Entry 23
Dear Diary,
THOMSOC Day namin kanina and the day before bumisita si Harold sa OSA. Nag-abot siya kay Ma’am Mamia ng letter for Sir Carlitos’s approval. I was seated on the couch waiting for her next instructions.
Harold knew S.A. ako ng OSA, but that didn’t prevent him to say ‘Hi!’ nang pumasok si Ma’am Mamia to get his letter signed. Syempre, kinilig ako. he was about to say something but kept it instead nang dumating si Onin from the Testing Room, hawak ang mga answer sheets and questionnaires.
“Uy, Harold, ano pa kailangan natin bukas?” bungd niya. I almost forgot. PRO nga pala ng THOMSOC ang tambakol.
“Hm, gusto kasi ni Dean i-start ang activity with a mass. Nakausap ko na si Sister Joy kahapon; kailangan natin mag-ambag for the offertory – mga prutas.”
“Bigay niyo na lang sa`kin contribution niyo ako na bibili. Malapit lang ako sa palengke,” ani Onin. Nagpapa-impress siya kay Harold.
Hindi ko alam kung ano’ng dumapo sa`kin bakit kailangan ko `yong higitan. “Uhm, Harold, may ipare-receive akong letter kay Sister Joy, gusto mo bang i-remind ko siya?”
“Please. Thank you, Dana. Kailangan ko rin talaga i-polish ang presentation eh.”
Itinuon ni Harold ang atensyon kay Ma’am Mamia nang makabalik sa table niya, slowly dahil muli niyang pinasadahan ng basa.
“So whole day pala ang THOMSOC Day niyo bukas.” “Yes, Ma’am. Gusto ko sana i-excuse si Dana at Onin sa pag-e-S.A. tomorrow nang makasali sila.”
Pinakuha sa`kin ni Ma’am ang logbook for Studio Room reservation. Ma’am pointed to me the date and time sa letter at sinulat ko `yon sa nakalaan na portion ng page with a caption THOMSOC Day c/o Harold My Loves.
“Sa`kin okay lang. It’s up to them kung papasok sila or hindi pero maganda `yong magsabi na ahead, tulad ng ginawa mo.” Pinapirmahan ni Ma’am kay Harold ang phinotocopy niya na letter, binigay sa`kin ni Ma’am for filing at `yong original binalik kay Harold.
Harold stood to go, nag-thank you but not before waving me goodbye. He’s just so sweet.
“Oh Dana, ba’t nandito ka pa?” Ma’am Mamia soon after asked. “Ipa-receive mo na `yong mga memo. Malapit na mag-lunch break.”
“Ay, oo nga pala!” Dalidali akong lumabas to do my duty.
Since kahilera lang ng OSA ang Marketing Dept., ito na ang una kong pinasukan at nagpa-receive sa isa sa mga staff na walang ka-on call sa telepono. Then sinunod ko ang Campus Ministry.
Kumatok ako ng tatlong beses. “Good morning, Sister!”
“Uhm, Dana? Is that you?”
“Yes, Sister.” Ni-lock ko ang pinto sa`king likuran saka pumasok pa sa pinaka-office niya na punong-puno ng mga religious item – rosary, Bible, pamphlets and novenas.
Our College was not a Catholic school by default pero `yong may ari kasi super devoted sa kanilang faith na ginawa niyang ka-level ang Campus Ministry ng mga departments.
“Come, come!”
Pumasok ako ng tuluyan at nagmano. Noon ko pa nakikita si Sr. Joy; nito lang naging S.A. ako saka ko siya nakakausap, pero in English rin as possible. Missionary Sister siya galing India. Nakaiintindi na siya karamihan ng Filipino words.
“Asa’n mga SCA?” tanong ko. SCA was an organization recognized by the school, tulad ng THOMSOC. They were built to help the Campus Ministry.
“Ah, they’re busy, I guess.”
Inabot ko sa kanya `yong papel. Habang pumipirma siya, pinaalam ko ang isa pang pakay. “Sister, we’ll have a mass tomorrow, right? “
“Ay, yeah! Jesus, I almost forgot!” Umalis siya sa kinauupuan at hinaplos ang mukha ko. “Thank you, Dear, for reminding me. I have to inform Father Mark. I have to also ask anyone from the College to say the readings and the responsorial.”
“I’m from the College, Sister. I’ll help.” “God bless you, Dana. I’m so happy. Sana kunin ka na ni Lord.”
Nalaglag panga ko’t napaliyad. “Sister, grabe naman `yon!”
“Grabe. Why, am I wrong?” tanong niya. “I heard this song on the radio. It says ‘Good boy, good boy. Ang bait mo naman sana kunin ka na ni Lord. Mabait is ‘good’, right? You’re a good girl.”
Ay shuta, `di bale ng demonyita `wag lang munang mawala sa mundo. “Thank you, Sister. Pero that song has another meaning.”
“Oh, I see. But all I mean is you’re like a miracle from the Lord.”
In-end na namin ang diskusyon tungkol sa kantang `yon, pinaphotocopy ang mga basahin saka nagpa-receive sa ibang department. At the end of our afternoon class, binigay ko sa P.R.O. namin ang mga babasahin.
Then he gave one to Mikai, sa kalbo niyang tropa and me. Wala sa aming may experience sa pagiging commentator, pero madalas kaming mag-comment sa mga social media ng kung anu-ano kaya `yon siguro naging basehan niya.
The next day, bago ang mass, nagpaturo kami kay Sister. Sesenyasan niya na lang daw kami sa sequence. Hindi nga kami pumasok ni Onin sa pag-e-S.A. Expected rin kasi ng College na present lahat kami sa THOMSOC Day, which was similar to Foundation Day except exclusive lang sa aming College.
Naitawid naman namin nang maayos ang misa. This was immediately followed by Harold’s presentation at the Studio Room - `yong milestones ng College, goals ng org in the future, and the likes ang content. Those were all boring statistics but we dared not to complain (us students); si Dean lang naman nag-enjoy sa mga pa-graph-graph, pie chart, pie chart niya e, as what was expected of him.
Then we headed for the most fun activity - `yong mga obstacle courses. Four teams were given seven sets of challenges. Kung sino unang makatapos ang tatanghaling panalo. I wanted to be in a group with Harold pero shutang higad talaga si Mikai e; inunahan ako. Ending, napunta ako sa team ni Onin and four others. Of course, I had to complain kahit sa isip.
Ang impakto na nagtalaga sa sarili bilang team captain. Nang marinig na namin ang go signal, dinala niya kami sa una naming challenge, ang hanapin ang limang limampiso sa kawaling may harina.
“Dana, ikaw na gumawa,” Onin said.
“Bakit ako –” “`Wag ka ng maarte! Mauungusan na tayo!”
Ako pa tuloy naging maarte no’n, Diary. I was just asking nicely. Pero `di, kaya ko rin natanong because I had this suspiscion na ilulublob niya mukha ko sa harina. But turned out, hindi na pala kailangan. Sa sobrang lalim kasi ng kawali wala akong choice kung `di pangatawanan ang pagiging tempura that is, i-dipped ang mukha sa bread crumbs, in this case, harina.
Tinalian ako ng sanrio ng isang member nang `di makasagabal ang hairlaloo, while the other four cheered on. Sa true lang, para akong baboy ramo na nginudngod ang ilong at nguso maramdaman lang ang barya. Nagtagal ako sa pang-last na coin. But when I finally found it, para akong nanalo ng jackpot na may pataas-taas pa ng kamay at apir sa mga team members.
Then I turned to our team captain. Hawak niya ang phone at nagpipigil-komento. But in the end, he said it anyway. “Mukha kang human espasol!”
I was expecting to hear, ‘Congrats, Dana! I’m so proud of you! Pahalik naman o!’ pero pvcha, Diary, ‘human espasol’ talaga? Aba’y dumampot ako ng harina’t pinagbabato sa kanya all the way to our next obstacle course.
Habang binabasa niya ang goal ng ikalawang challenge, tumapat ako sa likuran niya’t ginawang pamunas ang kanyang likod. Napaarko si Onin, at the same tim, nakiliti.
“Hoy, bakit mo sa`kin pinunas? Salaula ka talaga!” “E nang-asar ka e! You deserve it!”
The second obstacle wanted one member blindfolded. Tapos may isang magli-lead lang sa kanya. He had to listen to the direction para mahanap niya kung saan nakatago ang hidden object. Natapos namin `yon under a minute. Sa third obstacle, kailangan itawid kami ng leader from one point to the other paisa-isa, gamit ang plankwood na may pisi.
“By height tayo!” ani Onin.
At no’ng nagkaalaman kami ng height, ako ang tumatayang pinakamaliit. “Ano namang rationale bakit napili mong by height?”
“`Pag shushunga-shunga ang nasa dulo baka hindi tayo makausad.”
Hinampas ko siya. “So ano’ng sinasabi mo, shunga ako, gano’n?” “Kaya nga by height ang sinabi ko e, para `di masyadong halata. Pumwesto na kayo ro’n.”
How dare him thought ako ang magpapabagal ng usad nila? And more importantly, how did he know na hindi maganda feet coordination ko? Ah, may theory ako. No’ng first year kasi ang pinili kong NSTP ay ROTC. Gaga, hindi dahil nando’n rin si Onin but because nando’n si Harold.
Usually, nagpapatakda ang platoon leader. Dapat kapag nabanggit ang ‘wa’ sa word na kaliwa, ang nakaapak sa lupa’y kaliwang paa. Gano’n din kapag kanan. Pero ewan ko ba sa paang `to na kapag nabanggit na ang ‘wa’, nakataas pa rin ang kaliwa ko. Kapag pinilit ko namang ibaba, pinagtatawanan ako. Magmula ng pagsolohin ako magpatakda, juskoday, nag-CWATS na ako noong sumunod na sem.
Noong naka-approach na sa akin si Onin with those plank woods, pinakapit niya `ko nang mabuti. “Sa paa ko lang ikaw tumingin, okay?”
“Okay,” sabi ko. But at the back of my mind, I wasn’t okay. Shuta, Ses, nakakapa ko ang pa-abs ng mokong! Anim yata `yon o walo. Now I wasn’t thinking straight back then. Siguro dahil sa gutom? I did not know. Pero kinapa ko isaisa ang pandesal ni Onin at nagbilang. Out loud.
“Hoy, Dana, ano’ng ginagawa mo?” Huminto siya sa paglalakad at pumihit pakanan. “Minomolestiya mo ba ako?”
I stopped what I was doing at nagdeny. “Lul! Binibilang ko lang ano! Atsaka wow, molestiya? Bakit si Harold ka ba?”
He continued walking. “Walang abs si Harold.”
“At pa’no mo alam?” “E nakita ko na siyang nagtopless e.” “Sinasabi ko na nga ba bakla ka e.”
“Pasmado na utak mo,” sabi niya then added, “By the way, walo ang tamang bilang ng abs.”
Walo. Tss. Mayabang. I would have said produkto ng malnutrisyon kung bakit siya may abs. But then no’ng huli kong bisita sa bahay nila, home cooked pa ngani ang ulam at hindi bili lang sa tindahang malapit ng malugi. So I knew then hindi ko `yon magagamit bilang pang put-down.
Matapos naming makumpleto ang last four obstacles, we finished second. Naghilamos ako sa comfort room at nagchange ensemble. Bumaba ako for boodle fight. It’s a typical Filipino dish – galunggong, kamatis, okra, talong at itlog maalat. May mga piling din ng saging placed in strategic location. Lahat kami, myself included, kumain nang nakakamay. Charot sa ‘myself included’ akala mo talaga rich girl ang gaga e, `no? Hindi sanay ang peg.
To be fair, hindi rin naman kami dukhang-dukha. Seaman ang Papshie ko and though nabibigay nga ang luho, kailangan naming magcompromise at subukang `wag siyang mamiss. Mabibilang pa sa daliri ang ilang beses naming nakasama ang Papshie during Christmas so those times na uuwi siya would truly be memorable. Usually ganito rin ang gusto niyang way ng pagcecelebrate - `yong may boodle fight. Tuloy, sa aking pagrereminisce, naubusan na ako ng pagkain. Or so I thought, kasi itong pagtingin ko sa aking harap, hinagisan ako ni Onin ng galunggong. Tinanggalan na niya ng tinik.
“Hindi ka pa rin ba maka-move on sa abs ko?” ang hayagan niyang tanong. “Tulala ka na naman o.”
“Ew. Puwede ba?” Nirolyohan ko siya ng mata and remained quiet. I knew that wasn’t the perfect time and place to miss Papshie.
And though hindi pa man Halloween, it would be nice kung sa Christmas uuwi na siya. I knew you’re not a wish granting notebook, Diary, but what was there to lose?
I said, successful and fun ang THOMSOC Day (kung io-overlook natin ang pang-iimbyerna ni Onin).