Chapter 3

1856 Words
Entry 5 Dear Diary, ‘Guard your back.’ `Yan ang bago kong natutunan sa araw na `to. Guard your back pero hindi lang sa mga serpente't talipandas, pati na rin kay Onin and his kind. Oo, diary, si Onin na naman. Kaya pagpasensyahan mo na kung baon na baon ang sulat ko ng name niya sa leaflet mo. May inis factor lang, which I thought after kong makauwi sa bahay at makaligo ay magva-vanish na. Pero hindi. Let me take you earlier that scourging afternoon right after kong bumili ng tubig sa convenient store. Dapat hydrated ang skin natin, Ses. So habang nasa counter ako’t iniinom ang kababayad lang na tubig humingi ako ng isang newspaper. Hindi dahil reader ako kung `di libre. Sa pagmamadali ko kasi kanina, nakalimutan ko ang aking pastel pink na payong. Also, spf 15 lang ang na-apply kong lotion sa halip na spf 30. Wala akong choice kung `di diyaryo ang ipangpandong pabalik sa school. Masyado na nga akong nagtagal sa paglalamyerda pero no’ng pumanhik ako sa classroom, guess what? Wala pa rin ang aming butihing Propesor. Kanya-kanyang ingay ang mga kaklase ko. Harold, on the other hand, was on his earphone, scribbling something. At tulad niya, ayoko rin mag-contribute ng noise pollution. So I spread the paper instead. `Pag nakita ako ni Harold na may hawak na diyaryo, he would think I’m smart and up to date sa news and current events. Oh `di ba, instant ganda points! So I started browsing it, pretending to read. I was not bit interested kahit sa featured article ng entertainment section. Pero skimming down, may nakita akong sudoku at crossword puzzle. `Di ko cup of tea `yang logic-logic games na `yan, Ses, alam mo `yan. So niligwak ko si sudoku’t nagtiis kay crossword puzzle. Logic game rin, yes, pero mas lesser evil than sudoku. Tinignan ko `yong list of words ng pahalang at pababa and I was like, "Okay, bring it on." Sa una nadalian ako. Mga element symbols lang naman e (wow, ni-‘lang’). Pero habang tumatagal, nahirapan ang lola mo. Ano ba gustong sagot nitong number seven? Antonym, synonym, abbreviation? At dahil wala akong clue, nag-jump muna ako sa number ten - Maganda; pababa. D.A.N.A. There were seven boxes to fill pero name ko nilagay ko. Same din sa number 12- Alindog; pahalang. Hanggang sa dumating ako sa number 13 - kutis porselana; pababa. Pasok sa banga ang word na 'mestisa' but I was having fun so name ko pa rin isusulat ko. Para kahit man lang sa crossword puzzle, mapagkamalan akong maputi! And so it's decided. I was in the middle of shamelessly putting my ever beautiful name when out of the blue may narinig akong `di kaaya-ayang komento sa likuran. "Pinagpipilitan niya talaga o! Ts.Tsk.Tsk. Tinde!" That came from Onin. So now, alam mo na kung bakit napakabaon ko magsulat. Kung maka-apila siya akala kung sino? Aba’y tinupian ko nga ng diyaryo't pinaghahataw! "Aw! Oy, Da-Dana tama na! Sumosobra ka na, ha? Oy!" Pinangsasalag niya braso niya. Ako pa tuloy sumobra sa lagay na `yon e siya nga `tong sobra kung mang-alaska e. Basta, tuloy-tuloy lang ako sa panghahataw nang mapansin ko ang mga mata ng klase nakatingin sa`min. Ugh. Fine! Sa`kin. I didn't want to give them an impression na Amazona ang Lola mo kaya agad-agad ko tr-in-ansform ang sarili into a woman of essence. Then I calmed the almighty t**s. Nag-inhale. Nag-exhale. Umupo. Nag-crossed legs, smiling as my inner self was asking, ‘What did I ever do to deserve this wrath?’ Chos! Ang lalim ng wording. Pero seriously, ano nga ba nagawa ko sa kanya ba’t ang nightmare niya? I only thought of one thing. "Siguro crush mo `ko, `no?" Panandalian siyang tumigil sa kangingisi nang marinig ang walang pakundangan kong pahayag. Then out of nowhere, bigla na lang siyang humagalpak. May de palo pa sa armrest ng upuan. "Wooh! Dana! Nakakatawa ka!” Pinunasan niya kuno ang ilalim ng mata. “Ako, may crush sa`yo? E `di wow!" I won’t deny – that s**t hurts. `Yong wala pa ngang nagsasabi sa`yo ng 'may crush ako sa`yo' pero 'wala akong crush sa`yo' meron na? Now ayokong makita niya sa feslak ko na napahiya ako o `di kaya naapektuhan sa kanyang sinabi so I clapped back. "Bakit, sa tingin mo, ako may crush sa`yo? Not in your wildest dream!" And that made him shut up. Ha! Fierce pa rin dapat, Diary. Conceal don’t feel. Pero alam ko, one day, may mahuhumaling din sa kaitiman ko. And when that happens, you'll be the first to know. Sige, diary, hanggang dito na lang, ready na ata ang cucumber puree na ginawa ko para sa mukha. Entry 6 Dear Diary, I'm sorry kung nabasa ka. Walang may gusto nito. Lalo na ako. Alam kong may mga pagkakataong mukha akong walang ligo. Pero maniwala ka, naligo ako noong alas singko ng umaga, naghilod hanggang paa, sh-in-ampoo ang buhok hanggang sa umalsa. May kulang pa ba? Wala na `di ba? Pero ba’t ako binasa? Kaya pala gano’n na lang pakiramdam ko kanina, Seswang. That time na nag-aabang ako ng dyip, nagmistulang ghost town ang kakalsadahan. Inisip ko, ‘Luh, baka nakaabot na rito sa Manila mag-walk ang the Walking Dead kaya kanyakanya ng uwi sa probinsya ang madla. So, ano, wala man lang abiso? Di ako in-inform? I even got to the point na baka ako ang pinili nilang i-alay in the service of the Filipino people. I considered taking a taxi, pero, Girl, nanghinayang ako sa pamasahe. So I tried to wait a little more hanggang may patok na huminto nang ako’y pumara. Usually, marami ang sakay nito. `Yong siyaman lang pero ang sigaw ng barker,’O lima pa! Lima pa!’ At that time, lilima lang kaming pasahero. Inabot ko ang bayad personally dahil ang u-unwilling mag-abot ng apat. May sinambit si kuyang tiga-singil. "Miss, dapat nag-LRT ka na lang." Oh so ano, pabababain niyo `ko? `Yon ang gusto kong i-pronounce, pero dahil sincere sounding naman pinalagpas ko na lang. Now, eto na, Sis. Itinapat ko ang mukha sa bintana. Mahangin kasi at masarap sa pakiramdam – alam mo `yong feeling na waring nasa set ka ng Kavogue photoshoot? What boggled me was that sa dadaanan naming area basa ang kalsada, at may mga basang madla rin nakahilera. I tried to convince myself na, ‘Ah, baka isa ito sa mga phenomena wherein sa isang parte ng lugar umulan, sa isang parte hindi.’ Hindi naman sila mukhang zombie. In fact, nakangiti pa nga sila, may mga hawak na tabo, water gun, batya. They were having fun. Pero `yong apat na pasahero, they were far from that look. And I was yet to know why nang may tubig na tumilapon sa likuran ko galing sa mga nakahilera. I was so shocked na sinilip ko kung sino may gawa no’n. Turned out, it was a bad idea kay inulit man nila, `Day, habang china-chant ang salitang, ‘San Juan!’ I was so mad na basa ako. But I’d be even more mad kung ako lang sa lahat ng nasa jeep ang binasa. Nang makalapagpas kami sa grupo ng mga nakahilerang tao, chineck ko gamit ko. ‘Thank God, hindi nabasa.’ sabi ko pa no’n. Until a batch two of them folks did it again. "San Juan! Wooh!" sigaw nila. Tubig mula sa batya ang isinaboy sa`kin, Ses. Mga hayop. "Manong, bababa ako." Hinila ko `yong string, Diary, paulit-ulit, but then tuloy lang ang biyahe. `Pag huminto raw kasi siya baka pasukin sila ng mga tao’t mas lalong mabasa ang jeep. Nag-aalala siya sa mga kable sa kanyang harapan. Eventually, no’ng makalayo na, huminto. Bumaba ako, thinking binabasa lang nila ay `yong mga nagdadaang sasakyan. Chineck ko uli ang mga gamit. Pati `yong librong hiniram ko sa library, `di nakaligtas. Penalty `to! May nakasalubong muli akong mga grupo. And they couldn’t tell I was mad. `Yong isa nagtanong pa nga ng, “Miss, binasa ka?” ‘You think?’ gusto kong sabihin. So I passed by them with another batch of water trickling down my body. And as if may magbabago, tumakbo ako hanggang sa malayo na `ko sa vicinity ng mga batang may water gun. Luckily, pinapasok ako sa gate, but not before the bag inspector asked, "Miss, nabasa ka?" "Ay hindi. Natuyo. Tuyong-tuyo," sabi ko sabay dabog pa-walk out. Kainis. Pero ang mas lalo kong kinais, how come ako lang ata sa campus ang basa? It just went to show hindi ako news and current affairs kind of girl. Ang problema ko naman ngayon paano at kailan ako matutuyo. Naisipan kong dumaan ng c.r. Sa second floor kay lging occupied sa first. Sa hallway papunta do’n, nakita ako ni Onin. Nasa tapat siya ng locker niya. Taray `di ba, siya may locker ako wala. Medyo against the light ang lighting kaya hindi ko kaagad natantong basa siya. Noong palapit lang ako. I knew I should feel sorry for him too, but for some reason, masaya akong hindi lang ako sa buong campus ang nabasa so much so na nagawa kong mangutya. "Para kang basang Peking duck!" Isinampay niya sa balikat ang mga pamalit, nagsuot ng tsinelas at humarap sa`kin. "Nagsalita ang toasted duck." I wasn’t mad with the toasted duck. I was mad dahil may pamalit siya at ako wala. Ni-lock niya ang locker sabay nilagpasan ako't dumiretso ng c.r - katapat lang ng sa`min. Pumasok na rin ako sa respective c.r., umupo sa lababo sa harap ng salaminan `cause apparently, matutuyo ako rito. Saka parang dito lang kasi `yong safe place sa basang 'toasted duck' na kagaya ko. So I thought kanina pa umalis ang bandidong Onin at nauna na sa class, pero nagulat ako nang pumasok siya sa c.r. at nagtanong, "May pampalit ka?" “Wala, buo rin ang pera ko, e,” sabi ko. "Pampalit na damit ang tinutukoy ko, hindi pera! Hala siya." Right after that, hinagisan niya `ko ng oversized statement shirt na may caption: Black is good. Kung `di ka lang magngalit. Pero ang kapal naman ng mukha kong `wag magpasalamat `di ba? "Sala-" `Di ko `yon natuloy, Diary, kasi hinagisan niya na naman ako. This time, shorts. "Ba’la ka na diyan, ha." Wala pang limang segundo, initsa niya naman ang tsinelas. "A-Ano ba? Ba’t mo ba tinatapon sa`kin `to?" "Nakakaawa ka kasi. Maitim ka na nga basa ka pa!" Aktong iiwan niya na ako for privacy nang magbilin pa sa kahuli-hulihang pagkakataon. "Soli mo rin sa`kin `yan, ha? Labhan mo. Lagyan mo ng fab con." That was the first time I witnessed the weird, psychotic and arrogant Onin had a human emotion. Marunong rin pala siyang magmalasakit sa kapwa, Diary. Pero manlalait muna siya, gano’n. May dalawa akong gustong i-take down note dito. Una, may utang na loob ako kay Onin. Ikalawa, mag-tren na tuwing Hunyo a-bente kwatro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD