Peace at Last

1423 Words

Sa kanilang bahay sa Zambales ika-12:00 ng tanghali Tahimik na ang buong paligid. Wala nang mga pulis, wala nang ingay ng mga baril. Ang tanging maririnig na lamang ay ang mahinang hampas ng alon at huni ng mga ibon. Gising na si Venus, ngunit hindi pa rin siya kumikilos mula sa pagkakahiga sa sofa. Sa kanyang tabi ay nakahiga pa rin si Jaira, mahigpit na nakayakap sa kanya habang mahimbing pa ring natutulog. Tinitigan ni Venus nang maigi ang mukha ng kanyang asawa. Asawa. Napakaganda nito, at sa ngayon ay payapa ang kanyang mga mata walang bakas ng takot, at wala na ring mga luha. Sa wakas, ligtas na tayo. Marahang hinaplos ni Venus ang pisngi ni Jaira. Dahan-dahang iminulat ni Jaira ang kanyang mga mata at agad na ngumiti nang makita ang mukha ng kanyang asawa. “Gising ka na pala?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD