-LEY-
"Hi, pamangkin!" masayang bati ni papa kay Kuya Andrew, ang nag-iisang pinsan ko sa side ni papa. Kapatid ni papa si Tito Alejandro na tatay ni Kuya Andrew. Hindi pa man kami hustong nakakalapit kay Kuya Andrew pero sabik na sabik siyang mayakap ang pinsan ko. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na gusto ni papa ang magkaroon ng anak na lalaki. Kaya hindi nakakapagtaka ang closeness nila ngayon ni Hyden. Parang siya pa ang tunay na anak kaysa sa akin dahil sa sobrang closeness nila. Kung puwede nga lang eh, mas nanaisin ko pa ang maging lalake para naman magawa ko ang makipagsuntukan sa halimaw na iyon. Peste!
"Hello, Tito Leo! Long time no see ah. Kumusta po kayo?" Niyakap niya si papa ng sobrang higpit. Parang mga bading lang kung magyakapan, tinalo pa ang mga sikat na love team kung makayakap. Pati si mama ay pasimpleng umubo na rin para makaramdam ang dalawa. Sa wakas ay naghiwalay rin sila ni papa.
"Hello, Tita Shiela! Sorry at sobrang na-miss ko lang po si Tito Leo."
"Hindi nga masyadong halata," pabirong sagot ni mama. Nagkatawanan na lang kami dahil sa biro niya. Niyakap din niya si mama. Pagdating sa akin ay medyo nagulat pa siya.
"Heiley?"
"Yes? May problema ba, Kuya Andrew?"
"Oh my! Hindi kita nakilala sa ayos mo ah. Babaeng-babae na ang pinsan ko!"
"Siraulo!"
Nagmano naman siya kanila Lolo Jaime at Lola Anita. "Kaawaan ka ng Diyos, apo," magiliw na saad ni lola.
Nandito kami ngayon sa franchise business ni Kuya Andrew na Jollibee. Ako ang pinaka-unang sinabihan niya sa plano niyang pagpapatayo ng kaniyang business. Sumunod na lang sa akin ay ang mga magulang niya. Ganyan kami ka-close kahit bihira magkita. Sobrang saya ko pa noong nalaman ko na Jollibee pala ang business na gusto niya. Syempre, ibig sabihin lang noon, lagi na akong may rasyon ng ketchup!
"Lola, parang tumigil ka na sa pagtanda ah. Ang blooming niyo po. Ano po ang sikreto niyo?"
"Vitamin Jaime lang ang sikreto ng Lola Anita mo apo." At napuno na naman ng tawanan ang bawat isa sa amin.
Hinatid kami ni Kuya Andrew sa Party Room ng kaniyang three month old business. Bago pa lang pero dinudumog na ng tao. Lalo pa ngayon na weekends kaya sobrang haba ng pila sa counter. May nakahandang mesa at upuan na sa loob ng Party Room. Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw namin ang mga taong labas-masok sa sikat na kainan sa bansa. Hindi sinasadya ay binilang ko ang upuan na nasa loob. Sobra ng apat na upuan. May inaasahan pa kayang bisita sila mama at papa?
"Congratulations to your business! It's a box office hit. Ang daming tao oh. Three months pa lang 'to pero kung pilahan naman talaga ng mga tao, grabe. Maganda pa ang puwesto kaya naman patok na patok," papuri ni papa sa negosyo ni Kuya Andrew.
Mahirap lamang ang angkan sa father side ko. Si Kuya Andrew ay solong anak. Pero dahil sa determinasyon niya na makatapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya ay natupad niya ang pangarap niya na magkaroon ng sarili niyang negosyo.
"Salamat po. Suwertehan lang din talaga ito, Tito."
At suwerte ang mapapangasawa ng Kuya Andrew ko. Dahil bukod sa sobrang guwapo nito, may mga katangian siya na talagang papasa as husband material. Mabait, maalaga, matalino, at masipag. Kaya naman total package na ang pinsan ko sa masuwerteng mapapangasawa niya.
"Hindi na talaga nakakapagtaka kung bakit gumanda ng ganito ang pinsan ko. Kitang-kita naman kasi sa pinagmulan, habang tumatagal, lalong gumaganda si Tita Shiela." Isa lang pala ang ayaw ko kay Kuya Andrew. Ang lakas maka-bully! Parang si Hyden lang.
Teka, dahil nabanggit ng isip ko ang katauhan ni Hyden, nakaramdam ako ng panghihinayang and at the same time guilty. Hindi ko kasi nabanggit sa kaniya ang plano namin na pagbisita sa pinsan ko. Dahil may papel siyang ginagampanan sa buhay ko, at iyon ay bilang kunyaring boyfriend, marapat lamang na i-update ko siya sa mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko. Katulad na lamang ng araw na ito, wala siyang kamalay-malay na nandito ako ngayon sa Jollibee, kasama ang buong pamilya ko. Ito na sana ang pagkakataon na makasama ko siya pero wala eh, umalis ako ng walang paalam sa kaniya.
Mariin akong napapikit sa naiisip ako. Ako pa ba talaga ito? Bakit lagi ko na lang naiisip ang halimaw na iyon?
"Ley, what do you want?"
Nasira lamang ang konsentrasyon ko sa pag-iisip nang maramdaman ko ang kamay ni Kuya Andrew sa braso ko. Tila may hinihintay itong sagot mula sa akin pero dahil hindi ko maintindihan iyon ay napa-"Huh?" na lang ako.
"Kanina ka pa tulala ah. Tinatanong kita kung ano ang gusto mo para mapakuha ko na sa mga crew iyong mga special orders na gusto mo kainin. Alam ko naman na kanina ka pa takam na takam kaya siguro sobra na ang pagkatulala mo."
"Adik ka talaga, Kuya Andoy─,"
"Andrew."
I just rolled my eyes when he keeps telling me about his name. Nababantutan na raw kasi siya sa Andoy kaya ayaw na niyang tawagin sa ganoong palayaw. Hindi na raw kasi iyon nababagay sa katulad niyang negosyante. Hay naku, ang dami niyang arte sa katawan.
"Ewan ko sa'yo. Basta lahat ng menu niyo, ibalandra niyo dito sa mesa at kakainin ko lahat iyon."
Maya-maya pa ay pinakuha na niya sa kaniyang mga crew ang mga orders namin. Nalula lang naman ako sa sobrang dami. Sineryoso ni Kuya Andrew iyong sinabi ko kanina na ibalandra lahat sa akin ang mga menu nila ah. Kaloka! Pero 'di bale, papasalubungan ko na lang sila Hyden.
Napabuntung-hininga ako sa naisip. Ito na naman ako, nami-miss ko na naman si Hyden.
"Tito, kailan po ang balik niyo niyan sa States? Paniguradong mamimiss na naman kayo nitong pinsan ko."
"Next month pa, hijo. Nag-request kami ng another 2 weeks vacation at pumayag naman ang boss namin ni Shiela kaya may tatlong linggo pa kaming ilalagi dito sa Pilipinas," at sabay na tumingin sa akin sina mama at papa.
Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa. Seryoso ba talaga sila sa sinabi nila? "Ano po iyon, Pa? Extended ang bakasyon niyo hanggang katapusan ng buwan?"
"Oo, anak."
Dapat ay maging masaya ako dahil makakasama ko pa nang mas matagal ang mga magulang ko. Pero iyong sitwasyon namin agad ni Hyden ang rumehistro sa utak ko. Ang ibig sabihin lang noon, extended din ang aming "munting palabas". Nag-click kasi sa masang people kaya imbes na magkakaroon na ng ending sa susunod na linggo, naudlot pa dahil sa mataas ang ratings nito. Tinangkilik ng fans ang loveteam namin ni Hyden.
Ugh. Lukaret din talaga ako. Nagagawa ko pang makipagbiruan sa sarili ko nang dahil lang sa magtatagal pa rito sa Pilipinas sina mama at papa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Hyden kapag nalaman niya ito. Syempre, hindi magiging masaya iyon 'no. Kating-kati na siguro makipaglandian iyon sa ibang babae.
"Anak, hindi ka ba masaya na makakasama mo pa kami nang mas matagal?"
Marahas akong tumingin kay mama nang mahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Ano ba ang ginawa ko? "Ma, naman. Syempre masayang-masaya po ako. Bakit niyo naman naisip na hindi ako masaya?"
"Eh kasi naman, Ley, iyang mukha mo, parang kamukha mo na si Momshie Melai sa haba ng nguso mo. Pakiramdam tuloy nila Tita at Tito, ayaw mo na silang makasama," pang-aasar ni Kuya Andrew.
"Hoy, magtigil ka nga riyan, Andoy. Hindi ako nag-iisip ng ganyan huh,"
"Apo, bakit ka ba nagkakaganyan? Kanina ka pa parang wala sa sariling katinuan ah." Naku, isa pang bully sa buhay ko, si Lolo.
Hinawakan ko ang kamay ni mama at masuyo siyang tinitigan, "Ma, 'wag kayong maniwala sa mga iyan. Alam na alam niyo ni Papa ang pagnanais kong makasama kayo. Kung puwede lang talaga, ayoko na kayong umalis. Dito na lang kayo sa Pilipinas magtrabaho. Hindi naman tayo naghihirap dito eh. Nandito naman si Kuya Andoy para magbigay sa atin araw-araw ng rasyon sa pagkain. Hindi tayo magugutom hangga't may Jobee si Kuya Andoy."
Natawa na lang silang lahat sa sinabi ko. Lalo na si Lola Arra, parang hirap na hirap huminga dahil sa katatawa. Hindi ako aware na nagjo-joke na pala ako.
"Susmaryosep, ang takaw talaga nitong apo ko. Talagang naisingit mo pa ang Jollibee sa usapan na 'to huh. Ikaw talagang bata ka."
Buti pa sila, masaya. Samantalang ako, hindi ko magawang maging masaya kahit pa na kasama ko ang pamilya ko. Pakiramdam ko talaga, may kulang sa akin ngayon. Parang may nakalimutan ako sa bahay na dapat ay lagi kong dala-dala. Kaya hindi ako masyadong maka-relate sa pinag-uusapan nila dahil hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Dahil feeling lonely ang mood ko ngayon, binunton ko na lang sa mga pagkain lahat ng atensyon ko. Kain ng spaghetti, lamon ng burger, subo ng fries, lagok ng drinks, at papak ng ketchup. Lalantakan ko na rin sana ang chicken joy nang biglang magdilim ang paningin ko...