Chapter 12

2149 Words
Entry 15 Diary, I was wet all over when I woke up. I think naihi ata ako sa panty samantalang natutulog. E pa’no ba naman kasi kalurkey ang dream ko. Nagalit daw sa`kin si Harold nung in-attempt kong sabihing si Onin na lang ang ka-partner ko. ‘Bakit mo ko pinagpalit Dana? Don't you know I love you? Ta’s malalaman ko si Onin lang ang ipapalit mo sa`kin?’ Those were the exact words Harold said in my dream habang hawak ako sa napaka-petite kong mga braso. (Libre chansing `yan si Harold sa`kin pero okay lang... I'll spoil him! Charot!) ‘Baby kasi si Onin e. Brinibe ako!’ sumbong ko sa kanya, yapos ko ng yakap. Nag-eexpect akong ipaglalaban niya ako over Onin. `Yong tipong Helen of Troy lang ang peg. But all he did is to whine and whine na kung bakit ko siya pinagpalit. I was hugging him and kissing pero `di sya responsive. Think cadaver. At no’ng in-attempt ko naman siyang lantakan sa lips, he pulled away and said, ‘Itigil na natin `to, Dana.’ I don't know why but in my dream, ang inisip kong dahilan kung bakit siya lumayo sa attempt kong paghalik ay dahil bad breath daw ako. I even said to him, ‘Harold baby, sorry na! Kumain lang kasi ako ng ginger bread! I'm sorry na!’ But he pulled away even more. ‘Alam mong allergic ako diyan!’ sigaw niya sabay labas ng disinfectant alcohol at binuhos itong ganap sa buong sarili pati sa bibig. ‘Break na tayo.’ I was speechless for a while. Not because mas maarte pa siya sa`kin sa hygiene but because now ko lang na know na kami pala all this time. Ngayon lang nag-sink in kung kailang niya sinabing break na kami. E `di aw! Ang sakit. Sa panaginip ko kasi diary may time limit akong magsalita. Basta, ang weird. Alam mo `yong feeling na naghihintay ka ng tren sa lrt tas `pag dumating na do’n sa station na `yon, seconds lang ata at isasara na, lalarga na? Ganern `yong pagsasalita ko sa panaginip. ‘Harold `di ko alam na tayo pala. `Di ako informed!’ ‘Oops, you exceeded the text limit. Try again after five minutes,’ ang sabi ng voice over ni Big Brother. O `di ba, diary, ang weird. Yung Twitter pati ang 'reminder' kapag invalid ang password o pattern sa smartphone... nagsama. Hinila ko na lang tuloy siya pabalik until sumalampak ako sa sahig. Harold was trying to step a foot forward but since hila ko, nahirapan siya. At dahil nahirapan, nainis... kaya `yon naglabas ng sundang. ‘`Pag `di mo tinanggal kamay mo, tatanggalin ko `yan sa braso mo!’ Siyempre naman diary ayokong amputated ang aking Army Perez kaya `yon, I let him go. At do’n na nga ako nagising. Ta’s no’ng paggising kong ganyan nagshi-shine bright na pala ang sun. Ending, na-late na ako sa klase. Law ang subject namin. Pumasok ako sa room, noticing most of them naka-by pair na. As I was going to Harold’s place, natigilan na lang ang lola mo, seswang. Mikai was already there. I swear, gusto ko siyang sambunutan, diary. Magsuot ba naman ng sobrang revealing? Alam ko naman higit na mas malaki ang dibdib niya kesa sa boobelya kong binubuhay lang ng push up bra pero puwede ba? Hindi niya puwede i-ootd `yan sa tabi pa ni Harold. Saka, sino nagbigay ng pahintulot sa kanyang tumabi kay Harold e `di pa naman ako officially nagpapaalam? The nerve lang. Sa inis, tinuloy ko ang lakad papunta sa kanila. "Excuse me, uhm, Mikai, `yong butones ng blouse mo natanggal ata. Gusto mo tahiin ko?" sabi kong ganyan, ngiting plastic. "Ano ba, design `yan!" May pagbali pa ng kamay si bakla. Design daw. Jusko. Inikutan ko lang siya ng mata then gave Harold my attention. "Uhm, Harold, gusto ko mag-sorry about this swap thing.” "It's okay, Dana. Kinausap na ako ni Onin about diyan." He sounded diplomatic so unlike in my dream. "Though I was a bit sad, pumayag na rin ako. Nangako naman siyang tuturuan ka niya nang mabuti." "Okay lang talaga sa`yo?" tanong ko sa kanya, my eyes about to swell. Di kasi diary, ang sweet niya kasi. He wanted my grade to be higher (than the heavens above). Na-touch lang ako. Kaso ito talagang si Mikai, panira e. "Girl, okay na nga. Ano ba! Okay lang din naman sa`kin e.” komento pa ng gaga. Like, tinanong ko siya? "E pa’no pabor sa`yo." balang kong ganyan. But just like in my dream, I was waiting for Harold to speak in opposition. Gusto kong bawiin niya ako para sa kanya. Kaso wala, `di nangyari e. Then Onin came. "Uy, Dana! 'Lika rito!" tawag niya na para bang traffic enforcer. I closed my eyes as if mapapakalma ako ng ginagawa ko. And I was about to kung `di lang, "Uy itim! Tinatawag kita." Okay lang sana kung kami lang nasa classroom. E bunganga pa naman nito ni Onin, aside sa malaki, e malakas rin boses iyon, rinig ng madla. Nagtawanan. I even saw Harold smirk, pero hindi naman gano’n ka-walanghiya unlike dito sa impaktang Mikai. "S-sige, Harold, una na ako, ha?” Relieved na ako kasi okay naman pala sa kanya. So with that, iniwan ko ang Beauty and the Beast (Mikai) at nag-strut towards Onin mentally regulating my high blood. Maraming books sa armrest niya. Ni-ready niya na ata bilang panghampas ko sa kanya. Nang nasa tapat na ako `di man lang ako sinumpungan ng tingin but instead umaktong parang super genius, busy-busyhan. "Bakit ang demanding mo? Kita mong kinakausap ko pa si Harold e!" ani ko. At ang impakto, `di man lang iparamdam sa`kin na nakikinig siya. Hala, labas lang sa kabilang tenga. "Ba’t ang demanding ko? Tignan mo sila, lahat nagsisimula na sa kani-kanilang report samantalang tayo ngayon pa lang. Hello, una kaya tayo!" paalala nya. Since nagswap na nga ng ka-partner, `yon, first reporter na ako instead na pang thirteen. Naupo ako sa tabi niya, creating a distance sa pagitan just to give him clue na badtrip ako sa kanya. Maya-maya lang, "You owe me an apology," sabi ko. Instantly, natigilan si Onin sa pagha-highlight. "E `di wow," ang sagot niya sabay balik sa paghighlight. Akala niya naman talaga libro niya. Hiram lang namang library. "Kung gusto mo akong magsorry, kailangan mo muna akong ma-impress." "Ay, so para pala `tong clearance, ganern? You made my basic right looked as if a subject na kailangan kong ipasa?" "Parang gano’n na nga." "Okay, bring it on!" "Game!” Ibinagsak niya sa armrest ko ang nakabukas na na libro. “Gusto ko, intindihin mo itong article na `to, ito hanggang dito. Pagkatapos niyan, magtatanong ako. `Pag nasagot mo mga tanong ko nang tama, magso-sorry ako at hindi kita aasarin ng isang araw." "Dalawa." "Isa't kalahati." Putek, diary, may pagtawad? It's like he won't last long without him bullying me. Ako rin naman kasi e, ba't 'dalawa' pa ang sinabi. Sana 'forever' na lang. "Fine." Close ko ng deal sabay examine sa pinaglalagyan niya ng tick marks. Migosh, diary, pengeng paracetamol. Nahilo ako e. Kaloka ang liliit ng pagka-print. "Ang liliit naman nito!" "Read," he simply said. I don’t know what’s gotten him pero bigla na lang nag-transform itong happy-go-lucky na Onin into something geeky. Kulang na lang lagyan siya ng salamin sa mata para maging kapani-paniwala e. I know, diary, I'm not a smart reader, `yong tipong isang basahan lang e naiintindihan na agad ang binasa at hindi basta-basta nakakalimutan. Not unless that's my favorite chickflix stories. But perhaps...because I badly want Onin to say sorry to me at magkaroon ng one and a half day immunity sa pang-aasar I found reading law book interesting eventually. Napapa- 'Ah! Gano’n pala `yon?' ako `pag na-gets ko at napapa- 'Wait, teka.' ako if something was unclear. Himala rin nasiyahan ako sa mga hypothetical cases bawat end ng articles. So much so na `di ko namalayang lunch break na pala. "Uy, tama na `yan! Lunch na muna tayo." Sinarado ni Onin ang librong binabasa ko. Somehow parang implied na na gusto niyang sabay kami mag-lunch. "Maya na lang." ani ko, still reading. "Mag-lunch na muna! Mabaliw ka niyan `ta mo, kasalanan ko pa." `Di na rin ako nakapalag kasi basta niya na lang kinuha ang book at inipit sa kanyang kili-kili. Dumiretso kami sa cafeteria. Nagpasabay na ako sa kanya ng food ko habang ako'y naiwan sa table at nag-co-continuous reading. Nang may ma-realize ako. "Onin pinagbasa mo ko ng dalawampung articles?" Umupo siya opposite ko. "Oo, hindi ba obvious?" "Ikaw? Anong part mo?" "Taga-check kung tama pagkakaintindi mo." Aba! Diary, asan ang hustisya? "No one should be unjustly enriched!" sabi ko. Kababasa ko lang ng sentence na `yan sa libro. "Ayan na naman sya sa unjustly enriched niya!" balang niya, handa ng sumubo. Nang mapansin ko pati sa order, nanlamang. "O bakit `yong kanin ko walang toppings? Ba’t sa`yo lang meron? No one should be unjustly enriched!" "Bwiset na unjustly enriched na yan!" Napakamot siya ng ulo. "O ayan, palit tayo. Sa`yo na rin `tong sabaw ko. Masaya ka na? Happy? Happy?" Nang mai-switch niya na `yong plato at nailagay na rin sa tapat ko `yong sabaw na nasa mangkok, saka ko lang sinabing, "Happy!" nang nakabungisngis. Kaso `di pa rin siya maka-move on. Ano ba naman `yong patunugin ang plato gamit ang mga utensils. Kairita kaya sa earlaloo. Ako lang `to diary ha, pero feeling ko meron talaga akong power na mang-usog. Maybe, just maybe in my previous life, isa akong mambabarang, witchcraft, whatever. Hindi naman nabulunan si Onin, diary. Natinik lang. Hay naku kung makikita mo lang ga’no ka-nakakatawa si Onin, hahagalpak ka sa saya. Inubos na ang pantulak. Pati cola ko tinungga na, still `di pa rin nawawala. And I was like, "Onin `wag ka ngang bangag diyan! Buto ng mga isda ang tinik. As if namang malulusaw `yan ng softdrink. Duh!" "Dalhin mo na lang ako sa malapit na ospital. Tara na!" Panic si bakla, sis. "`Wag ka ngang ano diyan! Natinik ka lang. Ospital agad?" "Feeling ko may dumudugo na sa lalamunan ko, Dana!" Okay, kung kanina natutuwa ako sa pagpapanic niya ngayon naman naiirita na. Pumunta na ako sa lugar niya. Ay, ang mukha! `Kala ata pagsasamantalahan ko siya. "Onin, ikaw ba gusto mo pang silayan ng bukangliwayway?" Confused man kung anong pinagsasabi ko, tumango na lang ang unding. "Then you need to calm down,” sabi ko. “Kalma lang pre, okay?" "Okay." Nilapat ko ang aking palad sa kanyang leeg at ito’y hinagod. Na-stuck lang naman kasi ang tinik sa kanyang lalamunan kaya pinababa ko. Physical Therapy student talaga ako diary, promise. Haha! "Onin `wag ka munang lumunok. Suntukin ko adam's apple mo e!" sabi ko. Ang kulit niya kasi. Shortly after, itinigil ko na ang pagma-massage sa leeg niya. Mamaya sa sobra kong saya nasakal ko na pala siya. "O, inom ka na ng tubig. I-gargle mo. Ilagay mo sa baso `yong ginargled mong water and then inumin mo uli." Bakas sa kanyang facial expression ang pandidiri. Like he was just waiting for me to say, "Joke lang `yan, `di ba?" Of course it was, pero malay mo `di ba, mauto. E `di naisahan ko siya nang `di oras. Kaso ang stubborn. `Di sinunod instructions ko. Makaraan ng paglunok-lunok napagtanto niyang wala ng tinik. "Wow! Himala! Nawala!" "Walang himala!" ang salungat ko. "Di ka ba nanuod ng movie ni Nora Aunor? Tayo ang gumagawa ng himala!" "O sige na. Wala na." he said, defeated. "Salamat, ha?" "Nah, maliit na bagay. Gano’n din naman ang gagawin ko if ever matinik future husband ko e." "So, you're saying, ako ang future husband mo?" "Ugh! Kaloka ka, gurl!” Nahampas ko siya sa braso. “Ang assuming! Si Harold ang nasa isip ko." Tumahimik si Onin samantalang ako nagpatuloy sa dreamy state. "Wouldn't it be nice if I become Mrs. San Miguel?" Natigilan si Onin sa pagkain, dropped his spoon at humawak sa tiyan. "Nasira ata tiyan ko sa sinabi mo?" With matching facial expression pa talaga, seswang. “Mrs. San Miguel? Wow. Ang sagwa." "Ang bitter mo!" "Hindi, hindi. Hindi lang talaga magandang pakinggan." "Dana San Miguel. Oh, anong hindi magandang pakinggan do’n?" "Ah, Dana ba? `Kala ko kasi..." Iniling niya ang ulo as if to refrain. "Akala mo ano?" "Akala ko Ginegra San Miguel! Hahaha!" " Hayup ka tumakbo ka na! Kay sinasabi ko sayo, tutuluyan kita!" At tumakbo nga ang gago. Grabe, diary, mapang-asar! Nakalimutan niya atang tinulungan ko siyang mawala tinik niya sa leeg. Naku kung alam ko lang, binasagan ko na siya ng bote ng Ginebra. Pisti!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD