindi na rin kailangan. Pareho naming alam kung sino ang tinutukoy niya.
Bandang hapon...
Knock. Knock.
"Alpha!" malakas na tawag ng isa sa mga guwardiya mula sa labas ng opisina.
"Come in," utos ko.
Agad na bumukas ang pinto at pumasok ang guwardiya. Halatang nagmamadali siya, at kahit pilit niyang pinananatiling kalmado ang sarili, hindi niya maitago ang kaba sa mukha niya.
Mabilis akong tumayo.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko.
"May hindi po kilalang bisita na pumasok sa teritoryo," agad niyang ulat.
Napakunot ang noo ko.
"Rogue ba?" tanong ko.
Mabilis siyang umiling.
"Hindi po, Alpha."
"Mag-isa lang?"
"Opo."
"Sino?" direkta kong tanong.
Nag-atubili siyang sumagot. Napalunok muna siya bago muling nagtaas ng tingin sa akin.
"Hindi pa po namin siya nakikilala," kabadong sabi niya. "Pero... parang wala po siyang balak magtago.”
"Ang sabi niya..." nag-atubiling ulat ng guwardiya. "hindi raw siya naparito para makipaglaban."
Bahagya akong napataas ng kilay.
"Kung hindi?" tanong ko.
"May mensahe raw po siyang ihahatid."
"Kanino?" diretso kong tanong.
"Sa inyo po, Alpha."
Hindi na ako nagsalita.
Agad akong lumabas ng opisina at tinahak ang mahabang pasilyo ng Alpha Hall. Pagdating ko sa plaza, halos lahat ng mandirigma ng Wolfram Pack ay naroon na. Nakapalibot sila sa isang hindi kilalang lalaki, handang kumilos anumang oras kung kinakailangan.
Samantalang ang lalaking nasa gitna…
Tahimik lang na nakatayo.
Nakasuot siya ng maitim na amerikana, parehong nakapasok ang mga kamay sa bulsa, at kalmado ang tindig na para bang wala siyang pakialam na dose-dosenang armadong mandirigma ang nakatutok sa kanya.
Either he was fearless...
Or he knew exactly what he was doing.
Nang maramdaman niyang papalapit ako, dahan-dahan siyang humarap at bahagyang ngumiti.
"So..." mahinahon niyang sabi habang sinusukat ako ng tingin. "Ikaw pala ang Alpha ng Wolfram Pack."
Huminto ako ilang hakbang ang layo sa kanya at sinalubong ang titig niya.
"At ikaw?" kalmado kong tanong. "Sino ka?”
Bahagya siyang yumuko.
"Darius," mahinahon niyang pagpapakilala. "Darius Bornfang."
Agad na nagbulungan ang mga mandirigmang nakapaligid sa amin.
Bornfang.
Walang werewolf na hindi nakakakilala sa apelyidong iyon.
Ang maharlikang angkan. Ang pamilya ng Alpha King.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.
"Ano'ng pakay mo rito?" kalmado kong tanong.
Bahagya siyang ngumiti.
"Naparito ako para kunin ang isang bagay," sabi niya. Saglit siyang tumigil bago idinagdag, "na matagal nang hindi pag-aari ng Wolfram Pack."
Tumigas ang panga ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" mariin kong tanong.
Wala siyang isinagot.
Sa halip, dahan-dahan niyang inilabas ang isang maliit na pilak na kuwintas at itinaas iyon sa harap naming lahat.
Nanlaki ang mga mata ko. Kilalang-kilala ko ang kuwintas na iyon.
Ako mismo ang nagsuot niyon sa leeg ni Ash noong labingpitong taong gulang pa lang kami.
Hindi ako maaaring magkamali. Every detail was the same.
Ang kalahating buwan. Ang manipis na pilak na kadena. Lahat.
Kusang bumilis ang tibokk ng puso ko.
Hindi...
Paano napunta sa kanya ang kuwintas na iyon?