Mabilis na lumipas ang mga buwan at araw, medyo nanahimik na ang aking mga fans sa kakatsismis tungkol sa akin. Kaya naman tahimik at mapayapa na ang aking everyday sa store. Wala na ring Tere na kontrabida, dahil nalipat na siya ng branch ehehehe. Yes! Pinaghiwalay na kami ng branch dahil na rin sa reklamong natatanggap ng opisina tungkol sa kaniya. Hindi naman ako ang nagsumbong. Unfortunately, isang empleyadong nag-resign ang nagparating sa opisina ng mga pinaggagagawa ni Tere sa store. Kaya imbes na sipain siya sa trabaho, binigyan siya ng isa pang pagkakataon at inilipat na lang ng branch. Mabuti na lang at mabait pa rin ang kumaniya namin kahit papaano, at iyon lang ang naging parusa niya. About Aga and I, siyempre habang tumatagal ay lalong tumatatag din. Kagaya ng isang bahay na

