Entry 14
Dear Diary,
You have to agree with me that this is the best day ever! Ang saya-saya ko lang kasi for the first time, Harold asked me for a date! Yes, a date! Well, in my own understanding it is! `Di niya naman talaga sinabi mismong 'date' basta parang gano’n na rin kung tutuusin.
Okay the thing is, sawang-sawa na ang prof namin sa ObliCon kasasalita so ang gusto niya kami naman daw mag-explain sa harap ng mga artikulo kineme. Pambawi na rin daw `yon sa class standing ng mga ni minsan e hinda pa nagrerecite (gaya ko).
Hinati nya ang klase sa dalawa - `yong mga papasa at `yong mga nangangailangan na ng grasya. Naroon ako sa huli.
Kagaya nga ng nasabi ni Onin, diary, ako `yong lowest do’n sa nakaraang pagsusulit. Nakabwibwiset nga lang na tandang-tanda niya. Like, bakit sa tingin niya ginusto ko maging lowest? Hindi ba puwedeng ang hirap lang talaga ng test? Nakakaloka.
But going back, gusto ng prof i-match ang mga 'papasa' sa mga 'nangangailangan na ng grasya'. Sinimulang tawagin ng prof ang highest sa klase — si Harold. Actually sa lahat naman ng subject siya palagi e. Not that I'm complaining.
"Oh Harold, sinong gusto mo iligtas sa apoy ng impiyerno?" May paglahad pa talaga ng kamay ang Satanas, diary. Like, impyerno talaga ang peg?
Nonetheless, tumayo si Harold sa kanyang seat at ini-scan kaming mga tortured soul dito sa 'impyerno'. It was not my imagination, ses. Nag-sparkle talaga eyes ni Harold nang ma-detect ang aking kagandahan.
"Si Dana na lang po," ang sagot niya.
Though para siyang napilitan, kiber lang. It’s not everyday you’ll get chosen by Harold. I'm the one! And while I was lingering on the thought, umeksena ang huklubang propesor.
"Oh Dana, alis na riyan. Hindi ka kayang makita ni Harold na masunog pang muli."
'Muli? What does that mean?’ tanong ko sa sarili. ‘Na sunog na `ko in the first place?’ Napaka-ano, `no, ses?
Just like what I've been instructed, umalis ako sa impiyerno at natabi kay Harold dito sa cloud nine. Pasimple siyang nagpapatugtog noon, scrolling his music player and all na hindi niya namalayan ang paglapit ko. I took the opportunity para siya’y pikit-matang singhutin. Hay, kung gano’n lang ang amoy ng solvent, nag-adik na rin siguro ako.
"Uhm, Dana, may sakit ka ba?" natanong na lang ni Harold kalaunan.
Hinila ko ng sarili’t nagpaliwanag. "A, wala, wala. Mukha lang meron pero wala! Ahaha! Pero, Harold, uhm, thank you nga pala ha? For choosing me!"
I batted them newly curled eyelashes until some bitterguard from the back said, "Taena, ang landi."
And I was like, bakit `di mawala-wala ang bitterness sa mundo? Nilingon ko kung sino `yong gipinisti na dimunyung nagsabi no’n. Why, I wasn’t surprised. Si Onin pala, looking so annoyed. Harold failed to hear that since he’s wearing an earphone so I was left to defend myself. Pinukpok ko ang paa niyang nakapatong sa armrest.
"Anong sinabi mo, ha? Ulitin mo nga."
"Kailangan talaga `pag magtha-thank you pipilantik pa `yong mga pilikmata?" Inimitate niya ako, diary, but I doubt I looked exactly that. Exaggeration niya lang `yon.
"Paki mo ba?" ang mataray kong retaliate. "Saka, anong ginagawa mo rito? Dapat do’n ka, ha?" Me, pointing at the 'impiyerno'.
"Huwag mo `ko igaya sa’yo, hoy. May utak ako. Ako pangatlo sa highest. Nakalimutan mo?" Aba naman talaga. Ipinamukha pa sa`kin wala kong utk. Meron naman. Hindi lang gumana. Still, how dare him?
"Get lost!" sabi kong ganyan sabay ayos na uli ng upo. Ang aga niyang mangbadtrip sa true lang. Pero por pabor naman! Kung may problema siya, angkinin niya `yon, ano!
Eventually, siya naman ang pinatayo para mamili ng ka-partner. "Sino gusto mong iligtas, Onin?"
He kinda looked at me, still pissed off, bago ako attitude-an. "Si Mikai na lang." sagot niya. Bakit kaya `pag namimili may 'na lang' talaga na kakabit? Nakakaloka.
After everyone has their own partners, binigay na sa`min ang respective lessons na ire-report. Malamang si Harold ang leader between us, at bilang magiting na leader pinuntahan niya `ko dito sa likod and said,
"Bukas Dana, start tayo. Dala ka ng laptop, okay?"
"Ehrm, erkey!" ang pa-cute kong shagot. "Erm, shen teyu megde-date?"
"Sa library na lang,” he said. “Uhm, Dana ayos ka lang ba talaga? Ba’t ganyan ka na magsalita?"
"Ehrm, ellergy leng. Hehe!" "Oh. I hope may dala kang gamot. So, uhm, balik na `ko, ha?" "Shege!"
So you see, diary, it’s not a date pero parang gano’n na rin. Few seconds after Harold’s visitation at habang dinadama ko ang kalandiang bumabalot sa aking pagkatao, Onin appeared.
"Hoy, maghunosdili ka nga!" hampas niya sa`kin ng naka-rolyong papel, making me look like I was going mad. Parang si Harold din. Pero si Harold subtle lang ang atake; eto nangre-realtalk, eh.
"Bakit na naman?" I growled. Tiger lang ang peg.
"Galit ka? O sige, huwag ka na mag-special test!" He stood and about to go.
If you could still remember, diary, pareho kaming `di nakapagtake ng test noon kasi nga pinuntahan ko ang hoodlum.
"Oy teka, ikaw ata ang galit e!" sabi ko naman, sabay gather ng gamit para sumunod. "Bakit may sinabi ba akong ayoko? Na hindi ako magte-test? Anong problema mo?"
I was waiting for him to give me an answer, sumagot lang ng, "Room 303. Dala ka ng booklet." at nagwalk-out si bakla. `Di man lang ako binigyan ng clue as to what was that about. Period niya?
I arrived at the said room. Naka-lean ang prof sa kanyang desk while checking me out.
"Hello po." Bati kong ganyan, pa demure kunwari.
"Tagal mo rin e, `no? Imbes na natunaw na ng bituka ko ang sinigang sa misu, lalamig na do’n sa office. Bilisan mo kaya?" Aba’y malay ko bang gutom-jones na siya? Sa`kin talaga ang buntong?
Kinuha ko agad ang testpaper sa desk niya at kumaripas ng upo sa dulo, but not before seeing Onin grin. Masaya sa kanya `yon. Iba talaga wiring ng utak `pag impakto. Eto rin naman prof na `to `di na lang sabihing 'nagugutom na ako' kailangan may pagbigkas talaga ng ulam.
"Kakain lang ako saglit. Walang magkokopyahan. I'll be here in 30 minutes."
Siyempre umangal ako. "Ma'am, ang bilis naman no’n"
"Huwag ka na kayang magtest?"
"Joke lang, Ma'am! Enjoy your meal, Ma'am!" Then no’ng masarado niya na ang pinto, “Matinik ka sana sa sabaw, Ma’am.”
Nang wala na siya sa vicinity, ini-scan ko ang testpaper. Na-vertigo ako because it’s been two days, diary. Dalawang araw na ang lumipas. Nakalimutan ko na inaral ko! Habang nagangarag ang ganda ko sa kinauupuan, sinitsitan ko si Onin.
"Psst. Onin. Hoy."
Ang bakla nagbingi-bingi-an. Tuloy-tuloy lang sa pagsagot. Kailangan kong komopya, diary, kasi I totally forgot na.
"Onin, `wag ka ngang bingi-bingi-an diyan! Pakopya ako."
Confident akong lakasan ang boses since wala naman bantay. Kaming dalawa lang nandito. Kung dala ko ang notes, I wouldn’t ask for his help. Lumukot ako ng papel at siya'y binato.
"Onin! Hoy! Kunin mo `yang scratch na `yan. Diyan mo ilagay ang sagot! Bilis."
But like the previous, in-ignore lang ako ng unding.
"`Pag `di mo ko pinansin, Onin, hindi na rin kita papansinin kahit kelan!"
"Kanina ka pa kaya nagpapapansin! Ang vain mo naman!" Madadaan din naman pala sa takot e. Pero bes, basag ako ro’n, ha.
"Pakopya na kasi!" Napakamot ako sa ulo.
"Huwag mo `kong impluwensyahan."
"Nakalimutan ko na `to, swear. Bilis na. Ililibre kita ng fishball, gusto mo `yon?" Nang-bribe na `ko all because I know hindi niya `to tatanggihan.
"Not interested."
Grr. Ano kaya makapagbabago ng kanyang isip? I was thinking and thinking until a light bulb appeared. It was a bit too much but for the sake of the said exam, ibinigay ko na ang kanyang minimithi. Gaga, hindi ang puri ko, ha!
"Sige na, Onin, ibigay mo na sa`kin booklet mo, makikipagdate uli ako sa`yo." I was expecting o-oo na siya pero tinawanan pa `ko.
"Sa tingin mo kakagat ako sa offer mo? Hahaha!"
Ala e! Nakipagmatigasan pa sa ganda ko! `Di na lang kunin at tanggapin ang alay na ito. Ang stubborn.
"Hindi na ba talaga kita maba-bribe?" tanong ko, feeling hopeless. And that's when he laughed even more.
Nailing na lang ang dudong, naawa ba. "Gusto mo ba talaga makakopya?"
"Mangba-bribe ba `ko kung hindi?” "Okay, sige, pakokopyahin kita. Sa isang kondisyon.” “Ano naman `yan?"
Pinatong niya ang braso sa headrest ng upuan at nilingon ako sa likod. "Sabihin mo kay Harold makikipagswap ka kay Mikai."
My world was shattered. Alam mo `yong sa mga anime na para kang tinamaan ng kidlat. Ganern. "Lul! Ba’t ko gagawin `yan?"
"Uhm, kasi gusto mong maipasa `tong test na `to?"
Ako nama’y, ‘He can't do this to me? Nahihibang na ata siya e!’ That was my only chance magka-intimate moment kami ni Harold, hahadlangan niya pa?
"B.I. ka rin e, `no?"
"Aba! Ang ikli nga naman ng oras o!" Tingin niya kuno sa relo. "Ten minutes na lang darating na si Ma'am."
Binilangan ako, ses, oo. Ang itim ng budhi. I was really torn back then. Papayag ba ako or not? I was thinking of ways on how to outsmart Onin until I had one.
My plan was to lead him on, na papayag ako tapos `pag nakakopya na, sisigaw ako ng "April Fools!" Haha!
So I said, "Sige, pumapayag na ako."
I thought victory was still mine until…
"Great! Ang kailangan ko na lang ebidensya na pumapayag ka." Nilabas niya ang cellphone. Gulantang ang beauty ko, seswang!
"B-Bakit kailangan pa niyan!?" turo ko sa phone niya. "You really think wala akong isang salita, `no?"
"Sa`yo nanggaling `yan. Saka kanina pa nagpla-play `tong voice recorder ko, `no."
"What? Kanina pa?" That was twisted. E kung kanina pa nagpi-play e `di aguy!
"Looks like wala ka na talagang choice kung `di sundin ang gusto ko. Haha!" Siya naman ngayon ang nagsisinister laugh. Putek na.
Akalain mo `yon, ako pa pala ang maba-bribe! Pero kung makatanggi-tanggi kanina `kala mo chicks na pabebe, e planado niya naman pala. Best actor. Galing.
"Ang itim ng budhi mo," sabi ko.
“Five minutes!"
"Eto na nga `di ba pumayag na! Now akin na `yang booklet mo! Kokopya na `ko!" At malugod niya `tong diniliver sa`kin. But before really giving it, nang-asar pa.
"So, ako na ang ka-partner mo sa reporting, ha? Nice making negotiation with you." Ini-stretch pa talaga ang kamay para i-shake ko.
"Tutusukin ko `yan `pag `di mo inalis `yan!" banta ko, totally pissed off.
Wala. Wala na ang moment namin ni Harold. Gone was the chance that Harold would date a girl like me — the elusive girl who shines bright like a chandelier, the one, the only...Dana!
I feel sorry for Harold, diary.
By the way, please forget what I said na this is the best day ever. It’s not. But it might be for Onin.