- Hyden -
"Is there something wrong, honey?" Tumango lang ang lalaki at inaya siyang umupo sa bench na malapit sa kinatatayuan nila. Umupo na rin ako malapit sa puwesto nila.
"Hmmm may gusto ka rin ba sabihin, Heiley?"
"You go first, honey." Heiley replied to him.
Nakita ko ang paghingang-malalim ng lalaki. Halatang hindi siya masaya sa pagkikita nila ni Ley.
"It's us. I don't think it's working out." Nagulat ako sa narinig na rebelasyon ng kausap niya. Akala ko pa naman ay cheesy scene ang makikita ko sa pag-spy ko kay Heiley papunta dito. Mukhang tragic ending pa yata ang masasaksihan ko.
"W-Why?" Garalgal ang boses ni Heiley na tinanong iyon. Hindi ko makita kung ano ang reaksyon ng mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin.
"Well, we're not compatible." Hindi makatingin sa kaniya ang lalaki.
"What do you mean?? We like the same things."
Parang gusto ko ng upukan ang walang hiyang iyon ah!
"We like the same things that guy buddies should like, not like couples. Akala ko mapapalampas ko 'to pero you're not really attractive. Sorry, Heiley, I want to be honest with you."
Nasa kamalayan pa ba ang lalaki na iyon para malaman niya kung ano iyong mga lumalabas sa mabaho niyang bunganga? Si Heiley, hindi raw attractive?! Oo nga at nasabihan ko siya noong mga bata pa kami ng pangit pero hindi totoo iyon. Si Heiley ay may angking kagandahan na hindi napapansin ng karamihan dahil sa ayos niya. Madalas kasi siyang naka-sumbrero, maluluwang na t-shirt, at shorts na abot hanggang tuhod. Natatabunan ng kaniyang pananamit ang dapat sana'y kumikinang niyang ganda.
"What?!!" Gulat ang boses ni Heiley nang bigkasin niya iyon.
"I mean look at you. Sa tingin ko naman ay maganda ka pero tingnan mo ang sarili mo. I don't know how long your hair is dahil lagi mong tinatali ang buhok mo at tinatago mo pa sa sumbrero mo and you dress like a guy. Para ka rin lalaki kung umasta."
Nagpatuloy pa sa pagsasalita ang walang modong yun. Inisa-isa pa niya sabihin ang mga bad qualities ni Heiley. Medyo tumagilid na ng pwesto si Ley kaya nakita ko ang mukha niya. Halatang nagpipigil lang siya sa pag-iyak pero pansin ko na ang pamumula ng mata at ilong niya. Kagat-labi kong tinitigan ang sobrang buwisit na lalaki na iyon at sa isang iglap, may kidlat na biglang sumulpot sa utak ko.
Parang kilala ko siya ah. Siya nga ba iyon? Ang walanghiyang nagkulong sa akin sa cabinet?! Siya nga kaya talaga iyon?!
I felt anger rising inside me as I looked at him. His name is Red. Yes, I do not forget that name who made me like this. He is also tall like me. I'm 183 cm and maybe he also have the same height as mine.
"Naintindihan mo ba ako, Ley?" I heard Red asked her.
Sa nakikita kong kalunos-lunos na sitwasyon ni Heiley ay hindi na ako nakapagpigil pa. Hindi ko hahayaan na dadagdag pa ang isang 'to sa mananakit sa kaniya. Tama na ang isang beses na ginawa niya akong preso sa loob ng cabinet, hindi ko na hahayaan na sapitin din ni Ley ang masamang karanasan ko sa leche na 'to.
"Baby!" malakas na bati ko sa kanilang dalawa. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang gulat na reaksyon ni Heiley. Sinalubong ko siya ng yakap at ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. Niyakap ko siya ng mahigpit nang makalapit ako sa kaniya. "Gosh, I miss you, baby."
"Huh?! Sino ang tinatawag mong bab─" Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at pasimple kong nilapat ang hintuturo ko sa labi niya para pigilan ang ano mang sasabihin niya. Mabuti naman at hindi na siya nangulit pa na magsalita. Hinarap ko ang lalaking nasa likod niya. Malaki man ang pinagbago ng hitsura at katawan niya, hindi naging mahirap para sa akin na tandaan ang mukhang iyon na sumira sa musmos kong kaisipan. Matangkad siya ng ilang pulgada sa akin at maputi. Nakaukit pa rin sa kaniyang mukha ang singkitin na mata. Matapang akong humarap sa kaniya at taas-noong nakipagtitigan sa kaniya. Hindi ko na hahayaan pang maulit muli ang nangyari sa pagitan namin siyam na taon na ang nakakaraan.
"Who the hell are you to hurt my baby?!" I angrily asked.
"W-What? Your baby? I'm Red Vergara and she's my girlfriend." Hinawakan niya si Heiley at hinila papalapit sa kaniya.
Binasa ko ang ekspresyon ng mukha niya kung makikilala niya ako ngunit walang bakas ng pangingilala mula sa kaniya. Kung kinalimutan man niya ang batang pinaglaruan nila, puwes ako ay hindi─hindi ko maaaring makalimutan ang araw na iyon. Lalo na ang pangalan niya at ang mukha niya.
Nagkunyari akong galit sa harap nilang dalawa. Sana lang ay makuha ni Heiley ang ibig kong sabihin. Marahas ko siyang binawi mula kay Red. "H'wag kang ambisyoso. Ako ang boyfriend niya kaya kung puwede lang ay tigilan mo na si Heiley. Ang lakas din naman ng loob mo 'no? Imagination mo ang limit."
Si Heiley naman ang sunod kong binalingan. "Pag-usapan natin 'to sa bahay. Hindi ako magagalit sa ibibigay mong explanation tungkol dito. Let's go." I grabbed her hands and we walked away from Red. "Ayaw mo naman siguro mapahiya sa ex-bf mong walang kwenta 'di ba?" bulong ko sa kaniya. Tumango lang sa akin si Ley. "Then tahimik ka lang diyan. Ipaubaya mo na sa akin 'to."
Hindi pa kami lubusang nakakalayo nang marinig kong nagsalita si Red. "I don't know what the hell you're talking about but I just dumped Heiley so you can have her!"
Hindi ko na siya nilingon pa. Tinaas ko lang sa ere ang kanang kamay ko at tiniklop ang apat kong daliri habang ang gitna ay naiwang nakatayo.
************
"Go ahead and laugh," she whispered.
"Huh?" I heard her clearly but I decided to act like a deaf.
"Alam ko naman na kanina ka pa nagpipigil na tawanan ako eh. This is the perfect time to make fun of me."
Nakaupo siya sa swing samantalang ako ay nakatayo lang sa tabi niya. Pinagmasdan ko lang siya, habang siya naman ay nakatingin lang sa papalubog na araw. It's already 6pm. Mahigit isang oras din akong nasa tabi niya.
"Hay naku, I'm not in the good mood tonight. Siguro sa ibang araw na lang kapag sinipag ako."
Tahimik ko lang siyang sinundan dito sa playground sa loob ng Subdivision namin. Tulala at parang wala siya sa sarili na nilakad mula sa labasan hanggang sa makarating kami rito. Buti na lang at hindi niya ako pinigilan sa pagsunod sa kaniya. Kahit siguro na ipagtabuyan niya ako ay hindi pa rin ako papayag, lalo na sa sitwasyon niya ngayon na parang namatayan. Hindi ko alam kung gaano na sila katagal ng Red na iyon at kung paano niya nakilala ang leche na iyon. Sa dinami-dami ng puwede niyang maging boyfriend, iyon pang tao na may malaking atraso sa akin.
Nagulat ako nang marinig ko siyang umiyak kaya naman napaluhod ako sa harapan niya at sinilip ang mukha niya. Patuloy ang pag-agos ng luha sa mata niya at hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan siya.
"Hindi mo siya kailangan iyakan, Ley. Wala siyang kuwentang lalaki para sa iyo. Pinatunayan niya lang kung gaano siya kagago na pinakawalan ka niya."
"You're not my friend so stop acting like you care. Magkaaway tayo, Reyes, pinapaalala ko lang sa iyo." Kahit brokenhearted siya, nakita ko pa rin sa mata niya ang galit para sa akin.
"I─I don't care. Ayoko lang masayang ang luha mo dahil sa letseng iyon. H'wag mo na aksayahin ang oras mo sa pag-iisip sa gunggong na iyon."
"Tigilan mo ako, Reyes ah. Matagal ng komplikado ang buhay ko at iyon ay dahil sa'yo. H'wag mo ng dagdagan pa, please lang."
"Concern lang ako sa'yo, Santos."
"Peste ka! Kailan ka pa naging concern sa akin? H'wag na h'wag mong tangkain na pagsamantalahan ang kahinaan ko sa oras na 'to. Baka gawin ko sa'yo ang matagal ko ng gustong gawin."
"Ano naman iyon na gagawin mo sa'kin?"
"Papatayin kita." Direct to the point talaga 'to si Heiley. Samahan pa ng nanlilisik niyang mga mata.
"Huwag naman, Ley. Nandito ako para damayan ka, para tulungan ka. You need to thank me dahil kung wala ako kanina roon, malamang ay mas wasak ka ngayon," pagpapaalala ko sa kaniya.
"Bakit ka nga pala nasa park kanina?" Bigla niyang tanong sabay punas ng luha sa mata niya.
"U─Um... may binili lang ako sa labasan," pagsisinungaling ko na lang sa kaniya.
"Huh? Nasaan ang mga pinamili mo?" She's looking for something. Wala naman siyang mahahanap dahil hindi naman talaga ako mamimili.
"Ah. I mean bibili na sana ako nang bigla kitang makita sa park na parang iiyak na, k─kaya nilapitan ko kayo ng kasama mo." Sana makapasa sa kaniya ang alibi ko.
"Hindi ka na sana nangialam." I saw sadness in her eyes. Sobrang apektado talaga siya sa pang-be-break na ginawa sa kaniya ni Red? Ano bang nakita niya roon at sinagot niya iyon? Ang sama-sama naman ng ugali.
Mas masama pa sa'yo Hyden? May narinig akong konsensiya na nagsalita.
Nasapo ko ang aking noo dahil sa naisip Oh Lord, sobrang pinagsisisihan ko na po talaga ang mga ginawa ko kay Ley. Kinakain na po ako ngayon ng konsensiya ko. Please po, patawarin niyo po ako, Panginoon.
I looked at Heiley. She looked so depressed and so down. I don't really get it. Ano bang gayuma ang pinakain ni Red para maging ganito kamiserable ang hitsura ni Ley?
"Eh ano ang gusto mo? Hayaan ng gagong iyon tapakan pagkatao mo? Wow naman, Ley! Hindi ko akalain na may pagka-martir ka pala." Hindi sumagot si Heiley sa sinabi ko. Masyadong okupado ang isip niya sa hindi ko malamang dahilan. "Stop thinking that guy. It's no use. Break na kayo and you must need to move on."
"No, I'm not thinking of him," she automatically replied.
Napataas ang kaliwa't kanan kong kilay sa narinig. "Eh bakit parang gusto mo na naman umiyak diyan kung hindi nga siya ang iniisip mo?"
I heard her deep sighed. "Darating na ang parents ko bukas from USA and they want to meet my boyfriend."
Her parents? I never saw them face to face. Tanging sa litrato ko silang nakita. Sa tuwing uuwi kasi sila ng Pilipinas ay madalas nasa taunang bakasyon kami sa probinsiya ng lolo namin.
"So? Ano ang balak mong gawin ngayon? Nakipag-break na sa'yo iyong mahangin mong EX-BOYFRIEND." Talagang diniinan ko ang pagkakasabi ng EX-BOYFRIEND para hindi na siya umasa pa kay Red.
"Iyon nga ang pinoproblema ko eh. I don't know what to do. Nakakaloka, I'm such a loser." Tinakpan niya ang mukha niya at tinukod ang magkabilang siko sa hita niya.
"W─Well, I can pretend to be your boyfriend kung gusto mo."