Symon Wolfram's POV
Hindi. Imposible. Hindi puwedeng siya iyon.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa gitna ng plaza. Patuloy na kumikinang ang kakaibang marka sa batok niya, pero kahit anong pilit kong ituon ang pansin doon, iisa lang ang nakikita ko.
Ash
Moon Mark.
Buong buhay kong narinig ang alamat tungkol sa markang iyon. The elders always said it would only appear when the Moon Goddess herself acknowledged someone's destiny. I never believed any of it. To me, it was nothing more than another old story passed down from one generation to another.
But none of that matters right now. Ang hindi ko matanggap ay ang babaeng nasa harap ko.
Ash is alive. How is that even possible?
Ako mismo ang nakakita sa nangyari limang taon na ang nakalipas. Ako mismo ang naniwalang wala na siya. I spent years convincing myself that everything was over, that there was nothing left to hold on to.
Kaya bakit…
Bakit nakatayo siya ngayon sa harap ko? Why does she look so real?
Hindi. This doesn't make any sense. Hindi puwedeng multo ang nararamdaman ko
.
Because if there's one thing a werewolf can never mistake… it's the mate bond. And a mate bond doesn't come back for someone who's already dead.
"Symon."
Halos hindi ko narinig ang tawag ni Cassandra.
Parang unti-unting nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Ang tawanan, ang musika, maging ang mga bulungan ng mga tao... parang isa-isang naglaho.
Siya lang ang nakikita ko. Siya lang ang laman ng paningin ko. Then I caught her scent.
Lavender. Pareho pa rin at hindi nagbago.
Huminga ako nang malalim, pero lalo lang luminaw ang amoy niya. Kasabay no'n, narinig ko ang mahinang tibokk ng puso niya kahit ilang metro ang layo namin sa isa't isa.
Damn...
"Mate," mahinang bulong ni Fenrir, pero ramdam ko ang excitement sa boses niya. "She's finally back."
Shut up, mariin kong putol sa kanya.
"You know it's her."
Napailing ako.
Hindi. Hindi ito si Ash.
Si Ash… patay na.
Ako mismo ang nakakita. Ako mismo ang naniwala.
Mahigpit kong ipinikit ang mga mata at pilit itinulak palayo ang mga alaalang nagsisimulang bumalik.
No.
Stop thinking about that night.
"Alpha!" Bigla akong natauhan nang marinig ang boses ng Beta ko. Mabilis siyang lumapit at pinagmasdan ako, halatang napansin niyang may mali.
"Are you alright?" nag-aalala niyang tanong.
Napakurap ako at pilit inayos ang ekspresyon ko.
"I'm fine," maikli kong sagot.
Kasinungalingan. Malayo ako sa pagiging fine.
Pakiramdam ko, may mahigpit na kamay na nakahawak sa dibdib ko. Hindi sapat ang paghinga ko, at sa bawat segundo, lalo lang bumibigat ang pakiramdam. Para bang may kung anong pilit kumakaladkad sa akin papunta sa kanya.
Hindi ba dapat kabaligtaran? Limang taon ko nang pinaniniwalaang patay si Ash. Kung totoo iyon...
Bakit ngayon lang muling nagising ang mate bond? Bakit habang mas matagal ko siyang tinitingnan...
Mas lalo akong nahihirapang paniwalaan ang sarili kong kasinungalingan?
“Symon."
Muli kong narinig ang boses ni Cassandra. Paglingon ko, seryoso na ang ekspresyon niya. Wala na ang ngiting kanina lang ay suot niya.
"Everyone's waiting," paalala niya habang tumitingin sa entablado.
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa harapan.
Right. The engagement.
Pilit kong ibinalik ang isip ko sa dapat kong gawin.
"Continue the ceremony," utos ko sa Beta ko nang hindi inaalis ang tingin sa entablado.
"Yes, Alpha," mabilis niyang tugon. Akmang aalis na siya nang muli ko siyang tawagin.
"Sandali."
Agad siyang huminto at lumingon.
"Find everything about that woman," seryoso kong sabi. Bahagya siyang natigilan.
"The visitor?" naguguluhan niyang tanong.
Tumango ako.
“Everything," mariin kong ulit. "Saan siya nanggaling. Sino ang nag-imbita sa kanya. At..." Naputol ako. Saglit akong napapikit bago muling nagsalita. "ano ang pangalan niya."
"Yes, Alpha," sagot niya bago tuluyang umalis.
Hindi ko binanggit ang pangalan ni Ash. Hindi dahil nakalimutan ko. Kundi dahil natatakot akong marinig ito mula sa iba.
Dahil kapag sinabi nilang Ash Brodnen nga ang pangalan niya... wala na akong maipagkakaila sa sarili ko.
Nagpatuloy ang programa. May nagsasalita sa entablado, may mga nagtatawanan sa ibaba, at paminsan-minsan ay umaalingawngaw ang palakpakan ng mga bisita. Dapat nakikinig ako. Dapat naroon ang buong atensyon ko.
Pero wala akong maintindihan.
Lahat ng nasa paligid ay parang unti-unting naglaho. Iisa lang ang nakikita ko ang babaeng papalayo sa gitna ng plaza.
She didn't even look back. Ni minsan, hindi siya lumingon.
Parang wala akong naging bahagi sa buhay niya. Parang hindi kami kailanman nagkakilala. Para bang isa lang akong karaniwang tao na nakasalubong niya at wala nang ibang kahulugan.
Iyon ang pinakamasakit. Hindi ang makita siyang buhay... kundi ang makita siyang nabubuhay na parang hindi niya ako kailanman minahal.
"Go after her," seryosong utos ni Fenrir.
Napailing ako. "Hindi."
"She needs us," pilit niya.
"No." Mahigpit kong kinuyom ang kamao. "She rejected us."
Ilang sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.
"No," malamig niyang sagot. "You're wrong. You're the one who rejected her five years ago."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas ako.
"What did you say?" mariin kong tanong.
Hindi agad sumagot si Fenrir. Hinayaan niya munang lumipas ang ilang segundo, na para bang gusto niyang pag-isipan ko ang sinabi niya.
Pagkatapos ay muli siyang nagsalita.
"Deep inside..." mababa niyang simula. "You know you made the wrong choice."
Napakuyom ako ng kamao hanggang sa bumaon ang mga kuko ko sa palad.
"I did what an Alpha had to do," mariin kong depensa.
"No," putol niya agad. "You did what a coward would do."
Biglang kumirot ang ulo ko.
"Damn..." mahinang mura ko habang pinisil ang sentido ko.
Kailan pa naging ganito kadaldal ang lobo ko? O baka ngayon lang siya nagsasabi ng mga katotohanang matagal ko nang pilit iniiwasan.
....
"Symon."
Napalingon ako kay Cassandra. Nakangiti siya habang papalapit, may hawak na dalawang baso ng alak. Iniabot niya ang isa sa akin.
"Congratulations," malumanay niyang bati.
Tinanggap ko ang baso at bahagya akong tumango. "Thank you," maikli kong sagot.
Hindi ko iyon ininom.
Tahimik ko lang pinagmasdan ang alak na marahang umiikot sa loob ng baso. Parang mas madali pang pagmasdan iyon kaysa harapin ang gulong nasa isip ko.
"I know that look," biglang sabi ni Cassandra.
Napataas ang kilay ko at napatingin sa kanya.
"What look?" tanong ko.
Bahagya siyang ngumiti, pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.
"The look you used to have..." mahina niyang sabi. Saglit siyang huminto bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "when you were still waiting for your mate."
Natahimik ako.
Napatingin ako sa kanya, at doon ko lang napansing matagal na pala niya akong inoobserbahan.
She noticed. Of course she did, hindi siya tanga.
Habang masaya ang lahat sa paligid, ako lang ang hindi. At kahit anong pilit kong itago, mukhang siya ang unang nakapansin na wala na sa engagement ang isip ko.
"Who is she?" diretsahan niyang tanong.
Hindi ako agad nakasagot. Tahimik lang akong nakatitig sa basong hawak ko, parang may makukuha akong sagot sa paggalaw ng alak sa loob nito.
"I don't know," mahina kong sagot.
Napailing si Cassandra.
"Symon."
Napabuntong-hininga ako at mahigpit na napahawak sa baso.
"I said..." mariin kong ulit, "I don't know."
Sa pagkakataong iyon, hindi ako nagsisinungaling.
Kung si Ash talaga ang babaeng nakita ko kanina, bakit buhay siya? Ako mismo ang nakakita sa pagkamatay niya. Limang taon kong pinilit tanggapin na wala na siya, kaya bakit bigla na lang siyang bumalik na parang walang nangyari?
Pero kung hindi naman siya si Ash... bakit pareho ang mukha niya? Bakit pareho ang amoy niya? At bakit, sa tuwing nagtatama ang mga mata namin, parang siya pa rin ang babaeng unang tinanggap ng lobo ko bilang mate?
Hindi ko maintindihan.
Sa dami ng tanong na umiikot sa isip ko, wala akong mahanap kahit isang sagot. At sa bawat segundong lumilipas, lalo kong nararamdamang may katotohanang matagal nang nakatago... at malapit ko na itong mabunyag.
....
Makalipas ang ilang minuto, muling lumapit ang Beta ko. Halata sa mukha niya na wala siyang magandang balita.
"Alpha," tawag niya.
Napatingin ako sa kanya. "What is it?"
"Nawala na po ang bisita."
Bigla akong napatingin sa tarangkahan ng pack.
"Wala na?" tanong ko, hindi maitago ang pagkagulat sa boses ko.
"Opo," sagot niya. "Pagdating namin sa gate, wala na siya."
Napakunot-noo ako.
"Sinundan ba ninyo?"
"Sinubukan po namin," sagot niya. Saglit siyang nag-alangan bago ipinagpatuloy, "pero parang bigla na lang siyang naglaho sa loob ng kagubatan. Wala kaming naiwanang bakas na masundan."
"s**t…” Napamura ako nang mahina.
Hindi iyon ang Ash na kilala ko. Hindi siya iyong tipong tatakbo para umiwas.
Kapag may humahabol sa kanya… she stands her ground.
Lumalaban siya. Kaya kung ang babaeng iyon nga si Ash… bakit parang ibang-iba na siya ngayon?
O baka… hindi ikaw ang nagbago. Ako lang ang hindi na nakakakilala sa'yo.
Makalipas ang ilang oras, lumabas ako ng Alpha Hall at huminto sa balkonahe. Tahimik na ang buong pack. Humupa na ang ingay ng pagdiriwang, at ang tanging naririnig ko na lang ay ang malamig na hangin na dumadaan sa paligid.
Maliwanag ang buwan ngayong gabi.
Pero kahit ilang beses akong huminga nang malalim, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mukha niya.
O mas tama sigurong sabihin, ang mga mata niya ang hindi ko maalis sa isip ko. Ilang beses ko mang balikan ang sandaling nagkatitigan kami, iisa lang ang naaalala ko. Wala akong nakita roon. Walang galit. Walang lungkot. Walang pagmamahal. Nothing. Para bang wala akong naging bahagi sa buhay niya. Para bang isa lang akong taong ngayon niya unang nakita. At iyon ang paulit-ulit na bumabagabag sa isip ko.
Mas gugustuhin ko pang galit siya sa akin. Mas gugustuhin ko pang isigaw niya sa mukha ko ang lahat ng sakit na dinanas niya. At least, that would mean I still mattered to her.
Pero hindi.
Ang tingin niya sa akin... parang isa lang akong ordinaryong Alpha na nakasalubong niya sa unang pagkakataon.
And somehow… that scared me more than her hatred ever could.
"Symon..." mahina akong tinawag ni Fenrir.
Napakunot-noo ako. "What?" tanong ko sa isip ko, hindi inaalis ang tingin sa madilim na kagubatan sa malayo.
"Do you smell that?" seryoso niyang tanong.
Kusang napasinghot ako sa hangin.
Then… nanlaki ang mga mata ko.
Dugo.
Amoy sariwang dugo. Galing iyon sa direksyon ng kagubatan.
Bago pa ako makapag-isip, isang malakas na alulong ang biglang umalingawngaw sa buong gabi. Hindi iyon katulad ng karaniwang alulong ng isang lobo. Mas mabigat ang tunog nito. Mas malalim. Mas matanda. At may taglay na presensyang hindi ko maipaliwanag.
Tumayo ang lahat ng balahibo ko.
Hindi lang ako ang nakaramdam no'n.
Halos sabay-sabay na napaalulong ang mga lobo ng buong Wolfram Pack, na para bang may tinutugunan silang tawag na ako mismo ay hindi maintindihan.
Mahigpit akong napahawak sa railing ng balkonahe.
“What the hell..." mahina kong bulong habang nakatitig sa madilim na kagubatan.
Hindi ko alam kung ano ang naroon. Pero isang bagay ang sigurado. May nagising.
At habang pilit kong inaaninag ang dilim, may dalawang pares ng pilak na mata ang dahan-dahang nagmulat mula sa kailaliman ng kagubatan.
Pareho silang nakatingin sa direksyon ng pack. At ang isa sa mga iyon...
Diretsong nakatitig sa akin.