Entry 24 Dear Diary, Dumating na naman tayo sa puntong pinakahihintay naming mg-aaral. Ang sembreak. Pero ang office busy-busyhan days prior to Halloween. Siguro ako lang, pero hindi popular ang holiday na ‘Halloween’ sa lugar namin, or perhaps sa Pilipinas in general. Ang pinaka-hHalloween na namin ay `yong Undas. At ang Trick or Treat ng mga bata ay ang pagkuha ng mga natunaw na kandila ng kapitbahay, lulutuin sa tansan o lata ng gatas, pagdidikit-dikitin hanggang sa makagawa ng panibagong kandila. Mukhang timang from a third person’s point of view pero para sa aming gumagawa, napakasaya no’n. But apparently dito sa school namin, uso Trick or Treat. At big deal ito kay Ma’am Mamia to the point na pinatawag niya ang ama ng isang scholar at d-in-iscuss ang plano for Halloween. The man

