- HYDEN -
Eh ano ang ibig sabihin ng halik kanina? Practice lang din? Ano iyon, sunggab lang sunggab? Pwede mag-practice, anytime? Anywhere? IWANTTV lang ang tema?
"Whatever you say! Bumangon ka muna diyan please at kainin mo na 'tong luto ni Mommy para sa'yo. Sinadya pa niyang ipagluto ka dahil alam niyang may sakit ka kaya bangon muna diyan."
"Ayoko."
"Babangon ka at kakainin mo ito or gusto mo na naman makalasap ng round two?" pananakot ko sa kanya. Tingnan natin kung hindi siya bumangon.
Pero hindi pa rin siya kumikilos. Aba't gusto pa nga yata talaga ng round two. Hinila ko ang kumot niya at humiga sa tabi niya. Niyakap ko siya mula sa likod niya.
"Wait! What are you doing?!!"
"Ang kulit mo eh, sinabi ng bumangon ka pero ayaw mo. Eh 'di tabihan na lang kita dito sa kama mo tapos gagawa tayo-" sinadya kong bitinin iyong sasabihin ko para lumingon siya at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang nanlilisik niyang mata nang tumitig sa akin.
"A-Anong gagawa tayo? G-gusto mong gumawa ako ng bukol diyan sa mukha mo? Alis diyan!" Tinulak niya ako pero hindi niya ako magawang ihulog sa kama.
"Aalis lang ako kapag bumangon ka diyan at kinain ang sopas."
"Oo na! Sige na! Alis na dito sa kama ko!"
Umalis na ako sa kama niya at bumalik sa upuan. Kinuha ko ang tupperware na nakapatong sa bedside table niya at tinanggal ang takip ng lalagyan. Handa na akong subuan siya nang magsalita ulit siya.
"Kaya ko na. Huwag mo na akong subuan."
"Okay lang, gusto ko pagsilbihan ang girlfriend ko."
"Hindi mo ako girlfriend."
"Pero iyon ang alam ng parents mo, kaya huwag ka nang makulit. Susubuan na kita para mabilis kang gumaling. Dali, nganga, say aaahhh."
Natawa naman si Heiley sa akin dahil binuka ko ng pagka-todo-todo ang bibig ko.
"Ang korni mo, Hyden. Kailangan talaga with action?"
Wow! Hearing those beautiful laughed makes me week in a knees I can hardly speak. I lose all control then something takes over me. Parang gusto kong gawing ring tone iyong tawa ni Ley. So sexy husky voice.
Sinubuan ko siya at hindi na siya tumanggi pa. Naubos naman niya ang sopas at humihirit ng isa pa.
"Sige, dalhan ulit kita nito mamaya. Gusto mo?"
"Sige, kulang pa eh. Nabitin ako. Ang sarap talaga magluto ni Tita Alexa, lasang sopas ng Jobee nga!" Tuwang-tuwa naman siya nang marinig niyang may sopas pa kami sa bahay.
"Basta magpagaling ka ah para bukas makapasok ka na. Ibibigay ko na lang sa'yo iyong mga notes na sinulat namin para updated ka pa rin."
"S-Salamat, Hyden."
"Your welcome, my lady." I gladly accepted her thanks pero parang gusto ko pang humirit ng pang-aasar sa kanya, "Hmmmmm I think I know the reason why you have a fever."
"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Heiley.
"Maybe it's because of yummy-"
"Nagsisimula ka na naman, Hyden. Just stop it, will you?! Kailangan ba talaga paulit-ulit na ipapaalala sa akin iyong halik na nangyari noong Sunday?!!" Tumaas na naman iyong boses ni Heiley. Parang wala na siyang sakit sa lakas ng sigaw niya.
"Wooohh, kagulat ka naman, baby. Huwag ka ngang sumigaw diyan. Marinig ka pa sa baba eh. Hindi naman iyon ang sasabihin ko eh."
"A-Ano ba kasi i-yong alam mo na? L-linawin mo kasi," she uttered.
"Nakakatakot ka talaga, baby. Ibig mong sabihin, naiisip mo na ang dahilan ng pagkakasakit mo ay dahil sa tooooot tooooot," sabay senyas ng kamay na parang nagki-kiss.
"Ang manyak mo talaga!" sabay bato ng unan. "Of course not! The hell I care about those disgusting kissing scene. Why I ever need to think about that? Hindi ko iyon iniisip, peste ka talaga," she sounded so defensive.
"Asus! Nagdahilan ka pa. Kaya ka nagkasakit dahil nilantakan mo pala talaga iyong chocolate na bigay ko. Tingnan mo oh, may ebidensya pa. Nasa table mo pa iyong nagkalat na wrapper ng Toblerone na bigay ko sa'yo. Ang laki nun ah, inubos mo agad ng isang bagsakan lang? Hindi ka na talaga nagtira para bukas at sa susunod na araw? Talagang magkakasakit ka niyan. Napurga ka sa sobrang saraaaaaaaappppppp!" I teased her and her face turned red.
At masaya akong makita na namumula ang mukha niya.
**********
Nandito ako ngayon sa locker area. Nakasandal ako sa pintuan ng locker ni Heiley habang pinagmamasdan ang bawat estudyanteng dumadaan sa corridor. I want to ask her something about the girlfriend-boyfriend set-up. Hindi kasi namin napag-usapan kung pati rin ba sa school ay kailangan namin umaktong lovey-dovey.
Simula ng maging girlfriend ko si Heiley ay marami akong na-realize. Lahat ng nangyayari ngayon ay bago sa pakiramdam ko. Kahit ako ay nagtataka rin sa mga kilos ko. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang ganitong kasayang pakiramdam. Iyon bang excited akong gumising ng maaga, pumasok sa school at umuwi sa bahay. Mas tinutukan ko ngayon ang pag-aaral ko at less bully sa mga kapwa ko estudyante sa Fantastic High. Mas may magandang kahulugan ang buhay ko ngayon sa mundo at lahat ng ito ay pasasalamat ko kay Heiley. Hindi ko pa nakukuha ang kapatawaran mula sa kaniya pero masaya ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na mas makilala pa si Ley. Mas naipapakita ko kung ano talaga ang totoong ako, pagkakataon na makausap at makasama siya na hindi kami nag-aaway. Sobrang saya ko at sana itong kasiyahan ko ay hindi na matapos.
Habang hinihintay ko dumating ang aking girlfriend, may nakita akong pamilyar na tao na paparating sa kinatatayuan ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makumpirma ko na siya nga ang papalapit sa akin ngayon.
"Tingnan mo nga naman, ang liit lang talaga ng mundo. Akalain ko bang makikita pala kita dito?" Bakit kaya nandito si Pula?
"What are you doing here?"
"I transferred here. May angal?" He smirked.
"Sa dinami-rami ng school sa paligid, dito mo pa talaga naisipan lumipat. Ang galing mo din 'no?" Nabubuwisit ako sa pagmumukha niya. Ngayong nandito na siya ay may tsansa na magkita sila muli ni Heiley at hindi ko mapapayagan iyon. Hindi ko hahayaan na magkalapit silang ulit.
"Easy! Relax, dude, I won't bite. Anyway, where is your girlfriend?" Nagpalinga-linga siya at tumingin sa paligid na halatang hinahanap si Heiley.
"Paki mo ba?"
"You really love that girl huh. Don't worry, I don't have any plan to get her back. Just want to know the truth, if she's really your girlfriend."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi ko napaghandaan ito.
"Of course! Girlfriend ko siya. M-Matagal na kami." Mas lalo akong kinabahan sa reaksyon ng mukha niya. Halatang hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ko.
"Oh? Really? Then, let's ask someone."
Nang may makita siyang babaeng dumaan ay hinablot niya ang braso nito. Si Jenel Villamor na kaklase ko ang tatanungin niya sa totoong estado ng relasyon namin ni Heiley. Sa klase namin, kami lagi ni Heiley ang tampulan ng tukso. Inaasar nila kaming dalawa na mag-boyfriend-girlfriend. Iyon ang paniniwala nila sa love-hate relationship namin. Sana lang ay pumanig sa akin ang kapalaran, sana lang makasagot ng tama si Jenel.
"Hey! Just want to ask something. Kilala mo ba si Heiley Santos? Kilala mo ba kung sino ang boyfriend niya?"
"Wagas lang makahablot ng braso ah. Kilala ko siya dahil kaklase ko siya at ang boyfriend niya ay ang kaklase rin namin na si Hyden. Sino ka ba at hindi mo man lang kilala ang hottest couple ng Fantastic High?" At mataray na umalis si Jenel.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Actually parang mapupunit ang labi ko sa pagkakangiti. Hindi ko expected na hottest couple pala ang tinagurian sa amin ni Heiley. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sagot niya. Grabe, ang galing talaga ni Jenel!
"Ikaw!!!" Nilapitan niya ang lalaki na nasa locker area din at nag-aayos ng gamit. Kilala ko kung sino iyon, si Patrick, kaklase ko noong Grade 8 and 9.
Napa-iling na lang ako sa ginagawa ni Red. Bakit ba kailangan pa niya imbestigahan ang relasyon namin eh hiniwalayan na nga niya si Heiley 'di ba?
"Bakit, anong problema mo?" Mukhang hindi rin papasindak si Patrick kay Red. Sinundan ko siya hanggang sa makalapit kaming dalawa kay Patrick.
"Kilala mo ba kung sino ang boyfriend ni Heiley Santos?" Palibhasa ay nasa likuran ako ni Red kaya hindi niya napansin na sinesenyasan ko si Patrick.
Tinuro ko sarili ko. Ako ang boyfriend ni Ley. Ako! Ako! Iyon ang gusto ko ipahiwatig sa kaniya.
Mukhang na-gets niya naman ang ibig kong sabihin. "Yes. Si Hyden Reyes ang bf ni Heiley," diretsahang sagot ni Patrick sa kaniya saka umalis. Eversince na naging kaklase ko iyon, ganoon na talaga ang character niya. Para siyang robot dahil para siyang walang pakiramdam. Madalas siya ma-bully dahil sa ganoong ugali niya at aaminin ko na isa ako sa mga taong nang-aasar sa kaniya.
Salamat, Patrick.
Nang makalayo sa amin si Patrick ay saka ko hinarap si Red. "See? I told you, ikaw lang talaga ang makulit eh. Iyan lang ba ang dahilan ng paglipat mo rito? Para lang ipagtanong sa mga estudyante rito kung sino ang boyfriend ni Heiley?"
"So what? She act and look like a guy anyway." Paalis na sana siya nang biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Hi, Baby Hyden!!!" Lumingon ako para alamin kung sino iyon and I felt my heartbeat triple when I saw her. Nakailang kurap pa ako bago ko mapagtanto na siya na talaga ang papalapit sa amin.
Wow! She looked damn fine! I finally found the girl of my dreams. Heiley could be my IT girl. She's my biggest hit girl! What does IT GIRL means? "It girl" is a term for a young woman who possesses the quality "It", absolute attraction and Heiley got that. Girl na girl ang ayos niya ngayon. May makintab na pink clip sa buhok niya. I also noticed her shiny red lips glowing. Maputi si Heiley at mamula-mula ang pisngi. She looked like an angel.
Akala ko ako lang ang tumitingin sa kagandahan ni Heiley pero nasa likod ko pa pala si Red at kahit siya ay natulala rin sa kagandahan ni Heiley.
Maglaway ka ngayon sa girlfriend ko!
Lilingunin ko na ulit sana si Heiley kaya lang sa paglingon ko ay hindi ko namalayan na nasa likuran ko na siya agad at ang nangyari lang naman ay nagsalubong ang mga labi namin.
I felt a slight jolt of electricity when I taste her lips. Parang kumain ako ng strawberry dahil sa flavour ng lipgloss niya.
"A-Are you waiting for me, baby?" Heiley asked and put a half smile on her face. I know that she felt uneasy because she can't look straight into my eyes.
"Y-Yes!!!" I finally replied after a minute of just staring at her.
Napansin ni Heiley na nasa likod ko si Red. "Oh. Hi, Red! Anong ginagawa mo rito?"
"Um, I just transferred here. You're so pretty."
Nakakayamot talaga ang pagmumukha ni Red. Pagkatapos niya laitin ang girlfriend ko, ngayon ay pupurihin niya dahil nakita niyang maganda ito.
"Thanks, Red. Welcome to Fantastic High! We gotta go, we need to go to class now. Bye!" Agad pinulupot ni Heiley ang dalawang braso niya sa kanang braso ko.
Nanggigigil akong lumingon para asarin si Red na hanggang ngayon hindi maialis ang tingin kay Heiley. Malamang! Sobrang ganda ng baby ko eh. I stuck my tounge out at him.
Mamatay ka sa inggit! Belat!
"Baby!" I heard her call my name and I turned to see her pretty face. "I love you!!!"
Huh? What was that?
"A-Ano iyong sinabi mo?" Baka namamalik-tenga lang ako kaya kailangan ko ipaulit muli ang sinabi niya.
"Sabi ko I love you." Kung kanina ay pasigaw, ngayon ay pabulong na lang. Pero mas malinaw ko siyang narinig kumpara kanina.
Breathe in. Breathe out. Stay calm and relax, Hyden Reyes