- HEILEY -
"Aray, Ley, hindi ka nananaginip. Totoo lahat ng ito 'no." Panay ang awat niya sa ginagawa ko.
Kaya lang feel na feel ko talaga ang kurutin siya. Gusto ko makitang nasasaktan siya. Bumangon ako at lumuhod sa kama. Pilit ko siyang inaabot habang nakaupo siya sa pink monoblock sa gilid ng kama ko.
"Tama na, Ley, parang sinasadya mo ng saktan ako eh."
"Isa kang bangungot sa buhay ko, Hyden!!" Sigaw ko sa kaniya at kinurot siya ng pinong-pino sa pisngi.
"Bangungot pala ah."
At hinila niya ang kamay ko papalapit sa kaniya. Alam ko kung ano ang gusto niya mangyari kaya bago pa maganap ang hindi dapat maganap ay naging malikot ako. Binuhos ko ang lahat ng puwersa ko papunta sa kaniya kaya naman parang naitulak ko siya sa pagkakaupo niya at pareho kaming nahulog sa sahig dahil hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Aray!!!" narinig kong daing niya.
Napasubsob ako sa leeg niya. Sinilip ko ang mukha ni Hyden at kita ko ang pagngiwi niya.
"Reyes, sorry, sorry. Hindi ko sinasadya."
Mukhang totoo na talaga ito. Hindi na nga siguro ako binabangungot dahil nagsisimula na naman ako pagpawisan ng todo. Kung kanina ay mainit ako at nasa 38 degress celcius ang body temperature ko, ngayon parang kumukulong tubig na nasa 50 degress celcius ang nararamdaman kong init ngayon.
Agad akong bumangon mula sa pagkakasubsob sa kaniya at ineksamin ko kung saang parte ng katawan ang masakit sa kaniya.
"Reyes, alin ang masakit? Sabihin mo." Hinawakan ko ang ulo niya. "Ito ba ang masakit?"
"O-Oo, masakit ulo ko pati braso ko."
Hinawakan ko ang braso niya at chineck kung may sugat siya pero wala naman, medyo namumula lang.
"Saan pa masakit?"
"Sa tuhod, medyo kumikirot din eh."
Tinaas ko ang kaniyang pantalon at tiningnan ang tuhod niya pero wala naman akong makitang kakaiba. Natataranta na ako sa nangyayari dahil hindi ko matukoy kung anong parte ang masakit sa kaniya dahil wala naman akong makitang sugat or dugo sa katawan niya.
"T-teka, tatawagin ko sila Mama at Papa para madala ka na sa hospital dahil baka nabalian ka na ng buto."
Naku! Lagot ako nito kay Tita Alexa at Tito Kobi. Hindi ko naman kasi akalain na hahantong kami sa ganitong sitwasyon eh. Malay ko ba na masasaktan pala siya sa ginawa ko. Nanigurado lang talaga ako kung nasa mundo pa ba ako ng bangungot o hindi.
"Ley, ang sakit talaga."
Bumalik na naman ang pagkataranta ko nang marinig ko ulit ang boses ni Hyden kaya hindi ko na napigilan pa at sumigaw na ako ng saklolo kay Mama.
"Maaaaaa─" Pero hindi ko pa natatapos ang pagsigaw ko nang maramdaman ko na may humatak sa braso ko.
"Ssshhh. H'wag kang maingay, Ley"
"Kailangan kong tawagin si Mama para matulungan tayo bago pa lumala iyang masakit sa iyo."
"Wala naman nabali eh. Masakit lang talaga pero pakiramdam ko mawawala rin ito."
"Huh? Paanong mawawala? Alin ba ang masakit sa'yo?" Sabay kuha niya sa kamay ko at dinala ito sa labi niya.
"Ito. Ito ang masakit, Heiley. Isang halik mo lang, tanggal ang sakit nito."
Namilog ang mata ko sa narinig. Ano raw ang masakit kay Hyden? Masakit ang labi niya?? Bakit, iyon ba ang napuruhan? Pagkakatanda ko, hindi naman nguso niya ang bumagsak sa sahig kung hindi ang katawan niya. Paanong naging masakit iyon?
Dahil nag-iisip ako kung anong magandang rason at bakit masakit ang nguso niya ay bigla niya akong hinila pabagsak sa dibdib niya. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan sa narinig kong tunog mula sa dibdib niya.
DUB DUB DUB DUB DUB
Parang tunog ng tambol ang naririnig ko sa dibdib ni Hyden. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at sinilip ang mukha niya. Nakatingin pala siya sa akin. Naroon na naman ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Nababaliw na ako. Ano kaya kung sa mental hospital na ako magpa-confine?
I'm so shy to admit but everytime Hyden is so near to me, this super close to me, I can't think properly. Sobrang nakakaramdam ako ng kaba at laging lumalakas ang t***k ng puso ko. Hindi ko rin alam bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakalapit kami ni Hyden. Nalilito na ako.
Papa Jesus, tulungan niyo po ako mapaglabanan ang tukso.
Hindi sinasadya ay dumako ang mata ko sa red and kissable lips ni Hyden. Dahil doon ay napalunok ako bigla. Parang nagugutom ako at gusto kong lamutakin iyong red lips niya.
At parang may sariling isip ang labi ko dahil....
We started to share the passionate kiss...
***********
-HYD-
"Anak, are you alright?" I heard Tita Shiela's voice.
"Hyden, please open the door," Tito Leo said.
Hindi ko sila masagot. Paano naman ako magsasalita kung ang labi ni Ley ay hanggang ngayon nasa labi ko pa. Nag-enjoy siguro pero kita ko ang paglaki ng mata niya dahil agad itong umalis sa ibabaw ko at namumulang tinakpan ang mukha gamit ang kanyang kamay.
Patuloy pa rin ang pagkatok nila Tita Shiela at Tito Leo sa pinto kaya tumayo ako at binuksan ito.
"What's happening here? I heard Heiley's voice calling me. Is there any problem?" Tita Shiela's voice was so worried.
Nilapitan niya siya si Heiley na ngayon ay nakaupo na sa kama at hindi magawang salubungin ang titig ko.
"N-No, Ma. Hmmmm... N-nahulog kasi mula sa pagkakaupo si Hyden. Akala ko nabalian siya ng buto kaya tinawag ko kayo eh hindi naman pala," she said with the sarcastic tone.
"Bumagsak? Panong bumagsak?"
Sige, ayusin mo Heiley ang sagot sa papa mo. Hindi naman ako babagsak kung hindi mo ako kinurot at tinulak eh.
Hindi makasagot si Heiley sa tanong ni Tito Leo kaya ako na ang nagsalita para sa kanya.
"Tita, Tito, It's fine. No need to worry." Iyon na lang ang nasabi ko dahil okay lang naman talaga ako. Gusto ko lang asarin si Heiley kanina. Actually until now, hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa ni Heiley.
"Are you sure everything is fine here? Hyden? Heiley?" Tito Leo asked.
"Yes, Tito."
"Yes, Pa."
Sabay naming sagot ni Heiley.
"Okay, iwan muna namin kayo dito ah. We trust you kids, don't do anything bad here, ok?" Tita Shiela reminded.
"Ma, naman! Ano naman iyang sinasabi niyo? Sa tingin niyo talaga may gagawin kaming kababalaghan dito?" Nagmaktol pa si Heiley, siya naman talaga naunang gumawa ng milagro kanina eh.
"Don't be defensive my little angel, I'm just giving a reminder, okay?" Nakangiti sila sa amin. Kung alam lang nila kung ano ang totoong nangyari dito sa kwarto ng anak nila, naku, hindi ko ma-imagine kung ano ang pwede nilang gawin sa akin.
"Okay fine! Anyway, where's the surprise you been talking about, Ma? I can't see unusual in this room except for that monster."
Tita Shiela laughed, "Who's monster? Your boyfriend? I thought you would love to see him. Nag-aalala lang si Hyden sa'yo kasi wala ka kanina sa school. Hindi mo pala siya tinext?"
"Ah.. eh.. kasi...Hmmm, nakalimutan ko po siya i-text."
What a nice excuse, Heiley! Palusot ka pa diyan. Hindi mo naman alam ang cellphone number ko kaya paanong makakalimutan mo ako i-text? Palusot pa more!
"You're not happy to see Hyden? Siya ang sorpresa na sinasabi ko."
Hindi na sumagot si Heiley. Humiga na lang siya sa kama at nagtalukbong ng kumot. "I'm not in a good mood now. You guys can leave."
Tumingin na lang sa akin sila Tita at Tito at naghihintay ng sasabihin ko. "Tita and Tito, maiwan po muna ako saglit dito. Kakausapin ko lang po siya."
"Sure, no problem, hijo. Just call us if you need help," nakangiting saad ni Tito Leo.
"Thanks, tito."
Nang makalabas na sila ng kwarto ay dahan-dahan akong lumapit sa kama ni Heiley. May nilabas akong tupperware mula sa paper bag na dala ko.
"Ley, I have something for you. Nagluto si Mama ng sopas, lasang sopas ng Jollibee kaya paniguradong magugustuhan mo itong macaroni soup. Binigyan ko na rin sila Lolo Jaime sa baba. Kumain ka na muna habang mainit pa itong dala kong sopas."
Nanlilisik ang mata niya na tumingin sa akin, "Bingi ka ba? 'Di ba sabi ko I'm not in a good mood kaya umuwi ka na. Dalhin mo na iyang sopas mo. Baka may iba ka pang hinalo diyan na hindi ko alam."
Napaka-tigas talaga ng ulo ng babaeng ito. "If you're mad because of what happened, I'm sorry. Alam kong hindi ko dapat ginawa iyon. I'm really sorry."
Ako na lang ang magpapakumbaba kahit hindi naman ako ang nag-umpisa noon. Ayoko ng dagdagan pa iyong inis na nararamdaman sa akin ni Heiley. Nandito ako kasi talagang labis lang iyong pag-aalala ko at gusto ko malaman kung okay na siya.
Tumalikod sa pagkakahiga si Heiley, "You don't have to say sorry. Wala kang kasalanan." Malumanay na ang boses niya.
"Kasalanan ko pa rin. Hindi ka naman magagalit sa akin kung hindi ko ginawa iyon eh kaya sorry na talaga. Sana huwag ka ng magalit, Ley. Nag-aalala lang talaga ako sa'yo kaya bumisita ako dito. Akala ko kasi kaya hindi ka pumasok ay dahil masama ang loob mo sa akin dahil sa nangyari noong linggo-"
"Stop it! I don't want to talk about it, Reyes. Let's just forget what happened. Practice lang iyon, right? So it's not a big deal."
I don't know but her words hurt me. Ramdam ko ang sakit sa puso ko kahit hindi naman dapat. Talaga bang walang kahulugan para sa kanya iyong kiss na nangyari noong Sunday?
Eh ano ang ibig sabihin ng halik kanina? Practice lang din? Ano iyon, sunggab lang sunggab? Pwede mag-practice, anytime? Anywhere? IWANTTV lang ang tema?
"Whatever you say! Bumangon ka muna diyan please at kainin mo na 'tong luto ni Mommy para sa'yo. Sinadya pa niyang ipagluto ka dahil alam niyang may sakit ka kaya bangon muna diyan."
"Ayoko."
"Babangon ka at kakainin mo ito or gusto mo na naman makalasap ng round two?" pananakot ko sa kanya. Tingnan natin kung hindi siya bumangon.