Entry 13
Dear Diary,
Eto ang 13th entrada ko sa`yo. At alam mo ba kung anong day ngayon? Friday. Kamalas-malasan nga naman, oo! But no, `di ako nagpadaig sa malas-malas na `yan.
I was absent for three days at in fairness, na-manage ko naman reviewhin ang bigay na notes ni Onin (pero scan lang talaga ginawa ko), so that morning I walked in to our classroom with my head up high, expecting I could ace the test.
As for my chicken pox, iyon, naging chicken cubes na. Charot. Ang corny. No, sabi ni mama, puwede na `ko gumora – pagaling naman na. So nagblusang itim na lang ang lola mo nang `di na nila issue-han ang balat ko.
Now speaking of balat, nakuwento sa`kin ni Onin back then na may nag-promo na skin whitening lotion sa school. Namigay daw sila `di umano ng libreng lotion at lubha kong ikinadismaya na wala akong nakuha.
But that’s until I went over my chair. May pink at blue medium size variant ng lotion sa aking upuan, wrapped in scotch tape at may note pang kasama. I had a wide smile on my face but that stopped the minute I read the message:
‘This property is badly needed by this person. Do not touch unless you want rabies. Sincerely, Onin.’
Well, of course, tinanggap ko `yong lotions. I was just waiting for him to show up nang ma-sincerely punched ko siya sa stomache. Hayop siya. Diary, pinagmukha ba naman akong may tetano!
Pinahirapan rin ako sa pagtanggal ng lotions, oo. Pisti. So after kong ma-get-get-aw! ang mga produkto, I sat like a princess while sharpening a pencil, extra-sharp na para one-hit wonder at ika nga ni Mommy Dionisia, ‘Walay hasul!’ Hinintay ko na lang ang pagpasok ng loompah-loompah at makakaganti na rin ako.
Subalit dumating na ang aming guro, si Onin hindi pa. Could it be natunugan niyang sasaksakin ko siya ng lapis sa kamay kaya hindi siya pumasok? Sayang naman. Char. `Kala mo talaga `di takot sa mga kabrutalan e, `no?
But kidding aside, sayang pa rin kasi nga, hello, `di ba exam namin? O ta’s wala pa siya. ‘Ano naman kayang drama ni bakla?’ tanong ko no’n to myself. ‘Well, sige, pumasok lang siya, hindi ko na itutuloy ang pananaksak instead magpapasalamat na lang na kinuhaan niya `ko ng lotion.’
But even that didn’t stop my teacher from saying, “Five minutes start na tayo.”
I didn’t know what’s got into me, diary. I was worried for Onin kasi `di naman uma-absent ang ulupong na `yon e. Maaring late, but even then, hindi naman umaabot sa half hour ang kanyang pagiging tardy.
Dahil `di ako mapalagay, nagtanong na ako sa mga kaibigan niya.
“Psst. Oy, kalbo!” tawag ko sa seatmate niya. O bakit `kala niya ba nakalimutan ko na no’ng tinawag niya `kong charcoal? Ganti-ganti rin.
“Problema mo, itim?” retaliate niya.
“Nasa’n kupal niyong kaibigan? Si Onin. Magte-test na `di ba?”
“Anong pakialam mo?”
“Attitude?“ `Di pero in fairness ha, nauntog ako sa tanong na `yon. Ano ngang pakialam ko? Bakit nangingialam ako? I was reaching for an answer until eventually, ni-reveal na rin sa`kin ni kintab-ulo.
“May sakit daw si Onin kaya `di siya makakapasok.” “Hala. Tanga, exam ngayon! `Di siya pwede umabsent!” “Tanga! Umabsent na nga e.”
“Ano ba sakit niya?” “Malubha.”
“Tanong ko ‘ano’ hindi ‘gaano’.” ni-roll eye-an ko siya.
“May bulutong daw siya.”
“Weh?” Napaliyad ako. Ang sabi niya nagkaron na siya. But the fact that he got it, he must have lied. Alam niya ang consequence pero bakit pa rin siya tumuloy sa amin? Para lang sa notes gagawin niya `yon?
Regardless, kargo na siya ng aking konsensiya. Kasalanan ko kung bakit hindi sya makakakuha ng exam. Tuloy, wala ako sa mood magtake ng exam kung `yong dahilan bakit ako naka-review ay wala. Tulad ng natutunan ko sa ObliCon, no one should be unjustly enriched. Dinugo ilong mo, `no? Ako rin e.
Pero damn, hindi ko inasahang magagawa ko ang mag-cutting. Well, not neceesarily, cutting. Kind of lang.
“Where do you think you’re going?” Ingleshera ang bakla, diary.
“I think I’m gonna go to hell, ay, este home, ma’am. My LBM is, you know, so excited! And I-I JUST CAN’T HIDE IT!” pagdedeclamation ko sabay karipas ng takbo na aktong hindi na mapipigilan.
Nang malayo na sa kanila, ayun, casual walk, sabay commute papunta sa bahay nila Onin. Then I remembered, ‘Hindi ko nga pala alam kung sa’n nakatira `yong unding.’
So, kinontak ko `yong kalbo kanina at tinanong kung sa’n bahay ni gago. Ang kinaiinis ko, magbibigay na nga lang ng lead sasamahan pa ng pang-aasar.
“Uy, concern! `Kala ko ba may lbm ka? Didiretso ka pala sa kanila, ha! Galawang breezy girl!”
“If you run your mouth and brag about this secret rendezvous… I will hunt you down!” sabay patay ko ng phone. Buti na lang ginawa ni Mariah Carey `yang lyrics na yan. Useful talaga! So, anyways, nakuha ko na ang address niya.
If you could still remember noong na-s***h-an ako ng bag, natagpuan niya ako do’n sa isang bangketa na malapit na mag-cry. Malapit lang pala siya ro’n. Lalakarin mo na lang. Now thinking about it, ang gago nga talaga ni Onin. He could have straightly gone home and yet he went so far as to walk me home.
After a while, I arrived at the street na sinabi ng kalbo. It was a typical kalye. Parang sa amin lang din kaso dito mas safe kasi walang dumadaang malalaking sasakyan. Pumasok ako sa loob at pinagtanong ang bahay nila Onin. Kilalang-kilala nila ang pamilya, including the manong na may unruly hair na una kong napagtanungan.
“Diretsuhin mo `yan,” aniya. “Ta’s `pag narating mo `yang malaking poste, kumanan ka. Ta’s `pag may nakita kang tindahan diyan na malapit nang malugi, kumaliwa ka. `Yong bahay na may mga halaman sa bubong, `yon ang kanila. Nakuha mo?”
“A, opo. Salamat po!” ang sabi ko kahit ang natatandaan ko lang ay `yong tindahan na malapit nang malugi. So do’n ko rin binase ang pagtatanong. “San po ba `yong tindahan na malapit nang malugi?”
Unfortunately, for me, I barked at the right tree.
“Eto, eto na `yon. Eto na `yong sinasabi mong tindahan na nalugi. Eto na ‘yong tindera.” Turo niya sa sarili.
Oh my gee diary. Ang awkward. `Yong tindera pa talaga ang napagtanungan ko. But from this view, natatanaw ko na `yong sinasabing bubong na may halaman. Pero ang bastarda ko naman kung `di ako mag-aapologize.
“Pasensya na po kayo, ha? Bibili po ako,” sabi ko. Malalagas na naman datung ko nito! But then, kahit papa’no natuwa ako kasi biglang nag-popped `yong mata ng tindera at dali-daling pumasok sa kanyang store. Binuksan niya ang ilaw sa loob. Ang dami pala niyang paninda e kaso…
“Ay ante! Alam ko na kung bakit konti lang ang customers mo! Sobrang tago `yong mga paninda mo. Dapat makikita agad nila na may mga paninda ka.” Patong ko pa ng kamay ko sa kanya sabay discuss sa plano ko. Engineering ako, teh?
“Dapat eto pong taas na `to, tanggalin para makita `yong mga paninda. May tarpaulin po ba kayo ng mga tumakbong councilors noong last election?”
“Meron ata.”
“O `yon kunin niyo. Gawin niyong cover. Lagyan niyo ng silong dito sa bungad para pwede silang magtambay dito, mag-merienda ba. Tas dapat may upuan din. That way, maari mo silang makakwentuhan. Ante kasi dapat hindi lang seller and customer relationship ang ibui-build mo, friendship din dapat. `Ta mo, `di magtatagal through word of mouth dadami mga customers mo.
“At para naman ma-market mo itong mga chichirya mo, I think, mas maganda kung gawin mong banner `yong mga balat ta’s ibandera mo diyan sa harapan. That way, maeengganyo ang mga bata at mapapaisip sila, ‘Ah! May ganito pala silang chichirya. Okay, `di na ako bibili do’n sa kabila. Dito na lang!’
Diary promise, marketing student talaga ako! Haha!
“Ano nga uling pangalan mo?” tanong niya nang nakangiti.
“Dana po.” “Natutuwa ako sa’yo.”
“Hala ante! Lawayan mo `ko. Mamaya mausog mo `ko! Haha!” biro ko sa kanya. “Ay pabili na po pala.”
Umalis ako sa tindahan na `yon na may dalang supot ng isang piling na saging at isang pack ng candy na ‘langka’. Originally, ang bibilhin ko lang naman talaga e yung ‘langka’ kasi favorite ko. But then, no’ng nagtanong siya kung sinong pinunta ko at sinabi kong si Onin, iyon, kumuha sa ref ng saging. Natutuwa rin daw kasi sya sa ‘batang’ yon at ngayon lang din niya nalamang may sakit siya.
Shortly, nasa tapat na ako ng bahay. Malaki siya in fairness. At malaki rin ang aso nila na nakabantay sa hagdanan na tahol nang tahol. Anong problema ng aso niya? Hindi ba siya nakarerecognize ng maganda?
“Ssshh! Pao Tsin! `Wag maingay!” saway ng isang babaeng lumabas mula sa pintuan. Paglabas niya napa-slow mo akong nganga. “Ano `yon?”
Gosh diary, ang ganda niya. Feeling ko natomboy ako bigla. I literally had to shake myself to get back to her. “Dito po ba nakatira si Onin?”
“Dito nga. Kaso may sakit siya e baka ka mahawa.”
“A, hindi po. Nagkabulutong na po ako. Hindi na ako mahahawa,” sabi ko.
Gaga, ayoko ngang i-reveal na sa`kin ni Onin nakuha `yon baka mamaya ipahabol ako sa alaga.
“Ganon ba? O tara, pasok ka. Pao Tsin, stay!” At nanahimik ang aso.
So, pumanhik ako. Pagka-push sa pinto, ang linis. Ang aliwalas. At…ang ganda niya talaga diary! Parang, puwede bang i-bluetooth ang ganda?
“Upo ka muna.” Gesture niya sa’kin sa sofa nilang kulay pink.
“Uhm, may dala po ako!” sabi ko sabay taas ng plastic. Kinuha niya `to at nilagay sa lamesa. Maya-maya lumabas mula sa kusina ang kanilang ina. Just a guess. Naka-apron e.
“Ma, bisita ni Onin,” sabi ni Maria (Maria na talaga ang pinangalan ko. Haha!)
At grabe lang. Ang ganda rin ng nanay nila! `Yong totoo, ampon ba `to si Onin? Haha! Char lang. Kasi kulay pa lang ibang-iba na e. Mapuputi sila samantalang si Onin maitim (nagsalita ang hindi e, `no?). So my guess, ang pinagmanahan nito ni Onin e `yong Papa niya. Si Onin kasi, diary, T.D.H. - tall, dark, and happy.
“Ano’ng pangalan mo, hija?” tanong ng mudra-bell.
“Uhm, Dana po. Kaklase po ako ni Onin.”
“`Di ba may klase kayo?” tingin niya sa relo.
“Uhm, opo. Umabsent po ako.”
“Bakit?” Si Maria.
“Nabalitaan ko po kasing nagkabulutong si Onin.”
“Kaya ka umabsent?” tanong ng ate. Marian pala ang name nya as introduced by her mother. O `di ba, close enough sa ‘Maria’.
“Umabsent po ako kasi hindi ko po kayang mag-exam nang wala siya.” I must admit, that was dramatic, and clingy, and cringey.
“Nangongopya ka sa kanya?” Si Marian. “`Yong lalaking `yon kinokopyahan mo pa?”
“Hindi po. Feeling ko kasi nagta-take advantage ako kung magta-take ako. I mean, siya po kasi nagbigay sa`kin ng notes para sa exam na `yon. E no’ng time na pinasusulat ang notes absent po ako, sinadya niya ako sa bahay par magka-copy ako.”
“Alam mo, Dana, dapat pumasok ka na lang. `Yon din ang sasabihin sa`yo ni Onin,” Marian said.
“Ako po kasi may kasalanan kung bakit siya absent ngayon.”
“Pano mo naging kasalanan `yon?” tanong ng ina.
“Nahawa po siya sa`kin” Tinaas ko ang aking blusang itim, bandang braso.
“Wait, Ma, `yan ata `yong time na ginabi si Onin nang uwi. Nagpunta pala sa kanila.” Marian was clicking her fingers.
“E bakit naman ginabi nang gano’n?” Lumiyad ang nanay sa pahayag ng anak.
“Uhm, kasi po, hinintay niyang makopya ko `yong notes e pagkahaba-haba pala.” Nilabas ko `yong bigay niya.
“I-photo copy `yan e!” sabi ng ate.
“Opo. Pinasulat niya ako ng notes na `yon bago niya `to ibigay sa’kin.”
“Pinahirapan ka pa ng anak ko!” ang parang naaawang tawa ng ina. “Walanghiya talaga `yang anak kong `yan.”
Siyang tunay.
So, of course, sinumbong ko rin na he lied about him already had a chicken pox kahit hindi naman pala. Nakwento ko rin na nagluto pa siya ng hapunan namin kahit `di na naman kailangan and so with that, sinabi ko,
“Gusto ko lang pong i-return `yong favor.”
Napangiti ang ate at humarap sa ina. “O `yon naman pala, Ma. Since nandito na si Dana, baka puwede na akong umalis?”
“Hindi rin.” Ang pokerfaced na sabi ng mudra.
“Ma, project `to!” Medyo pasaway din pala ang ate ni Onin. Katuwa. In the end, pinayagan siya nito and before leaving, she patted me.
“Ikaw na bahala sa unggoy na `yon, ha?”
“Uhm, sige po,” ang sabi ko na lang. Pagkaraan ng ilang minuto, narinig ko boses ng Onin. Nang-uutos.
“Ma! Penge akong pagkain! `Wag niyo akong gutumin!”
Napabuntong-hinga ang ina. “Ganyan din ba si Onin sa klase, Dana? Pagpasensyahan mo na ha?”
“Ay naku, ’Ta! Higit pa riyan.” ang matawa-tawa kong tugon. “Kung hindi pa ho kayo tapos sa niluluto niyo, dalhin ko na lang ho `yong saging sa kanya? Bigay ho `yon no’ng tindera sa may bungad.”
“Ah, sige, matigas pa ang karne e.”
With that, I went upstairs. Sinundan ko lang ang yawyaw ng damulag hanggang matunton ang kanyang kwarto. However, hindi agad ako dumiretso dahil naaliw ako sa mga picture na naka-display sa pader.
Dalawa lang silang magkapatid. Ang papa niya sa bangko nagtratrabaho as I noticed sa uniform. Gusto ko pa sanang mag-wall gazing kaso naalibadbaran ako sa boses ni Onin.
“Ma! Nagugutom na `ko, Ma!” himutok nito. “Sige, bahala kayo. Magrerebelde ako.” Halos matawa ako sa sobrang ka-cute-an ng pagpapansin niya sa mama. No wonder dali silang mag-bond ng own mother ko. Mama’s boy pala si bakla.
“Eto na po, Master –”
“Ah!” Biglang nahulog si Onin sa kanyang kama pagkapasok ko ng kwarto.
“A-anong ginagawa mo dito!?” ang gulat na gulat nitong tanong, nagtalukbong.
“Well –” “Labas! Labas ka muna!” “Ay, wow, bakit? Pinaakyat rin ako ng mama mo.”
“Oo nga, basta! Lumabas ka muna! Mag-aayos lang ako.” Tinulak niya `ko, diary, then ni-lock ang pinto.
While crossing my arms, I spoke my mind. “Sinungaling kang impakto ka! Sabi mo nagkabulutong ka na! Dapat hindi ka na nagpuntang bahay para `di ka nahawa! Pinagmukha mo pa `kong asong may rabies do’n sa note mo na dimunyu ka.”
Shortly, pinagbuksan niya ako ng pinto. He changed clothes and put on shorts. Not because wala ito kanina. Naka-boxers kasi siya. Spongebob.
Hinablot niya sa`kin ang saging before letting me in. `Di niya sinara ang pinto. May bulutong nga talaga siya, ses. “Ikaw nagdala niyan sa sarili.”
“I know. Teka, `dib a sabi mo no’n, `di mo `ko sagot? O ba’t ka nandito’t um-absent?”
“E paanong hindi kita sasagutin, nakakakonsensya kaya! Dapat kasi pinaiwan mo na lang `yong notes e.” sisi ko sa kanya. “Pa’no `yan? Wala ka ng exam.”
“Okay lang!” aniya. “Wala ka rin naman e. Pareho na lang tayo mag-take ng remedial.”
“Masaya ka kasi may karamay ka? Malala ka na.”
“`Yon lang ba pinunta mo rito? Para sabihin na sinungaling ako?” Tinignan ko ang piling. Ubos na ang kalahati, bes. May sa-unggoy ang impakto.
“Well since you’ve been of help naman sa bahay, irereturn ko lang ang favor. I’ll nurse you.”
“Hindi naman kita ni-nurse no’n, ha?” recall niya, then boldly said. “Pumaparaan ka lang sa`kin e!”
“How dare you?” Hinampas ko siya, forgetting may bulutong nga pala. Dapat less brutal. “Nagpunta ako rito in good faith, FYI! I come to do no evil.”
“Pero kahahampas mo lang sa`kin.”
“O last na `yon,” sabi ko.
“`Di, pero salamat, ha? Sa pagdalaw. Nag-abala ka pa tuloy.”
“Ayon nga sa batas, no one should be unjustly enriched.” “Wow, ha. `Yan lang ata natutunan mo sa ObliCon e. Sa bagay, ikaw nga pala lowest no’n.”
“Ang sama mo, ha?” Susuntukin ko na sana siya no’n nang mapalagay siya ng kamay sa harap.
“Hephep! You come to do no evil, `di ba?” Grrr.
Magaling talaga mnggamit si Onin ng words ko against me. Kaasar.
Unlike Onin though, hindi na ako nagpaabot ng gabi. By five, umalis na rin ako. Hindi ko sila nilutuan ng kung ano kasi her mom already did. And they didn’t want me to do anything either. Sapat na raw na may dumalaw sa anak niya. And I guess so kasi masaya naman si Onin. Nagyabang pa nga na kesyo ang swerte niya raw ngayon.
As for me, ang malas ko lang dahil `di ako nakakuha ng exam. But I know I did something good today.