10 ❤️

1579 Words
- HEILEY SANTOS - "A..Ano ulit ang sabi mo, Ley?" "Nabingi ka na agad? H'wag ka ngang pa-inosente riyan at naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Minsan mo na akong minanyak at sa kalsada mo pa iyon ginawa tapos ngayon para kang pa-virgin sa reaksyon mo." "Ley, hindi ko naman sinadya iyon eh. Kaya ko lang naman nagawa iyon.... kasi......" "You don't need to explain. Para sa akin ay wala na iyon. Ano, magpa-practice ba tayo o hindi?" Hindi ko alam kung saan ko nahugot 'tong tapang at nasasabi ko iyon sa kaniya na parang wala lang. Kahit ang totoo, masakit pa rin na tanggapin na ang kaaway kong ito ang nagnakaw ng first kiss ko, to think that he's my enemy for nine years, for Shardon's sake! Sobrang apektado ako sa halik na iyon. Tinatak ko sa isip ko na ang halik na iyon galing kay Hyden ay may dalang kamalasan at ang kamalasan ay dapat maibalik sa taong nagpasa nito. Maipapasa ko lang ang malas na iyon kung maibabalik ko iyon sa kaniya sa pamamagitan din ng halik. Sira na ba ang ulo ko para isipin ang bagay na 'to? Siguro nga. "Okay. Sabi mo eh. Well, at least take off your cap para alam ko na babae ang hinahalikan ko at hindi lalaki," Aba't! Talagang gusto rin ng halimaw na 'to. Gusto pang sundan ng round two. "Smack kiss lang ang gagawin natin kaya wag kang mag-ilusyon," paalala ko. "Oo na! Tanggalin mo na lang 'yang sombrero mo." Biglang nanginig ang kamay ko habang inaalis ko ang sombrero sa ulo ko. Tama ba itong ginagawa ko? "Hayan! Mas maganda ka tingnan kapag nakalugay iyang buhok mo." "Hindi ako bola kaya tigilan mo iyang pangbobola mo. Bilisan mo na nang makauwi na ako," pagmamataray ko. Dahan-dahang lumapit si Hyden sa akin na sinabayan ko naman ng pag-atras. "Paano tayo makakapag-umpisa kung sa bawat lakad ko ay umaatras ka?" Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil naiinis lang ako sa mapanuksong tawa niya. Hindi ko kasi mapigilan ang kaba ko kanina kaya napa-atras ako. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang kabog ng dibdib ko. Kailangan kong mag-concentrate. Ako ang may pasimuno ng kalokohan na ito kaya dapat lamang na harapin ko ng may tapang ang pagsubok na ito. Tama, kalma lang Heiley at matatapos din ito. "Okay ka na ba, Heiley? Game na?" Hyden smirked and I don't like that face. Parang relax na relax lang siya samantalang ako sobra-sobrang kaba ang nararamdaman na hindi ko maipaliwanag kung bakit. "Okay," tipid kong sagot. Makisama kayo mga paa ko, please. Unti-unting nilapit ni Hyden ang kaniyang mukha sa akin. Napakunot-noo pa ako dahil nakapikit siya habang lumalapit sa akin. Langhap ko ang preskong amoy niya na mas lalong nagpakabog ng puso ko. Gusto kong himatayin sa maaaring mangyari. Kaya ko ba talaga iyon? "Ley, hindi tayo matatapos kung ang ulo mo naman ang iaatras mo." Nakadilat na ang mata ni Hyden at sobrang seryoso ng mukha niya na nakatitig sa akin. Hindi niya pa rin nilalayo ang mukha niya sa mukha ko. Ang ginawa niya ay hinawakan niya ang ulo ko at unti-unting nilapit sa mukha niya. "Ley, close your eyes." "Ayoko." "I said close your eyes." Halata sa tono ni Hyden na parang nagtitimpi lang na hindi mainis. "Sabi ng ayoko eh." I protested. "Itutuloy ba natin ito o hindi? Please do remember that we're doing this for your sake and for your parents. Kasi kung hindi ka naman nagsinungaling sa kanila ay hindi mangyayari ito." Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa ulo ko.. "Oo na! Oo na! Nakakainis naman 'to. Basta mabilisang smack lang ah." I shouted. "Malamang! Depende na lang kung gusto mo na tagalan natin." "Nagsisimula ka na naman, Reyes ah." "Pumikit ka kasi. May nag-kikiss ba na nakadilat ang mata?" Napa-isip ako sa sinabi niya. "Bakit ba kasi kailangan pang pumikit sa tuwing naghahalikan?" "Sobrang weird kaya kapag nakadilat ang mata mo. Hindi ka makakapag-focus sa ginagawa mo kasi kung saan-saan pa titingin ang mata mo. Saka mahirap iyon kasi ang ilong ko lang naman ang makikita mo, mahirap tumingin sa isang bagay na sobrang lapit 'di ba kaya dapat talaga nakapikit ka lang at para maramdamam mo yung feeling..." "Anong feeling ang sinasabi mo riyan?!" I shouted and that monster guy, he just smiled! Nang-iinis pa talaga. "Ang kulit mo pala, Ley. Sige na, hindi na kita pipilitin kung ayaw mo. Bahala na si Wonderwoman. Halika na, ihahatid na kita sa inyo." Tumalikod na si Hyden at nagsimulang lumakad pero agad ko rin siyang hinabol at hinila paharap sa akin. "Saglit." Nakakahiya na talaga itong iniisip ko. "Bakit, Ley?" "Okay, let's do it again." "Are you sure? You know what, just forget about it. You don't need to do this just to please your parent." "I insist, I want to do it. Ayokong pumalpak. Ayokong pumalpak tayo kaya sige, let's try it again." I motivated myself to push this task because I really need to pass the bad vibes on him. I need to trust myself that I can do it. "Okay." He muttered. "One second lan─" I started to say but he cut it off when his lips landed on mine. I struggled at first but eventually sighed against his mouth. Nawala na ako sa katinuan dahil kusang pumikit ang mata ko at ninamnam sa pangalawang pagkakataon ang labi ni Hyden. ********** -LEY- Hindi pa natatapos ang alarm tone ng cellphone ko ay agad ko na itong pinatay. Patamad kong sinilip ang oras sa aking cellphone. Ala-sais na pala ng umaga. Tatlong oras lamang ang naitulog ko dahil sa pesteng halimaw na iyon. Pinuyat niya ako kaka-isip sa halik na iyon. "Apo, bumaba ka na riyan! Handa na ang agahan." Narinig kong sigaw ni Lola Anita mula sa baba. "Opo! Bababa na!" pasigaw ko rin na sagot. Pinilit kong bumangon kahit hirap na hirap ako dahil sa sobrang antok. Nagulat ako sa aking pagbaba dahil nakita kong nakatayo mula roon si Hyden. "Good morning baby!" "Anong ginagawa mo rito, Hyden?!" I asked in a surprised voice. "Nakakapag-tampo ka naman. Hindi ka ba masayang makita ang boyfriend mo?" "Oo nga anak, kanina pa siya naghihintay sa'yo. Gigisingin na sana kita kanina kaya lang pinigilan ako ng manugang ko. Hayaan ka na lang daw namin na kusang gumising. Eh ang Lola mo, hindi na napigilan na istorbohin ang tulog mo." I watched my mother busy preparing food for our breakfast. "M-Manugang?" "Oo anak. Nakalimutan mo na ba na ngayon nakatakda ang pamamanhikan ng pamilya ni Hyden? Kaya maligo ka na at mag-ayos. Maya-maya lang ay nandito na ang mga balae namin," narinig kong sabat ni Papa. Manugang? Mamamanhikan? Balae? Ano bang nangyayari sa mga taong 'to? Epekto ba ito ng kulang sa tulog? Nabigla ako nang maramdaman ko ang braso ni Hyden sa baywang ko. Niyakap niya ako mula sa likod ko at dama ko ang hininga niya sa batok ko. Nakikiliti ako! "Sige na baby, ligo na para fresh ka na. Kung gusto mo, papaliguan pa kita." I heard his husky and seductively voice. "Huwag na baby. Kaya ko naman mag-isa eh," malanding sabi ko. Agad akong napatakip ng bibig dahil sa sinabi ko. Talaga bang ako ang nagsalita nun? Ba't iyon ang sinabi ko?! Nakapagdasal ako ng wala sa oras dahil sa kababalaghang nangyayari sa paligid ko. Mariin kong pinikit ang aking mata at nagdasal. "Papa Jesus, please help me. Ilayo niyo po ako sa masasamang espiritu. Please Papa Jesus. Please po. Sana pagmulat ng mata ko ay bumalik na sa dati ang normal dito sa bahay." Pinakiramdaman ko muna ang buong paligid. Hindi ko na naman naririnig ang boses ni Hyden. Kahit ang boses nila Mama at Papa pati na sila Lolo at Lola ay wala na rin. Wala akong salitang narinig mula sa kanila sa limang minuto na pagpikit ko kaya naman dahan-dahan kong minulat ang kanang mata ko. "Iha, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso ang lalaking nasa tabi mo ngayon na si Hyden Reyes? Sa hirap at ginhawa? Hanggang kamatayan?" I was so shocked when I saw my Lolo Jaime wearing a Priest uniform. Napanganga ako pagkakita sa hitsura niya at sa mga sinabi niya. "Iha, inuulit ko ang tanong ko. Tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso ang lalaking nasa tabi mo ngayon na si Hyden Reyes? Sa hirap at ginhawa? Hanggang kamatayan?" Kamatayan? Bakit patay na ba ako? Lumingon ako sa lalaking nasa tabi ko at gayon na lamang ang gulat ko nang makita ko siya. Na naman?! Mas lalo pa akong nagulat ng igala ko ang aking tingin sa paligid dahil napakaraming tao sa loob ng─basketball court?! Anong ginagawa namin dito? Ang daming estudyanteng nakatingin sa amin. Nakita ko sina Papa at Mama na umiiyak habang nakatingin sa akin. Si Lola Anita naman ay panay ang punas sa kaniyang pisngi. Sa kabilang pwesto naman ang pamilya ni Hyden. Napahawak ako sa aking sintido nang maramdaman kong kumikirot ito. Hindi ko na makayanan pa ang nangyayari sa akin. Kanina lang ay nasa kwarto ako at pagbaba ko ay nadatnan ko si Hyden sa aming sala tapos ngayon naman, nasa basketball court na kami ng school at ang dami pang tao na akala mo ay nanonood lang ng basketball game. Hindi ko na makayanan ang nakikita ko. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat. Mawawalan na yata ako ng hini.... nga.... Hindi ako makahinga kaya naman napakapit ako sa braso ni Hyden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD