28 ❤️

1586 Words
- LEY - "MAGANDANG GABI, MADLANG PEOPLE!!!" Natigil ang pagkukwentuhan namin ni Rojean dahil biglang umingay sa loob ng basketball court. Mukhang magsisimula na ang acquitance party dahil napuno ng hiyawan sa loob. "READY NA BA KAYO MAG-PARTY ALL NIGHT LONG?" at tinapat ng magandang host ang microphone sa audience. "YESSSS!! WE'RE READY!!!" "ROCK EN ROLL NA!!!" "HYFERTINSHAUN!!!!! LUMABAS NA KAYO RIYAN!!!" Ay! Ang ha-hyper lang ng mga bagets? "WE LOVE YOU, HYDEN!!!" Aba't! Sinong mga lukaret ang nagsabi nun nang mabigwasan ko?! "Bhez, smile ka naman. Todo sa kahabaan ang nguso mo eh." Hindi ko namalayan na titig na titig pala sa akin si Rojean. "Bakit? Ano ba hitsura ko?" curious kong tanong. "Maganda ka, bhez, pero kanina ka pa nakasimangot. Sino ba tinitingnan mo?" Ang dami naman tanong nito ni Rojean. Parang si Tito Boy lang kung makatanong eh. Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil biglang lumakas na naman ang sigawan sa loob. "I KNOW YOU'VE ALL BEEN WAITING FOR THIS NIGHT. BUT BEFORE WE START OUR PROGRAM, SYEMPRE LET'S START TO INTRODUCE OUR HOST FOR THIS EVENING. MGA BAGETS, LET'S ALL WELCOME THE HANDSOME BOY, MR. ROBI DOMENCION AND THE PRETTY GIRL, MS. LUCKY MEGAN PADUA!!!" "She's my cousin," Rojean mumbled. "Who? The tall girl? I know her. Friend siya ng friend ko, si Ate Kiray." Na-excite naman ako nang makita ko lumabas from back stage si Ate Lucky. Sobrang ganda talaga niya! Pang-Ms. World lang ang peg at ang pogi rin ng kasama niyang host na si Robi ah. "Kilala ko si Ate Kiray. Bestfriend ni Ate Lucky. We have the common friends pala. Cool!" "SYEMPRE, HINDI AKO PUWEDE MAWALA SA EKSENA. SINO SA INYO ANG NAKIKINIG NG WRR 101.9 DITO? KUNG SINO ANG NAKAKAKILALA KAY DJ DENISE, MATIK NA YAN MGA BAGETS!" At lalong lumakas ang hiyawan. Ang magandang nilalang na iyan ay si Ms. Denise pala? Ang aking paboritong DJ sa FM station! Wow! Sino ang nag-organize ng party na ito at ang bongga ng mga host namin?! Maya-maya pa ay pinakilala na ng mga host ang performer. "LET'S DO THE ROCK EN ROLL WITH P-H-P!!!!" Dumilim na ang paligid at nagsimula na ang tugtog. Lumabas na ang anim na lalaki na mala-KPOP ang datingan. Color white ang kanilang mga suot. Nahuli ng paningin ko ang pamilyar na mukha sa akin, si Idol JP. "Paul." Lumingon ako kay Rojean at sobrang titig na titig siya sa mga sumasayaw sa stage. Halata naman na sa isang lalaki lang ang tinititigan nito. Walang kakurap-kurap. Pagkatapos sumayaw ng PHP ay dumilim na ulit sa stage. Sandaling tumigil ang music at biglang umilaw. Lumabas ang lalaki na korean style ang bihis. "Bhez, may solo performance si Paul!" Niyugyog niya ang katawan ko at sobrang excited nang makita si Jp sa stage na sumasayaw.Nagtatatalon sa sobrang kakiligan nang masilayan ang kanyang mahal. "Get your crayon, Get your crayon... Head shoulder knees toes (swag check swag check) Head shoulder knees toes (swag check swag check)" Nagsimula ng kumanta si Idol JP. Grabe! Napapa-headbang ako sa kanta ni Jp. Sinabayan ko na rin si Rojean sa pagtalon at pagsigaw niya. "BA'T KA SERIOUS?!!" Sabay naming sigaw ni Rojean sa isa't-isa. Tawa kami nang tawa habang sinasabayan si Jp sa pagkanta. "Mahal na mahal kita, John Paul!" Sigaw na naman si Rojean. ********** - HYD - Tapos ng sumayaw ang PHP. Nakasalubong namin sila sa backstage. Mukhang mababait naman sila dahil nakipagkamay pa sa amin. Pagkatapos kumanta ni Idol ay kami na ang susunod nila Austin, Shaun at Jazzfer. Kinakabahan ako kasi sobrang dami ng tao sa loob. Kahit na uminom kaming apat ng Tanduay Ice ay parang hindi rin umepekto. Sina Austin at Shaun ang nakaisip nun bilang pampakalma. Pampawala raw ng kaba. "Adik ka ba?! Paano kapag nahuli tayong umiinom nito?" tanong ko kay Shaun. "Ang OA mo, dude. Papahuli ka ba? Saka sino naman mag-aakala na nainom tayo ng Tanduay Ice eh sinalin na nga namin sa bote ng C2? Saka hindi naman hard drinks 'yan 'no. Tig- dalawang bote lang tayo. Pampawala kaba lang 'to. Dali na at inumin niyo na iyan." Inabot sa akin ni Shaun ang bote at si Austin naman ang nagbigay kay Jazzfer ng malaking bote ng C2 apple. "Ito ba ang dalawang bote lang? Parang tatlo o apat yata itong sinalin niyo rito eh." Ang laki naman kasi ng bote ng C2. Hindi ko na tiningnan kung ilang grams iyon basta malaki pero hindi naman puno. Nakita ko si Jazzfer at nilagok ng deretso ang C2 kuno. "Nainom ka, Jazzfer?" tanong ko sa kaniya. "Hindi pero nagustuhan ko ang lasa." "Ang bagal mo, Hyden. Bilisan mo at ubusin mo na iyan!" sigaw sa akin ni Austin. Wala akong nagawa kung 'di inumin na rin. Pero habang pinapanood ko si John Paul mula sa back stage ay naisip ko na kaya ko rin gawin ang ginagawa niya. Si John Paul ay dati kong kalaro, silang dalawa ni Red ang nagkulong sa akin sa cabinet, ten years ago. Pero naramdaman ko naman na napilitan lang si John Paul na gawin iyon dahil utos ni Red. Nakapag-usap na kami kanina at humingi ulit siya ng sorry sa nagawa niya sa akin. Sapat na sa akin na nag-sorry siya kaya naman pinatawad ko na siya. Isa pa, matagal na iyon at mga bata pa kami noong mangyari iyon. Hindi naman niya sinasadya ang mga nangyari. Natutuwa ako na makita siyang nag-pe-perform ngayon. Nasabi ko nga sa kaniya na sobrang gusto ko lahat ng mga tagalog version niya ng mga kpop songs. Nagpa-picture pa ako kasama siya kanina. Fan boy lang ang dating ko kanina. Dahil okay na kami ay alam kong magiging mabuti na kaming magkaibigan. "Kahit 'di matindi pero yes I'm a pretty boy at tumalon and so fly, you like it boy. 'Wag mag-isip ng masama baka maging 'sang bad boy. I'm a M to the S, gold and diamonds boy." Sinabayan ko lang si John Paul sa pagkanta niya. Hanggang sa matapos ang pagkanta niya ay relax na ako. "Goodluck sa inyo. Papanoorin na lang namin ang performance niyo kaya galingan niyo. Maraming hot chicks ang nag-aabang na sa inyo." Sabat ng isang kasama ni John Paul. "Goodluck, Hyden." Nakipag-kamay sa akin si John Paul na tinanggap ko naman. "Salamat." ********** "Okay, tara let's! Fight fight Hyfertinshaun!" malakas kong sigaw. "FIGHT!!!" then the three agreed. Madilim ang kapaligiran at hindi ko tanaw ang audience pero sobrang lakas ng presensya nila dahil sa tilian at sigawan. "WE LOVE YOU, HYDEN!" Napangiti na lang ako nang marinig ko iyon. Narinig ko rin ang ibang hiyawan para kanila Jazzfer, Austin at Shaun. Sinisigaw rin kaya ni Heiley ang pangalan ko? Sa dami ng babaeng nagtitilian, umaasa akong kabilang si Heiley sa mga iyon. Kahit nga hindi na sila sumigaw para sa akin ay okay lang basta si Heiley ay sapat na. Siya lang ang babaeng inaasam ko na makita. Hindi nagkaroon ng chance na makasabay ko siya kanina pagpunta rito sa school dahil kailangan ko ng mauna sa kaniya. Inayusan pa kasi kami ng mga make-up artist na classmate rin namin ni Heiley. Gusto sana niya tumulong kaya lang hindi ko siya hinayaan na gawin iyon dahil gusto ko siya i-surprise sa looks naming tatlo. 'Di bale, babawi na lang ako mamaya pagkatapos nito. Siguro ito na ang tamang panahon para tibayan ko ang loob ko. Sasabihin ko na talaga ang totoo sa kaniya. Na tanging siya lamang ang minamahal ko at mamahalin magpakailanman. Awts! Ang korny lang mo, dude. I murmured to myself. Alam kong marami na rin akong pagkakataon na pinalampas gaya na lamang noong nakaraang linggo nang mag-date kaming dalawa. ********** Ito ang araw ng alis nila Tito Leo at Tita Shiela patungong USA. Alam kong malulungkot na naman si Heiley dahil kailangan na naman nila umalis para mag-hanap-buhay sa abroad. "Hyden, ikaw na ang bahala sa anak namin ah." Sabay yakap ng mahigpit ni Tita Shiela sa akin. "Wag mo siyang papabayaan. Pinagkakatiwala namin siya sa iyo," saad ni Tito Leo. "Yes, Tito. Kahit hindi niyo sabihin ay gagawin ko po iyon. Hanggang nabubuhay ako ay ibubuwis ko ang aking buhay para maprotektahan lang si Heiley." "Ang korni. Buwis-buhay talaga? Ano gusto mo mangyari, iwan akong nag-iisa sa mundo?!" nakasimangot na sabi ni Heiley. Natulala ako sa sinabi niya. Ano raw iyon? "Kayong mga bata talaga, puro kalokohan. 'Wag kayong mag-alala Leo at Shiela, kami na ni Jaime ang bahala sa dalawang bagets na ito," Lola Anita said. "Oo nga naman. Basta magsikap kayong dalawa roon. Kapag nakatapos na ng kolehiyo itong unica hija niyo, dito na kayo manatili sa Pilipinas para sama-sama na tayo." "Yes, Dad. Gagawin po namin iyan." Nakangiti sila pareho ni Tita Shiela. Tanaw naming dalawa ni Heiley ang papalipad na eroplano. Ngayong wala na ang parents niya, ano na ang susunod? Nang dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na kinakusap na pala ako ni Heiley. "Hyden, asdfghjkl asdfghjkl asdfghjkl asdfghjkl." "Ano ulit iyon? Ano sinabi mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi narinig dahil may kaingayan din ang paglipad ng eroplano kung saan nakasakay sila Tito Leo at Tita Shiela. "Sasabihin ko na lang kung saan at kailan." "Maingay ang eroplano kaya hindi ko narinig ang sinabi mo. Pakiulit na lang," "Ayoko ng ulitin! Bingi ka ba o nagtatanga-tangahan?" Halatang galit na si Heiley dahil todo simangot na ang mukha niya. Ano ba kasi talaga ang sinabi niya?! Important note : Insert Flashback scene from Chapter 28 to Chapter 30.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD