Chapter 5

1457 Words
Entry 8.2 Dear Diary, Pasensya na kung natagalan, ha? Pinaghugas pa kasi ako ni Mudra ng pinggan kahit hindi naman ako kumain. ‘Pinggan’ lang naman sabi niya e so I assumed siya na bahala sa baso, kubyertos at kaldero. Okay, going back do’n sa storya ko… hindi ako nakapag one-two-three tulad ng inaasahan. E hello, pa’no ko magagawa kung ang kasabayan mong nakasabit e mga uwiang construction worker at singhot-solvent boys? Then at that point hindi pa `ko nagme-merienda. Gutom ako no’n, Seswang, kaya nang mapadaan ako sa isang fastfood chain, ay! Naglaway talaga ako, `Day. Kung bakit ba kasi ginawa nilang glass ang wall! Para tuloy nila akong iniinggit. Sa sobra kong gutom, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa pamilyang naka-table sa gilid. Kailan lang ako nabalik sa ulirat ay nang katukin ako no’ng lalaki’t waring sinasabing bigyan sila ng privacy. Nag-sorry ako kahit `di nila narinig at nagpatuloy sa paglalakad. At some point, umupo ako sa gilid ng bangketa’t pinagpahinga ang aking paa. Napayuko na lang ako, eventually, on the verge of crying until napaangat ako ng tingin at napa-cover ng ilong sa naamoy. Parang patay na daga. Turned out, sapatos pala `yon ng isang lalaking nakatigil sa tapat ko. It was Onin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya, ang angas `kala mo e nabili ang lugar. "Bakit, masama ba? Teritoryo mo ba `to? Baho ng paa mo!" sabi kong ganyan. "Tanga, hindi mabaho paa ko." Deny pa ng unyango sabay turo sa kaliwa ko. Nang nilingon ko, bigla akong napatalon. May patay na daga pala talaga. Naro’n sa sulok. Napakapit ako sa kanya, because that’s my natural reaction. Pero sinabihan ba naman ako ng, "Uy, clingy." Hinampas ko nga braso niya sabay bitaw. Ilang sandali lang, "Bakit dito pa talaga sa lugar na `to makikipag-eyeball? Ang corny." I couldn’t believe he judged me. "Hoy! Hindi ako ganyang babae! Wala akong kinatatagpo!" sabi ko. "O kung wala ba't ka nandito?" "Sa tingin mo kailangan kong sagutin `yan?" "Okay! Sige, una na 'ko." And there he goes… so perfectly… Char! Nanghinayang akong paalisin siya, Diary. So I stopped him. "Wait!" Hinabol ko siya. Lumingon siya sa`kin, one brow crunching. "May nakalimutan ka?" "Uhm, puwede bang pahingi ng money?" Nilatag ko ang palad. "Ako, hinihingian mo? E naglalakad lang kaya ako!" alma ni Onin. "Ba’t ayaw mo gastusin `yang pera mo?" "Papa’no ko magagastos, na-s***h-an ako?" Pinakita ko sa kanya ang bag ko pero imbes na makisimpatiya tatawa-tawa pa. "Ninanakawan pa pala ang mga taong ganyan?" "Hoy! Anong sinasabi mo, nakawin kaya ang mga katulad ko. Usugin, ganern!” sabi ko sabay tapik sa baba. "Nagmalaki pa!" Inilingan niya `ko. "Wala akong maipapahiram sa`yo." "Please? Or, sama na lang ako sa`yo! Nakakatakot kasi e." "Ayoko nga! Baka isipin nila girlfriend kita!" Inarte ng gago. "Wowowee! Ikaw pa ngayon ang choosy.” Humalukipkip ako’t tumalikod. “Dapat nga magpasalamat ka; ang kagandahang si Dana ang kasama mo. Saka `kala ko gentleman ka. Hindi naman pala." Inusig ko konsensya niya, Seswang. Effective man gyud. "Basta `wag kang sumabay sa`kin, ha? Sa likuran ka lang." "Okay!" At masaya ko siyang sinundan. Well, as if gusto ko rin siyang kasabay. Pinasama niya nga ako, but then, napansin ko, liko nang liko ang Onin sa mga eskinita, so I asked, "Bakla, sa’n ba kasi lakad mo? Kaloka ha, pinapagod mo lang ata ako e." "Wag kang mareklamo diyan. Gumagawa na nga ng paraan e. Saka `wag mo nga `kong tawaging bakla." "`To naman, balat sibuyas!" sabi ko. Eventually, pina-stay put niya `ko sa isang lugar samantalang kinakausap ang kakilala niyang repair man. Nahagip ko pa no’n na inabutan ng lalaki si Onin ng pera, nag-bro fist saka bumalik sa`kin. Diary, swear, kinapalan ko na talaga mukha ko. Between my desire to go home and my rumbling stomach, kinalabit ko si Onin at tumuro sa isang kainan. "O anong meron do’n?" tanong niya. And as if hindi pa obvious, in-acting ko na gutom na ako. "Fine.” Inikutan niya `ko ng mata. “Pero `pag `di nagkasya `tong pera na hiniram ko, bahala ka. Maglalakad ka pau-" `Di ko na tinapos sermon niya’t hinila na siya ro’n sa counter. Pinili ko `yong two pieces fried chicken. Nagpalinga-linga ako kung saan may maikling pila. "Hoy Dana, umayos ka nga.” Sinita ako ni Onin. “Para kang may rabies diyan. Ang mabuti pang gawin mo, humanap ka na ng upuan.” At humanap nga ako... `do’n sa table na hindi pa nabu-bus. May tira doong leg part na gusto ko sanang upakan kung hindi lang kinuha ng crew. It was a shameful image, I tell you. Gutom lang pala magpapawala ng poise ko. Natapos ang torturous kong paghihintay nang dumating sa table si Onin dala ang isang tray. Pero bigla akong nag-freak-out nang nakita kong softdrinks, kubyertos at isang regular burger lang ang laman. "Na`san ang fried chicken? Bakit ito lang?” Nag-demand ako as if sarili kong pera ang pinambili. Meanwhile, si Onin, tatawa-tawa. "Sabi na e. Magwawala ka. Kunin ko lang `yong fried chicken mo." Bumalik si Onin sa may counter. Pagbalik niya sa`kin wala na `yong burger. "Grabe, 'lang patawad. Pati wrapper ng burger kinain.” "Biodegradable naman e," sagot ko. I actually put it in my bag. Diary, you have to understand. Gutom ang Lola mo. For a while, isinantabi ko muna ang pagiging dalagang Pilipina ko’t kinamay na ang manok. Noon lang masinok ako’t uminom ng softdrink did I learn kanina pa `ko pinagmamasdan ni Onin. Hindi lang pangalumbaba, pangiti pa. "Para kang biik kung kumain! Ang cute." "Manahimik ka! Ngayon lang `to,” sabi ko. “Kung hindi lang talaga ako na-s***h-an ng bag!” “Papa’no ka ba kasi na-s***h-an?” “E nagbabasa kasi ako no’ng horoscope sa diyaryo e. Putek, totoong ang malas nga ng Aquarius sa araw na `to.” "Naniniwala ka sa horoscope?" tanong niya. "E hello, nangyari lahat sa`kin e,” sabi ko sabay labas ng pambalot ng tinapa. "`Yan! Basahin mo `yang Aquarius." "Others will fall in love. Ikaw matutumba lang. Haha! Gago!" "Natumba ako kanina sa LRT kasi ang bwiset na tren, nagbiglang break.” "Mapapansin ka rin sa wakas. Teka, hulaan ko…" Nilagay ni Onin ang kamay sa baba. "`Yan `yong sa Spanish class kanina, ano?” Inikutan ko siya ng mata samantalang pinagpatuloy niya ang pagbabasa. “Maglalakad ka.” “At naglakad nga…dahil na-s***h-an.” Binalik ni Onin sa`kin ang diyaryo’t sumang-ayon. "Ang malas mo nga." "Thank you, ha?" sabi ko. "Inangkin kasi lahat ng Leo ang tagsa-sais e." "Talaga? Ano raw horoscope ng Leo?" Well, since indebted ako sa kanya, I read to him Leo’s horoscope. First sa Love. "Mahahatid mo siya mamaya." "Sa money?" "Hindi sila makakatangging pautangin ka." “Sa career?" "Career-in mo na siya. Siya na `yan." Sinara ko ang diyaryo’t naglabas ng saloobin. "Kita mo, ang gaganda ng sa Leo ta’s sa Aquarius gano’n lang?" Napansin kong nakangiti si Onin. Hindi nakikinig. Binato ko siya ng tissue. "Hoy, okay ka lang? Ba’t ngumingiti ka diyan mag-isa?" "Wala." Dismiss niya. "Ano, tapos ka na?" “Oo, tapos na." I’d eaten two pieces fried chicken, one burger and half spaghetti. Then nilapag ko sa harapan niya `yong fries. "Eto o, sa`yo na lang. Ni-try ko talagang `di `yan galawin." "Thanks. Pero pa’no `yan, wala na tayong pamasahe? Lakad na lang?” "Sige, lakad na lang. Para bumaba agad ang kinain." But of course, after some time. Hello, ayoko magka-appendix. Diary, do’n ko napatunayan na balewala pala ang distansya ng bahay, as long as may nakakaututang-dila ka along the way. And for that particularly time, it was Onin. Fries lang ang kinain ng yango so once in front of our house, inobliga ko ang sariling imbitahin siya para kumain. But Onin turned it down. Not in a way na mao-offend ko. So, pinahintay ko na lang siya saglit para kumuha sa taas ng pera (and by that I meant, manghihingi kay Mama), pero even `yon ni-refuse niya. So I asked, “Bakit?” And he said, “Sabi naman sa horoscope ko, `di ako tatanggihang pautangin, `di ba? O, nahatid na rin naman kita! Kaya okay na `ko ro’n. Kita na lang tayo bukas sa school. Bye." My mouth fell open. Noon lang makatalikod si Onin, hands on his pockets while walking did I gain my speech back and said, "Leo horoscope mo?" Nilingon niya ako; his goofy grin was his answer. At that very moment, nag-panic ako, Diary. Why? Naramdaman ko `yong pagdugudug ng heart beat ko, the way it does for Harold. I couldn’t be possibly falling for that jerk. No-no-no-no!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD