Honeymoon in Hiding

1319 Words

Ika-7:00 ng gabi sa kanilang bahay sa Zambales Matatagpuan ang bahay malapit sa dalampasigan pinagsamang puting pader at kahoy, may dalawang palapag, at malalaking bintana kung saan kitang-kita ang ningning ng buwan at ang hampas ng mga alon. Pagpasok pa lamang ay nanlaki ang mga mata ni Jaira sa kanyang nakita. Nagkalat ang mga talulot ng rosas sa sahig, nagniningning ang mga kandila sa ibabaw ng hapag-kainan, nakahanda ang masasarap na pagkain, at may isang keyk na may nakasulat na “Kasal”. “Venus?” tanong ni Jaira na gulat na gulat. “Ikaw ba ang naghanda nito?” Umiling si Venus at ngumiti nang bahagya. “Si Marco ang gumawa. Ang sabi niya, ‘Sir, kahit naantala ang seremonya, nararapat pa rin kayong magkaroon ng masayang simula.’” Napatawa si Jaira, ngunit kasabay nito ay muling tum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD