Chapter 20

1422 Words

NAALIW na pinagmasdan ni Francis ang naglulunoy na dalaga. Kahalihalina itong pagmasdan na nakikipaglaro sa tubig lalo na at nakiayon sa kanila ang buwan nang gabing iyon. Maliwanag ito at nakikita niya nang malinaw si Mira sa tubig. Nanatili lamang si Francis sa pampang at pinanonood ang dalaga. Wala siyang planong maglunoy kasama ito dahil wala siyang tiwala sa kaniyang sarili pagdating kay Mira. Ayaw niyang mabigla ito sa kaniya at kung sakaling magbigay ng pahiwatig si Mira ay nasisiguro niyang hindi niya marerendahan ang sarili. Malaki ang tama niya sa dalaga at wala siyang ibang gusto kung hindi ang maangkin ito. Maangkin ang puso at katawan nito. Ngunit hindi pa sapat ang maikling panahon ng pagkakilala nila ni Mira sa isa’t isa upang magbigay siya ng pahiwatig tungkol sa damdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD