Sa labas ng bahay ika-7:15 ng umaga Magkahawak-kamay pa rin silang dalawa. Nakasuot na si Venus ng simpleng itim na damit, at may nakatagong baril sa likuran. Ngunit sa kabila ng kahandaan, ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin kay Jaira malambing at puno ng pag-aalaga. Si Jaira naman ay nakasuot ng maong at malaking pang-itaas na pag-aari ni Venus. Maluwag ito sa kanyang pangangatawan, ngunit sa pakiramdam niya ay ligtas siya rito dahil taglay nito ang amoy ng lalaking mahal niya. Narinig nila ang malakas na ugong ng mga gulong. Dumating ang tatlong itim na sasakyan. Bumaba si Marco kasama ang siyam pang tauhan lahat ay armado at nakasuot ng itim, handang harapin ang anumang panganib. “Sir,” pagbati ni Marco habang bahagyang yumuyuko. Handa na kami.” Tumango si Venus at sumulyap sa

