-LEY-
"I love you too." He replied.
Napakurap ako ng ilang beses nang marinig ko ang sagot ni Hyden sa sinabi ko. Do I look so cheap to say those words in front of Red? I did that on purpose because I want Red to get jealous. Gusto kong pagsisihan ni Red ang ginawa niyang pakikipag-break sa akin dahil sa physical looks ko kaya naman nagpatulong ako kanina kay mama para ayusan ako. Gusto kong maging maganda para kapag dumating ang panahon na magkita kami ni Red, makaramdam siya ng panghihinayang dahil pinakawalan niya ang nag-iisang Heiley Santos sa mundo. Pero talaga naman, hindi ko inaasahan na makikita siya sa Fantastic High ng ganitong kabilis, ng ganito kaaga.
Hindi ko napigilan at sinulyapan ko si Red na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Nang makita ko silang nag-uusap ay agad na nabuo sa utak ko ang planong asarin siya sa pamamagitan ng pagiging sweet kay Hyden. Pero napasobra naman yata, to the extent na kailangan ng kiss at I love you-han. Hindi sinasadya ang nangyaring kiss sa lips kanina. Plano ko lang dampian ng light kiss sa pisngi si Hyden pero ito naman si lalaki, agad naman lumingon sa akin kaya hayun, muntik na ako mapa-tumbling dahil for the third time, nangyari na naman ang kissing scene.
Hinila ko si Hyden palayo kay Red and I don't know kung nag-iilusyon lang ako but I think I just saw him sad? Guilty? Or maybe jealous? Minahal kaya ako ni Red? Pero mas maganda yatang tanong kung minahal ko nga ba siya?
Kasi sa totoo lang, hindi ko masyadong naramdaman iyong sakit ng pagiging brokenhearted. I admit, nasaktan ang pagkatao ko dahil inalipusta niya ang pagiging babae ko dahil daw sa hindi ako attractive. Para namang sinabi niya na mas masahol pa ako kay Bakekang? Pero pagkatapos noon, parang walang nangyari. Umiyak ako dahil nasaktan ako sa mga sinabi niya pero to summarize the story, I'm happy.
And it's all because of Hyden.
Wooohhh! Speaking of Hyden, for unknown reason, I suddenly felt nervous and maybe shocked? Kapag nariyan si Hyden ay lagi na lang ako natataranta. I planned to kiss him on the cheek because I need to be sweet sa kaniya because we're playing a role of a "Ultimate Hottest Couple" kuno. To be more convincing, we also need to act as a real couple dito sa school dahil baka mamaya niyan, bigla na lang maisipan nila mama at papa na bisitahin ako sa school. Eh 'di lagot na ako kung malaman nila mula sa mga estudyante na walang namumuong pagmamahalan sa aming dalawa kung hindi ang pagkasuklam sa isa't-isa.
Pero sa hindi naman inaasahang pagkakataon ay bigla siyang humarap sa akin kaya nagsalubong iyong mukha namin. Imbes na magkauntugan kami sa noo ay iyong labi namin ang nagkauntugan.
Kailan kaya babalik sa normal ang t***k ng puso ko? Nito kasing mga nakaraang araw, lagi na lang mabilis ang heartbeat ko. Makita ko lang yata buhok ni Hyden, kumakabog na ang dibdib ko.
Ewan ko ba. Dati, hindi naman ganito ang nararamdaman ko pero sa mga lumipas na araw ay parang may napansin na akong kakaiba sa akin. Kung noon ay galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, ngayon ay iba na. Unti-unti kong nakikilala ang tunay na Hyden Reyes.
At gusto ko ang nakikilala ko ngayon.
"Okay ka lang, Ley?" Napukaw ang atensyon ko nang maramdaman ko ang kamay ni Hyden sa kamay ko. Naglalakad kami papunta sa classroom namin.
"Okay lang ako. Bakit mo naman natanong?"
"Huwag mo ng isipin pa si Red. Sinaktan ka niya at dapat lang iyon sa kaniya. Actually, kulang pa nga iyon eh. Dapat sa kaniya, turukan ng anti-rabbies." I couldn't hide my smile when he say that.
Tinitigan ko siya habang magkahawak-kamay kaming naglalakad sa malawak na field ng Fantastic High. May mga estudyanteng napapatingin sa aming dalawa at lahat sila ay nagbubulungan. Alam kong kakalat na sa buong campus kung ano man ang namamagitan sa amin ngayon ni Hyden. Mabuti na rin iyon, atleast hindi na ako mahihirapan pa na kumbinsihin ang mga magulang ko sa relasyon namin ni Hyden. Hindi nila maiisip na isa lang itong palabas at darating din ang pagwawakas kapag bumalik na silang muli sa States.
Hindi ko magawang magalit kay Hyden pagkatapos ng ilang taon p*******t niya sa akin. Parang sa isang iglap, nabura lahat ng iyon dahil isa si Hyden sa mga taong nagpapasaya sa akin ngayon. Mahirap ipaliwanag pero masaya ako.
"H-huwag na natin siyang pag-usapan.
Um, salamat nga pala sa notebook mo, Reyes. Tapos ko ng kopyahin iyong mga notes." Sabay abot sa kaniya ng dalawang notebook na pinahiram niya sa akin kagabi. Kinuha naman niya sa akin ang notebook.
"Masyado kang pormal magsalita, Ms. Santos. Call me Hyd or Baby." He teased and he bit his lip to stop himself from grinning.
"Whatever." I just rolled my eyes so that I could not see his handsome face.
"I'm your boyfriend, remember?"
"Oo na, sige na. Pero ipapaalala ko lang sa iyo na this is not for real," I answered.
"Whatever," pang-gagaya niya. "Hmmm, magaling ka na ba talaga?"
"Oo naman. Hindi naman ako papapasukin nila Mama at Papa kung hindi pa ako okay eh. Saka nakatulong din siguro iyong sopas na bigay mo sa akin kaya mabilis akong gumaling."
"Sa susunod kasi, huwag mong biglain ang kain ng chocolate. Ang dami nun para ubusin mo ng isang kainan lang 'no," he laughed.
"Eh sa adik talaga ako sa chocolates eh."
"Sige, sa susunod bibigyan ulit kita ng chocolate basta ba 'wag mo agad uubusin ah," he grinned and I smiled.
**********
-HYD-
"Oh, may hinihintay ka pa ba, Hyd? Umuwi na iyong mga kaibigan mo ah." Napangiti ako nang marinig ko sa unang pagkakataon na binanggit niya ang palayaw ko.
"Hinihintay talaga kita. Gusto ko sabay tayong uuwi."
"Aba, iba na yan ah."
"Bakit? Boyfriend mo naman ako ah. Wala naman masama kung sabay tayong uuwi. Kung pwede nga lang, pati pagpasok sa school ay sabay na rin tayo."
Hindi sumagot si Heiley sa sinabi ko sa kaniya kaya hindi na rin ako nagsalita. Tahimik lang kami habang binabaybay namin ang daan palabas sa school. Tumingin ako sa kaniya at pansin ko ang pagiging seryoso niya habang nakatingin sa nilalakaran namin.
"Siya nga pala, may ibibigay ako sa iyo."
"Ano naman 'yan?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kinuha ko sa aking bulsa ang bracelet na matagal ng nakatago sa drawer ko. Plano ko sanang ibigay ito kay Ley last Christmas kaya lang ay naunahan ako ng hiya. Color pink beads siya with white pearl at may pendant na shape heart.
"Bracelet para sa'yo. Akin na kamay mo."
"Hyden, hindi naman porke't nagpapanggap tayo ay literal na gagawin mo iyong ginagawa ng isang mag-boyfriend at girlfriend," Heiley reasoned.
"Ang alin, gaya ng paghalik?" Kinuha ko ang kamay niya at sinuot sa kaniya ang bracelet.
"H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hmmm hindi mo naman ako kailangan bigyan ng mga bagay gaya nito eh." I laughed aloud when I saw her face. Nangamatis na naman sa pula ang buong mukha niya.
"Your blushing, Ley."
"Huh?!! Hindi 'no!"
"And you're so much beautiful when your blushing." Naikabit ko na ang bracelet sa kaniya pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya.
"Iniiba mo ang usapan eh. Huwag mo na ako bigyan ng kung ano-anong bagay, Hyd. Hindi mo naman kailangan gawin ito."
"Bakit ba kinokontra mo gusto ko? Eh sa gusto kong ibigay sa'yo ito eh. You have no choice but to accept it. Understand?"
Natuwa naman si Heiley nang makita ang bracelet sa palapulsuhan niya. Saka ko napansin ang kakaibang marka na nakatatak doon, malapit sa letrang V ang hitsura ng balat niya. "Ang cute ng birth mark mo ah."
"Talagang na-cutean ka pa sa birth mark ko ah. Itong bracelet ang cute. Salamat huh.
"I want a kiss from you rather than thanks." Bigla naman tumingin ng masama sa akin si Heiley.
"Ooooppppsss. I'm just kidding. Tara lets. Go home na tayo."