Zambales. Sa bahay nila. Lunes. 7:00 ng umaga. “Mommy! Daddy! Gising na!” Sabay na bumangon sina Venus at Jaira. Sanay na sila sa ganitong gising. Nasa may pintuan si Luis, nakabihis na ng uniporme at nakasabit na ang bag sa likuran. Nakangiti ito nang abot hanggang tainga. “Why so happy, anak?” tanong ni Jaira habang lumalapit at bumabangon mula sa kama. “Kasi may new friend ako!” masiglang sagot ni Luis. “Si Chloe! Seatmate ko! Sabi niya, cool daw ang birthday ko!” Napatingin ang mag-asawa sa isa’t isa at napangiti. “That’s good, anak,” sabi ni Venus, sinalo at binuhat ang anak. “Be nice to her, okay? Share your toys.” “Opo, Daddy!” tango ni Luis. “Sabi niya, gusto niya pumunta dito. Pwede po ba?” “Of course,” sagot ni Jaira. “Invite her. After school. Play date lang kayo.” “Ye

