- HYDEN -
I heard her deep sighed. "Darating na ang parents ko bukas from USA and they want to meet my boyfriend."
Her parents? I never saw them. "So? Ano ang balak mong gawin ngayon? Nakipag-break na sa'yo iyong mahangin mong EX-BOYFRIEND." Talagang diniinan ko ang pagkakasabi ng EX-BOYFRIEND para hindi na siya umasa pa kay Red.
"Iyon nga ang pinoproblema ko eh. I don't know what to do. Nakakaloka, I'm such a loser." Tinakpan niya ang mukha niya at tinukod ang magkabilang siko sa hita niya.
"W─Well, I can pretend to be your boyfriend kung gusto mo."
I don't know her reason why she need to have a boyfriend but whatever it is, I'm willing to help her. If this is the only chance I can have her forgiveness, why not? Boyfriend material naman ako kaysa sa Red na iyon noh. I'm more handsome and charming than him.
"T─Tutulungan mo talaga ako?!"
"Hmm yeah. I know it would difficult for us, especially me. You know, I'm a famous guy of HYFERTINSHAUN, campus hearthrob ng Fantastic High." I'm just so proud of myself.
I smiled at Heiley but my smile vanished when I saw anger in her eyes. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa akin. Sa sobrang takot ko dahil alam kong galit siya ay napaatras ako. Napapikit na lang ako nang makita kong umangat ang kanang kamay niya. Hinintay kong dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Hindi na ako nagtangkang umiwas dahil nararapat lang naman sa akin ang masaktan. Kulang pa nga siguro ang sampal para mapawi ko lahat ng sakit na natikman ni Ley mula sa akin. Pero lima or sampung segundo na siguro ang lumipas ay wala naman akong naramdamang sakit sa kaliwang pisngi ko kaya naman dinilat ko ang aking mata. Nakita kong naglalakad na si Heiley palayo mula sa akin kaya naman sinundan ko siya.
"Ley, sandali!"
Agad din naman siyang tumigil kaya napatigil din ako sa likod niya. "H'wag ka ng sumunod pa, Reyes." Narinig kong saad niya ngunit hindi siya humarap sa akin. Nakatalikod lang siya at muling nagsalita. "Hindi ko kailangan ng tulong ng isang halimaw. Kaaway kita at hindi tayo magkaibigan. Hindi ganoon kadali kalimutan lahat ng ginawa mo sa akin. I'll just ask Jazzfer about this matter so don't bother." Then she ran away.
Hihingi raw siya ng tulong kay Jazzfer. Hindi ako papayag.
**********
-LEY-
IT'S Sunday morning, 9:45 AM. Ibig sabihin ay forty five minutes ng late si Jazzfer. Ang inaasahan ko ay nandito na siya ng saktong alas-nuebe ng umaga, hindi man sakto ay lima or sampung minuto lang sana siya late. Pero hindi eh, 45 minutes, as in kwatro singko na ang nakakalipas ng mag-alas nuebe pero wala man lang akong maramdamang Jazzfer. Maski ang mag-text or tumawag para mag-update kung nasaan na siya ay wala rin. Maayos naman ang naging pag-uusap namin noong Biyernes ng gabi sa cellphone.
"Kasi ganito 'yon, Jazzfer. Um, uuwi ang parents ko from States and I told them that I have a boyfriend. They want to meet him kaya lang something bad happened kaya hindi siya makakapunta."
"Eh 'di sabihin mo sa parents mo na sa ibang araw na lang nila i-meet ang boyfriend mo. Ilang days ba ang stay ng parents mo rito?"
"Two weeks. P─pero hindi ganoon kasimple iyon, Jazzfer eh."
Ano ba naman ito? Matagal na kaming hindi nakapag-usap ng matagal ni Jazzfer pero ito at hinihingan ko siya ng pabor. Hindi niya alam na may boyfriend na ako. Oh, sorry, ex-boyfriend nga pala. As I was saying, no one in Fantastic High knows about my personal life, except kay Hyden dahil nasaksihan niya kamakailan lang ang heartbroken ending ng buhay pag-ibig ko.
Hindi naman sa sinekreto ko ang relasyon ko with Red. It's just that I want my personal life be private. Wala akong pinagkukwentuhan sa school. Oo at kaibigan ko si Jazzfer pero hindi na kagaya ng dati na nakukuwento ko lahat sa kaniya. Simula kasi nang mangyari ang pag-uusap nila ni Hyden sa basketball court, nagkaroon na ako ng pagdududa sa pakikipagkaibigan sa akin ni Jazzfer. Naipaliwanag na naman niya ang kaniyang side sa akin pero ako lang talaga itong umiwas sa kaniya dahil ayoko ng masaktan pa. Iyon nga lang at hindi uso kay Jazzfer ang salitang "give-up". Patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap sa akin kahit iniiwasan ko siya. Nagte-text at tumatawag pa rin siya sa akin pero never kong sinagot ang mga iyon. Nakakatawa nga kasi kung hindi pa ako nagkaroon ng ganitong problema, hindi ko pa maiisip na tawagan siya para lang hingan ng tulong.
"Nalalabuan ako sayo, Ley. Linawin mo kaya iyang sinasabi mo." Narinig ko ang mahinang tawa ni Jazzfer mula sa kabilang linya.
"Um, Jazzfer, iyong ipapakilala ko sanang boyfriend bukas ay wala na. I mean, wala na kasi na─naki─nakipag. Um b─break na kasi kami." Hirap na hirap akong sabihin ang salitang break. Hindi ko kasi mapaniwalaan na kukutyain ni Red ang pagkatao ko. Hindi kasi ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya noong una kaming nagkakilala sa bahay ng pinsan ko na si Kuya Alec.
"Ah, you mean hiwalay na kayo? Parang na-aaurahan ko na ang pabor na hinihingi mo, Ley," seryoso ang tono ni Jazzfer.
"Pansamantala lang naman eh. Sige na please, wala na akong maisip na puwede kong hingan ng tulong eh," pagmamakaawa ko.
"Ley, ginagawa mo lang komplikado ang sitwasyon mo. Puwede mo naman sabihin na wala ka ng boyfriend, na break na kayo. Ganoon lang kasimple. Bakit kailangan mo pa magsinungaling sa parents mo?"
"Jazzfer, tuwang-tuwa sila nang malaman nila na may boyfriend na ako. Ewan ko pero parang ayaw kong ma-disappoint sila sa akin. Ayokong malaman nila na... na... na.... iyong lalaking iyon ang nakipag-break sa akin at hindi ako."
Maya-maya pa ay may narinig akong malakas na tawa mula sa kaniya. "Haha, kaya naman pala. So, nasaktan ang pride mo niyan kaya ba gusto mong magpanggap ako na boyfriend mo?" direstang tanong ni Jazzfer.
"Ay hindi, gusto ko lang i-chika iyong masaklap na nangyari sa akin. Gusto ko lang i-share iyon kaya tumawag ako, para may mapag-kwentuhan tayo tapos tatawanan mo ako sa kabiguan ko. Hiyang-hiya naman ako sa'yo!" Nakakainis naman itong si Jazzfer. Kailangan pa talaga ipangalandakan?
"Hahaha! Galit ka na niyan? Oh sige sige, payag na ako. Matagal na pagpapanggap ba iyan?" Nakahinga ako nang maluwang nang marinig ko rin sa wakas ang pagpayag niya.
"Hindi naman siguro. Isang araw na pagpapanggap lang 'to. Pero depende na rin kung hinihingi ng pagkakataon ang presensya mo. Basta habang nandito sila, sana maging boyfriend muna kita. Please, Jazzfer."
"Bakit parang nararamdaman ko na gusto mo ako maging boyfriend in real life?" Ugh. Ang tawa niya, ang lakas maka-bully.
"Ang kapal naman ng libag mo. What I mean is, you will act as my kunyaring boyfriend. 'Kunyari' lang po. Hindi po in real life." Naiinis na ako kay Jazzfer ah. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong niya ay hindi naman ako makikiusap sa kaniya ng ganito eh.
Bigla akong napasulyap sa bintana ko. Nakita ko sa kabilang bintana si Hyden. Hawak ang cellphone niya at mukhang may tinatawagan yata. Pero mukhang hindi siya sinasagot ng tinatawagan niya dahil ilang beses ko rin napansin na maya't-maya ang baba sa cellphone niya para tumingin sa screen.
"Halimaw kang peste ka. Lakas ng loob magbigay ng suggestion. Parang walang ginawang kasalanan ah."
"Huh? Bakit naman ako naging halimaw na peste, Ley?"
Awtomatikong napakapit ako ng mahigpit sa cellphone ko nang marinig ko ang sinabi ni Jazzfer. Lumabas pala sa bibig ko iyon?
"Ah, wala. Kausap ko lang ang sarili ko. Ano, payag ka na ba?" Palusot ko na lang sa kaniya. Gusto ko ng malaman ang sagot niya para may panahon pa ako makapaghanap ng substitute Bf.
"Oo, sige. Baka sabihin mo kinalimutan ko na iyong friendship natin. Text mo na lang sa akin ang address at iyong direksyon kung paano pumunta riyan para madali ko mahanap."
"Wow! Talaga?! Totoo na ba talaga iyan? Walang bawian ah. Sige, maraming salamat, Jazzfer. See you tomorrow. Goodnight!"
Iyon ang kuwento ng pag-uusap namin kaya naman sobra akong umaasa na hindi ako bibiguin ni Jazzfer.
My parents came home last night from States. Nagulat kami nila lolo at lola nang may nag-doorbell bandang alas-diyes ng gabi. Nasa kuwarto na ako noon at gumagawa na ng tulog nang marinig ko ng ilang ulit ang tunog ng door bell. Saktong paglabas ko sa kwarto ay pababa na rin pala sina lolo at lola para alamin kung sino ang istorbo na iyon. Laking gulat namin ng bumungad sa amin ay ang magulang ko na tatlong taon kong hindi nakita. Ngayong umaga ang inaasahan namin na dating nila pero mas napaaga pa sila. Hindi man lang kami nakapag-handa maski banner para i-welcome back sila. Wala pa silang tulog buhat ng umuwi sila, siguro dahil sa jetlag kaya hanggang ngayon na umaga na ay mulat na mulat pa silang dalawa. Sobrang hyper pa nga ang dalawa dahil sobrang excited na sila makilala ang boyfriend ko.
Tumingin ako ulit sa wall clock at 9:50 na. Tinawagan ko si Jazzfer kanina pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ang dami ko na ring sinend na text sa kaniya pero kahit isa ay wala siyang reply.
Naku, Jazzfer! Buburahin kita sa mundo kapag hindi ka pa nagpakita ngayon!
Nanggigigil na ako sa inis. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko gayong wala pa sa oras na ito si Jazzfer. Nakakahiya sa magulang ko na masayang nag-aabang sa pagdating niya. Samantala sina Lolo Jaime at Lola Anita naman ay abala sa paghahanda para sa aming pagsasaluhan.
"So my little angel, where is that boyfriend you have always been talking about? Anong oras siya pupunta rito?" narinig kong tanong ni papa.
"Ahhh..." Tumingin ako muli sa orasan na nakasabit sa dingding namin. Gosh! 9:55 AM na! He's almost one hour late! Gusto ko ng umiyak sa matinding stress ko kay Jazzfer.
Please Papa Jesus, paratingin mo na siya.
May isusunod pa sana ako sa panalangin ko pero naputol iyon nang may marinig kaming tatlong katok mula sa main door. Isa lang ang taong kilala ko na hindi gumagamit ng doorbell. Pero imposible na siya iyon dahil walang rason para manggulo siya ng ganito kaaga. Malamang ay si Jazzfer na iyan.
"Siya na po yata iyan, wait lang po at pagbubuksan ko lang siya ng pinto." Magalang na paalam ko sa kanila at agad akong tumayo para pagbuksan si Jazzfer dahil excited na akong pagalitan siya dahil sa isang oras niyang late sa usapan namin.
"Buti naman at dumating ka na─"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang humarap sa akin si Jazzfer na natatakpan ng isang pumpon ng bulaklak sa kaniyang mukha. Nagulat ako dahil hindi ko naman ineexpect ang ganitong entrance niya. Mukhang bumabawi dahil alam niyang late siya. Nakahanda na ang aking malaking ngiti para sa kaniya ngunit agad din itong nawala nang masaksihan ko ang sunod niyang ginawa.