“Playmate, may love letter ka!” sabi sa akin ni Ayen pagpasok ko sa BSC. Medyo late ako nang kaunti dahil humirit pa ako ng five minutes. Pahamak talaga iyang five minutes na iyan eh. Nagtaka naman ako, kasi hindi naman ugali ni Aga magpadala ng love letter sa akin sa store, dahil alam niyang may mga issues dito tungkol sa amin. “Kanino naman kaya nanggaling ito?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. “Tinatanong pa ba iyan? Eh ‘di kay Papa Aga!” kinikilig namang sagot ni MJ. “Tigilan mo ako MJ! Hindi nagpapadala ng love letter si Aga, dahil mas prefer niya ang sweet quotes sa text,” saway ko naman kay MJ. Napapangiti na lang ako habang binubuksan ang sobre na naglalaman ng sulat. Tinutukso pa rin ako ng dalawa habang naghihintay na mabuksan ko ang sulat. “Malay mo naman nagbago ng tac

