15 ❤️

1663 Words
-LEY- I'm still looking at the bracelet that Hyden gave to me. Hindi ko pa rin mapaniwalaan ang mga nangyayari. Ang aking matalik na kaaway noon ay boyfriend ko na ngayon. Boyfriend sa harap ng tao pero hindi boyfriend mula sa puso. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip habang hawak ang unang regalo na natanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang kahahantungan ng pagpapanggap naming dalawa. Kung pagkatapos ba nito ay magiging magkaibigan na kami at kalilimutan ang nakaraan o babalik na naman kami sa dati? Isang mapang-aping halimaw na si Hyden at isang babaeng puno ng takot na ipaglaban ang kaniyang sarili. Ayoko na! Sawang-sawa na ako sa siyam na taong pagtatago sa kuweba ng kalungkutan. Hindi na ako babalik pa roon. Kung ano man ang maging katapusan ng pagpapanggap namin ni Hyden, sinisigurado kong lalabanan ko na ang lahat ng kaaway! Tinanggal ko ang heart-shaped pendant bracelet na nasa palapulsuhan ko at nilagay ito sa ibabaw ng bedside table katabi ng cellphone ko. Nang mapatitig ako sa polseras na bigay ni Hyden ay napaisip ako. Sino-sinong mga babae na kaya ang binigyan niya ng regalo? Ilan na kaya ang naging girlfriend niya? Hindi ko nga alam kung may totoong girlfriend siya habang ginagawa namin itong "palabas". Wala rin naman kasi siyang binanggit sa akin. Basta na lang siya sumulpot sa harap ng pintuan namin na may dalang pumpon ng bulaklak at isang malaking toblerone at nagpakilalang boyfriend ko. Pagkalapag sa bracelet ay kinuha ko ang aking cellphone. Bigla akong napatawa pagkakita sa screen ng cp ko. Pagmumukha namin ni Hyden ang naka-display. Kuha namin iyon noong araw na may sakit ako at bumisita siya. Dinalhan niya pa ako ng sopas na lasang macaroni soup ng Jollibee. Si Hyden nag-set ng wallpaper namin. Siya ang pasimuno kaya pareho na kami ngayon ng wallpaper. Hindi na ako pumalag noong pinalitan niya kasi kung sakali man na mangialam ng cellphone ang mga magulang ko ay maniniwala silang may relasyon nga talaga kaming dalawa. Dahil abala ako sa pagtitig sa picture naming dalawa, muntik ko ng mabitiwan ang cellphone ko nang biglang may nag-pop-up na message sa screen. Naramdaman ko na naman ang tambol ng damdamin ko nang malaman ko kung sino ang nagpadala ng mensahe sa f*******: Messenger ko. Hi, baby, gising ka pa ba? Hindi na ako nagpakipot pa kaya mabilis pa sa version 2.0 akong nagreply. Yes po, why? Masaya kong inabangan ang sagot niya kaya lang sampung minuto na ang lumipas ay wala pa rin indikasyon na sasagutin niya ang reply ko sa message niya. Nangawit na ang kamay ko kakatitig sa hawak kong cellphone at baka may sagot na siya pero wala eh, paasa! Nakaka-asar naman! Naisahan niya yata ako ah. Mag-cha-chat tapos hindi naman pala magre-reply. Pero nangangati rin naman ang kamay ko na mag-type ulit at baka late receiver lang siya. Kaya lang nagbago rin naman ang isip ko at binura ang message na ise-send ko sana sa kaniya. Ayokong mag-assume siya na atat na atat ako sa reply niya. Baka kung ano pa ang isipin niya. Bugbugin na naman ako sa panunukso niya kaya nilapag ko na lang ulit ang cellphone sa ibabaw ng bedside table ko. Humiga na ako sa kama at magsisimula ng matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko. Paulit-ulit ko pang dinasal na sana si Hyden ang nag-chat bago ko kinuha ang cellphone. Hindi naman ako nabigo ng buksan ko ang messenger. NAKS! MUKHANG FEEL NA FELL MO NA ANG PAGIGING BABY AH. HEHE Mukhang naghahanap talaga ng away ang halimaw na ito ah. Balak ko na sana magpadala ng bomba sa messenger niya pero naunahan niya ako. At hindi ko inaasahan ang message na sinend niya. I MISS YOU, BABY. Parang tumigil ang mundo ko sa nabasa. Ilang ulit ko kinurap-kurap ang mata ko at baka nanlalabo na ang mata ko. Teka, kailangan kong basahin ng mabuti ang bawat letrang pinadala niya. Baka rumble message lang ito at ginogoyo lang ako. "I-M-I-S-S-Y-O......" Hindi ko na natapos pa ang pa-isa-isang bigkas sa mga letra dahil alam kong sa sarili ko na wala akong problema sa mata at malinaw pa sa ilaw ng kuwarto ko na "I miss you, Baby" talaga ang sinend niya. Oh My! Oh My! Oh My! Parang makukuryente ako sa sobrang kilig ng paulit-ulit kong binasa ang chat message niya. Baka nga mapagkamalan pa akong gumagamit ng drugs dahil wala sa katinuan na nagtatalon ako sa ibabaw ng kama at impit na tumitili. Syempre hindi ako puwedeng sumigaw dahil baka mapagkamalan pa ng mga kapit-bahay na may nasusunog na sinaing. Ayoko naman na pagsimulan kami ng tsismis dito sa lugar namin kaya wala akong nagawa kung 'di ang tumili na lang sa isip ko. "Nami-miss niya raw ako?!!" Napahawak pa ako sa pisngi ko at dama ko ang pang-iinit nito. Mahigpit kong niyakap ang unan at inipit ang mukha ko roon. Hindi pa ako nakaka-move on sa sobrang kakiligan nang tumunog na naman ang messenger sa cp ko. Ang cute mo, baby. Hindi ko akalain na makikita kitang kinikilig nang dahil sa akin. Hahaha. Natigilan ako sa nabasa. Hindi niya raw akalain na makikita akong kinikilig nang dahil sa kaniya? Teka, nasaan ba siya ngayon at parang alam niya ang bawat kilos ko? Ah, oo nga naman. Kapit-bahay ko nga pala ang lalaking iyon. Hindi lang kami simpleng neighborhood dahil mismong mga bintana naman ay tapat talaga kaya naman sumilip ako sa aking bintana at mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang malaking ngiti sa mukha ng lalaking minsan ko ng sinumpa dahil sa kasamaan ng ugali. "Hi!!" malakas na bati niya sabay kaway sa akin. Ngiting tagumpay ang halimaw . Hindi ako sumagot sa pagbati niya. Dahan-dahan akong bumalik sa kama at tulalang nakatingin sa kawalan. Ano ba ang naisip ko at sumigaw ako ng ganoon kalakas?!! Peste! May mukha pa kaya akong maibabalandra sa taong iyon? ********** ALAS-SIYETE pa ang klase pero alas-sais pa lang ay nandito na ako room namin. Inagahan ko ang pagpasok dahil gusto kong iwasan si Hyden. Nang dahil sa pangyayari kagabi ay hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang harapin. Sobrang nahihiya pa rin ako hanggang ngayon. Nagpapanggap lang kami ni Hyden na mag-dyowa pero bakit ganito na ang nararamdaman ko? Nang dahil sa pesteng chat message niya, nasira ang sirkulasyon ng blood cells sa utak ko. Hindi ko matanggap ang reaksyon ko kagabi ng dahil lang sa message niya. Kinilig daw ako? "Maaga ka raw pumasok sabi ni Tito Leo." Muntik ng mahulog ang puso ko sa sobrang gulat nang malingunan ko si Hyden na nakatayo sa tabi ng upuan ko. Buti at hindi ako napasigaw pero halata ang gulat sa buong katawan ko sa biglang pagsulpot niya. Dahil wala pa naman si Jazzfer ay umupo muna siya sa upuan nito kaya ngayon ay magkatabi kami. "Hindi mo man lang hinintay ang boyfriend mo," nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Hindi ako tumingin sa kaniya dahil baka magulat na naman ako sa reaksyon ng mukha niya. Ayokong mapahiya ng harap-harapan. "Adik! Huwag mo na kasi ako hintayin. Kaya mo naman pumasok mag-isa 'no." Kunyari ay naging busy ako sa pagbuklat ng libro ko. "Baby naman, boyfriend mo ako. Ano na lang iisipin nila Tito at Tita kapag nalaman nila na ang boyfriend ng anak nila ay wala man lang ginagawang aksyon para mahalin at alagaan ang anak nila? Hindi man sila magsalita pero alam kong inoobserbahan nila ang bawat kilos natin." "Kaklaruhin ko lang, Mr. Reyes, hindi kita boyfriend." Patuloy pa rin ako sa ginagawa kong pagbubuklat sa bawat pahina ng librong hawak ko. Ugh! Wala akong maintindihan dahil sa katabi ko. "Okay, sige, hindi mo nga ako boyfriend. Isa itong palabas at kailangan na ang mga bida ay magaling umarte. Dahil ang role natin dito ay boyfriend and girlfriend─kunyari lang, dapat gawin natin ang tamang boyfriend-girlfriend style, gaya na lang ng pagsabay sa pagpasok sa school at pag-uwi." Dahil sa ang dami niyang dahilan ay hindi na rin ako nakapagtimpi kaya naman padabog kong sinara ang libro ko at hinarap siya. "Hyden, alam kong best actor ka pero hindi naman ito bonggang awards na dapat talaga ibigay mo 100% best mo. Masyado mo lang talaga kinakarir. Puwede naman nila isipin na may... na may LQ tayo. Ganoon, kaya 'wag kang masyadong paranoid diyan, okay?" Hindi sumagot si Hyden sa sinabi ko kaya naman tahimik akong umiba ng puwesto at tumingin sa blackboard. Akala ko babalik na siya sa puwesto niya dahil tumayo siya pero grabe ang kuryente na dumaloy sa tenga ko nang marinig ko ang boses niya. "I saw you," swabeng bulong sa Hyden. "H-Hu-Huh? ICU? In-Intensive Care Unit?" pabulol kong tanong sa kaniya. Paano ba naman kasi, kinilabutan ako sa paraan na pagkakabulong niya sa akin ng salitang iyon. Ang naintindihan ko lang sa sinabi niya ay ang tatlong letrang I.C.U. Tapos ang lakas pa mang-asar nang bumulong sa tenga ko. Pinipigilan ko lang ang hindi gumalaw pero sobrang nakikiliti na talaga ako. Peste talaga siya! "I saw you last night. Kitang-kita ko kung paano ka kiligin." "S-Sinong kinilig? Ako? Bakit naman ako kikiligin?" "Asus! Palusot pa ang baby ko eh. Aminin mo na kasi, hindi ko naman ipagsasabi sa iba. Mapagkakatiwalaan ako kaya sabihin mo na sa akin. Kinilig ka 'no?" at napahagikgik siya ng tawa. Kaunting-kaunti na lang talaga ang natitirang pasensya sa katawan ko. Bibingo na talaga sa akin si Hyden kapag hindi pa siya tumigil sa pangbu-bully sa akin. Naninigkit na siguro ang mata ko sa paraan ng pagtitig ko sa pisara. Ayaw ko talaga siyang lingunin dahil baka hindi ako makapagpigil at malamutak ko lang ang pagmumukha ng halimaw na iyan. "Minsan, may mga espesyal na tao sa buhay mo na kahit hindi mo kasama, makita mo lang ang picture nya or makatanggap ka lang ng message galing sa kaniya, masaya ka na, may halong pangingisay sa kilig pa. Hindi ba, baby Ley?" "PESTEEEEEEEEEE KA TALAGA, REYES!!!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD