9 ❤️

1659 Words
-HYD- Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa masayang kuwentuhan namin ng mga magulang ni Ley kanina. Nasa kuwarto na ngayon sina Tito Leo at Tita Shiela para magpahinga mula sa biyahe nila. Patuloy pa rin ang kuwelang biro ni Lolo Jaime sa amin habang kami naman ni Lola Anita ay masayang tumatawa sa mga jokes niya. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat nang ako ang mabungaran niya sa pintuan kanina. Hindi nga naman niya inaasahan na ako ang magbibigay sa kaniya ng bulaklak at malaking toblerone. Mas lalong nagulat siya ng ako ang nagpakilalang boyfriend niya at hindi si Jazzfer. Kung wala lang siguro sa paligid ang mga magulang niya at sina lolo at lola, paniguradong mas masahol pa sa nakamamatay na titig ang ibibigay niya sa akin. "Hijo, hindi ka pa ba hinahanap ng magulang mo?" Naputol ang pag-iisip ko sa nakasimangot at galit na galit na mukha ni Ley nang marinig ko ang tanong ni Lolo Jaime. "Hindi pa naman, Lolo, pero uuwi na rin po ako para makapagpahinga na si Ley." "Um, Lo ihahatid ko lang po siya sa kanila." I was stunned when I heard her speak calmly. Wow! Ako, ihahatid ni Heiley? Ow men! "Apo, sa kabila lang ang bahay nila. Ba't ihahatid mo pa?" singit ni Lola Anita. "May pag-uusapan lang din po kasi kami eh." Kinuha niya ang kaniyang itim na sombrero at agad sinuot sa kaniyang ulo. Sinuksok niya sa back closure ng sombrero ang kaniyang mahabang buhok. Napailing na lang ako sa ayos niya. "Sige po, Lolo Jaime, hindi po kami magtatagal. Ihahatid ko rin po siya rito maya-maya. Hindi naman po siguro ganoon katagal ang pag-uusapan namin ng maganda kong girlfriend eh," sabay tawa. Hindi pinatulan ni Ley ang pang-aasar ko sa kaniya pero lagot talaga ako nito mamaya. Nararamdaman kong may fighting scenes na magaganap sa "pag-uusap" namin. Agad niyang hinila ang kamay ko at padabog na sinara ang front door nila, na parang matatanggal sa pagkakabit dahil sa ginawa niya. Saktong nakalabas na kami ng gate nila ng harapin ako ni Ley. "Sumunod ka sa akin. Sa playground tayo mag-uusap." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. "Opo, baby." Galit na lumingon siya at dinuro-duro ako. "H'wag na h'wag mo akong matatawag na baby! Hindi kita tatay para tawagin akong baby!" Lumakad ulit siya at tinikom ko na lang ang bibig ko hanggang sa marating namin ang tahimik na playground. "Anong kalokohan ang pinagdadrama mo kanina sa bahay, Reyes?!" Sabay lingon sa akin at nakapameywang pa. "Is this your way of treating your boyfriend?" "Puwede ba?! Tama na ang kalokohan, Reyes. Nandito na tayo sa labas. Wala rito ang parents ko kaya stop acting as if you're the best actor of this generation! Sagutin mo na lang ang tanong ko!" "Hindi puwede si Jazzfer kaya ako ang pinakiusapan niya na pumalit sa kaniya." Diretsahan kong sagot. Nang marinig niya iyon ay bigla naman nagbago ang expression ng mukha niya na para bang may masamang nangyari kay Jazzfer. "Bakit? May masama bang nangyari sa kaniya kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko? Nasaan siya?" Nahimigan ko ang pag-aalala niya at naiinis ako. "Wala naman masamang nangyari sa kaniya. May biglaang lakad kasi siya at sobrang importante raw niyon." "Naku naman. Gaano ba iyon kaimportante at hindi man lang niya naisipan na tumawag sa akin? Anong gagawin ko? Mananatili ng dalawang linggo ang parents ko rito. Pa'no na 'to?" Mahinang usal ni Ley na halatang kinakausap ang sarili. "Well, I guess I will t*****e myself for a few weeks at magkunyaring boyfriend mo, baby," panunukso ko. Mabilis na lumapit sa akin si Heiley at dinuro-duro na naman ako. "Pakana mo 'to 'no?! Hindi ako naniniwalang wala kang kinalaman dito. Halimaw ka talaga! Peste ka! Gusto mo na naman ako pahirapan kaya kinausap mo si Jazzfer at sinabi mong ikaw ang magpanggap na boyfriend ko! Ikaw ang nagplano nito, tama ako 'di ba? Sumagot ka!" Heiley sounded frustrated. Malakas ang instinct niya para sabihing pinlano ko talaga ito. Wala akong masabi, tama naman ang kutob niya eh. Bago pa man ang takdang araw ng pagpapakilala ni Ley sa kaniyang boyfriend ay tinawagan ko na si Jazzfer para kumpirmahin kung siya nga ba ang hiningian ng tulong nito. Hindi naman ako nabigo dahil kinuwento niya sa akin ang paghingi ng saklolo ni Heiley sa kaniya. Nang malaman ko iyon ay agad akong nakiusap sa kaniya na huwag siyang sumipot. Noong una, nagtaka siya kung bakit sobra ang pagpigil ko sa balak niyang pagtulong kay Ley. Wala sana akong balak sabihin sa kaniya ang personal kong rason pero tinakot niya ako na kapag hindi ako umamin, siya raw ang haharap sa mga magulang ni Ley. Hindi naman ako makakapayag na mangyari iyon kaya pinaliwanag ko rin naman kung bakit at naintindihan naman niya. "Ano na?! Ikaw nga ang may kagagawan ng nangyayari ngayon 'di ba? Umamin ka na. Si Jazzfer dapat ang nandito at hindi ikaw." "Hindi ka rin makulit, Santos. Sabi ng may importanteng lakad si Jazzfer ngayon kaya ako ang pinakiusapan niya na magpanggap bilang boyfriend mo. Saka, ano naman ang palagay mo sa sarili mo? Dyosa ng kagandahan? Tingin-tingin din sa salamin 'pag may time. Only an idiot would date you. Ginawa ko lang 'to dahil sa hiling ni Jazzfer, hindi para sa'yo." Nakita ko ang mapanuring mata ni Ley. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. "Saka isa pa, Ley. Imbes na talakan mo ako ay matuto kang magpasalamat dahil ginalingan ko naman ang pag-arte ko kanina. Nagdala pa ako ng props gaya ng flower at chocolate pero ibabalik mo rin iyon sa akin huh. Props lang iyon. Saka dapat maging nice ka sa akin, iyon ay kung ayaw mong mabuko sa magulang mo." Mukhang na kumbinsi ko naman siya dahil bumaba na ang boiling temperature niya. "Oo nga naman, dapat talaga maging nice ako sa'yo" "'Yan! Tama iyang iniisip mo, Ley. You have to be nice, good, beautiful and sexy girlfriend to me." "Ano?! Beautiful and sexy? Ang manyak mo huh!" "Mukha mo ba akong manyak? Ikaw? Mamanyakin ko? No way, over my macho body. I have a good taste and all of my past girlfriends are pretty and sexy. They are all wearing dresses and they have a good smell, unlike you. You look like a guy and your smell......." Nilapit ko ang ilong ko sa leeg niya nang bigla niya akong sinabunutan. "Grabe ka, Reyes! Ang manyak-manyak mo talaga! Halimaw ka na ngang peste ka, ang manyak mo pa!" She yelled. "Aray ko, Heiley! Masakit. Bitawan mo buhok ko." Binitawan naman niya ang pinakamamahal kong buhok. Akala ko makakalbo na ako sa sobrang higpit ng pagkakasabunot niya. "Amoy lalaki ka kasi, Ley. Gusto ko na ayusin mo ang sarili mo. Magmumukha akong bading sa tabi mo dahil mas lalaki ka pa yata sa akin kung kumilos. Magpakababae ka nga." Inayos ko ang buhok ko habang nakatingin sa kaniya. Tinaas niya ang suot na T-shirt at inamoy ang armhole ng damit. "Hindi naman ah. May problema lang talaga ang ilong mo, Reyes. Malaki na ang damage." "Basta, iyon ang gusto ko. Kumilos at manamit ka gaya ng natural na babae. Gusto ko makita kang naka-dress or any outfit that will show your greatest curve." Nag-kunyaring umubo ako pagkabanggit sa "greatest curve". "Kung mayroon ka nga nun." Ubo ulit tapos sabay bahing pero kunyari lang. "Ang dami mong request, Mr. Reyes!" "Malamang! Ano gusto mo? Sabihin ko kanila Tita Shiela at Tito Leo ang totoo or susundin mo ang gusto ko?" "Ang tuso mo rin palang halimaw ka." "Naman, ganoon talaga ang buhay, baby. And one more thing, when we kiss, you have to promise to let me go kasi baka hindi mo mapigilan ang sarili mo at idikit mo na forever ang labi mo sa labi ko eh." Nabigla ako nang sinugod niya ako at pinag-pupokpok ang ulo ko. Gusto pa sirain ang damit ko dahil panay ang hila niya sa kwelyo ko. "Na...sa...sa..kal ako Hei......Ley!" "Dapat lang iyan sa'yo kasi pinatunayan mo lang sa akin kung gaano ka kahambog sa kamanyakan! Kulang pa 'yan sa'yo. Gusto mo ipalasap ko rin sa'yo ang flying kick ko?!" "Ugh....Hei...Ley. Tama na.... kasama talaga iyon sa buhay ng mag-jowa. May nakita or kakilala ka bang mag-jowa na hindi nagki-kiss? Ang weird naman kapag hindi 'di ba?" Saka niya ako binitawan at pagod na tumingin sa akin. Inayos ko ang damit ko at tumayo ng maayos sa harapan niya. Para siyang wrestler kung kumilos. Bugbog-sarado pala talaga ang aabutin ko sa girlfriend ko ah. Ang lakas ng energy! Matagal siyang tumingin sa mata ko. Syempre hindi ako papatalo kaya nakipagtitigan na rin ako sa kaniya. "Oh sige. Go ahead and kiss me." ********** -LEY- "Oh sige. Go ahead and kiss me," matapang kong hamon kay Hyden. Nakita ko ang pag-awang ng labi niya kasabay ng pamimilog ng mata niya. Bakit parang gulat na gulat pa siya sa sinabi ko? Minsan na niya akong hinalikan ng walang pakundangan, sa kalsada pa iyon huh. Ninakaw niya ang unang halik na para sana'y sa taong mamahalin ko ng panghabang-buhay! Pestecide talaga siya. "Oh, hindi ka na riyan nakapagsalita, Reyes. Na-stroke ka na ba?" I asked. "A..Ano ulit ang sabi mo, Ley?" "Nabingi ka na agad? H'wag ka ngang pa-inosente riyan at naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Minsan mo na akong minanyak at sa kalsada mo pa iyon ginawa tapos ngayon para kang pa-virgin sa reaksyon mo." "Ley, hindi ko naman sinadya iyon eh. Kaya ko lang naman nagawa iyon.... kasi......" "You don't need to explain. Para sa akin ay wala na iyon. Ano, magpa-practice ba tayo o hindi?" Hindi ko alam kung saan ko nahugot 'tong tapang at nasasabi ko iyon sa kaniya na parang wala lang. Kahit ang totoo, masakit pa rin na tanggapin na ang kaaway kong ito ang nagnakaw ng first kiss ko, to think that he's my enemy for nine years, for Shardon's sake!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD