Chapter Four

1692 Words
Ash's POV Hindi ako huminto. Kahit naririnig ko pa sa likuran ang ingay ng Wolfram Pack, hindi ako lumingon. Hindi ko na kailangan dahil tapos na ang pakay ko roon. At nagsisimula pa lang ang tunay kong misyon. Tahimik akong naglakad sa masukal na kagubatan habang ang liwanag ng buwan ay sumisilip sa pagitan ng mga sanga. Malamig ang hangin pero ang batok ko parang nagliliyab. "Argh…” Napahawak ako sa leeg ko at napapikit. Mas lalo itong umiinit na parang may kung anong gumagalaw sa ilalim ng balat ko. "Ash..." mahina akong tinawag ni Selene. " Stop walking." Kusang huminto ang mga hakbang ko. Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang ibinaba ang kamay ko mula sa batok. Nang tingnan ko ito, kumikinang pa rin ang Moon mark, at mas maliwanag pa ito kaysa kanina. Napakunot-noo ako. "Hindi dapat nangyari 'to," mahina kong bulong. Saglit akong napapikit bago muling nagsalita. "Akala ko... hindi pa ito magpapakita." "Hindi talaga dapat," kalmadong sagot ni Selene. "Not until you're ready." Napakagat ako sa ibabang labi habang muling sinusulyapan ang marka. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa ito lumitaw. So what changed?* Bakit ngayong gabi? At bakit sa harap pa ng buong Wolfram Pack? Habang mas iniisip ko, mas lalo akong kumbinsidong hindi ito aksidente. Parang may dahilan ang lahat. Parang may gustong ipaalala ang buwan... o baka may gusto itong simulan. Humihip ang malamig na hangin, pero kasabay no'n ay ang kakaibang katahimikan ng buong kagubatan. Kusang napatingin ako sa paligid at bahagyang napakunot ang noo. "Wala nang ibon," mahina kong sabi habang pinakikinggan ang paligid. "Wala ring kuliglig." Normal lang sana iyon kung may malaking mandaragit na gumagala sa kagubatan. Kapag may Alpha o isang malakas na hayop, kusang tumatahimik ang maliliit na nilalang. Pero iba ang pakiramdam ngayon. Hindi ito katahimikang dulot ng takot. Parang... may hinihintay ang buong kagubatan. O mas tama sigurong sabihin... Parang may kinikilalang presensya. "We're not alone," mahinang ungol ni Selene. Napakuyom ako ng kamao. "Alam ko," mahina kong sabi. Dahan-dahan kong pinakawalan ang aura ko. Hindi sapat para maging banta o magsimula ng laban. Sapat lang para ipaalam sa kung sino mang nagtatago sa dilim na naramdaman ko na ang presensya niya. "Wala ka bang balak magpakita?" kalmado kong tanong habang sinusuyod ng tingin ang paligid. Walang sumagot. Lumipas ang ilang segundo. Tanging ang malamig na hangin lang ang gumagalaw sa pagitan ng mga puno. Tapos... Clap. Isang mabagal na palakpak ang biglang umalingawngaw sa buong kagubatan. Isa. Dalawa. Tatlo. Kasunod no'n, isang matangkad na lalaki ang dahan-dahang lumabas mula sa likod ng mga puno. Hindi siya nagmamadali. Parang wala siyang dahilan para mag-ingat, na para bang alam niyang hindi ako ang tunay na nasa alanganin. Maayos ang itim niyang suit. Nakapasok ang isang kamay sa bulsa ng pantalon. At may ngiti sa labi na para bang matagal na niya akong hinihintay. "Impressive," malalim niyang sabi habang tuluyan siyang lumalabas mula sa anino ng mga puno. Hindi siya nagmamadali. Bawat hakbang niya ay kalmado, pero sapat para maramdaman kong sinasadya niyang ipakita ang presensya niya. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan. Hindi ko siya kilala. Pero may kakaiba sa kanya. Hindi lang dahil sa laki ng katawan o sa kumpiyansa ng tindig niya. Aura pa lang niya, ramdam ko na ang bigat nito. Hindi iyon katulad ng presensyang mayroon ang isang ordinaryong Alpha. May kakaibang dignidad at awtoridad na kusang nagpapatahimik sa paligid. At higit sa lahat... delikado siya. "Careful," babala ni Selene. "He's not an ordinary Alpha." "Ikaw ba ang dahilan ng alulong kanina?" direkta kong tanong habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Napangiti lang siya, tila naaaliw sa tanong ko. "Hindi," kalmado niyang sagot. Bahagya siyang nagkibit-balikat. "Pero aaminin kong maganda ang timing." Huminto siya ilang metro ang layo sa akin. Hindi na siya lumapit, pero hindi rin siya umatras. Para bang sinadya niyang panatilihin ang distansyang iyon, na parang alam niyang sapat na iyon para mag-usap kami. "Mukhang hindi mo ako kilala," sabi niya, may bahagyang amusement sa boses. "Hindi," maikli kong sagot. Napailing siya at natawa nang mahina. "Saklap naman," aniya. "Akala ko medyo sikat na ako." "Samantalang limang taon kitang hinintay," kalmado niyang sabi. Walang bahid ng biro sa boses niya, para bang simpleng katotohanan lang ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Napakunot-noo ako habang pinagmasdan siyang mabuti. "Ano?" naguguluhan kong tanong. "Nagkamali ka yata ng tao." Bahagya siyang ngumiti, pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. "Nagkakamali ba talaga ako?" mahinahon niyang tanong habang direkta akong tinitigan. Wala siyang anumang pag-aalinlangan, na para bang sigurado siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "Miss Ash Brodnen." Nanigas ako. Saglit na tumigil ang paghinga ko habang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang pangalang binanggit niya. Hindi ko sinabi ang pangalan ko. Higit sa lahat, hindi dapat iyon alam ng kahit sino sa Wolfram Pack. Tahimik ko lang siyang tinitigan, pilit hinahanap sa mukha niya ang kahit kaunting pahiwatig kung sino ba talaga siya. Sino siya? "Who are you?" direkta kong tanong. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya kahit isang segundo. Ngumiti lang siya, tila naaaliw sa tanong ko. "Mas maganda sigurong..." kalmado niyang simula, "itanong mo muna kung kaibigan ba ako... o kaaway." Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakapuwesto, hindi ibinababa ang depensa ko. Ramdam kong anumang maling galaw mula sa kanya, kusang kikilos ang katawan ko. Napansin niya iyon. At imbes na mainis... bahagya pa siyang napangiti. "Relax," sabi niya sa kalmadong boses. "Wala akong balak lumaban." Bahagya akong napataas ng kilay. "Magaling magsinungaling ang mga taong laging nakangiti," walang emosyon kong sagot. Sandaling natahimik ang paligid. Pagkatapos ay napahalakhak siya, tila mas lalo pa siyang natuwa sa isinagot ko. "I like you," nakangiti niyang sabi, na para bang wala lang ang sinabi niya. Napairap ako. "Wala akong pakialam," malamig kong sagot nang walang kahit katiting na interes sa sinabi niya. Bahagya lang lumawak ang ngiti niya, tila mas lalo pa siyang naaaliw sa reaksyon ko kaysa nasaktan sa pagtanggi ko. Huminto ang hangin, at kasabay no'n ay nawala rin ang ngiti sa labi niya. Unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya habang nakatingin lang sa akin. "Alam mo ba kung bakit lumitaw ang Moon mark ngayong gabi?" kalmado niyang tanong. Hindi ako sumagot, hindi dahil ayaw ko. Kundi dahil wala rin akong alam. Akala ko, ako mismo ang makakahanap ng sagot sa nangyari. Para bang nabasa niya ang nasa isip ko. "Akala ko rin," mahinahon niyang sabi, "ikaw ang makapagsasabi." Bahagya akong umiling. "Hindi," sagot niya bago pa ako makapagsalita. "Ang buwan ang pumili ng oras." Saglit siyang tumingin sa kalangitan bago ibinalik sa akin ang tingin. "Tulad ng inaasahan." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko, mas naging mapanuri ang boses ko. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, dahan-dahan siyang tumingala sa buwan. Tahimik lang siya roon, na para bang matagal na niyang hinihintay ang gabing ito. "Five years," mahina niyang sabi. Saglit siyang huminga bago muling nagsalita. "Five years kang nagtago. At sa loob ng limang taon na iyon... naghintay rin ang buong werewolf kingdom." Napahigpit ang hawak ko sa balabal ko. "Werewolf kingdom?" naguguluhan kong ulit. Bahagya siyang ngumiti at muling ibinalik sa akin ang tingin. "Marami ka pang hindi alam, Ash," kalmado niyang sabi. "Mas malaki ang mundong ginagalawan mo kaysa sa Wolfram Pack." Natahimik ako dahil hindi ko alam kung ano ang mas nakakagulo sa isip ko ang katotohanang kilala niya ako, o ang paraan ng pagsasalita niya na para bang matagal na niya akong hinihintay. "Hindi ako interesado," malamig kong sabi. Tinalikuran ko siya at nagsimula ulit maglakad. "Kung wala ka nang ibang sasabihin..." bahagya akong lumingon "aalis na ako." "Talaga ba?" kalmado niyang tanong. Kusang huminto ang mga hakbang ko. "Sigurado ka bang gusto mong bumalik sa lugar kung saan hinatulan ka nilang mamatay?" seryoso niyang dagdag. Hindi ako sumagot. Mahigpit ko lang hinawakan ang balabal ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. "At tingin mo ba..." mababa niyang sabi matapos ang ilang segundong katahimikan, "iyon lang ang katotohanang hindi mo alam?" Unti-unti akong lumingon. Nakatitig pa rin siya sa akin. Wala na ang mapaglaro niyang ngiti. Ang kapalit nito ay isang seryosong ekspresyon na parang may alam siyang matagal nang itinago sa akin. At sa unang pagkakataon mula nang magkita kami… pakiramdam ko, mas delikado ang mga salitang sasabihin niya kaysa sa kahit anong laban na maaari naming harapin. "May mga taong limang taon nang naghahanap sa'yo," seryoso niyang sabi. Hindi siya umiwas ng tingin, na para bang gusto niyang makita ang bawat reaksiyon ko. Saglit siyang tumahimik bago muling nagsalita. "At ngayong gabi..." mababa niyang dugtong, "alam na nilang buhay ka." Kusang bumilis ang t***k ng puso ko. "Sino?" direkta kong tanong. Mas naging matalim ang boses ko, pero hindi ko naitago ang pag-aalinlangan sa isip ko. Hindi siya sumagot. Sa halip, dahan-dahan siyang yumuko. Hindi iyon pagyuko ng isang taong sumusuko. Isa iyong pormal na pagbati. Isang paggalang. "My name..." mahinahon niyang sabi habang unti-unti niyang itinataas ang ulo at muling sinalubong ang tingin ko "is Darius Bornfang." Nanlaki ang mga mata ko. Bornfang. Kilala ko ang apelyidong iyon. Hindi iyon basta pangalan ng isang makapangyarihang pamilya. Iyon ang apelyido ng maharlikang angkan. Ang pamilya ng Alpha King. Ibig sabihin… siya ang... "Heir," mahina kong bulong. Bahagya siyang tumango. "As expected," kalmado niyang sabi. "Alam mo kung sino ako." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "At ngayon..." saglit siyang tumigil, na para bang pinipili ang mga susunod niyang salita. "oras na para malaman mo kung sino ka talaga." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Hindi ba sapat na alam kong ako si Ash Brodnen? Bahagya siyang ngumiti. Hindi iyon ngiting mapaglaro. Hindi rin iyon ngiting nangungutya. Isa iyong ngiting tila may matagal nang lihim na sa wakas ay handa na niyang ibunyag. "Marami kang pinaniniwalaang katotohanan, Ash," mahinahon niyang sabi. "Pero hindi lahat ng iyon... totoo." Bago pa ako muling makapagtanong, diretso niya akong tiningnan at sinabi ang mga salitang tuluyang nagpayanig sa buong mundo ko. "Hindi aksidente ang pagkakaligtas mo limang taon na ang nakalipas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD