11 ❤️

1868 Words
- HEILEY - "Hy...den, hindi ... ak...o... maka─hin...ga..." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa katawan ko. Iyon na naman ang kakaibang pakiramdam. Muli akong napapikit at dinama ang mainit na yakap ni Hyden. Parang ayaw ko ng kumawala sa yakap niya. "Tatagan mo ang loob mo, baby. Kaya mo iyan. Makakaraos ka rin. Ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan. Hihintayin ko ang pagbabalik niyo ng magiging anak natin." Ano raw? Nanlaki yata ang tenga ko sa narinig. Biglang nagising ang aking diwa at bumalik na iyong normal na paghinga ko. Magiging anak namin? Dinilat ko ang aking mata at iyon na naman ang hitsura ni Hyden na halatang nag-aalala. Napansin ko ang pamumula ng kaniyang ilong at mata. Teka, umiiyak ba siya? Saka bakit parang pakiramdam ko ay umaandar ang paligid ko? Huh?! Nasa stretcher bed ako?! Anong ginagawa ko rito?! "Okay lang po ba kayo, Misis? Malapit na po tayo sa delivery room." Ani Jazzfer na nakasuot ng Doctor's uniform. "Delivery room?! Bakit anong gagawin natin doon?!" I yelled and tried to move but Hyden stoped me from moving. "Huwag ka ng gumalaw, mahal ko. Baka mas lalong makasama iyan sa baby natin," Hyden said. "Manganganak na po kayo, Misis, kung hindi niyo pa alam..." I heard Justin voice and he also looked like a Doctor. Lumipad ang tingin ko sa ibaba at nakita ko ang parang bundok na hitsura na nasa tiyan ko. Sobrang nataranta ako nang malaman kong mas malaki pa yata sa bola ng Molten ang bilugan kong tiyan. "Reyes! Anong nangyayari?! Namamaligno na ba ako?! Bakit ganito nangyari sa akin? Ano nangyayari sa akin? Bakit ang laki ng tiyan ko? Anong ginawa niyo sa akin?!" I cried out loud because of this weird thing happening to me. "Baby natin ang nasa tiyan mo kaya please, be patient. Magiging ligtas din kayo ng baby natin." And he kissed me. "B..Baby? In my tummy?" Parang patula kong binigkas ang mga salitang iyon. "Yes, our baby. We're having a baby and I'm sure that you will be a great mom, so please don't lose hope. Everything will turn out just fine. Hindi ako aalis sa tabi mo." Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na naintindihan ang lahat ng iyon dahil halo-halong emotions na ang nararamdaman ko. Nagagalit, naiinis, naiiyak, natatakot ako sa mga nagaganap ngayon. Gusto ko ng magising kung bangungot man ito. "Heiley, apo. Gumising ka. Binabangungot ka." I lazily opened my eyes and I saw Lola Anita looking at me. "Lola, anong nangyari?" I asked her. "Binabangungot ka. Kanina ka pa iyak nang iyak eh. Ano ba napaginipan mo?" Inalalayan ako makabangon ni lola. Hinawakan ko ang pisngi ko at basa nga ito. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako dahil sa masamang bangungot. Pinasandal niya ako sa headboard at pinainom ng dala niyang tubig. "Mahabang kwento, Lola. Basta, ang sama po talaga." I replied. "Okay ka na ba? May klase ka pa mamaya. Halika na at mag-aagahan na tayo. Nasa baba na ang parents mo at naghihintay sa'yo." Tumayo si Lola Anita at lumabas na ng kuwarto ko. Hindi ako agad sumunod sa kaniya. Iniisip ko kung may ibang kahulugan ba ang bangungot na iyon. Sana naman ay hindi iyon magkatotoo sa tunay na buhay. Hindi ko pinangarap na maging asawa ang isang halimaw. "Paano ba naman hindi ka babangungutin eh wala na ka ng inisip bago matulog kundi si Hyden at ang halik na iyon. Kung hindi ka ba naman gaga, tinuloy mo pa rin ang plano mo kaya iyan ang napala mo. Sinaniban ng masamang espiritu ang utak mo." I was crazily talking myself. Tinapik-tapik ko muna ang pisngi ko at kinurot. "Ouch!" Mukhang gising na nga talaga ako. Pagkababa ko ay nakita ko sina mama at papa sa living room. "Wow. Gising na pala ang little angel namin." He smiled at me I was going down from the stair. Nakita ko naman si mama na may kargang bata. Kung may kapatid lang ako, paniguradong kasing cute din nito ang magiging kapatid ko. Sana nga gumawa na sila ng baby para may kapatid na ako. "Ma, hawig niyo iyong bata ah." Lumapit ako sa kanila at kinausap ang baby na karga nito. "Hello, baby." Nilapit ko ang daliri ko sa kamay niya at hiwakan niya ito ng sobrang higpit. "Kumain ka na, anak, baka ma-late ka pa sa klase mo," paalala ni papa. "Kumain na po ba kayo?" "Oo, tapos na kami. Sige pumunta ka na dining table." Nalula ako nang makita ko ang mga nakahain sa ibabaw ng mesa. "Wow. Ang sasarap naman nito ah. Bakit ang dami yatang pagkain na nakahain sa mesa? Parang fiesta lang ah. Lola, ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito? Ang dami niyo naman yata niluto? Ano bang meron?" Sumubo na ako ng paborito kong graham cake at nilantakan ko na rin iyong spaghetti at macaroni salad. Parang gusto kong pagsabay-sabayin na kainin ang lahat ng ito. "Ako nagluto ng mga iyan." Muntik na akong mabilaukan nang marinig ko ang boses na iyon. Naka-recorded na yata sa utak ko ang boses na iyon. "Ikaw na naman?!" "Bakit, may problema ba?" Mukhang nanadya yata talaga ang tadhana ah. Kanina lang nasa bangungot ko siya tapos pati ba naman sa ganitong eksena, nandito na naman siya. "Oo. Anong ginagawa mo rito? At bakit ikaw ang nagluto? Saka bakit ganyan ang ayos mo? Para kang kusinero niyan ah. Umuwi ka na nga sa inyo at mag-asikaso sa pagpasok." Lumapit siya sa akin at akmang yayakap sa akin ng umiwas ako. "Hep! Hep! Hep! Anong gagawin mo? Mamanyakin mo na naman ako 'no? Babasagin ko iyang bungo mo kapag lumapit ka sa akin." I warned him but he looked so cool while holding a sansei. "Anong eksena na naman iyan? Ang aga-aga, inaaway mo agad ang asawa mo, Heiley?" Tumingin ako ng masama kay papa. "Anong masamang biro na naman ito?" Nagpipigil lang ako pero gusto ko na talaga basagin bungo ni Hyden. Konting-konti na lang talaga, sasabog na ako.. "Ano ba naman iyan, anak. Pinaghahanda ka lang ng asawa mo ng pagkain tapos ikaw pa may ganang magalit diyan?" Wala na nga siguro ako kakampi sa bahay na iyon dahil mismong si mama ay nagagalit sa akin. "Anong asawa ba iyang pinagsasabi niyo? Ano ito, lokohan? Pati ba naman kayo, Mama, pagti-tripan niyo rin ba ako?" "Huwag kang ganyan kanila Mama at Papa. Tayo na nga ang tinutulungan nila sa pag-aalaga ng babies natin. Magagalit ka pa sa kanila?" Bago ko pa bigyan ng nanlilisik na tingin si Hyden, saka naman ako may narinig na iyak ng sanggol. Nagmumula iyon sa batang karga ni Hyden. "Tingnan mo, pinaiyak mo ang baby natin." At nagsimula na rin umiyak ang batang karga ni Mama. MABABALIW NA AKO. PLEASE WAKE ME UP!!! ********** "Anak." Napadako ang tingin ko sa pintuan. Nakita kong dumungaw mula roon si mama. Halatang nag-aalala siya sa akin pero nanatili ang ngiti sa mga labi niya. "Yes, Ma?" "I have something for you and I'm sure you will love it." "Nag-abala pa kayo, Ma. Pasok po kayo." "Teka, kukunin ko lang sa ibaba iyong sopresa ko sa'yo para gumaling ka na." "Vitamins na naman po? Mapupurga na po ako kakainom niyan eh." Natatawa na lang ako sa pagiging OA ni mama sa kalagayan ko. May lagnat lang ako, nasa 38 degrees lang naman at hindi pa naman malala. Hindi na sumagot si mama at muli niyang sinara ang pinto. Kinuha ko ang cellphone sa tabi ko at nakinig ng music. Kaya lang sa kakapakinig ko ng music ay napapapikit ako dahil sa kaantukan. Papa Jesus, hindi ko na po talaga kaya. Luluwa na ang mata ko sa kaantukan. Patulugin niyo po sana ako ng mahimbing. Please, Papa Jesus. No more nightmares, please. Sobrang antok ako ngayon dahil noong linggo ay alas-tres na ako nakatulog dahil sa pag-iisip sa nangyaring "praktisan" namin ni Hyden. Nasundan pa iyon kinabukasan dahil sa isang bangungot na hindi ko mawari kung bakit ganoon ang takbo ng masamang panaginip ko. Kaya kahit pigilan ko ang sarili ko na huwag pumikit ay hindi ko na magawa dahil nagmamaktol na ang mga mata ko. Sa bandang huli ay napagdesisyunan ko na rin matulog, pero bago ko magawa iyon ay narinig ko na bumukas ang pintuan. "Ma, pakilagay nalang po sa mesa ang surprise na sinasabi niyo. Matutulog na po ako dahil hindi ko na po talaga kaya eh. Advance goodnight, Ma! I love you! Pakipatay na rin po ang ilaw. Thanks!" Hindi na ako nag-abala pang imulat ang mga mata ko dahil kasalukuyan na akong gumagawa ng antok. Niyakap ko ng sobrang higpit ang malambot kong unan na amoy panis na laway. Naglagay ako ng unan sa bandang paanan ko at pinatong ko roon ang mga paa ko. Ginawa ko ang lahat ng iyon habang nakapikit. Excited na talaga akong matulog kaya hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Handa na sana akong matulog nang maramdaman kong mayroon nag-angat ng kumot ko at inayos ito hanggang sa umabot iyon sa leeg ko. "Ma, hindi pa po pala kayo umaalis diyan. Pinagmamasdan niyo pa po ang maganda niyong baby?" I asked. "Oo, ang ganda talaga ng baby ko." Minulat ko ang kanang mata ko at sinilip ang nagsalita. Pinikit ko ulit ito at taimtim na nagdasal sa isip ko. "Papa Jesus, naman eh. Bakit niyo po ba ako pinaparusahan? Good girl naman po ako ah pero bakit kailangan ko na naman po mapunta sa mundo ng bangungot? Sinama niyo na naman po iyong halimaw." Mangiyak-ngiyak kong drama habang patuloy ang pagpikit ng mata ko. "Baby, anong masakit sa'yo? Sabihin mo lang at ipatatawag ko sila Tito at Tita." I heard his worried tone Naramdaman ko ang pag-hawak niya sa kamay ko at inalis ang cold compress na nasa noo ko. "Naku, ang init mo pala talaga. Teka, palitan na natin 'to." Hindi pa rin ako umimik sa lahat ng sinasabi niya. Nagbabakasakali ako na panaginip lang ito at hindi totoong nangyayari. "Grabe, kanina pa ako nag-aalala sa'yo. May lagnat ka pala kaya hindi ka nakapasok." Hindi pa rin ako kumikibo. Dumilat ako at wala naman nagbago sa loob ng kuwarto ko. Lahat ay nasa tamang lugar, maliban lang sa halimaw na nasa harapan ko. "Hindi ba ako binabangungot?" Tanong ko sabay hawak sa braso ni Hyden. Pinisil-pisil ko ang braso niya. Bumangon ako at sunod kong hinawakan ang pisngi niya. Kinurot-kurot ko iyon sa kagustuhan kong malaman kung panaginip lang talaga lahat ng nangyayari sa akin. At bakit ko naman kukurutin ang pisngi ko? Eh di nasaktan ako kung totoo nga lahat ng ito? Kaya mabuti ng si Hyden lang ang masaktan. "Aray, Ley, hindi ka nananaginip. Totoo lahat ng ito 'no." Panay ang awat niya sa ginagawa ko. Kaya lang feel na feel ko talaga ang kurutin siya. Gusto ko makitang nasasaktan siya. Bumangon ako at lumuhod sa kama. Pilit ko siyang inaabot habang nakaupo siya sa pink monoblock sa gilid ng kama ko. "Tama na, Ley, parang sinasadya mo ng saktan ako eh." "Isa kang bangungot sa buhay ko, Hyden!!" Sigaw ko sa kaniya at kinurot siya ng pinong-pino sa pisngi. "Bangungot pala ah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD