20 ❤️

1662 Words
- HEILEY - Masaya ang araw na ito dahil ito ang unang pagkakataon na kasama ang pamilya ko at pamilya ni Hyden sa isang family bonding. Dati kasi, laging sila lolo at lola lang ang kasama ko sa mga okasyon na kasama ang pamilya Reyes. Sobrang sulit ang araw na ito! Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi nga naman mahalaga kung TAKEN ka or SINGLE ka, ang importanteng mahalaga ay MASAYA ka. Sana laging ganito. Iyon bang, wala ng problema sa buhay. Palaging masaya katulad ni smiley. The purpose of our lives is to be happy and there is only one happiness in this life, to love and be loved. And that's what happening right now. Sobrang dama ko ang pagmamahal ng pamilya ko sa akin kaya naman super love ko rin sila. Hmmm. How about Hyden? Do I love him? Ewan. Oobserbahan ko pa rin ang sarili ko kasi baka nabibigla lang ako sa mga naiisip ko. Ito kasi ang unang pagkakataon na naramdaman ko ito. Iyong kay Red ay parang crush lang iyon na madaling na expired. Iyong kay Hyden naman. Gosh! I can't explain talaga. Nababaliw na nga ako kasi lagi ko siyang naiisip. Kahit magkasama kami ay nasa isip ko pa rin siya. At kapag nasa tabi ko siya, kinikilabutan ako sa sobrang kilig. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkaka-ganoon na akala mo ay isang super famous actor si Hyden para kiligin ako ng sobra. Na kulang na lang ay sumigaw ako at maglupasay dahil sa nararamdamang kilig. Grabe. Nakakalokang pakiramdam. Ano ba ito? Crush? Admiration? Infatuation? or....... L.O.V.E? Ano nga ba ang love? Love is patient. Love is kind. Love it does not envy. Love it doest not boast. Love it is not proud. Love it is not rude. Love it is not self-seeking. Love it is not easily angered. Love keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil. Love rejoices with the truth. Love always protects. Love always trusts. Love always hopes. Love always perseveres. Love never fails. Nabasa ko lang sa libro na hawak ngayon ni Hazel. Nandito ako ngayon sa kotse nila Tito Kobi at Tita Alexa. Si Tito Kobi ang nagmamaneho at katabi niya si Tita Alexa samantalang nasa likod kaming tatlo nila Hazel at Hyden. Katabi ko lang naman ang "boyfriend ko". Napapagitnaan ako ng dalawang magkapatid. Nakakausap ko naman si Hazel dati pa, pero hindi kami gaano magkalapit sa isa't-isa dahil simula ng awayin ako ng kuya niya, hindi na ako masyado lumalabas ng bahay. Sana nga wala ng away or pangbu-bully ang maganap sa pagitan namin ni Hyden dahil kapag nagkataon, hahanap na talaga ako ng expert sa pang-kukulam at ipapakulam ko siya. Ang rason kung bakit nandito ako sa kotse nila ay simple lang. Walang sabi-sabi na hinila ni Hyden ang kamay ko at nagpaalam sa magulang ko na sa kanila raw ako sasabay sa pag-uwi. At ang reaksyon ng mga matatanda? Naku, kulang na lang yata ay sa kuwarto na rin ako ni Hyden patulugin eh. Tsktsk. Ano nga kaya kung sa kanila na rin ako tumira? Pero huwag naman sa kuwarto ni Hyden. Grabe na iyon. "Ley, daan muna tayo sa playground mamaya," mahinang bulong ni Hyden. Nakamasid siya sa labas ng bintana ng kotse. "Maglalaro tayo?" mabilis kong tanong. Ang guwapo naman ni Hyden kahit naka-sideview. Ugh! Naiinis na ako sa mundo! Siya na naman ang nasa isip ko. Kailan kaya mababaliktad ang mundo? Para ako naman ang isipin niya. Ginawa na akong baliw ni Hyden! Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. "Ang pilosopo mo naman. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. May pag-uusapan tayong importante." Lumingon sa akin si Hyden at nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya binaling ko sa kabilang bintana malapit kay Hazel ang paningin ko. Tumingin naman si Hazel sa aming dalawa. "Kuya, kanina pa kayong dalawa weird ah. Para kayong away-bati. May topak ba kayo?" "Bakit? Ano bang meron sa aming dalawa?" "Para kasi kayong mga artista eh. Pabago-bago ng character." Artista? Artista kami ni Hyden? Alam ba niya na umaarte lang kami? "Naku! Hindi totoo iyan ah. Bakit naman kami aarte eh totoo naman talaga na boyfriend ko ang kuya mo eh." Sabay kuha ng kamay ni Hyden at hinawakan ko ito ng mahigpit. Parang tabingi pa ang pagkaka-ngiti ko kay Hazel. Hindi pala ako pasado sa Star Circle Quest nito kung ganoon? Hindi effective ang drama ko kay Hazel. Napaka-husay nitong hurado. Dapat pala kami mag-ingat ni Hyden sa kaniya. Kailangan galingan pa namin ni Hyden ang acting namin. "Okay ka lang ba, Ley?" takang tanong ni Hazel. Halata sa mukha niya ang naguguluhan. Pati ako ay nalilito na rin eh. "O-oo naman! Ba-Bakit mo naman natanong? Halata bang hindi ako okay?" tanong ko sa kaniya. "Huwag mo ng pansinin si Hazel. Inaaning ka lang niyan." Napailing na lang sa amin si Hazel at tumalikod sa aming dalawa. "Bagay talaga kayong dalawa. Para kayong mga krung-krung." Nagpatuloy na sa pagbabasa ng libro si Hazel. "Hayaan mo na siya, baby. Inggit lang iyan sa atin kasi single pa rin siya hanggang ngayon." "Manahimik ka, Kuya. Wala kang kinalaman sa love life ko." Nakatalikod pa rin si Hazel habang nakikipag-usap sa kuya niya. "Totoo naman ah. Wala ka naman talaga love life. Eh wala ngang nangliligaw sa'yo 'di ba?" "Iyan ang akala mo." "Wow! Bakit, Hazel? May boyfriend ka na ba?" Tumingin sa akin si Hyden at kinindatan lang ako. Saka naman lumingon sa amin si Hazel. "Sige, ipapakilala ko siya sa inyo sa Acquitance Party." "Asus! Sa Acquitance Party pa? Bakit hindi na lang bukas para makilatis na?" "Masyado kang apurado, Kuya." "If I know, baka nag-iilusyon ka lang, Hazel." "Hindi ako nag-iilusyon 'no. Paano kapag naiharap ko sa inyo ang boyfriend ko? Ano gagawin ko sa'yo?" Ayos din ang trip ng magkapatid ah. Wagas kung makapag-bangayan. Nainggit ako bigla.Wala kasi akong kapatid. Walang tumatawag sa akin ng ate. Wala rin kuya. Pangarap ko pa naman ang magkaroon ng kapatid kaya sana gumawa na ulit ng baby sina mama at papa para may kalaro ako. Gusto ko kasi iyong may napagsasabihan ako ng nararamdaman ko. Hindi ko naman puwede kuwentuhan sila lolo at lola dahil malaki ang agwat ng generation ko sa kanila. Ayoko naman na mag-share sa parents ko dahil baka masermonan lang ako. Gusto ko iyong kalapit ng edad ko, iyong puwede kong maging human diary. Kaya lang ay imposible na kasi seventeen years old na ako eh. Kung bibigyan ako ni Fairy God Mother ng wish, gusto ko magkaroon ng kapatid na babae. Okay lang din naman kung lalaki, para may tagapagtanggol ako laban sa masasamang espiritu. Pero mas okay talaga kung babae. *********** Nandito na kami ngayon sa playground. Pinagpaalam na ako ni Hyden kanila mama at papa na tatambay muna kami. As usual, na kuryente sa kakiligan sila mama, papa, Lola Anita at mas lalo na si Lolo Jaime na akala mo ay teenager pa. Nakaupo kami pareho sa swing. Kanina pa kami walang imik. Siguro sampung minuto na kami tahimik na nagduduyan dito sa swing. Tumingin ako sa kalawakan. "Full moon tonight." Bigla ko na lang nasabi. "Huh? May sinasabi ka, Ley?" Tumingin ako kay Hyden. "Sabi ko, ang guwapo mo." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Matagal ko ng alam iyan pero salamat dahil naga-gwapuhan ka pala sa akin." "Walastik! Ang yabang mo talaga, Hyden." "Bakit? Hindi ba totoo? Ang pogi kaya ng boyfriend mo." "Sana nag-artista ka na lang kung pogi ka." "Iyon nga ang balak ko eh. Pupunta ako sa ABS-CBN. Baka sakali madiscover ako doon." "Krung krung ka nga talaga." "Ikaw din kaya." Natigilan ako at tumingin ng seryoso kay Hyden. Sabay na lang kami nagtawanan sa kalokohan naming dalawa. Nang mapagod sa kakatawa ay tumingala ako muli sa kalangitan. "Do you ever notice how big the moon is when it's rising?" Natanong ko sa kaniya. "And how little it gets when it's up in the sky?" "Paki-tagalog please." Binalik ko ang tingin sa kaniya at kasalukuyan din siyang nakatingala sa kalangitan. Napangiti na lang ako. Tahimik ko na lang pinagmasdan ang buwan nang bigla siyang nag-salita. "It's actually does'nt matter kung gaano siya kalaki sa actual or kung gaano siya kaliit mula sa puwesto natin. If you hold your hand up and close one of your eyes..." Nakita ko siyang pinikit ang isang mata at tinaas ang kaniyang kamay paturo sa buwan. "...it's never bigger than your thumb." Ginaya ko ang ginawa niya. Tinaas ko rin ang kanang kamay ko at sinukat ang buwan gamit ang aking hinlalaki. Tama nga naman siya. Mas malaki pa ang thumb ko kaysa sa buwan! Natuwa ako sa narinig mula kay Hyden. "Where you learned that?" tanong ko sa kaniya. "Napanood ko sa isang pelikula." "You love movies?" "Very much." "Me too." And then we looked up again at the sky. Seeing those beautiful stars and moon with Hyden is so special. Mahilig talaga ako mag-stargazing pero ngayong kasama ko si Hyden na nakatitig din sa mga iyon ay mas naging espesyal ang gabing ito. "I lay in bed last night looking at the stars, the clear sky and the endless horizon and in that moment of tranquility, I thought to myself, ang suwerte ko. Sa laki ng universe nagkakilala tayo." Tumingin ako kay Hyden ng may pagtataka. "Ang heavy mo, Hyd. Napanood mo rin ba iyan sa pelikula?" Hindi siya tumingin sa akin at hindi niya rin sinagot ang tanong ko. "Do you love me, Heiley?" OH OH! LAGOT! Ito na ba iyong sinasabi niyang importanteng pag-uusapan namin? Naalala ko tuloy iyong pag-uusap namin sa phone kanina. "Hello." Hindi ko namalayan na sinagot na pala ni Hyden ang tawag ko. "Hello Hyden, nasaan ka na?" "Hmmm, palabas na ako ng store. Kayo?" "Nandito na kami sa videoke booth. Alam mo ba ito?" "Yes. Papunta na ako diyan." "Okay, sige wait ka namin dito." "Okay." "I... I L-Love you." I uttered. Call Ended
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD