Entry 7
Dear Diary,
Naranasan mo na ba `yong isang araw na para bang pinagtritripan ka ng tadhana? Kasi ako, kanina, oo. No, hindi involved si Onin. `La akong pakialam sa kanya. Okay, ganito kasi nangyari.
Alam naman nating dakilang commuter lang ang Lola mo ngunit subalit datapwat, pihikan sa sinasakyan. Ayoko ng ma-smoke belchy much na jeep. Ayoko rin na ma-oldie much. Gusto ko `yong maganda. Parang ako. Kaya sa ka-choosy-han ko madalas nali-late ako.
Pero hindi kanina.
Nasaktohan kong free ang unahan, doon ba sa tabi ng driver, kaya ako, heto, todo wagayway ng kamay. Hindi ako nangambang itaas ang kili-kili kahit na naka-sleeveless dahil nagharvest na naman ako ng itim na talbos. Besides, perfectly blended naman ang skin tone ko sa braso. Ha! The advantage!
So as I was saying, sumampa na ako do’n sa unahan. Hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin ang mga hitsura ng driver puwera na lang kung ako na ang pinaghuhugutan ng sama ng pinta, pero ito kasing manong sa kaliwa ko, yamot. Ano, dahil ba ako ang naupo sa tabi niya? Aba, makapagbayad ka ng bulok na bente. In-ano kaya siya ng kagandahan ko?
The jeep’s not moving; naghintay pa ng pasahero. Hanggang sa mayamaya, isang maganda at nakapanggagalit sa kaputiang babae ang pumara. No’ng nagtaas ng kamay, ay! Parang bumaba sa sky ang araw. Nakakasilaw ang kili-kili! Parang may bumbilya na ewan.
Tiningala ko ang salaminan ng driver para tignan ang pag-akyat ni Ate Gurl sa likod, but that didn’t happen kay tinawag man `to ng manong at pinapuwesto sa harapan. So without being prompted, kinarga ko ang nakaupo kong bag para kay girl at umusog to the left, closer sa manubela. But then,
"Ay, Miss, palit kayo ng puwesto ni Miss Ganda," ang sabi ng driver. "Delikado na. Baka mahagip."
Diary, 'Miss Ganda' ang tawag niya kay girl; sa`kin 'Miss' lang. Tapos gusto niya ako ang paupuin sa rightmost corner nang ako ang mahagip kung sakali. May naamoy ako. Amoy unfair. Saka lang umaliwalas ang karakas ng manong nang makatabi si white lady, pero no’ng black lady ang katabi… `kala mo nalugi!
In the end, sumunod pa rin ako. Umusog ako malapit sa labas at nag-abot ng bulok na bente.
"Estudyante ho yan," sabi ko pa while fixing my hair. Na-expired na ang pagka-perm ng hair ko. Bumalik na sa natural nitong alindog.
Maglalabas na rin sana si Ateng ng pambayad nang sabihan ng driver na libre na raw niya. And I was like, bakit ako pinagbayad, siya hindi? Ramdam ko ang injustice, Be. At mas lalo kong naramdaman nang sinuklian ako ng ten pesos. Eight pesos lang `yon supposed to be.
"Manong, estudyante ho ako! Manukli ho kayo nang maayos!" Double-razor ang binititwan ko, Diary. Una, I called him 'Manong' para mandiri si Ate Gurl sa kanya. Ikalawa, para malaman ng ibang pasahero na `di siya tama manukli.
Alam kong napahiya siya kaya nga gumanti e. "A, estudyante ka ba? `Kala ko hindi na e!"
Inabot niya sa`kin ang kulang na dos and by the way he shoved it, para bang napilitan. Still I thanked him kahit labas sa ilong. Habang nilalagay ko sa loob ng bag ang sukli, nahagip ko i.d. lace ni Gurl. Parehas kami ng pinapasukang university, pero ngayon ko lang siya nakadapuang palad. Well, of course, hindi naman lahat nakita ko na. But if you’re beautiful and white like this girl, I should have seen you before.
The only explanation I could think was baka transferee.
Later on, bumaba na kami sa tapat ng school. At sa lawak ng daanan,`di ko maintindihan bakit ang close niya maglakad sa`kin. `Yong para bang nananadya’t nakikipag- attitude-an.
Gusto niya ng fierce-fierce-an? Pinagbigyan ko siya. Rumampa kami side by side, but eventually I had to admit, mas maganda siyang mag-catwalk. She should have walked ahead pero alam mo `yong nagpa-convince sa’kin na pinagtritripan niya ako ay no’ng pahalukipkip niya `kong hinintay while grinning.
Nang maka-catch up, `di na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Ano’ng problema mo?"
"Wala akong problema. Maganda lang ako... at maputi." Aba'y sa statement niyang `yon tila gusto kong mangutos.
"E ano ngayon sa`kin?" sabi ko, taas ang kilay. "Bakit mapuputi lang ba magaganda? Hello!" Tinapik ko ang baba. I was referring to myself.
"Bakit, sa tingin mo maganda ka? Hello.” "Teka, teka sandali. Do we, like uhm, know each other? Ako ha, personally, `di kita kilala.” “Ako siguro, `di mo kilala. Pero ang boyfriend ko kilalang-kilala mo."
At that point, Ses, in-assume kong nakatira siya ng salitre.
"Hindi ko kilala boyfriend mo, Girl. Nababaliw ka na."
Natawa siya’t napalagay ng kamay sa bibig, `yong tulad sa mga Japanese kapag nahihiya. "Of course. I'm sorry. Slow nga pala `tong kausap ko. Si Onin siguro kilala mo?"
"Yeah. Why?” "Siya ang boyfriend ko!"
Lumaki mata ko, Seswang. But not of horror. “May pumatol sa banak na `yon?”
Tawa ako nang tawa, `Day, so funny I had to excuse myself and go. That’s until magmistulang teleserye ang peg namin nang hawakan niya `ko sa braso’t pigilan.
"I'm not making you laugh, girl. I'm making you know to stop flirting with him, you, Negrang Flirt!"
Negrang Flirt? Diary, would you believe, sinabihan ako ng albinong b!tch ng gano’n? The nerve! I would like to take back my word, Ses. Mali pala ako ng nasabi sayo na walang kinalaman dito si Onin. Meron pala.
Entry 8.1
Dear Diary,
Impakta talaga `yang GF ni Onin. `Di ko ikinalulugod na makilala siya. Tinatanong mo bakit ganito bungad ko sa`yo? E pa’no ba naman, sinugod na naman ako ng gaga, in her baby bra. Iwasan ko raw si Onin.
E pa’no ko maiiwasan kung one, ang boyfriend niyang garapata ang papansin; two, magkaklase kami; three, balak ko na talagang ibalik ang oversized jersey, shorts, at slippers niya that day dahil `yoko ng tumagal iyon sa balur.
Warfreak ampucha! `Kala kalakihan ang joga! Tsinelasin ko siya e. Ni hindi nga ako sumusunod sa horoscope, sa kanya pa kaya?
Well, nai-connect ko lang naman ang horoscope, Diary, kasi kanina, nag-LRT ako. Yes, kung kailan tapos na ang Pista ng San Juan. Natyempuhan kong makakuha ng free newspaper.
Aquarius ang horoscope ko, Diary. Pareho tayong water bearer – madalas manasin! Though air sign daw talaga `yon but whatever. Isa hanggang anim na stars ang range sa criteria ng love, career and money. At jeskelerd! Nakaka-sad, one star lang bawat criteria ang nakuha ng Aquarius! Sinamsam ng Leo `yong tagsa-sais!
Nasa loob na ako ng tren nang mabasa ko ang nakasulat sa Love.
‘Love. One star. Others will fall in love. Ikaw, matutumba lang. Humawak.’
‘Medyo hard, ha?’ sabi ko sa sarili. As I was thinking just that, para akong bubwit na napa-squeal nang mag-slight liko ang tren at na-outbalance ang Lola mo. You see, hindi pa naman gano’n kasikip sa loob (pero okupado na lahat ng seat) so I pretended to be cool and did not hold on to any handle kaya `yon, kitang-kita ang pagkasadlak ko sa sahig.
I was thinking next year na uli sumakay ng tren just in case. Enough na naman sigurong grace period `yon nang malimutan ko na at nila ang kahihiyan sa tren.
Ni-resume ko lang ang pagbabasa ng horoscope pa-end na ng Spanish class ni Professor Encarnacion, na ang tamang pronunciation raw ay ‘En-car-na-theon’. Maarteng hukluban. May pinasusulat siya sa aming Spanish phrases. While on it, binasa ko `yong sa reading para sa career.
‘Career. One star. Mapapansin ka rin… sa wakas.’
Siguro ako lang, pero nainsulto ako sa tatlong tuldok bago ang words na ‘sa wakas’. Napahawak tuloy ako sa ilong, trying to shrug it off. Nang balikan ko ang sinusulat, ang busabos na ng notebook ko. Nag-diarrhea pala ballpen ko!
“Como esta, Señora?” Tumigil sa pagsulat ang Propesor at lumingon.
Nalakihan ko ng mata si Señor. “Muy bien, Señor Encarnathion! Gracia!”
Hindi ko makuha bakit ngingisi-ngisi ang mga Neanderthal. Tama naman ang Spanish ko, ha? That’s until kalabitin ako ng aking seatmate at minuwestra ang kamay sa aking mukha. Hindi ko `yon na-get kaya nilabasan niya `ko ng compact powder at pagkakita ko sa salamin agad akong napasambit ng, “De pvta!”
Mabilis kong kinalkal sa bag ang wipes at sinubukang tanggalin ang tinta na nagmistulang balbas at bigote. So `yon pala ang sinasabi ng horoscope na ‘mapapansin na ako… sa wakas.’
I already told you what transpired kanina no’ng binalik ko `yong jersey ng ungta, so we’re skipping that. Overall, that day was worst. At binuntong ko `yon sa horoscope. Imagine that.
Balak ko na sana itapon ang malas na diyaryo, pero nakahihinayang kasi kung gagawin ko `yon nang `di pa nababasa ang kapalaran sa pera. So I’ve waited all my classes to end and read it on my way out.
‘Money. One star. Maglalakad ka.’
Dito lang ako banda natawa, Diary, kasi naglalakad nga ako noon against the sea of madlang people. Ini-swing ko ang bag paharap nang maisuksok ko rito ang diyaryo but then, napahinto na lang ako nang makapa ko ang cord ng earphone… nang hindi pa naman binubuksan ang loob.
In-examine ko ang bag. Confirmed, Diary, na-s***h-an ako. What’s worse, naroon ang purse ko. So in the end, tama ang horoscope. Maglalakad nga ako.
Pero hindi. ‘That won’t be my reality,’ sabi ko sa sarili. Alam mong ang ganda ko para maglakad at kung kinakailangang mag-one-two-three sa jeep, mag-o-one-two-three ako.
p.s.
Wait lang, Ses, ha. Tawag ako ni Mamsh. Tuloy ko `to sa next page. Diyan ka lang.